Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2022-05-29 16:02:36

Nag-iimpaki ako ngayon dahil balak kong lumuwas pa Manila sa susunod na araw. Hindi na rin naman ako makakapag kolehiyo dahil hindi na raw ako mapapag-aral pa nina Nanay at Tatay. Alangan namang ipilit ko, ayos na rin dahil natapos ko pa rin naman kahit papaano ang high school.

"Sigurado ka na ba riyan sa plano mo Ivory?" tanong ng aking Nanay.

"Opo Nay, kailangan ko makipag sapalaran sa Manila na 'yan para naman makatulong sa inyo," sagot ko.

May edad na rin si Nanay at Tatay, tanging pagtitinda lamang sa palengke ang ikinabubuhay namin.

May mga taniman si Nanay ng kaunting gulay sa bakuran, si Tatay naman ay sumasama sa mga lumalaot nang pangingisda.

Ako ang panganay sa amin, may dalawa pa akong kapatid na nag-aaral sa elementarya. Dahilan kung bakit hindi ko na rin ipinilit ang gusto kong makapag-aral ng kolehiyo.

Nakatira lamang kami sa maliit na bahay na malapit sa tabing dagat sa bayan ng Lemery sa Batangas. Magulo ang lugar at maraming tao at maraming tambay na mag-iinom.

Sabi ko sa sarili ko gagawin ko ang lahat mai-alis lamang sa lugar na ito ang aking pamilya. Hindi ko masyado pinalalabas ang dalawa kong kapatid na parehong babae rin. Mabuti na ang nag-iingat, napakaraming tambay sa labas. Dikit-dikit kasi ang mga bahay dito sa lugar namin.

"Oh sige ikaw bahala. Basta mag-iingat ka at palagi mo kaming babalitaan kapag nandoon ka na ha?" bilin ni Nanay.

"Nay, sa isang araw pa po alis ko 'di ba? Tinatapos ko pa mga kulang na requirements ko. Sa isang araw na po kayo mag bilin sa akin para hindi ko makalimutan!" pagbibiro ko. Bigla naman akong nilayasan ni Nanay.

"Nay!" tawag ko sa kan'ya.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw nito pabalik.

"Tignan mo 'tong si Nanay, napaka bastos na ina. Kinakausap pa ng anak bagkus lalayas? Aba!" pagkausap ko sa sarili ko.

Itinuloy ko na lamang ang aking pag-iimpake sa aking mga damit sa aking bag. Hindi naman ito kalakihan kaya hindi rin madami ang mailalaman ko rito.

Lumabas ako ng bahay pagkatapos ko ayusin ang mga damit ko.

Hapon na rin pala, pumunta muna ako sa tabing dagat para panoorin ang paglubog ng araw. Umupo ako sa buhanginan at huminga nang malalim bago pumikit. Dinadama ang simoy ng hangin mula sa dagat.

"Aalis ka pala?" sabi nang tumabi sa akin. Sa amoy pa lang nito at boses ay kilala ko na.

"Oo, sa isang araw siguro," sagot ko habang nakapikit.

"Magtatagal ka?" tanong ulit nito.

"Siguro. Maghahanap ako trabaho eh!"

Hindi na ako nakarinig ng sagot kaya napadilat naman ako.

Tinignan ko ang katabi ko na biglang nanahimik. Nakatingin lamang ito sa akin at hindi manlang nagulat sa pagtingin ko sa kan'ya. Tinitigan ko rin siya.

"Babalik ka pa ba?" Mahina niyang tanong, sapat lang upang kaming dalawa lamang ang makarinig.

"Oo naman. Dito bahay ko eh!"

"Pero... Matagal pa 'di ba?"

Nagtataka ko s'yang tinignan. Hindi ko alam kung bakit s'ya nagkakaganito ngayon. Hindi ako sanay na seryoso s'ya kapag kami ang magkausap.

"Oy pre! Bakit ang seryoso mo d'yan! Nag-e-emote ka ba?" tanong ko sa best friend kong si Rustom.

"Wala pre, hindi lang ako sanay na wala ka rito sa baryo natin. Walang maingay," sabi nito sabay tingin niya sa dagat.

"Aba! Sira ulo ka pre ah! Akala ko pa naman ma-mimiss mo ako kaya ka nag-e-emote d'yan nyeta ka!"

"Asa ka naman! Ano ka chicks?!" pang-aasar nito kaya binatukan ko naman agad s'ya.

"Gago ka pala eh! Palagay mo sa akin anak ng manok?! Ulol ka!" sagot ko.

"Tatawa na ba ako Ivory? Joke na ba 'yon?" pang-aasar muli nito.

"Alam mo kaya ka hindi nagkakashota! Sira ang tuktok mo! Ang sama mo ka-bonding!" pang-aasar ko pabalik dito.

"Luh! Personalan na 'yan pre! Sobra ka naman!"

Natawa naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Daig pang batang kinurot sa pagkaka-kunot ng kilay.

"Eh pasmado rin kasi 'yang bibig mo! Sarap mo pamumugin ng alcohol para malinis!"

"T*ngina! Alcohol talaga?! Pwede namang mag-toothbrush na lang ah!"

"Eh hindi ka naman nag to-toothbrush eh! H'wag nga ako ang talk-shitin mo rito pre! Kilalang-kilala na kita! Tamad ka mag toothbrush!" napatakip naman s'ya sa bibig niya na ikinatawa ko.

Binibiro ko lang naman s'ya pero asar na asar talaga s'ya sa akin.

May kaya sa buhay sina Rustom kumpara sa buhay namin. Kapitan ang tatay niya sa aming baryo, dalawa lang silang magkapatid ng ate niya na nasa ibang bansa. Best friend ko s'ya at kababata na rin.

"Pre!! Baka may makarinig sa'yong chicks at maniwala sa pinagsasasabi mo! G*go ka talaga e 'no?!"

Dinuduro pa ako nito habang ang katawan namin ay sa dagat parin nakaharap.

"Oh bakit?! Totoo naman talaga sinasabi ko ah? Tsaka anong chicks?! Wala namang chicks dito sa baryo natin. Chismosa kamo marami!"

Tawa ako nang tawa habang asar na asar naman ang kan'yang mukha.

"Ewan ko sa'yo! Buti na lang aalis kana. Matatahimik na rin sa wakas ang buhay ko. Akala ko habang buhay na magugulo buhay ko dahil sa'yo!"

"Ang sama naman ng ugali mo pre!"

"Wow! Nahiya naman ako sa napaka bait mong ugali Ivory!" sarkastiko nitong usal.

"Bakit hindi mo pa isinama epelyido kong demonyo ka?! Nahiya ka pa!" Binato ko ito ng kaunting buhangin.

"Ang pikon. Hahaha! Kapag s'ya naman ang galing mamimikon!" pang-aasar pa nito lalo sa akin.

"Tigilan mo ko Rustom baka makalimutan kong kaibigan kita at 'di kita matantya! Lunurin kita rito sa dagat ora mismo!" Inirapan ko pa ito.

Tawa naman s'ya nang tawa dahil sa napipikon kong itsura.

"Ang pikon mo pre! Sarap mo kagatin sa pisngi. Umu-umbok na naman ang mala siopao mong pisngi dahil sa pagsimangot mo oh!" Pagturo pa nito sa pisngi ko kaya tinampal ko naman agad ito.

"Tigilan mo nga ako! Tarantadong 'to!"

"Luh! Mag ma-Manila ka niyan?! Napaka rumi ng bibig mo pre! Hindi ka bagay do'n!" tumawa pa ang hayop kong kaibigan.

"Ang hayop mo talaga madalas e 'no?! Ganito lang naman ako kapag sira ulo kaharap ko kagaya mo! Leche ka!"

Lumapit ito sa aking likod at pinisil ang magkabila kong pisngi habang ako ay nakaupo. Nasa likod ko s'ya at nakaluhod habang kurot-kurot ang aking pisngi.

"Ang pikon talaga ng best friend ko. Hindi na. Magbabait na muna ako sa'yo ngayon, tutal paalis ka na rin naman sa makalawa."

"Mabuti naman naisip mo 'yan. At mabuti rin pala na may isip ka pa!" ako naman ngayon ang tumawa.

"Sira ulo!" inakbayan ako nito at ginulo ang buhok ko.

Isa sa pinaka ma-mimiss ko rito sa pag-alis ko ay ang best friend kong ito.

Lagi s'yang nand'yan para sa akin, lagi niya akong sinasalo sa mga problema ko. Na chichismis tuloy kami ng mga kapitbahay naming chismosa na may relasyon daw kami.

Buti pa ang mga chismosa 'no? Alam nila kapag buntis ka, kapag may shota ka, samantalang ikaw na may katawan hindi alam. Nauna pa sila?! T*ngina! Pwedeng CCTV ng barangay ang mga chismosa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stolen Innocence   Epilogue

    "Oh fuck! I'm fucking late!" I hissed to myself as I woke up late. Masasabon ako ni Mommy nito!Nagmadali akong naligo at nagbihis bago nagmamadaling lumabas ng unit ko. Pinaharurot ko naman agad ang aking sasakyan na hindi inaayos ang mga papel na nakapatong sa upuan. Pagkarating ay basta ko na lamang kinuha ang mga papel at lumabas."Aray!" "Shit! Pakalat-kalat kasi!" Sabay naming bulyaw ng nasagi kong babae.Nagkalat tuloy ang papel na hawak-hawak ko! Bakit ba patanga-tanga mga employees dito sa company na 'to?!"Aba! Mister! Ikaw na nga nakasagi ikw pa ang galit?" Mataray na sabi ng babae habang pinupulot ko ang mga papel. Handa na sana akong bulyawan siya sa pagtunghay ko. Salubong na ang kilay ko dahil sa inis pero agad din namang nawala...A beautiful angel infront of me wearing a peach dress caught my soul. I mean.... My attention...What the hell! Tinanggap na ba ako sa langit?Medyo curly at mahabang buhok, may kasingkitan ang mga mata. Matangos at maliit ang ilong, mapula a

  • Stolen Innocence   Chapter 29

    Nagpatuloy lamang na may nangyayari sa'min ni Lucas. Naging palihim niya akong secretary habang nag-aaral ako. Kinausap ko rin naman ang best friend ko tungkol sa bigla kong paglipat. Noong una ay hindi ito pumayag, pero kalaunan ay natanggap din nito ang paliwanag ko. Sana lang daw ay hindi ko pagsisihan pero naka suporta lamang daw s'ya.Tumagal kami ng ilang buwan na walang nakakaalam sa relasyon namin sa side niya. Ipinakilala ko naman s'ya sa pamilya ko thru video call. Pero sa pamilya niya ay hindi ako pumayag na ipaalam. Pumayag naman ito, 'yon nga lang, hindi rin daw niya itatanggi kung may magtanong. Tss."Pauwi ka na?" Tanong sa'kin ni Travis habang kumakain kami nina Ces at Lani ng fishball."Oo e, anniversary kasi namin ngayon. Kailangan ko mauna sa kanya umuwi." Sagot ko. Oo, tumagal kami ng one year nang patago sa pamilya niya. Pero alam ng mga malalapit sa'kin ang tungkol sa'min."Taray ng bakla! Ganda ka?!" Pagbibiro ni Ces."Ganda 'yan bakla! H'wag mo okrayin, yummy n

  • Stolen Innocence   Chapter 28

    WARNING!!! R18This chapter is not suitable for young readers. _____________Kanina pa ako rito sa banyo, tapos naman na ako maligo pero hindi pa rin ako lumalabas. Ewan, pero kinakabahan ako."Babe! Matagal ka pa?" tanong ni Lucas habang kumakatok. "Don't wear anything babe, tatanggalin ko rin naman." Sabi pa nito, napatingin naman ako sa pinto ng banyo na parang kaharap ko lang s'ya."Bastos!" Sigaw ko at rinig ko naman ang halakhak niya.Maya-maya pa ay mabagal kong binuksan ang pinto at dahan-dahang idinungaw ang ulo sa pinto. Pero ikinagulat ko ang biglang paghila nito sa braso ko."Lucas!" Tili ko dahil sa gulat, isinandal ako nito sa pader na katabi ng pinto. Mahigpit naman akong napahawak sa bathrobe ko habang napapalunok sa kaba."What took you so long babe?" mahinang tanong nito sabay baba nang tingin sa labi ko."W-Wala... M-Matagal lang talaga ako maligo," kinakabahan kong sagot.Tumaas ang gilid ng labi nito dahil sa nauutal kong boses. "Why are you nervous?" "H-Hindi

  • Stolen Innocence   Chapter 27

    Hindi na nga ako pinauwi pa ni Lucas, siguradong mahaba-habang paliwanag ang gagawin ko kay Rustom nito.Nandito kami sa isang grocery store na katabi lamang ng condo. Mamimili raw kami ng kulang sa pagluluto, hindi ko alam kung ano pa yung kulang. E puno naman ang ref, ano pa kaya kulang sa kanya?"Ano pa ba ang kulang na kailangan bilhin?" Tanong ko sa kanya habang tinutulak namin ang cart."Ingredients, hindi pa kumpleto ingredients sa pagluluto. Hindi ko na alam kasi ang iba," sagot nito sabay ngiti pa sa'kin. Nakatingala naman ako sa kanya dahil mas matangkad ito. "Ah. Okay... Teka, anong oras ka uuwi?" "Saan?" Tanong nito habang nakatingin sa mga nakapatas na bote ng toyo."Syempre sa bahay n'yo, o kung saan ka man nakatira.""Sabay na tayo umuwi, 'di ba?" Sagot nito."Ha?""Tss. Hindi ako uuwi, do'n ako tutulog sa condo mo."Natigilan naman ako sa kanyang naging sagot."B-Bakit?""Anong bakit? Bawal ba?" "H-Hindi naman... K-Kaya lang...""Tss. Huwag kang matakot, dipende pa

  • Stolen Innocence   Chapter 26

    "S-Saan mo ko dadalhin? S-Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil pagkapasok pa lang namin sa sasakyan n'ya kanina ay pinaharurot n'ya ito paalis."Somewhere that we can talk in private," seryosong sabi nito habang tutok sa pagmamaneho na akala mo may hahabol sa'min."Private? Hindi pa ba private rito sa loob ng sasakyan mo?""More private, My Belle..."More private? May gano'n pala? Saan naman kaya 'yon?"Are you always with him?" "Ha? Sino?""That guy who's with you a while ago... Are you two always alone together?""Hindi... Kasama namin mga kaibigan namin na sina Lani at Francis.""Who's Francis?" nakakunot noong tanong nito. Humigpit bigla ang hawak nito sa manibela."Tss. Yung diyosa kong kaibigan... Bet mo ba?" nakangiting tanong ko."What the fuck?! Are you kidding me?""Luh! Nagtatanong ako nang maayos...""No, because I only like you.. No one can change that..."Naalala ko bigla ang naging usapan namin ng mommy niya. Mukhang wala s'yang alam sa bagay na 'yon dahil sa inaasta n'

  • Stolen Innocence   Chapter 25

    "Hoy! Pre! Saan ka ba galing?!" bungad sa'kin ng best friend ko. Madali itong lumapit sa'kin pagkapasok ko sa loob ng kanyang apartment. "Pucha ka pre! Para kang basang sisiw ah!" kinuha nito ang towel sa ulo ko at s'ya ang nagtuyo ng aking buhok."Okay lang ako pre, liligo naman ako... Hayaan mo na 'yan," saway ko rito at hinahawi ko pa ang kanyang kamay. Nakatanggap naman ako nang tampal sa aking kamay mula sa kanya."Natural na maliligo ka! Sira ulo ka ba?! Kung kelan gabi tsaka mo naisipan maligo ng ulan!" panenermon pa nito. "Saan ka ba talaga galing? Ha?!" tumigil ito sa ginagawa at hinarap ako habang nakapamaywang."M-May... Dinaanan lang," "Hinayaan mo lang mabasa ka ng ulan?!" naiinis nitong tanong."Hunghang!" bulyaw ko, "hindi ba pwedeng naabutan ako ng ulan? Gago ka rin e 'no?!" nilampasan ko ito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ito sa'kin."Sabi ko nga..." sagot nito, "maligo ka na, titimplahan na kita ng kape..." "Okay..." tinalikuran ko na it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status