Share

Chapter 24

“YOU MADE IT.” Nakangiting salubong kay Laura ni Kate nang dumating siya sa Monteclaro Mansion. Hindi nakatanggi si Laura nang imbitahan siya ni Kate sa birthday celebration ng asawa nitong si Jay-Jay. Ginanap ang selebrasyon sa bahay na kinalakihan ni Jay-Jay ilang blocks lang ang layo sa bahay ni Laura imbes na sa bahay ng mag-asawa sa Corinthian Gardens.

“Ang sabi mo kasi magtatampo ka kaya pinilit kong makapunta. Nasaan si Jay-Jay at ang baby mo?”

“Nasa library si Jay-Jay kausap si Daddy. Pero palabas na rin siguro sila. Si Frankie naman kasama ni Mommy sa kuwarto.”

“Kumain na muna tayo. Hindi pa rin ako kumakain. Hinihintay talaga kitang dumating.” Hinawakan siya ni Kate at hinila patungo sa buffet table.

Pero bago pa sila makarating sa buffet table ay ilang beses muna silang huminto dahil marami ang bumati sa kanya na mga miyembro ng barkadahan nina Kate at Ethan na naging kaibigan na rin niya. Kapag kasi may get together ang barkada
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status