Dasha POV“Hoy, Ryuji, hatid mo ‘yan sa bahay nila kapag ginabi kayo. Baka kung saan mo pa dalhin ang kaibigan ko!” sita ni Ivy kay Ryuji nung sunduin na ako nito sa harap ng flower shop niya.“Yes po, madam,” magalang na sagot ni Ryuji sa kaniya.“Ivy naman, palaging tinatakot si Ryuji, e, napakabait kaya nitong kaibigang kong ito,” pagtatanggol ko kay Ryuji. Paano kasi, palaging sinusungitan ‘yung tao sa tuwing kasama ko.“Dasha, concern lang ako sa ‘yo,” seryoso nitong sagot. Kapag talaga si Ryuji ang kasama ko, ibang pagkatao ang lumalabas kay Ivy. Ayaw na ayaw niya kay Ryuji dahil mayaman daw. Ang mga anak daw ng mayaman ay babaero at manloloko. Ilang beses ko na ring sinabi sa kaniya na kaibigan ko lang si Ryuji, hindi naman ako niya ako nililigawan nung tao.“Sige na, ba-bye na. Ingat ka rin sa pag-uwi mo, Ivy,” paalam ko sa kaniya saka kami nagbeso sa isa’t isa.Pagsakay ko sa loob ng sasakyan ni Ryuji ay nakita kong napapailing siya. “Why is Ivy so mad at me?” tanong niya per
最終更新日 : 2026-04-01 続きを読む