LOGINDasha POV“What?!” sabay-sabay na sabi nila Ivy, Calista at Ruby nung sabihin ko sa kanila na magmu-muse ako sa team nila Elco.Nandito kami ngayon sa milktea shop. May kani-kaniya na kaming milktea na iniinom habang may fries, burger at pizza sa gitna ng lamesa.“Sayang ang five thousand pesos,” sabi ko habang tinatago ang hiya. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit napapayag ako dahil lang sa five thousand pesos. “Basta ang alam ko lang ay maglalabas ng series na book si Mr. Night Bloom, kaya kailangan ko ng extra money na pambili,” dagdag ko pa.“Si Gaga, nililibre ka naman palagi ni Ryuji ng libro ng favorite author mo, sumali ka pang muse para ipahiya ang sarili mo,” sabi ni Ivy, kaya napatango ako bigla. Sabagay, palagi nga naman akong dinadamay ni Ryuji sa pagbili niya ng new books ni Mr. Night Bloom, kaya bakit ko ba naisip na need ko ng pambili nun?“Sabihin mo rin ‘yan kay Ryuji, tiyak na papaatrasin ka at sasabihin niyang siya na lang ang manlilibre sa iyo ng mga book
Dasha POVNag-resign si Elco sa flower shop ni Ivy. Hindi na rin siya pumasok nitong nagdaang isang linggo matapos ang holy week. Sa bahay, palagi itong nasa loob ng kuwarto niya. Lalabas lang para kumain at tumulong sa gawaing bahay. Kung minsan, tatambay siya sa vulcanizing shop ni Von.Pati nga si Jasper na tattoo artist ay naka-close niya. Panay din ang tambay niya doon. Kung minsan, nakikita pa nila Nanay at Tatay na nakakasama rin ni Elco si Kagawan Owen. Na parang ang dami na niyang naka-close agad. Alam ko naman kung bakit parang ilag siya. Alam ko rin kung bakit ganoong umiiwas na siya sa akin. At kahit pa paano naman ay nawala na nang tuluyan ang galit ko kasi nagsisisi talaga siya na may nangyari sa amin. Pinagsisihan niya ang gabing nagkasala kami habang lasing. At sa totoo lang, pansin din nila Nanay at Tatay na ilag siya sa akin. Na hindi na raw nila nakikitang nag-uusap kami, tanguan, oo, pero ‘yung sobrang close, nawala na rin talaga.“Mag-usap nga tayo, Dasha,” sabi b
Dasha POVSimula nung malunod ako, dito na lang tuloy kami ng mga girls sa may mababaw, biglang taas din kasi ang tubig at biglang naging maagos. First time namin dito sa may dulo ng ilog, kaya hindi namin alam na ganito pala rito.Simula naman nung malunod ako, napansin ko na naging tahimik at mas seryoso na si Elco. Hindi ko alam kung natakot ba siya para sa akin o biglang sumama ang pakiramdam niya. Hindi na kasi siya naligo, panay ihaw na lang nung natirang pagkain. Tapos, paupo-upo. Inaaya naman siyang maligo nila Tatay Darwin at Ryuji, pero aayaw niya. Mas gusto niyang mag-isa at tahimik na lang sa ginagawa niya.“Anong nangyari sa pinsan mo, Dasha? Bakit naging tahimik na?” tanong tuloy ni Ruby.“Baka natakot dahil pa rin sa nangyari sa iyo kanina,” sabi naman ni Calista. “Kahit kasi ako, nung makita kang inagos at nalulunod, kinabahan din talaga ako, e,” dagdag pa niya.“Sa totoo lang, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa mabasa ang totoong ugali at pagkatao niya. ‘Yun ganiyan
Elco POV“OMG!” sabi ni Ruby nung ginawa ko na ang CPR kay Dasha. Wala na akong pakelam kung madikit ang labi ko sa labi niya.Sanay naman akong mag-CPR. Paulit-ulit nagdikit ang mga labi namin ni Dasha. Hindi ako tumigil hanggang hindi siya nagigising. Hindi ako tumigil hanggang hindi niya nailuluwa ang mga tubig na nainom niya. Salitan ang ginagawa ko, pinipisil ko ang gitnang bahagi ng dibdib niya habang hinihipan ko ang bibig niya.Sa ganitong gawain, madalas ay maraming nagkakamali. Ang iba kasi ay pahigop ang ginagawa, mali iyon. Dapat kapag ginagawa mo ang Cardiopulmonary Resuscitation ay pahipan ang ginagawa mo sa bibig ng taong nalunod, pagkatapos ay saka mo pisilin ang gitnang bahagi ng dibdib nito para mapanatili ang tibok ng puso.Maya maya pa ay bigla na itong nagkaroon ng malay-tao. Dumilat na ang mga mata niya nung sakto ay dinikit ko ulit ang labi ko sa labi niya para hipan. Doon na nanlaki ang mga niya, pagkatapos ay binuga na niya nang binuga ang tubig na nainom niya
Elco POVNung makita ko ng buo ang mga kaibigan ni Dasha, napatitig talaga ako bigla sa kanila. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay parang nakita ko na sila dati.Hindi ko alam kung dejavu ba o ano.“Ano, Elco, may type ka na ba agad sa kanila at ganiyan ka makatitig sa mga kaibigan ni Dasha?” tanong bigla ni Ryuji sa akin kaya nahimasmasan na ako.“Weird lang, Ryuji. Para kasing nakita ko na sila sa kung saan. Hindi ko lang sure kung saan, pero ganoon ang pakiramdam ko. Para bang narinig ko na ang boses nila, lalo na nung mga bagong dating na babae,” sagot ko sa kaniya.“Akala ko ba taga city ka lang? Bakit mo naman madidinig ang boses ng mga ‘yan e, palagi lang naman sila dito sa probinsya,” sagot naman ni Ryuji. Tama naman siya. Siguro ay kaboses lang nila. Saka, baka sa dami na ng babaeng na-meet o nakita ko sa hotel na pinagwo-work-an ko ay may namumukhaan lang akong boses sa kanila. Pati na rin sa mukha siguro.“Tabihan mo na ako sa driver seat. Ako kasi ang magda-drive,” aya pa ni Ryu
Dasha POVLinggo ng pagkabuhay, nag-aya sina Nanay at Tatay na mag-ilog kami. Ganoon kasi ang nakasanayan tuwing maglilinggo ng pagkabuhay. Umaga palang, nagbababad na sina Elco at Tatay Darwin ng pang-iihaw na porkchop at barbecue. Si Nanay Susie naman ay tinulungan kong gumawa ng sardinas na lalagyan ng hilaw na mangga na may kamatis, sibuyas, at saka pipigaan ng calamansi. Tinitimpla palang ni Nanay Susie iyon ay natatakam na ako.Siyempre, may gagawin din dapat ako. Hindi ako magpapahuli. Sa ilog kasi, hindi masaya o hindi masarap kumain kapag walang masarap na iinumin. Kaya, heto, nagkakayod ako ng melon. Gagawin ko itong juice at saka ko hahaluan ng masarap na gatas. Sobrang perfect mamaya sa mainit na panahon.Narinig kong sumigaw si Ryuji sa labas, sakto nung tapos ko nang gawin ang melon juice. “Ay, nandito na si Ryuji,” sabi ko. Napatingin naman sa akin si Elco.“Akala ko ba ay family lang, bakit may outsider?” tanong ni Elco habang nakatingin sa akin.“Family na rin si Ryuj






![HIS SECRET OBSESSION [A.G.S #1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
