LOGINElco POV
Nandito na ako sa Villarama Street, Norzagaray, Bulacan. Nasa tapat na ako ng bahay nila Tita Susie. Ito ‘yung picture ng bahay na sinend ni Tita Susie kay Nanay Rosie para hindi ako maligaw.
“Ito po ang bayad,” sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Pagkabayad ko, binitbit ko na ang malaking backpack ko.
Huminto ako sa tapat ng gate nila at saka sumigaw. “Tao po!”
Dito sa gate ay may narinig akong mga yapak na parang tumakbo. Hindi ako puwedeng magkamali, galing ang mga yapak sa mismong loob ng bahay. Akala ko ay may nakarinig na sa akin kaya hindi ko na inulit ang pagtawag ko. Pero lumipas ang ilang minuto, wala, walang lumabas para pagbuksan ako ng gate o pinto.
“Tao po!” sigaw ko ulit.
“Uy, mukhang may bagong salta sa kalye namin ah!” biglang sabi ng isang lalaki. Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking puro tattoo ang braso at binti. Adik!
“Ah, oo, bagong salta ako. Magbabakasyon ako rito ng dalawang buwan,” sagot ko sa kaniya kasi mukhang gusto niya akong kausapin. “May kakilala ka ba sa bahay na ito? Wala kasing sumasagot?” tanong ko pa sa kaniya.
“Naku, baka nasa palengke sina Aling Susie at Mang Darwin. Si Dasha naman ay baka nasa work pa. Nasa flower shop pa siguro,” sagot niya kaya mukhang wala pa ngang tao sa loob.
Pero kasi, may narinig talaga akong mga yapak sa loob. Natakot tuloy ako. Naisip ko na baka may multo pa sa bahay na ito. Lumang-luma pa naman na ang bahay.
Lumapit sa akin ang lalaking iyon. “By the way, I’m Jasper, tattoo artist ako at kung gusto mong magpa-tattoo, malapit lang dito ang tattoo studio ko,” sabi niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipag-shake hands.
“Tattoo artist ka pala. Kaya pala ang dami mong tattoo,” sabi ko.
Napangiwi ako. Napagkamalan ko pa siyang adik. Nahahawa na tuloy ako sa ugali nila Nanay Rosie at Tatay Julio. Sila kasi kapag nakakakita ng taong maraming tattoo ay adik na ang tingin nila.
Maya maya ay may humintong tricycle sa harap ng gate. “Oh, ayan na ata sina Aling Susie at Mang Darwin,” sabi ni Jasper. “Sige na, maiwan na kita. Hinatayin na lang kita sa studio ko kapag interesado kang magpa-tattoo,” sabi pa niya saka siya umalis.
“Oh, ikaw na ba ‘yan, Elco?” tanong ng isang ale na kamukhang-kamukha ng Nanay Rosie ko. Inagaw ko naman agad sa kaniya ang bayong niyang punong-puno ng pinamili sa palengke.
“Opo, Tita Susie, ako na nga po ito,” magalang kong sagot saka ko inabot ang kamay niya para magmano.
“Kaawan ka ng diyos, Elco. Napakaguwapo mo pala sa personal,” sabi ni Tita Susie, kaya nahiya ako bigla.
Kasunod niya ‘yung isang manong na tila si Tito Darwin na ata. Sunod akong nagmano sa kaniya.
“Kaawaan ka ng diyos, hijo,” sabi naman nito sa akin.
“Sandali, bakit ba nasa labas ka pa? Hindi ka pa ba pinagbubuksan ni Dasha ng pinto?” tanong ni Tita Susie habang nagtataka.
“Wala po kasing sumasagot. Kanina pa ako tumatawag dito sa labas ng gate pero walang lumabas. Mukhang wala po ata sa loob si Dasha,” sagot ko sa kaniya.
“Ang babaeng talagang iyon, nakalimutan atang darating ka ngayong hapon.” Sinuksok na ni Tita Susie ang susi sa padlock na nakalagay sa gate. Siya na ang nagbukas nito.
Pagpasok namin sa loob, binaba ko ang bayong sa may lamesa. Okay naman pala ang istura ng bahay sa loob. Maganda, nakaka-relax tignan kasi halatang matandang bahay na ito.
“Halika, hijo, ihahatid kita sa kuwarto mo. Sana lang ay nalinis na iyon ni Dasha, kundi, masasabunutan ko talaga siya mamaya,” sabi ni Tita Susie na tila stress na stress sa pinsan ko. Sumunod ako sa kaniya saka kami pumasok sa loob ng kuwarto ko. “Oh, malinis at mukhang mabango na pala ang kuwarto. Nakapagtataka naman. Nasaan si Dasha? Mukhang umuwi na siya kasi malinis na itong kuwarto mo,” sabi ni Tita Susie. Ngumuso-nguso pa siya sa paligid nung lumabas ulit ng kuwarto. “Saka, amoy ko ang pabango ni Dasha. Parang kakawisik lang niya. Amoy na amoy, e,” dagdag pa niya.
“Eh, baka po pagkalinis nitong kuwarto ay umalis agad kasi may iba pa po siyang lakad. Ang mahalaga po ay nalinis na po niya itong kuwarto,” sagot ko na lang para hindi na siya ma-stress pa.
“Tama ka. Mainam at nagawa pa rin niya ang inuutos ko. Sige na, magpahinga ka muna sa kuwarto mo. Ipaghahanda muna kita ng merienda at tiyak na gutom ka,” paalam niya sa akin.
Tumango ako at saka ko na sinara ang pinto. Binaba ko ang backpack ko sa kama at saka binuksan ang bintana. Napangiti ako nung matanaw ko ang magandang bundok sa malayo. Kitang-kita rin dito ang kalye ng Villarama at ang bahay ng mga kapitbahay. Maaliwalas ang hangin dito at mukhang mag-e-enjoy ako sa pagbabakasyon ng dalawang buwan.
Hindi na ako nagsayang ng oras. Nilabas ko na ang mga damit sa bag ko at nilagay ko na sa aparador na walang laman. Doon ko pinagsasabit ang mga damit ko. Inilabas ko na rin ang dala-dala kong laptop. Dito ako nanunuod ng movie tuwing gabi kaya hindi puwedeng ‘di ko ito kasama.
Bandang alas kuwatro nang may kumatok sa pinto.
“Pasok po,” sagot ko.
Bumukas ito at niluwa si Tita Susie. May bitbit siyang mainit na kape at umuusok-usok pa na pancit na sobrang bango.
“Wow, ang bango! Mukhang ang sarap,” sabi ko agad nung tignan ko si Tita Susie.
“Paborito ito ni Dasha. Nagluto ako kasi baka magustuhan mo rin,” sabi niya at saka binaba sa lamesa ang pancit at kape.
“Salamat po, Tita Susie. Ngayon palang po ay mukhang mag-e-enjoy na ako sa pagbabakasyon dito,” masaya kong wika sa kaniya. Kita ko tuloy na masayang-masaya rin si Tita Susie. Mainam naman at halos magkasing bait sina Tita Susie at ang Nanay Rosie ko. Tila talaga sila pinagbiyak na buko. Iisa ang hulma ng katawan at mukha. Parang kambal. Kahit nasa malayo si Nanay Rosie ay parang nasa malapit lang din dahil dito kay Tita Susie.
“Oh, sige na, kumain ka na. Marami pa kasi akong gagawin sa kusina,” paalam niya. Kinain ko na agad ang pancit. Nung tikman ko ito, napapikit ako sa sarap. Gets ko na agad si Dasha kung bakit favorite niya ito. Ito na rin ata ang pinaka-masarap na pancit na natikman ko sa buong buhay ko. Ang sarap, lalo pa itong pinasarap nung pinigaan ng calamansi. Nakadagdag sarap ang mga sahog na manok, kikiam, squid balls at mga gulay. Wala pa atang five minutes ay ubos ko na agad ang pancit.
Pagkatapos kong mag-merienda, lumabas na ako sa kuwarto para maglibot sa bahay. Pumunta ako sa sala. May malaki silang TV, tapos napansin kong marami ring electric fan. Dito ay hindi uso ang aircon, pero mahangin naman kaya malamig pa rin.
Pagtingin ko sa malaking picture frame sa may dingding, napatingin ako sa isang dalagang kasama nila Tita Susie at Tito Darwin.
‘Yan na ba si Dasha?
Napakunot ang noo ko.
Ang weird pero parang nakita ko na ang mukha niya. Napatitig tuloy akong mabuti sa picture.
Na-meet ko na ba siya dati sa Manila?
B-bakit parang…parang nakita ko na siya?
Dasha POVHindi ko alam kung ilang beses akong napatingin sa labas ng bintana habang papalapit kami sa villa.Kasama ko sina Nanay at Tatay, at mula pa kanina ay panay ang tanong nila kung gaano raw ba kalaki ang bahay na regalo ni Elco sa kanila. Halatang mga excited, e.Pagliko pa lang ng sasakyan papasok sa private driveway, agad nang nanlaki ang mga mata ni Tatay.“Anak,” mahina niyang sambit. “Villa ba talaga ‘to?”Napangiti ako. “Opo, Tay.”Napatingin naman si Nanay sa akin na parang hindi rin makapaniwala. Nasa harapan na kasi namin ang isang napakalaking modern tropical villa. Hindi iyong mukhang sobrang bongga na parang hotel, pero eleganteng-elegante. May kombinasyon ng natural stone, warm wood, malalaking salamin, at puting exterior walls. May mataas na sloping roof at malawak na covered porch sa entrance.Napapalibutan ang buong property ng maayos na landscaping. May mga puno. May ornamental plants. May mga palumpong na pantay ang pagkakagupit, at sa isang bahagi ng drivew
Dasha POVNagkaroon ulit ako ng book signing para sa bagong book na kakalabas lang nung nakaraang araw. Nandito ako ngayon sa Mall of asia, kasama si Elco, Nanay at Tatay para suportahan ako.Ang haba ng pila at ang daming tao. Mananakit na naman ata ang kamay ko sa kakapirma. Pero okay lang dahil super happy ko na maraming bumili ng bagong book ko at marami ring gustong magpa-sign.After ng halos isang oras, natapos din ang nakapila. May iba na lumapit pa rin pero tapos nang magpapirma. Lumapit sila para magpa-picture, kaya sumama naman ako at hindi nagpaka-KJ.May mga bumati rin sa akin dahil kalat na sa social media na magiging movie na ang first ever published book ko.Pagkatapos ng event, nag-aya si Elco sa mamahaling kainan.“Ako po ang taya ngayon,” nakangiting sabi ni Elco.“Gusto ko ‘yan,” natutuwa namang sagot ni Tatay Darwin.“Pero, parang ako dapat ang manlibre dahil ako ang may event ngayon,” pigil ko kay Elco.“Oo nga, bakit si Elco, dapat ikaw, anak ang magpakain sa ami
Dasha POVKalmado na ang puso ko. Lalo na’t alam kong puwede na kami ni Elco. Malaya na naming maipapakita ang pagmamahalan namin at hindi na need itago pa.Hindi ko siya tunay na pinsan, kaya puwede na. Medyo nakakahiya pa sa umpisa, pero sinasanay na rin namin ang ni Elco na maging sweet sa harap nila.Ngayong araw, sinamahan ako ni Elco sa obg-yne ko. Natuwa kami kasi healthy si baby. Pansin din ng doctor ko na mukha raw akong blooming. Hindi ko lang masabi na wala na kasi akong iniisip na problema o kinaka-stress-an.Pagkatingin namin sa doctor ko, inaya ako ni Elco sa masarap na kainan. Sa wakas nga ay nakasakay na ako sa luxury car niya na sobrang gara. Ramdam na ramdam ko na rin talaga ang pagiging bilyonaryo niya dahil dinala niya ako sa isang fine dining restaurant. First time ko doon. Ang sasarap din ng pagkain, kaya tuwang-tuwa ako.“Alam mo, gagawa raw ng party si Mama para sa pagpapakilala sa akin sa mga kaibigan niya at sa buong Pilipinas,” sabi ni Elco habang patuloy ka
Elco POVHanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maintindihan kung paano nagbago ang buhay ko nang ganito kabilis. Parang kahapon lang ay iniisip ko pa kung paano ko haharapin ang galit nina Tito Darwin at Tita Susie. Iniisip ko kung paano ko poprotektahan si Dasha at ang baby namin. Iniisip ko kung paano ko paghahati-hatian ang oras ko sa trabaho, kay Dasha, at sa lahat ng problemang bigla na lang bumagsak sa buhay ko.Nasa loob ako ng isang sasakyan at katabi ko ang babaeng ilang araw pa lang ang nakalipas ay hindi ko akalaing tatawagin kong Mama.Nakilala ko siyang si Madam Coraline nitong mga nagdaang buwan. Hanggang ngayon ay kakaiba pa rin sa pakiramdam kapag tinatawag ko siyang mama.Paulit-ulit kong tinitigan ang mukha niya habang magkatabi kaming nakaupo sa likod ng luxury car. Parang gusto kong siguraduhin na hindi lang ito panaginip. Na totoo ang lahat. Na totoo ngang natagpuan ko na ang tunay kong pamilya.At higit sa lahat, na ang babaeng nasa tabi ko ay isang kilalang bil
Dasha POV“Kumalma ka, Darwin. Hindi ka naman dapat mahiya. Walang nakakahiya sa ginawa nila,” biglang sabi ni Tita Rosie, kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.“Rosie, nahihibang ka na ba? Anong walang nakakahiya sa ginawa nila? Magpinsan ‘yang mga anak natin. Alam mo ba ang sinasabi mo?!” galit pa ring sabi ni Tatay Darwin sa kaniya.Tumayo na si Tita Rosie. “Wala nga sabing nakakahiya dahil hindi naman sila totoong magpinsan!” sigaw ni Tita Rosie, kaya sabay-sabay kaming nagulat.Nanlaki ang mga naming nung tignan namin siya. Si Nanay, napanganga. Maging si Tito Julio ay napanganga rin.Si Elco, napatayo at napatingin sa Nanay niya.“A-anong ibig mong sabihin mo, Nay?” nagtatakang tanong ni Elco.Hindi pa man nakakasagot si Tita Rosie nang bumukas ang pinto. Niluwa nito si Madam Maria. Ang may-ari ng poon na inaayusan namin ni Ivy tuwing mahal na araw. At ang nakakagulat pa ay may kasama siya. Kasama niya si Madam Coraline. Ang kilalang sikat na mayamang CEO ng Tevarez Luxury bag
Dasha POVMula nang umuwi ako sa bahay namin sa Villarama Street, pakiramdam ko ay araw-araw akong nakaupo sa ibabaw ng isang bömba na anumang oras ay maaaring sumabög. Hindi ko lang alam kung kailan. Hindi ko lang alam kung paano, pero alam kong darating ang araw na iyon. Oo, ganoon na ang parang naiisip ko palagi. Lalo na’t nandito na ulit ako sa piling ng mga magulang ko.Bandang hapon nang marinig ko ang tunog ng sasakyang huminto sa harap ng bahay. Sa tunog palang nung sasakyan ay napakunot na agad ang noo ko. Pamilyar kasi.Nasa sala kami nun nila Nanay at Tatay. Tahimik lang kaming nag-uusap-usap tungkol sa magiging pangalan sana ng baby ko.“Sandali nga, parang may bisita ata tayo sa labas,” sabi ni Nanay Susie. Siya ang unang tumayo, kaya nang marinig namin ang busina sa labas, sabay-sabay kaming napatingin sa bintana. Pero iba na rin talaga ang kutob ko nun. Naisip ko agad ang sasakyan ni Elco kasi kabisado ko na, kaya hiniling kong sana ay hindi siya iyon. Kasi sa totoo lan
Dasha POVUtos ni Ivy, Ruby at Calista na ibahin ko ang itsura ko. Magkakausap kami ngayon sa video call. Kasama ko si Ivy dito sa salon. Ang ginawa ko ay ipapa-short hair ang buhok ko.Heto, no choice tuloy si Ivy. Kailangan niya akong samahan dahil malaki ang problema ko. Kailangan kong umuwi sa
Elco POVNasapak ko ang ka-work ko sa hotel na pinagtatrabahuhan ko dahil sa gigil ko. Bastos kasi ang bagong staff na si Mendez. Marami sa aming mga matagal na sa work ay sinasagot-sagot kami. At isa na ako roon. Sa dami ng mga naging staff ko, tanging siya lang ang sinagot ako, kaya hindi ako nak
Dasha POVNagulat si Ivy kasi bumalik ako sa flower shop. Pagkakita ko sa mukha ng pinsan kong si Elco, dali-dali akong lumabas sa pinto ng likod ng bahay namin. Doon ako dumaan para makabalik dito sa flower shop ni Ivy. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko itong tinakbo, basta nung makita ko ang m
Dasha POV“Bakit ba nagmamadali ka sa trabaho mo ngayon, Dasha?” tanong ni Ivy.Kaibigan ko siya at sa kaniya ako nagtatrabaho bilang flower shop assistant. Oo, siya rin ang may-ari nitong flower shop.“Sorry, Ivy, need ko talagang mag-half day ngayon. Kailangan ko pa kasing mag-update sa on-going

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





