MasukDasha POV
Utos ni Ivy, Ruby at Calista na ibahin ko ang itsura ko. Magkakausap kami ngayon sa video call. Kasama ko si Ivy dito sa salon. Ang ginawa ko ay ipapa-short hair ang buhok ko.
Heto, no choice tuloy si Ivy. Kailangan niya akong samahan dahil malaki ang problema ko. Kailangan kong umuwi sa bahay mamayang gabi na hindi ako mamumukhaan ni Elco.
“Pak! Nag-iba ang itsura mo, Dasha. Nakaka-fresh ang ganiyang look pala,” sabi ni Ivy nung lumabas na kami sa salon.
“Oh, ano, girls, okay ba? Mukha bang hindi na ako matatandaan ni Elco nito?” tanong ko habang nakatapat sa harap ng camera. Nasa screen din ang mga camera nila Calista na nasa loob ng banyo sa ospital, habang si Ruby naman ay nasa terrace ng bahay ng lola niya sa Bataan.
“Ay, Ivy, si Dasha ba ‘yang kasama mo o artista?” pang-uuto ni Calista.
“Oo nga, parang biglang naging model ang peg,” sabat naman ni Ruby.
Mga halatang inuuto lang ako kasi alam nilang malaki ang problema ko ngayon. Tinapik ni Ivy ang balikat ko. Alam niya kasing hindi ako kumbinsido sa pang-uuto nila Calista at Ruby. “Don’t worry, nag-iba naman ang itsura mo sa new hair mo, Dasha. Maniwala ka, hindi ka na niya mamumukhaan pa,” seryoso niyang sabi sa akin.
“Okay, salamat, kasi ito rin ang gusto kong mangyari. Mainam naman at kahit pa paano ay hindi na ako kinakabahan,” pag-aamin ko sa kaniya.
Ano na lang kasi ang mangyayari kapag nalaman nila Nanay Susie at Tita Rosie na ang mga anak nila ay nag-sëx na pala? Tang-ina, nakakadiri talaga.
“Smile na, Dasha. Hindi ka na makikilala nun,” sabi pa ni Ruby. Ngumiti tuloy ako ng pilit.
“Hayaan mo, mabilis lang ang dalawang buwan,” sabi naman ni Calista.
“Sige na, alam kong busy din kayo. Pasensya na rin sa abala,” sabi ko sa kanila. Hindi ko na hinintay na magpaalam sila. Binaba ko na agad ang linya ko.
“So, mauna na ako? Umuwi ka na at magpahinga na rin,” paalam na rin ni Ivy.
Doon na kami naghiwalay sa bayan. Sumakay na siya ng tricycle, habang ako ay nagpasya munang dumaan sa isang coffee shop. Hihintayin ko na lang munang mag-agaw ang liwanag at dilim bago ako umuwi.
Pagdating ko sa Sevendays Coffee shop, um-order ako ng iced coffee at nachos overload. Marami-rami ang nachos dito kaya matagal-tagal ko ring kakainin.
Pagka-order ko, naghanap na ako ng upuan ko. Habang naghihintay ng order, nilabas ko na muna sa bag ko ang libro ni Mr. Night Bloom na I wish I hated you. Kakabili ko palang nito nung nakaraang linggo. Ito ang bagong labas na libro ng favorite author ko na iyon. Sa totoo lang, kay Mr. Night Bloom ako inspired sa pagsusulat. Siya ang dahilan kung bakit pangarap ko ring maging isang sikat na author.
Tutok na tutok ako sa pagbabasa nung dumating ang order ko. Nilapag na lang kapagdaka nung staff ang order ko sa lamesa. Habang patuloy na nagbabasa, umiinom na ako ng kape at kumakain ng nachos.
“W-wala kang kasama?” biglang tanong ng isang lalaki.
Pagtingala ko ay nagulat ako. “Uy, Ryuji!” nakangiti kong bati sa kaniya.
Bukod kina Ivy, Ruby at Calista, may isa pang malapit sa puso ko. Ito ay si Ryuji. Naging magkaibigan kami dahil sa pag-aalaga ng halaman at mga bulaklak.
Natatandaan ko pa, nakilala ko siya noon sa isang garden shop na malapit lang din dito. Doon ko siya nabunggo tapos nalaglag ang hawak niyang paso na tila kakabili lang niya. Nabasag iyon at todo sorry ako pero hindi siya nagalit. Hindi niya rin pinabayaran sa akin. Ganoon siya kabait, tapos simula nun, palagi na kaming nagkikita sa mga garden shop. Doon na kami naging magka-close at naging magkaibigan.
“Puwede bang maki-upo?” tanong pa niya.
“Sure, halika, upo ka. Medyo busy lang ako sa bagong book na binabasa ko,” sagot ko sa kaniya. Napatingin siya sa libro. Napangiti naman agad siya. “Tapos ko na ‘yan,” sabi niya habang nilalapag na rin niya sa lamesa ko ang dala-dala niyang coffee at dalawang klase ng cake. “Ito nga pala ang para sa iyo,” sabi niya at saka nilagay sa harap ko ang presa cake.
“Uy, nag-abala ka pa. Salamat, Ryuji,” sabi ko sa kaniya. Ganiyan siya palagi. Kapag nagkikita kami sa coffee shop ay bigla-bigla niya akong ino-order-an ng cake.
“Anyway, kakalabas lang nito, tapos mo na agad?”
Bukod sa pag-aalaga ng halaman at bulaklak ay pareho din naming paborito si Mr. Night Bloom. Lahat ng books ni Mr. Night Bloom ay nabasa na naming dalawa.
“Yes, isang upuan ko lang ‘yan, Dasha,” pagmamayabang pa niya.
“Sana all kasi mayaman. Sana all hindi na need mag-work at sa bahay na lang,” sagot ko sa kaniya. Mayaman kasi sina Ryuji. Japanese ang mama niya, habang ang papa naman niya ang pinoy. May mga private resort sila dito sa Bulacan at mga business din sa Manila. Kaya kahit hindi mag-work si Ryuji, okay na okay lang.
“Uy, hindi ah. May work din ako pero hindi ko puwedeng sabihin kung ano,” sagot niya. Palagi siyang ganoon. Sinasabi lang niya na may work siya, pero wala naman talaga. Ang work niya, magpakasarap sa buhay, iyon talaga iyon. Kaya nga nag-aalaga na lang siya ng mga halaman at bulaklak.
Pagkatapos naming kumain, inaya niya akong sumabay sa sasakyan niya. Gabi na rin at halos inabot kami ng alas siyete sa loob ng coffee shop. Nalibang kaming dalawa sa pag-uusap tungkol sa librong binasa namin pareho. Nakakatuwa, sobrang galing talaga ni Mr. Night Bloom sa pagsusulat.
“Hindi ba nakakahiya, Ryuji?” tanong ko pa sa kaniya.
“Dasha naman, ilang beses ka nang nakasakay sa sasakyan ko, hanggang ngayon ba naman ay nahihiya ka pa rin?” natatawa niyang sagot habang napapakamot ng ulo.
Pumasok na ako sa loob at nag-seatbelt. “Sana, soon ay magkakotse din ako ng gaya sa iyo,” sabi ko sa kaniya habang manghang-mangha sa loob ng sasakyan niya.
“Kaya galingan mo rin sa pagsusulat. Malay mo maging sikat na author ka rin gaya ng idol nating si Mr. Night Bloom. Balita ko nga ay sampu ang kotse niya at ang laki ng bahay,” sabi pa niya. Mas updated siya kay Mr. Night Bloom kaysa sa akin. Ito kasing si Ryuji ay magaling mag-stalk. Lahat ng nalalaman niya kay Mr. Night Bloom ay totoo. Walang hindi totoo. Na para bang malapit ko nang isipin na kaibigan at kakilala talaga ni Ryuji si Mr. Night Bloom.
Mabilis lang kaming nakauwi sa bahay. Paghinto ng sasakyan sa tapat ng gate namin ay kinabahan na ulit ako.
“By the way, bagay sa iyo ang new haircut mo. Halos hindi kita nakilala kanina sa coffee shop. Nakilala lang kita dahil sa bag at cellphone na hawak mo,” sabi niya bago ako bumaba. Mas lalo tuloy lumakas ang loob ko. Ibig sabihin, mukhang malabong matandaan pa ako ni Elco.
Nginitian ko siya. “Salamat, Ryuji. Napagaan mo bigla ang dibdib ko.” Nagtaka tuloy siya dahil sa sinagot ko. “Sige na, umuwi ka na at late na rin,” dagdag ko pa.
“Okay, ba-bye!” sagot niya saka na siya umalis.
Pagtingin ko sa bahay, huminga ako ng malalim. Game! Tignan natin kung makilala pa ako ni Elco. Sana talaga ay hindi!
Elco POVMaaga pa lang ay nasa barangay hall na ako. Ibinaba ko na ang backpack ko sa tabi ng working table ko bago ako umupo sa swivel chair. Palagi akong kauna-unahan dito. Dapat lang, bago palang ako kaya dapat magpakitang-gilas agad.Napabuntong-hinga habang inaayos ang mga folder na nakapatong sa lamesa. Nasa pinakataas na agad ang kulay asul na folder na ipinadala ni Kagawad Owen kagabi. Hindi na bago iyon sa akin. Halos araw-araw ay may pinapa-announce siya sa social media page niya—mga proyekto, ayuda, seminars, feeding program, clean-up drive, at kung anu-ano pang pampublikong anunsyo na kailangan kong i-layout at i-post.Bilang admin ng official page niya, trabaho kong siguraduhing maayos ang caption, malinaw ang details, at presentable tingnan ang bawat post.Binuksan ko ang folder at isa-isang tiningnan ang laman.“Medical mission sa Friday, scholarship assistance, youth sports fest,” basa ko doon.Kinuha ko ang ballpen ko at nagsimulang maglista ng priority posts sa yel
Dasha POVNarinig kong gising na si Elco. Nasa kusina na naman siya habang ako ay pumasok na sa banyo para maligo. Nakasanayan na ni Elco ang pagluluto ng almusal. Pero wala akong balak mag-almusal sa bahay. Nagmamadali ako sa pagkilos at paggayak dahil kapag siya naman ang nasa banyo, doon ako aalis ng bahay.Hindi ko muna siya gustong makasamang kumain ng almusal. Nahihiya ako sa mga ginawa ko kagabi. Pakiramdam ko, sumubra ‘yung tapang ko.Kaya matapos maligo, nagmadali akong pumasok sa kuwarto ko. Nag-lock din agad ako ng pinto.Habang nagsusuklay ako ng buhok, kumatok siya sa pinto. “Dasha, luto na ang almusal,” sabi niya pero hindi ako sumagot. “Dasha, ano, kakain na ba tayo o hintayin mo na ako, maliligo lang ako saglit,” paalam pa nito.“Sige,” maikling sagot ko.“Okay, maliligo muna ako,” sabi niya kaya napangisi ako. Sabi ko lang kasi iyon pero kapag narinig kong nasa banyo na siya, saka ako aalis ng bahay.Kaya nagmadali na rin ako sa paggayak. Para makaalis na agad ako kap
Elco POVAlas dos na ng madaling-araw pero hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon ay isip-isip ko pa rin ang pag-amin ni Dasha kanina. Pabaling-baling ako ng higa. Kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi ako makatulog.Hanggang sa bumangon na ako. Tumayo at sumilip sa bintana. May naglalako pa ng balot. Lumabas ako at hinabol iyon. Naisip kong kumain na lang ng balot, baka sakaling kapag nabusog ako ay antukin na ako.Dali-dali kong binuksan ang pinto at gate sa ibaba. Medyo malayo na ang nagtitinda ng balot nung tawagin ko.“Kuya, pabili ng balot!”Nakakahiya kasi napasigaw pa ako. Agad namang huminto ang nagtitinda. Naglakad siya pabalik sa gawi ko.“Ilan po?” tanong ng tindero. “Mabuti at naabutan niyo ako. Pauwi na kasi ako, at sakto rin na may natira pa akong tatlong piraso, pakyawin niyo po, kuya,” udyok pa niya sa akin.Isa lang dapat ang bibilhin ko, pero dahil sinabi niyang pauwi na siya, pinakyaw ko na. “Sige, akin na ‘yang tatlong balot,” sagot ko.Pagkabili ko nun, bu
Dasha POVPagkatapos naming kumain, hindi ko na siya pinigilan nang siya na mismo ang kusang tumayo para magligpit. Aba, iyon na rin kasi ang usapan namin kaninang umaga. Ako ang magluluto ng dinner, tapos siya ang magliligpit.Hinayaan ko na siyang gumalaw mag-isa, alam naman na niya ang dapat gawin. Kinuha ko naman ang walis at nagsimulang maglinis ng sahig.Habang nagwawalis ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.Nakasandal siya nang bahagya sa lababo, naka-t-shirt lang, medyo basa ang kamay habang nagbabanlaw ng plato. Simple lang naman ang ginagawa niya, pero ewan ko, parang may kung anong kakaiba sa pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya sa ganitong setup.Parang ang sarap sa pakiramdam na nandito siya, kaming dalawa lang at payapang gumagalaw sa mga task namin dito sa bahay.Parang mag-asawa lang ang atake, nagtutulungan sa gawaing bahay.Napailing ako. Lumalala na rin talaga ‘yung mga tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko.Napakurap ako at agad na
Dasha POVNakita kong nilagay ni Elco sa fridge ang milktea na para sa akin, pagkatapos ay tumuloy siya sa kuwarto niya nang hindi na ako pinapansin.Parang batang nagta-tantrums na naman. Dahil lang may uwi akong coffee na galing kay Ryuji, nagkaganito na agad siya.Hindi ko na lang pinansin muna. Kilala ko naman siya. Kapag may tampo, ganito talaga, tahimik, medyo suplado, pero hindi naman nagtatagal ay magiging okay din siya mamaya.“Ako na bahala mamaya sa kaniya,” sabi ko, sabay huminga nang malalim. Masyado na akong pagod sa buong maghapong work, kaya ayoko na muna ng masyadong dramahan.Hinubad ko ang bag ko, itinali ang buhok ko, at nagsimulang maghanda para sa pagluluto ko ng dinner namin.Okay, kailangan kong sarapan ang iluluto kong adobong pusit para hindi niya laiitin ang gawa ko.Kailangan kong gawing perfect ‘to. Hindi lang para sa hapunan, kundi para rin sa kanya. Para tuluyan nang mawala ang tampo niya.Kinuha ko ang mga pusit mula sa plastic. Isa-isa ko silang hinuga
Dasha POVPagod na ang mga paa ko habang isinasara ang glass door ng flower shop. Marahan kong hinila pababa ang rolling shutter, sinigurong naka-lock nang maayos bago ako tuluyang umalis doon. Tumawag kasi si Ivy, hindi na siya makakabalik sa shop kaya ako na raw ang magsara nito.“Finally, uwian na,” bulong ko sa sarili ko, sabay unat ng likod.Maghapon akong tumayo, nag-ayos ng bulaklak, nakipag-usap sa customers, kaya deserve kong magpahinga na sa bahay. Pero mukhang mamayang gabi ko pa magagawa iyon dahil may task pa pag-uwi sa bahay. Ako ang magluluto ng dinner namin ni Elco.Sasakay na dapat ako pauwi sa bahay, kaya lang ay naalala kong kailangan ko nga palang dumaan sa palengke. Kanina pa nagtatanong si Elco kung anong iluluto ko. At gusto kong ma-surprise siya. Pero ang naisip ko talaga ay adobong pusit. Nagki-crave kasi ako doon.Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang naisip ko, pero siguro dahil gusto ko ng comfort food ngayong gabi.Nung may dumaang tricycle ay agad ko itong pi







