Home / Romance / Still You / Chapter 9

Share

Chapter 9

Author: Rieann
last update Last Updated: 2022-08-17 23:07:18

NAPABUNTONG-HININGA na lang si Lance nang harangin sila ni Celine ng mga reporters habang papalabas sila ng concert venue matapos ang concert ni Tamara.

In-interview sila ng mga ito at inintriga kung bakit sila ang magkasama at hindi ang nobyo nitong si Ethan.

Hindi nanood ng concert si Ethan at hindi nasamahan si Celine dahil may hosting job ang kaibigan niya nang gabing iyon. Idagdag pa na nagka-issue ang kaibigan niya kay Tamara nang mag-guest ito sa show ni Ethan. Kaya siya ang pinakiusapn ni Ethan na samahan si Celine.

Subalit pareho silang nagulat ni Celine nang malaman sa isang reporter na naroon din sa venue si Ethan at nanood ng concert. Ang kaibigan nilang si Daena ang kasama nito.

Bago pa muling makasagot si Celine ay biglang nalipat ang atensiyon ng mga reporter sa isang sikat na love team nang lumabas na rin ang mga ito. Sinamantala ni Lance ang pagkakataon at hinila na si Celine palayo.

“Aawayin ko talaga ‘yang kaibigan mo,” gigil n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Still You    Chapter 63 (Final Chapter)

    INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m

  • Still You    Chapter 62

    DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi

  • Still You    Chapter 61

    UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl

  • Still You    Chapter 60

    AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed

  • Still You    Chapter 59

    NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa

  • Still You    Chapter 58

    “GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status