Share

Kabanata 43

last update publish date: 2026-04-19 22:50:32

Dasha POV

“What?!” sabay-sabay na sabi nila Ivy, Calista at Ruby nung sabihin ko sa kanila na magmu-muse ako sa team nila Elco.

Nandito kami ngayon sa milktea shop. May kani-kaniya na kaming milktea na iniinom habang may fries, burger at pizza sa gitna ng lamesa.

“Sayang ang five thousand pesos,” sabi ko habang tinatago ang hiya. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit napapayag ako dahil lang sa five thousand pesos. “Basta ang alam ko lang ay maglalabas ng series na book si Mr. Night Bloom
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
Congrats ,Elco
goodnovel comment avatar
susana Tan
tagal nman ng kasunod,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 137

    Dasha POVDahil natapos ko na ang manuscript at pasado ito, heto, narito ako ulit ako ngayon sa goodnovel ink company para pumirma ulit ng panibagong kontrata. Para naman sa pangalawang librong ipa-publish ng kumpanyang ito.Dapat masaya ako, dapat excited ako, pero habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.Mukha akong pagod. Hindi lang basta pagod. Haggard talaga. Namumutla ang balat ko, may bahagyang pangingitim sa ilalim ng mga mata, at parang nawalan ng sigla ang dating ningning ng mukha ko.Napalunok ako ng laway.“Ayos ka lang ba talaga, Dasha?” bulong ko sa sarili ko.Kailangan kong maging maayos. Kailangan kong itago ito. Wala pang ibang dapat makaalam. Lalo na dito.Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.Pagkapasok ko pa lang ay agad akong binati ng mga empleyadong nakakasalubong ko.“Good morning, Author Petalyn!”“Congratulations po sa success ng first book!”“Excited na kami

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 136

    Dasha POVNananatili akong nakatayo sa harap ng malaking bintana ng condo unit na kakalipat ko lang ngayong linggo. Mula rito, tanaw ko ang nagkikislapang ilaw ng city. Hindi tulad sa probinsiya kung saan tahimik ang gabi at maririnig mo pa ang huni ng mga kuliglig, dito ay buhay na buhay ang lahat. May mga sasakyang dumaraan, mga taong naglalakad sa ibaba, at mga gusaling tila hindi natutulog. Ngayon na lang ulit ako nakarating dito sa city matapos ang ilang linggong pananahimik ko sa bahay namin sa probinsya.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang isang kamay sa tiyan ko. Tatlong araw na.Tatlong araw na mula nang takasan ko sina Nanay at Tatay sa ospital. Hindi pa rin ako makapaniwalang umabot ako sa puntong ito. Kung may nagsabi sa akin noon na magtatago ako sa sarili kong pamilya habang nagdadalang-tao, malamang tatawanan ko lang sila. Pero ngayon, iyon mismo ang buhay na kinakaharap ko.Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman gustong magsinungaling kina Nanay at Tatay. Mahal

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 135

    Dasha POVLumipas ang isang linggo na halos hindi ko namalayan. Pitong araw akong tahimik, tulala, parang walang gana sa lahat. Pitong araw na nakakulong lang ako sa loob ng bahay, nakatutok sa laptop, nakayuko sa lamesa, at paulit-ulit na hinahabol ang bawat eksenang kailangan kong isulat.Kung tutuusin, hindi naman ako pinilit ng kahit sino na gawin ito. Ako mismo ang pumili nito. Mas mabuti nang magkulong kaysa mag-isip. Mas mabuti nang magsulat kaysa maalala ang mga bagay na gusto kong kalimutan.Sa loob ng isang linggo, halos hindi ko na nasilayan ang labas ng bahay. Ang tanging nakikita ko ay ang puting dingding ng kuwarto ko, ang monitor ng laptop, at ang mga healthy food na palaging ginagawa sa akin nila Nanay Susie at Tatay Darwin.Kailangan kong matapos ang pangalawang librong ipapasa ko sa GoodNovel Ink Company.Kailangan ko ring libangin ang sarili ko para hindi mabaliw kakaisip sa mga naganap nitong mga nakaraang linggo. Dahil kapag nagsusulat ako, kahit paano, tumatahimi

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 134

    Ryuji POVNakatitig ako sa harap ng salamin. Namumula ang mata ko dahil sa tindi ng pag-iyak ko. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng masasakit na sinabi sa akin ni Dasha.Fuck you.Gago.Demonyo.Siraulo.At halos paulit-ulit niya akong minura. Sa lahat ng maganda at masayang ginawa ko sa kaniya, ganoon na lang bigla.Naka-block na ako sa lahat. Wala na akong ibang pang-contact sa kaniya kaya araw-araw ko siyang kinulit, pero ‘yung kanina, wala na talaga. Talagang galit na galit na siya at sukang-suka sa akin.Hindi ko alam na ganoon ang magiging ending ng ginawa ko. Hindi ko alam na mawawalan ako ng Dasha.Talaga bang mas gusto pa niyang makipag-relasyon sa sarili niyang kadugo? Sa sariling pinsan?Grabe, hindi ako makapaniwala. Gusto ko lang siyang itama ng landas. Gusto ko lang siyang ma-distract, pero ganoon lang pala ang mangyayari.Nagpapogi pa naman ako, nagpaganda ng katawan at pinaghandaan ang pagharap sa lahat ng fans at readers pero isusuka lang pala ako sa huli.Ngayong aya

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 133

    Dasha POVIsang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ‘yon, at hanggang ngayon, galit pa rin ako kay Ryuji. Hindi lang galit. Gigil na gigil. Inis na inis. Buwisit na buwisit. Lahat na yata ng klase ng pagkainis ay nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya.Nakaupo ako ngayon sa may veranda ng bahay namin dito sa probinsya habang nakatingin sa mga tanim kong halaman. Nalungkot ako lalo nung makita kong napabayaan na ang ilan sa mga alaga kong halaman. Maraming natuyot at may iilan na namatay. Mabuti na lang at nag-survive ko ang iba. Diniligan at nilagyan ko na ng fertilizer at mukhang mabubuhay pa naman.Tapos na ko sa mga dapat kong ayusin sa mga alaga kong halaman kaya nagpapahinga na ako ngayon.Pero paano ako magpapahinga kung kada limang minuto ay may bagong notification sa cellphone ko?“Dasha!”Napapikit ako. Narinig ko ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay.“Ano po?”“Lumabas na naman kayo sa TV!”Napahawak ako agad sa noo ko. Hindi na bago sa akin. Alam

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 132

    Dasha POVHanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari. Nakaupo na ako sa sofa ng villa habang nakatulala sa kawalan.Nasa harap ko naman ay kalmado lang na nakaupo si Ryuji, na para bang wala lang nangyari.Ang lala. Ang tagal-tagal ko na palang nakakasama si Mr. Night Bloom, hindi ko pa pala alam. Tapos, ngayon ko lang nage-gets kung bakit mas updated siya sa akin about kay Mr. Night bloom dahil iisa lang pala sila ni Ryuji. Nakakaloka talaga!Isa ito sa pinakamalaking plot twist sa buong buhay ko.Bumuntong-hininga muna ako, pagkatapos ay tumingin ako sa kaniya. Matagal ko siyang tinignan nang walang kurap-kurap.Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin lang din sa cellphone niya.Kalmado lang ang gago, at napaka-komportable.Parang wala talagang nangyari.“Hoy, Ryuji!”“Oh?”“Puwede ba kitang sapakin?”Hindi man lang siya nag-angat ng tingin.“Huwag, sayang ang kapogian ko noh!” sagot niya agad.“Loko-loko ka kasi.”Tum

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 84

    Elco POVTahimik akong nakaupo sa sala habang nanonood ng TV nang biglang mag-vibrate cellphone ko sa lamesa. Noong una hindi ko pa pinansin. Akala ko random text lang o kaya tawag mula sa barangay.Pero nang makita ko iyong caller ID, literal akong natigilan. Galing kasi pala ang tawag sa Grand D

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 83

    Dasha POVNakahiga na ako sa kama pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ngiti ko. Tahimik na buong bahay. Mukhang tulog na sina Nanay at Tatay. Pati na rin si Elco. Tahimik na rin sa labas maliban sa paminsan-minsang tahol ng aso at ilang sasakyang dumadaan sa kalsada.Pero ako, gising na gisin

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 82

    Dasha POVLaunch day na agad ngayon. Ang bilis, parang kahapon lang ay kakakuha ko lang ng copies ng book ko. Kinakabahan talaga ako sa magiging takbo ng araw na ngayon. Paulit-ulit kong tinitingnan cellphone ko habang nakahiga pa sa kama. Ang daming notifications. Ang daming tagged posts. May coun

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 81

    Dasha POV“Kain muna tayo,” sabi ni Elco. “Nagutom ako sa mga eksena mo sa loob ng goodnovel ink,” natatawa pa niyang sabi.“Oo please. Gutom na rin kasi ako.”“Tara samgyup.”Automatic akong napangiti.“Uy, trip ko rin ‘yan, sige, samgyup nga tayo!”Pagdating namin sa samgyupsal restaurant, halos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status