Marahas na napabuga ng hangin si Anna nang makalabas siya sa Valle's Tower. Ang kaninang pagpipigil nito sa sariling emosyon ay tuluyang bumuhos habang napapatingala ito sa langit. Ang kaibigan nitong si Vian ay nagtaka sa inakto ng dalaga nang makita nito na naiiyak na si Anna. Napalabas ng kotse si Vian upang lapitan ang huli.
"Are you okay, Anna–god you're crying! Anong nangyari sayo?" takang-tanong nito sa dalaga sabay sapo nito sa pisngi ni Anna."May ginawa ba sayo si Mr. Sungit? Ginahasa ka ba niya o ano?" Napaawang ang labing napatingin si Anna kay Vian kapagkuway napabaling din sa paligid kung may ibang tao bang naroon at narinig ang sinabi ng bakla."W-Wala ito, Vian… miss ko lang si Brave kaya puwede mo ba akong ihatid na sa Hospital ngayon?" pagsisinungaling ni Anna. Deep inside ay gusto niyang sabihin kay Vian na ang lalaking naka-interview niya'y ama ng kaniyang anak. Pero hindi na bale. Hindi niya dapat ipagsabi sa kahit sino ang tungkol sa ama ni Brave. Mahirap na baka pagpyestahan lalo si Brett ng mga media.Awa naman ang naramdaman ni Vian para sa dalaga. Bilib ito sa pagiging matatag ni Anna. "Oo naman! Ikaw pa ba. Halika na." Hinila ni Vian ang dalaga papasok sa kotse nito at kaagad na inihatid sa Hospital.SAMANTALANG naniningkit naman ang mga mata ni Brett habang nakatitig siya sa pinto na kinalabasan ni Anna. Gusto niya sana itong pigilan kanina nang palabas na ito ng opisina niya para sana makausap pa ngunit tila ba nabikig ang lalamunan niya at hindi niya magawang magsalita.After one year ay muli silang nagkita. Hindi niya inaasahan iyon. Nagulat siya pero hindi niya pinahalata. And seeing Anna once again, she was different now than before. She looks so stunning in her simple attire yet admiring. Napapaisip tuloy siya kung kumusta na ito ngayon? Saan ito umuuwi? May asawa na kaya ito at may anak na? Ano kaya ang trabaho ng asawa nito? Guwapo ba o mayaman?Sa isiping iyon ay lalong naningkit ang mga mata niya. Mukhang hindi niya yata gusto ang ideyang may sarili na itong pamilya ngayon.Hindi siya makakapayag! Never!At the same time ay hindi niya rin maiwasang tanongin ang sarili kung bakit siya umaaktong ganoon.May karapatan ba siya?Damn it!"How's your day, boss? Hindi ba sumakit ang ulo mo sa mga tanong ni Miss beautiful?" anang sekretarya niya na kakapasok lang ng pinto.Masamang tingin ang ipinukol niya kay Aaron. Kung kanina ay hindi niya gusto ang ideyang may pamilya na ang dalaga, ngayon naman ay naiirita siya sa pangalang ginamit ni Aaron kay Anna."Bakit masama ang tingin mo sa'kin, boss?" ani Aaron na agad napansin ang reaksyon ng boss nito."Don't call her like that kung ayaw mong masibak sa trabaho," nagbabanta ang boses na wika niya sa lalaki.Pinatawag niya ito dahil may hindi siya gaanong importante na ipapagawa kay Aaron ngayon pero binuwesit siya nito.Napailing si Aaron sabay naupo sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya. "Why naman, boss? Eh, maganda naman talaga siya," gagad pa ni Aaron. Ngunit nang makita nitong dumilim ang anyo ng boss ay napasuko na lamang ito. "Sige na nga. Mahal ko pa naman ang trabaho ko," natatawa nitong komento."Good," saad naman ni Brett. Napatitig siya sa kinauupuan ni Aaron. Kanina lang si Anna ang nakaupo roon. Wala pa man trenta'y minutos simula nang makaalis ito ay hinahanap-hanap na kaagad niya ang dalaga."Bakit ganiyan ka tumitig sa akin, boss? Huwag mong sasabihin na nagkakagusto ka na sa akin? Well, boss, alam mo na siguro ang chismis sa atin ng mga tao? Na mag-jowa raw tayo—""Shut up," kalmado ngunit mariin niyang utos kay Aaron.Itinaas ng lalaki ang kamay nito sa ere tanda na sumusuko na ito."Nga pala boss, ano pala ang sadya mo at pinatawag mo ako gayong nagkakape ako kanina?" kunot ang noo na tanong ni Aaron kay Brett.Bumuntonghininga si Brett saka tuwid na sumandal sa likod ng upuan niya. Kinuha niya ang ballpen saka nilaro-laro ito habang malalim siyang nag-iisip. Hanggang sa umangat siya ng tingin kay Aaron nang may nabuong pasya sa isipan niya."Find her," ani niya na seryusong nakatitig kay Aaron."Sino po, boss?" saad naman ni Aaron na nakakunot ang noo.Napabuntonghininga si Brett."Anna Mariel Samson."Pumaskil ang ngiti sa gilid ng labi ni Aaron at nahihiwagaan na napatingin sa boss nito. Mukhang bago yata sa pandinig niya ang utos na ito ng amo niya. May nase-sense rin siyang kakaiba. Sabi na nga ba niya na may kakaiba sa amo niya simula nang tumapak sa Tower na ito si Ms. Samson."Si Miss beautiful?" Ngumisi si Aaron. "Oh, bakit, boss? May hindi ka ba na sagot sa mga tanong niya at kailangan mo ng part two interview?" aniya ni Aaron sabay ngiti ng malapad.Masamang tingin ang ibinaling ni Brett kay Aaron. "You are asking too many questions, Lorenzo. Just find the girl at alamin mo ang tungkol sa kaniya. I-report mo agad sa'kin, kuha mo?" masungit na wika niya sa lalaki.Tumango-tumango si Aaron pero deep inside ay nahihiwagaan na ito sa boss. Pakiramdam ni Aaron ay may kakaiba sa amo niya. Hindi naman kasi ganoon ang boss niya. Madalas itong magsungit at ni bihira nga maka-usap ng matino dahil isang tanong, isang sagot lang ito, lalo na kapag nasa trabaho. Sa tagal na niyang nanilbihan bilang sekretarya ni Brett ay ni minsan hindi niya ito nakitang may dinala na babae sa opisina o kahit saan. Bihira rin itong makipag-usap sa mga empleyado ng kompanya. Hindi naman sa pagmamayabang ni Aaron, pero siya lang ang madalas kausapin ng boss niya. Kaya nga sila napagkamalan na may relasyon at higit sa lahat napagkamalan na bakla!Napangiwi si Aaron kaniyang naisip."Ano nga po ulit ang gusto mong gawin ko, boss?" nakangiwi niyang tanong sa amo. Nawala kasi sa isipan niya ang sinabi nito kanina.Kung bakit kasi napagkamalan kaming mag-jowa ni Boss! Bulong ng isipan ni Aaron."You're not listening to me, Lorenzo." Napakamot sa ulo si Aaron at napangiti ng pilit sa sinabi ng boss niya. "I told you, find Anna at alamin mo ang lahat tungkol sa kaniya. Kung saan siya nakatira, kung may asawa't anak na ba siya. Do you get it? O baka kailangan ko pang ulit-uliting ipaalala sayo ang gagawin mo?" Ngunit saglit natigilan si Brett nang napagtanto ang kaniyang mga sinabi.Napa-iwas siya ng tingin kay Aaron nang makitang napangiti ang lalaki at tila ba nasisiyahan ito sa sinabi niya."Bakit ka ganiyan, boss?" nangingiti pang pangungulit ni Aaron kay Brett."Anong bakit?" balik-tanong naman ni Brett.Lalong umiwas ng tingin si Brett sa sekretarya niyang makulit. Hindi niya nagugustuhan ang klase ng pag-ngisi nito. Para itong aso!"Wala na nga. Sige na, hahanapin ko na si Miss beautiful para sayo, boss, ng sa ganoon e, makatulog ka na ng mahimbing," makahulugang wika ni Aaron. Tumayo ito at nagmartsang naglakad palabas ng opisina niya.Samantalang naiwan naman siyang napapahawak sa sentido.Brett couldn't believe what he had said to Aaron. At hindi na niya mababawi pa ang mga sinabi niya.Bakit pa niya kailangang ipahanap si Anna? Para sa ano pa? Siya na rin mismo ang nagsabi na nakalimutan na niya ang nakaraan; kasama na roon ang mga taong nakilala niya noon, maliban sa anak niyang si Paolo. Of course, anak niya si Paolo. That is why he choose Children's home upang manatili sa alaala niya ang anak. Mawala lang ang lahat ng alaala niya sa ibang tao na nakilala niya noon, huwag lang mawala ang alaala ni Paolo sa buhay niya.Pero ngayong muli silang nagkita ni Anna, nanumbalik ang lahat ng alaala nito sa isipan niya. At isa lang ang napatunayan niya ngayon. Hindi lahat ng alaala niya sa nakaraan ay tuluyang nawala na siyang inaakala niya.PANAY ang pabaling-baling ni Brett sa cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng mesa niya. Naghihintay siya sa balita ni Aaron. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na niyang binuksan ang cellphone kung may mensahe na bang pinadala ang lalaki o wala. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit atat na atat siya sa ibabalita ni Aaron. Pilitin man niyang mag-focus sa trabaho ay hindi niya magawa. And he hates that! Dapat ay focus lang siya gaya nang madalas niyang gawin, pero ngayon? Hindi niya na magawa!Muli ay napabuga siya ng hangin. Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Kanina pa nga siya palakad-lakad sa silid na ito.Kung nagsasalita lamang ang mga paa niya malamang kanina pa ang mga ito nagreklamo.Akmang hahakbang na naman sana siya nang marinig niya ang pag-vibrate ng phone niya. Mabilis pa sa pagpatak ng orasan na dinampot niya ito at kaagad na tiningnan. Lorenzo's calling...He hurriedly clicked on the button to accept the call."Lorenzo," aniya."Boss, I found her. Pero... mukhang huli ka na, boss," wika ng lalaki mula sa kabilang linya.Brett's forehead creased. May naramdaman din siyang namuong kaba sa dibdib ngunit mas pinili na hindi na iyon binigyang pansin. Mas abala ang utak niya sa kakahintay sa sasabihin ng lalaki kung ano ang ibig sabihin nito na huli na siya."Ano ang nalaman mo, Lorenzo?" seryuso niyang tanong sa lalaki.Lorenzo heaved a deep sigh. "Dito lang siya sa Makati nakatira, boss. Ang totoo niyan ay sa Hospital ko siya nahanap kanina."Lalong nangunot ang noo ni Brett sa sinabi ng huli.Ano naman ang ginagawa ni Anna sa Hospital?Hindi maintindihan ni Brett ang sarili pero kinabahan siya sa kaalaman na iyon."Hospital? At ano naman ang ginagawa ni Miss Samson sa Hospital?" tanong niya sa kausap."May pasyente siya, boss. Anak niya."Lalong rumagasa ang kaba sa dibdib ni Brett sa narinig. Hindi kaagad siya nakasagot kay Aaron. Paulit-ulit na tumugtog sa isipan niya ang sinabi ng kausap.Anak?"Boss? Nariyan ka pa ba? Babalik na rin ako, eh. Teka wait mo ako, diyan ko na sasabihin ang lahat ng nalaman—""May anak na siya?" putol niya sa sasabihin ni Aaron sa tonong hindi makapaniwala."Yes, boss. Sa katunayan nga ay narito rin ang asawa ni Miss Beautiful sa Hospital. Magkakasama silang tatlo. Kaya ko nga nasabi na huli ka na—"Pinatay ni Brett ang tawag.Hindi na niya kayang marinig ang kung ano pang sasabihin ni Aaron.Nanghihina siyang napaupo sa swivel chair niya at naihilamos ang palad sa mukha."F-Fuck..." mahina niyang mura.Si Anna may asawa at anak na?Good to hear!Pero bakit may kirot?Dapat maging masaya siya sa dalaga na nahanap na nito ang nararapat na lalaking para dito, pero bakit kabaliktaran yata ang nararamdaman niya ngayon?Nang sumidhi ang kirot sa sentido ni Brett ay nasabunutan na lamang niya ang sariling buhok. Kasabay naman niyon ay muling bumalik ang alaala niya sa nakaraan.NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it
ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?
NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan
Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m
Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A