MINUTES LATER, nanatiling magkayakap sa ibabaw ng kama sina Lance at Laura.
Naghahabol ang hiningang isinubsob ni Lance ang ulo leeg ng dalaga matapos ang matagal na paghihinang ng kanilang mga labi.
Naghahabol din ng hiningang h******n ni Laura ang ibabaw ng ulo ni Lance bago ito niyakap nang mahigpit.
Ilang sandaling nanatili sila sa ganoong ayos bago bahagyang lumayo si Lance at tumingin sa mukha ni Laura. “I really like your perfume. You smell fantastic. Anong brand at saan mo nabili? Ibibili pa kita nang marami.”
“Oh, you can’t find it anywhere. Exclusive lang sa akin. My brother Dylan made this for me. He’s a chemist,” tugon ni Laura.
“Good. Mas gusto ko na sa ‘yo ko lang maamoy ang amoy na ‘yan. But I still want to meet him. Magpapagawa pa ako ng marami for you.”
“Sure. We own a perfume business by the way in Germany called Haut Fragrance.”
“Really? Nice businesswoman ka rin pala.”
“Kinda. Isasama kita sa Germany kapag bumisita ako sa family ko. Ipapakilala kita sa kanila.”
“All right. We will arrange the visit.”
Yumuko si Lance at muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Subalit napapitlag sila nang biglang tumunog ang cell phone ni Laura na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Kumilos si Lance at inabot ang cell phone.
“Your best friend Tam,” sabi ni Lance nang mabasa ang pangalan na nag-register sa screen. Iniharap pa nito ang cell phone kay Laura.
Kaagad na napangiti si Laura. Hindi rin pala siya matitiis nang matagal ng kaibigan. “I have to take that call,” sabi niya.
“All right.” Ibinigay ni Lance ang cell phone sa kay Laura. “Shower lang ako. Sumunod ka, ha?” Mabilis na kinintalan siya nito ng halik sa mga labi bago umalis sa pagkakadagan sa kanya at bumaba ng kama.
Tumambad kay Laura ang sexy butt ni Lance. Napasunod siya rito ng tingin. Kung hindi lang patuloy sa pagtunog ang kanyang cell phone, malamang ay hinila na niya ito pabalik sa pagkakadangan sa kanya.
Nag-iwas ng tingin si Laura at sinagot ang tawag. “Hello, Tam,” masiglang bati niya sa kaibigan habang bumabangon.
“Nasa Pilipinas ka na?” tanong ni Tamara.
“Yup. Nasa bahay na ako. What’s up?” Dinampot niya ang itim na T-shirt ni Lance na may nakasulat na Offspings 21 at mabilis na isinuot.
Bumuntong-hininga si Tamara bago sumagot. “I’m sorry sa lahat ng nasabi ko, Lors. I realized naging unfair ako.”
“You should be. But you’re forgiven. Pero hindi ko pa rin susundin ang gusto mong mangyari. Hindi ko lalayuan si Lance.”
“I know. Don’t worry you already have my support. Hindi ko na tututulan si Lance for you.”
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. “Thank you.”
“Pero alam na ba ni Lance ang tungkol kay Joshua?”
Si Laura naman ang napabuntong-hininga. “No. Hindi pa.”
“Bakit hindi mo pa sinasabi?”
“Nakakalimutan ko palagi. And I don’t think it’s important. Wala na kami ni Joshua.”
“It’s important, Laura trust me. Naging kaibigan natin si Joshua bago naging kayo. Alam mong mabuti at responsible siyang tao. What if, may nangyari palang masama sa kanya kaya hindi ka niya kinokontak. At hindi totoo na nagpakasal siya sa iba?”
“Whatever his reason is we’re over. Magsabi ka nga ng totoo, ayaw mo pa rin si Lance para sa akin ‘no?”
Bumuntong-hininga si Tamara. “You knew his reputation. Ayoko lang na masaktan ka sa bandang huli,” pag-amin ni Tamara.
“I have faith in him. Lance is not a cheater.”
“Fine. But before anything else, hindi ba mas maganda kung tatapusin mo na muna ang relasyon n’yo ni Joshua? Nakausap ko si Johannes, ang sabi niya nakabalik na raw ang kaibigan n’ya. Talk him first, Laura. And be honest to Lance. Sabihin mo sa kanya ang totoong status mo. Baka kasi si Joshua pa ang maging problema n’yo.”
Napabuntong-hininga si Laura. May punto ang kaibigan n’ya. “All right, I’ll do it. I’m with Lance. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Kakausapin ko rin kaagad si Joshua pagbalik ko d’yan.”
“All right.”
Sandali pa silang nag-usap ni Tamara tungkol sa nakatakdang Asian concert tour nito bago sila nagpaalam sa isa’t-isa.
Kalalapag lang ni Laura ng cell phone sa bedside table nang lumabas ng banyo si Lance. Bahagya pang tumutulo ang nito buhok, topless at nakapulupot ang malaking yellow towel niya sa baywang nito.
“Bakit hindi ka sumunod?” nakangiting tanong nito.
“Katatapos lang namin mag-usap ni Tam.”
Nakangiting sumampa ito sa kama at tinabihan siya. “Bati na kayo?”
“Yup.”
“Good. I want to meet her someday.”
“All right. Isasama din kita sa London.”
Hinapit siya nito at mariing hinalikan sa mga labi.
Awtomatikong tumugon si Laura pero kaagad pinutol ni Lance ang halik.
“We gonna see each other regularly, okay? Like once or kahit pa twice a month kung kakayanin. I know it’s gonna be hard but we will find time for each other. Magre-retiro na talaga ako sa pagmomodelo at magbubukas ng business dito sa Pilipinas. Ipapakilala na rin kita sa family ko at mga kaibigan. I am sure they will like you as much as I like you. Let’s make it official, Laura. Will you be my girlfriend?” dire-diretsong seryosong sabi nito.
Laura was shocked. Hindi niya malaman ang sasabihin. Mas madali sanang sumagot kung hindi niya nakausap si Tamara.
“Laura?”
“I- I can’t, Lance. Hindi pa tayo pwede.”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Why not? But you like me, right?”
“I do. A lot. So much. Pero kasi Lance… m-may boyfriend ako.”
“What?!” Ito naman ang nagulat. “You must be joking,” umiiling-iling na sabi nito.
“I’m telling the truth. He’s a writer and his name is – ”
“Wala akong pakialam kung sino siya!” bigla ang pagtaas ng boses na putol ng binata sa sinasabi ni Laura.
Nagulat siya nang bigla nitong sapuin ang mukha niya at siilin ng halik sa mga labi. Possessive at mapagparusang halik ang iginawad nito sa kanya. Parehong silang naghahabol ng hininga nang ilayo nito ang mga labi.
“You cheated on him. Hindi mo magagawa ‘yon kung mahal mo siya. You will not allow me to be your first if I’m nothing to you. You gonna break up with him. Ako ang pipilin mo, Laura.”
Hindi nakasagot si Laura dahil muli siyang hinalikan ni Lance. Muli niyang tinugon ang halik nito.
Their second round took longer than the first round. Lance worshiped her body.
“We gonna talk again when we wake up. I won’t let you go, Laura. You’re mine,” narinig niyang sabi ni Lance habang nakakulong siya sa mahigpit na yakap nito bago sila nakatulog.
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su