Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2022-05-29 16:02:42

Dumating na ang araw nang pag-alis ko. Nandito kami ngayon sa terminal ng bus pa Manila.

Hindi maipinta ang mukha ni Nanay habang nagpapaalam kami sa isa't-isa.

"Nay... Manila lang po 'yon, hindi abroad. Gusot na gusot 'yang mukha mo."

"Eh kasi naman, pwede naman na rito ka na lamang maghanap ng trabaho, bakit sa malayo pa?" malungkot nitong tanong.

"Nay... Walang mangyayari sa buhay natin kung hindi po ako susugal. Matanda na po ako. Kaya h'wag n'yo po ako masyado isipin."

"Mag didisiotso ka pa lang sa isang buwan anak. Paanong hindi ako mag-aalala?"

Bumuntong hininga ako at lumapit kay Nanay. Hinawakan ko ito sa dalawa niyang kamay.

"Kaya ko na po Nay, at kakayanin pa. Kina Tiya Merly naman po ako manunuluyan hindi ba? Sabi n'yo naman mabait 'yon."

"Oo nga." Nagbuntong hininga rin ito bago nagsalita muli. "O s'ya sige. Basta mag-iingat ka ha? Iba ang Manila anak. Ang cellphone mo lagi mong ilagay sa bulsa mo."

"Nay naman. Sino pa mag-iinteres nito sa Maynila? Eh sinaunang cellphone na itong may keypad. Puro touch screen na po ang gamit ngayon Nay. Baka ibato lamang pabalik sa'kin ng magnanakaw itong cellphone ko." Natatawa kong paliwanag kay Nanay.

Natigil kami sa paguusap at napalingon sa kaibigan ko na humahangos na sa pagtakbo palapit sa gawi namin.

"Ivory..." Hinihingal niyang tawag sa pangalan ko habang nakahawak sa mga tuhod niya.

"Bakit ka ga natakbo ha Rustom?" tanong ko.

Huminga ito nang malalim at tumayo nang maayos sa harapan namin ni Nanay.

"Hi Tita!" nakangiti nitong bati kay Nanay. Bago bumaling ulit sa'kin matapos s'ya ngitian pabalik ni Nanay.

"Ivory... Hindi mo manlang ako isinama na ihatid ka rito. Kainaman ka talagang babaita ka! Lalayas ka ng hindi nagpapaalam sa'kin?! Ha?!"

Nagtataka ko s'yang tinignan dahil sa pag-iinarte nito. Binatukan ko rin naman agad ang lalaki.

"Lintik ka! E dalawang araw bago ako umalis nagsimula na akong magpaalam sa'yo. Ano ga inaarte mo?!"

Tumawa naman ang sira ulo kong kaibigan, pati Nanay ko ay nadala sa tawa niya.

"Alam mo Ivory, hindi ka talaga bagay sa Manila. Batangueñong batangueño 'yang salita mo. Paltan mo ang 'Ga' ng 'Ba' ha kapag nandoon ka na," habilin nito.

"Hindi mo na kailangan ipaalala. Kaya kong makipag-usap ng walang halong Batangueño accent. Sige na. Baka ako'y maiwan ng bus. Sasakalin kita!"

"S'ya sige! Ingat ka.." biglang sumeryoso ang pananalita nito.

"Okay. Salamat pre. Mabait ka na sana pagbalik ko," natatawa kong saad. Humarap naman ako kay Nanay.

"Oh Nay. Alis na po ako. Pasabi na lang din po sa Tatay pagbalik niya galing laot. Babalitaan ko po agad kayo kapag nakarating na ako kina Tiya Merly," niyakap ko si Nanay nang mahigpit.

"Mag-iingat ka anak ha. H'wag na lalabas ng gabi. Delikado do'n. Maraming loko do'n." Pagbibilin niya habang yakap-yakap ako.

Nakatingin lamang sa'kin ang kaibigan ko habang nakayakap ako kay Nanay. Walang mababakas na emosyon dito. Kumalas na ako nang yakap kay Nanay.

"Pre, sabay mo na si Nanay pauwi ha? Ikaw na bahala."

"Oo, ingat ka ha. Magte-text ka lagi." May lungkot na sabi nito. Ngumiti lamang ako at kumaway na sa kanila bago ako pumasok na sa bus.

Alam kong mahihirapan ako sa kung ano man ang bagong mundo na tatahakin ko. Mahihirapan makisama sa mga bagong tao na makakasalamuha ko. Pero lahat 'yon ay kakayanin ko para sa pamilya ko. Kung ito lamang ang paraan upang mai-ahon ko sila sa hirap ng buhay na mayroon kami, ay gagawin ko.

Tumawag na sa'kin si Tiya Merly habang nasa byahe ako. Sinabi ang mga dapat kong sakyan at ang bahay nila. Si Tiya Merly ay nakapag-asawa ng matandang mayaman kaya napadpad sa Manila. Pero hindi sila pinagpala na magkaanak bago pa mamatay ito. Kaya ngayon ay mag-isa na lamang ito sa bahay nila.

Pagkarating ko sa labas ng subdivision nina Tiya Merly ay nag text na ako sa kan'ya. Kaya naman tumawag ito para kausapin ang guard para papasukin ako.

Limang bahay pa ang dinaanan ko bago nakarating sa bahay ni Tiya Merly. Pagod na pagod ang pakiramdam ko dahil din sa tagal ng b'yahe ko.

Ang laki ng mga bahay sa subdivision na ito. Mukhang lahat talaga ay mayayaman. Kakaiba ang mga istilo ng bahay kumpara sa Batangas.

Ang bahay ni Tiya Merly ay malawak at may padalawang palapag. Nakatayo lamang ako sa tapat ng gate nito. Namamangha sa ganda ng mga bahay sa paligid, gano'n rin sa bahay ni Tiya. Kulay puti ito na may halong black.

Naputol ang pagkamangha ko at nagulat sa pagbukas ng gate.

"Ivory?"

Napanganga ako sa bumungad sa'kin. Matagal na kami hindi nagkikita ni Tiya Merly, at ang sa isip ko ay matanda na ito. Pero nagkamali ako.

"T-Tiya Merly?"

"Ako nga! Ano ka ba? Bakit hindi ka nag-doorbell kanina ka pa ata d'yan?!" Tanong nito at hinila na ako papasok sa loob ng kan'yang bahay.

Lalo pa akong namangha dahil sa laki nito sa loob. May malaking ilaw sa gitna na mataas. May mala sinehan na t.v at may mga malalambot na upuan.

"Halika. Upo ka muna. Tamang tama ang dating mo. Nakaluto na ng lunch ang mga maid." Pinaupo ako nito sa malambot na upuan. Pinatalbog ko pa ang sarili dahil sa lambot nito. Natawa naman si Tiya Merly sa inasta ko.

"Pasensya na po. Ngayon lang po kasi ako nakaupo sa ganito. Bago rin po sa mata ko ang lahat ng nandito sa mansyon n'yo," sabi ko habang iginagala ang aking paningin.

"Mansion? No! This is just a house here Ivory. Masanay kana na ganito kalalaki ang bahay na makikita mo rito lalo na ang mga building."

"B-Bahay lang po ito rito?! Nagbibiro po ba kayo?"

"No! I'm not kidding. Alam mo Ivory masasanay ka rin. Just feel at home. Okay?"

"S-Sige po. Aalis din po ako kapag may trabaho na po ako."

"Ha? Bakit?"

"Nakakahiya po e. Mangungupahan na lamang po ako kapag po may trabaho na ko."

"Fine," bumuntong hininga pa ito. "Alam ko naman na hindi ka papapigil. But, habang wala pa just stay here. At kung gusto mo rin na rito ka habang nag tatrabaho, no problem. Okay?"

"Opo Tiya Merly."

"And please.. It's Tita not Tiya. Get it?"

"Sige po. T-Tita Merly."

"Better!" masayang saad nito.

Tumawag din ako kina Nanay na nakarating ako ng matiwasay. Pinagpahinga lamang muna ako ni Tita Merly pagkatapos namin kumain. Hinatid ako sa sarili kong kwarto na kasing laki na ng bahay namin.

Bukas na magsisimula ang pagsubok ko rito sa Manila. Bukas ay haharap na ako sa realidad ng buhay Manila. Malalaman ko na ang sinasabi nilang hirap sa pag-aapply. At ang pakikipag sapalaran.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
magsisimula na ang buhay ni ivory sa manila ano kaya ang naghihintay sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Stolen Innocence   Epilogue

    "Oh fuck! I'm fucking late!" I hissed to myself as I woke up late. Masasabon ako ni Mommy nito!Nagmadali akong naligo at nagbihis bago nagmamadaling lumabas ng unit ko. Pinaharurot ko naman agad ang aking sasakyan na hindi inaayos ang mga papel na nakapatong sa upuan. Pagkarating ay basta ko na lamang kinuha ang mga papel at lumabas."Aray!" "Shit! Pakalat-kalat kasi!" Sabay naming bulyaw ng nasagi kong babae.Nagkalat tuloy ang papel na hawak-hawak ko! Bakit ba patanga-tanga mga employees dito sa company na 'to?!"Aba! Mister! Ikaw na nga nakasagi ikw pa ang galit?" Mataray na sabi ng babae habang pinupulot ko ang mga papel. Handa na sana akong bulyawan siya sa pagtunghay ko. Salubong na ang kilay ko dahil sa inis pero agad din namang nawala...A beautiful angel infront of me wearing a peach dress caught my soul. I mean.... My attention...What the hell! Tinanggap na ba ako sa langit?Medyo curly at mahabang buhok, may kasingkitan ang mga mata. Matangos at maliit ang ilong, mapula a

  • Stolen Innocence   Chapter 29

    Nagpatuloy lamang na may nangyayari sa'min ni Lucas. Naging palihim niya akong secretary habang nag-aaral ako. Kinausap ko rin naman ang best friend ko tungkol sa bigla kong paglipat. Noong una ay hindi ito pumayag, pero kalaunan ay natanggap din nito ang paliwanag ko. Sana lang daw ay hindi ko pagsisihan pero naka suporta lamang daw s'ya.Tumagal kami ng ilang buwan na walang nakakaalam sa relasyon namin sa side niya. Ipinakilala ko naman s'ya sa pamilya ko thru video call. Pero sa pamilya niya ay hindi ako pumayag na ipaalam. Pumayag naman ito, 'yon nga lang, hindi rin daw niya itatanggi kung may magtanong. Tss."Pauwi ka na?" Tanong sa'kin ni Travis habang kumakain kami nina Ces at Lani ng fishball."Oo e, anniversary kasi namin ngayon. Kailangan ko mauna sa kanya umuwi." Sagot ko. Oo, tumagal kami ng one year nang patago sa pamilya niya. Pero alam ng mga malalapit sa'kin ang tungkol sa'min."Taray ng bakla! Ganda ka?!" Pagbibiro ni Ces."Ganda 'yan bakla! H'wag mo okrayin, yummy n

  • Stolen Innocence   Chapter 28

    WARNING!!! R18This chapter is not suitable for young readers. _____________Kanina pa ako rito sa banyo, tapos naman na ako maligo pero hindi pa rin ako lumalabas. Ewan, pero kinakabahan ako."Babe! Matagal ka pa?" tanong ni Lucas habang kumakatok. "Don't wear anything babe, tatanggalin ko rin naman." Sabi pa nito, napatingin naman ako sa pinto ng banyo na parang kaharap ko lang s'ya."Bastos!" Sigaw ko at rinig ko naman ang halakhak niya.Maya-maya pa ay mabagal kong binuksan ang pinto at dahan-dahang idinungaw ang ulo sa pinto. Pero ikinagulat ko ang biglang paghila nito sa braso ko."Lucas!" Tili ko dahil sa gulat, isinandal ako nito sa pader na katabi ng pinto. Mahigpit naman akong napahawak sa bathrobe ko habang napapalunok sa kaba."What took you so long babe?" mahinang tanong nito sabay baba nang tingin sa labi ko."W-Wala... M-Matagal lang talaga ako maligo," kinakabahan kong sagot.Tumaas ang gilid ng labi nito dahil sa nauutal kong boses. "Why are you nervous?" "H-Hindi

  • Stolen Innocence   Chapter 27

    Hindi na nga ako pinauwi pa ni Lucas, siguradong mahaba-habang paliwanag ang gagawin ko kay Rustom nito.Nandito kami sa isang grocery store na katabi lamang ng condo. Mamimili raw kami ng kulang sa pagluluto, hindi ko alam kung ano pa yung kulang. E puno naman ang ref, ano pa kaya kulang sa kanya?"Ano pa ba ang kulang na kailangan bilhin?" Tanong ko sa kanya habang tinutulak namin ang cart."Ingredients, hindi pa kumpleto ingredients sa pagluluto. Hindi ko na alam kasi ang iba," sagot nito sabay ngiti pa sa'kin. Nakatingala naman ako sa kanya dahil mas matangkad ito. "Ah. Okay... Teka, anong oras ka uuwi?" "Saan?" Tanong nito habang nakatingin sa mga nakapatas na bote ng toyo."Syempre sa bahay n'yo, o kung saan ka man nakatira.""Sabay na tayo umuwi, 'di ba?" Sagot nito."Ha?""Tss. Hindi ako uuwi, do'n ako tutulog sa condo mo."Natigilan naman ako sa kanyang naging sagot."B-Bakit?""Anong bakit? Bawal ba?" "H-Hindi naman... K-Kaya lang...""Tss. Huwag kang matakot, dipende pa

  • Stolen Innocence   Chapter 26

    "S-Saan mo ko dadalhin? S-Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil pagkapasok pa lang namin sa sasakyan n'ya kanina ay pinaharurot n'ya ito paalis."Somewhere that we can talk in private," seryosong sabi nito habang tutok sa pagmamaneho na akala mo may hahabol sa'min."Private? Hindi pa ba private rito sa loob ng sasakyan mo?""More private, My Belle..."More private? May gano'n pala? Saan naman kaya 'yon?"Are you always with him?" "Ha? Sino?""That guy who's with you a while ago... Are you two always alone together?""Hindi... Kasama namin mga kaibigan namin na sina Lani at Francis.""Who's Francis?" nakakunot noong tanong nito. Humigpit bigla ang hawak nito sa manibela."Tss. Yung diyosa kong kaibigan... Bet mo ba?" nakangiting tanong ko."What the fuck?! Are you kidding me?""Luh! Nagtatanong ako nang maayos...""No, because I only like you.. No one can change that..."Naalala ko bigla ang naging usapan namin ng mommy niya. Mukhang wala s'yang alam sa bagay na 'yon dahil sa inaasta n'

  • Stolen Innocence   Chapter 25

    "Hoy! Pre! Saan ka ba galing?!" bungad sa'kin ng best friend ko. Madali itong lumapit sa'kin pagkapasok ko sa loob ng kanyang apartment. "Pucha ka pre! Para kang basang sisiw ah!" kinuha nito ang towel sa ulo ko at s'ya ang nagtuyo ng aking buhok."Okay lang ako pre, liligo naman ako... Hayaan mo na 'yan," saway ko rito at hinahawi ko pa ang kanyang kamay. Nakatanggap naman ako nang tampal sa aking kamay mula sa kanya."Natural na maliligo ka! Sira ulo ka ba?! Kung kelan gabi tsaka mo naisipan maligo ng ulan!" panenermon pa nito. "Saan ka ba talaga galing? Ha?!" tumigil ito sa ginagawa at hinarap ako habang nakapamaywang."M-May... Dinaanan lang," "Hinayaan mo lang mabasa ka ng ulan?!" naiinis nitong tanong."Hunghang!" bulyaw ko, "hindi ba pwedeng naabutan ako ng ulan? Gago ka rin e 'no?!" nilampasan ko ito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ito sa'kin."Sabi ko nga..." sagot nito, "maligo ka na, titimplahan na kita ng kape..." "Okay..." tinalikuran ko na it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status