CEO, OFFICE
NAKAUPO siya sa swivel chair niya at nire-review ang mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya. Sinisigurado na bago iyon pirmahan ay nabasa na niya ito ng maigi. Pero sandali siyang tumigil sa ginagawa nang marinig ang pagkatok sa pintoan ng opisina niya.Napabuntonghininga siya. Ayaw niya ng bisita o kahit na sino. Ang gusto niya ay tahimik lang. Tahimik na lugar, that's all.Narinig pa niya ulit ang pagkatok sa pinto, ngunit hindi siya sumagot. Hanggang sa marinig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.Si Aaron. Sekretarya niya. Ibig sabihin lang ay ito ang nasa labas ng pinto niya ngayon at kanina pa kumakatok. Iyon ang ginagawa nito kapag hindi siya nagbibigay ng permiso na magpapasok ng tao sa opisina niya—ang tawagan siya nito upang ipaalam na ito ang nasa labas ng pinto."Come in," malalim ang boses na wika niya sa microphone. Konektado iyon sa maliit na speaker na nasa labas ng pinto niya.Bumukas ang pinto at pumasok nga si Aaron. Hinay-hinay ito sa paghakbang, tila ba ayaw makalikha ng ingay ng mga yapak nito. Alam na kasi nito ang ugali niya. "Good morning, Sir," magalang at mahina ang boses na bati nito sa kaniya.He didn't say anything. Nanatili siyang nakatingin sa papeles na hawak. Ni hindi nga niya binigyan ng sulyap ang lalaki. Tumikhim si Aaron at naupo ito sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya. Hinintay niya ang sasabihin nito. Kung ano ang pakay nito sa kaniya. As usual, alam na ni Aaron na kapag hindi siya nagsalita ay binibigyan na niya ito ng pagkakataong magsalita, at dapat direct to the point kung tungkol saan ang concern nito."Sir, regarding po sa opening ng Children's home ay humihingi po sana ng permisyo ang kampo ni Samuel Cruz na kung pahihintulutan niyo po sila na interbyuhin kayo?" walang paligoy-ligoy nitong pahayag. Iyon ang gusto niya. Diretsahan.Napabuntonghininga na naman siya. Isa pa iyon sa ayaw niya sa lahat. Ang media. Maingay, maraming tao. Hindi siya makahinga.Ang Children's home ay isang bahay-ampunan. Para sa mga batang walang tirahan, walang mga magulang at palaboy-laboy sa kalye. He developed this house for poor children. Madalas siyang makakita ng mga batang palaboy-laboy sa kalye, at nadudurog ang puso niya sa tanawin na iyon. Hanggang sa isang araw ay nagpasya siya na magpatayo ng bahay-ampunan. Lahat ng bata sa kalye na willing magpa-ampon ay aampunin niya, at kung may mga tao na balak naman umampon ng bata mula sa pangangalaga ng Children's home ay kailangan munang dumaan sa mahabang proseso upang masiguro na ang mga taong mapupuntahan nila ay mamahalin sila at aalagan ng mabuti. Isa si Paolo sa dahilan kung bakit niya naisipan ang Children's home. He misses his son so damn much. At araw-araw siyang nangungulila sa pagkawala nito. Muli ay nabuhay na naman ang pait at sakit sa puso niya but he keeps on hiding it. "You know my answer, right?" aniya kay Aaron na hindi ito binalingan. Ang boses niya ay walang kasing lamig.Tumango ang sekretarya niya. Pero hindi ito nawawalan ng pag-asa na pumayag siya."Good," tipid na tugon niya, "may sasabihin ka pa ba?" This time ay binalingan na niya si Aaron."Meron pa po, Sir. How about po kung pahintulutan niyo na lang sila na mag-interbyu sa iyo, Sir? Total naman ay matagal na silang nakikiusap sa inyo. Gusto lang po nila makahingi ng statement mula sa inyo kung bakit ninyo pinatayo ang Children's home. Kahit konti lang daw po."Naningkit ang mga mata niya. Pero mukhang hindi natinag ang kaharap niya. Sanay na yata si Aaron sa ugali niya."Inuutusan mo ba ako, Aaron?" tuwid niya itong tiningnan sa mga mata.Napakamot sa batok si Aaron at alanganin itong ngumiti. "Suggestion lang naman po ang akin, Sir. Malay mo kapag napagbigyan mo sila ay hindi na sila mangungulit pa sayo," pahayag pa nito.Napaisip siya. Siguro nga kapag napagbigyan niya ang mga ito ay hindi na ang mga ito bubuntot-buntot pa sa kaniya. Pero ayaw nga niya sa mga media. Ayaw niya ng mga cameras. Kung bakit kasi kailangan pa ng mga ito alamin ang tungkol sa mga naganap sa buhay niya sa loob ng isang taon mahigit. Simula kasi ng dumating siya mula sa Italy ay hindi na siya nawalan ng media sa paligid. Maraming katanungan ang mga ito na sadyang iniiwasan talaga niya. Kaya kapag narito siya sa opisina niya ay wala siyang pinapapasok na ibang tao, maliban kay Aaron. Gusto lang naman niya ng tahimik na buhay, why those people can't understand? Why they can't leave him alone?"Alam mo na ang sagot ko Aaron. I don't like repeating my answer." Muli niyang binalingan ang papeles na hawak kanina. Marami pa siyang gagawin na mahalagang bagay kaysa sa interbyu-interbyu na iyan.Hindi umalis si Aaron. Nanatili itong nakaupo. Malapit na siyang mainis sa lalaki."Ahm… What about, Sir, kung hindi na lang media ang ihaharap sayo?" Nangunot ang noo niya na muli itong tiningnan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I mean is, kukuha sila ng simpleng tao, iyon bang hindi kasapi ng mga reporter na siyang haharap sayo? Iyon po ay suhestiyon ni Samuel. Kung ayaw mo raw po makita ang mga pagmumukha nila ay kukuha nalang sila ng tao na hindi luma sa paningin mo total kilala mo na halos lahat ng kasapi niya."Nangunot pa lalo ang noo niya dahil hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ni Aaron. May pagbabago ba sa sinabi nito? Wala. Sino man ang iharap sa kaniya ay ganoon pa rin naman. May camera pa rin. May interbyu pa rin."What do you mean? You know, Aaron, walang nagbago sa suhestiyon mo. Ganoon pa rin." Binalik na niya ang tingin sa papeles. Naiinis na siya. Marami na itong tanong.Pero mukhang sadyang hindi na tinatablan si Aaron sa malamig niyang pakitungo at patuloy pa rin ito sa pangungulit. "Kukuha sila ng tao na siyang magtatanong sayo ng mga gustong alamin ng kampo ni Samuel Cruz, Sir. Wala nang iba na puwedeng pumasok sa opisina mo o kahit saan mo gusto magpa-interbyu. Ang kailangan lang gawin ng tao na iyon ay dalhin ang papel ng mga katanungan at isang audio recorder. Oh, 'di ba hindi ka na magugulo niyan dahil isang tao lang naman makakaharap mo. Tapos wala pang camera. Hindi mare-record ang kaguwapuhan mo kung nakasimangot ka habang sumasagot." Mahabang litanya ni Aaron.He heaved a sigh. Gusto niyang sakalin si Aaron, pero Aaron has a point too. Mas maigi na iyon kaysa maraming tao ang nasa paligid niya. Baka this time, kapag pinagbigyan na niya ang mga ito ay titigilan na rin siya. Ganoon kasi ang tao, hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto."Then, it's okay. Kung iyan ang makapagpapatigil sa mga makukulit na iyan, then my answer is okay. Pero pagkatapos ng interbyu at hindi pa rin nila ako titigilan, I will fire you. Do you understand?" wika niya kay Aaron na puno ng kaseryusuhan ang tinigNapangiti lalo ang kaharap niya. Alam niyang maging ito man ay naririndi na rin sa mga bumubuntot sa kaniya. Ito kasi palagi ang inuulan ng mga tanong sa labas ng building na ito. At siya? Palagi siyang umiiwas. Pero ngayon, haharapin niya ang mga tanong ng media. At pagkatapos niyon ay wala na siyang pakialam sa mga ito. At dahil sa araw ng huwebes magbubukas ang Children's home ay sa ganoong araw na rin niya gustong magpa-interbyu at sa grupo lamang ni Samuel Cruz, sa tao na ipapadala nito sa kaniya "Thanks, Sir! So, kailan mo po balak magpa-interbyu?" gagad ni Aaron."Thursday. After the opening of Children's home. And in Valle's tower," aniya.Sa tower niya na nasa Makati ang ibig niyang sabihin. Isa itong main office na pagmamay-ari niya."Got it, Sir!" Nang lisanin ni Aaron ang opisina niya ay malalim siyang napabuga ng hangin. Napailing na rin siya nang maisip ang naging desisyon niya kani-kanina lang. But there's no turning back. Haharapin niya ang dapat, at sana lang ay walang katanungan na magpapakulo ng dugo niya. Iniwan niya ang papeles sa lamesa. Tumayo siya at naglakad patungo sa glass wall ng opisina niya. Mula roon ay makikita ang kalawakan ng Makati. Tumayo siya at nakapamulsang tumingin sa malawak na tanawin.Nakita niya rin ang sariling repleksyon sa salamin. Malayo na ang itsura niya ngayon sa dating siya. Sa loob ng halos isang taon ay hinayaan niyang magbago ang sarili. Wala na ang dating siya. Wala na iyon, kasama ng mga taong nakilala niya sa nakaraan. Lahat sila ay binura na niya muna sa kaniyang isipan. At ang tanging naiwan lamang doon ay ang alaala ng kaniyang anak na si Paolo.NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it
ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?
NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan
Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m
Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A