تسجيل الدخولDasha POVNarinig kong gising na si Elco. Nasa kusina na naman siya habang ako ay pumasok na sa banyo para maligo. Nakasanayan na ni Elco ang pagluluto ng almusal. Pero wala akong balak mag-almusal sa bahay. Nagmamadali ako sa pagkilos at paggayak dahil kapag siya naman ang nasa banyo, doon ako aalis ng bahay.Hindi ko muna siya gustong makasamang kumain ng almusal. Nahihiya ako sa mga ginawa ko kagabi. Pakiramdam ko, sumubra ‘yung tapang ko.Kaya matapos maligo, nagmadali akong pumasok sa kuwarto ko. Nag-lock din agad ako ng pinto.Habang nagsusuklay ako ng buhok, kumatok siya sa pinto. “Dasha, luto na ang almusal,” sabi niya pero hindi ako sumagot. “Dasha, ano, kakain na ba tayo o hintayin mo na ako, maliligo lang ako saglit,” paalam pa nito.“Sige,” maikling sagot ko.“Okay, maliligo muna ako,” sabi niya kaya napangisi ako. Sabi ko lang kasi iyon pero kapag narinig kong nasa banyo na siya, saka ako aalis ng bahay.Kaya nagmadali na rin ako sa paggayak. Para makaalis na agad ako kap
Elco POVAlas dos na ng madaling-araw pero hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon ay isip-isip ko pa rin ang pag-amin ni Dasha kanina. Pabaling-baling ako ng higa. Kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi ako makatulog.Hanggang sa bumangon na ako. Tumayo at sumilip sa bintana. May naglalako pa ng balot. Lumabas ako at hinabol iyon. Naisip kong kumain na lang ng balot, baka sakaling kapag nabusog ako ay antukin na ako.Dali-dali kong binuksan ang pinto at gate sa ibaba. Medyo malayo na ang nagtitinda ng balot nung tawagin ko.“Kuya, pabili ng balot!”Nakakahiya kasi napasigaw pa ako. Agad namang huminto ang nagtitinda. Naglakad siya pabalik sa gawi ko.“Ilan po?” tanong ng tindero. “Mabuti at naabutan niyo ako. Pauwi na kasi ako, at sakto rin na may natira pa akong tatlong piraso, pakyawin niyo po, kuya,” udyok pa niya sa akin.Isa lang dapat ang bibilhin ko, pero dahil sinabi niyang pauwi na siya, pinakyaw ko na. “Sige, akin na ‘yang tatlong balot,” sagot ko.Pagkabili ko nun, bu
Dasha POVPagkatapos naming kumain, hindi ko na siya pinigilan nang siya na mismo ang kusang tumayo para magligpit. Aba, iyon na rin kasi ang usapan namin kaninang umaga. Ako ang magluluto ng dinner, tapos siya ang magliligpit.Hinayaan ko na siyang gumalaw mag-isa, alam naman na niya ang dapat gawin. Kinuha ko naman ang walis at nagsimulang maglinis ng sahig.Habang nagwawalis ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.Nakasandal siya nang bahagya sa lababo, naka-t-shirt lang, medyo basa ang kamay habang nagbabanlaw ng plato. Simple lang naman ang ginagawa niya, pero ewan ko, parang may kung anong kakaiba sa pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya sa ganitong setup.Parang ang sarap sa pakiramdam na nandito siya, kaming dalawa lang at payapang gumagalaw sa mga task namin dito sa bahay.Parang mag-asawa lang ang atake, nagtutulungan sa gawaing bahay.Napailing ako. Lumalala na rin talaga ‘yung mga tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko.Napakurap ako at agad na
Dasha POVNakita kong nilagay ni Elco sa fridge ang milktea na para sa akin, pagkatapos ay tumuloy siya sa kuwarto niya nang hindi na ako pinapansin.Parang batang nagta-tantrums na naman. Dahil lang may uwi akong coffee na galing kay Ryuji, nagkaganito na agad siya.Hindi ko na lang pinansin muna. Kilala ko naman siya. Kapag may tampo, ganito talaga, tahimik, medyo suplado, pero hindi naman nagtatagal ay magiging okay din siya mamaya.“Ako na bahala mamaya sa kaniya,” sabi ko, sabay huminga nang malalim. Masyado na akong pagod sa buong maghapong work, kaya ayoko na muna ng masyadong dramahan.Hinubad ko ang bag ko, itinali ang buhok ko, at nagsimulang maghanda para sa pagluluto ko ng dinner namin.Okay, kailangan kong sarapan ang iluluto kong adobong pusit para hindi niya laiitin ang gawa ko.Kailangan kong gawing perfect ‘to. Hindi lang para sa hapunan, kundi para rin sa kanya. Para tuluyan nang mawala ang tampo niya.Kinuha ko ang mga pusit mula sa plastic. Isa-isa ko silang hinuga
Dasha POVPagod na ang mga paa ko habang isinasara ang glass door ng flower shop. Marahan kong hinila pababa ang rolling shutter, sinigurong naka-lock nang maayos bago ako tuluyang umalis doon. Tumawag kasi si Ivy, hindi na siya makakabalik sa shop kaya ako na raw ang magsara nito.“Finally, uwian na,” bulong ko sa sarili ko, sabay unat ng likod.Maghapon akong tumayo, nag-ayos ng bulaklak, nakipag-usap sa customers, kaya deserve kong magpahinga na sa bahay. Pero mukhang mamayang gabi ko pa magagawa iyon dahil may task pa pag-uwi sa bahay. Ako ang magluluto ng dinner namin ni Elco.Sasakay na dapat ako pauwi sa bahay, kaya lang ay naalala kong kailangan ko nga palang dumaan sa palengke. Kanina pa nagtatanong si Elco kung anong iluluto ko. At gusto kong ma-surprise siya. Pero ang naisip ko talaga ay adobong pusit. Nagki-crave kasi ako doon.Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang naisip ko, pero siguro dahil gusto ko ng comfort food ngayong gabi.Nung may dumaang tricycle ay agad ko itong pi
Dasha POVNakasanayan ko na ang katahimikan ng flower shop kapag wala si Ivy. Iba kasi ang pakiramdam kapag siya ang nandito. Maingay, buhay ang buong paligid dahil madalas kaming maghunta, lalo na kapag walang customer. Pero ngayon, tahimik tuloy.May a-attend-an kasing meeting si Ivy sa customer namin sa magiging kasal. Importante iyon kaya hindi niya puwedeng ipagpaliban. Aba, dapat lang, malaki kasi ang kita namin kapag may kasal din kaming inaayusan.Maya maya, habang nagtatanggal ako ng mga tuyong bulaklak sa mga stock namin, biglang tumunog ang maliit na bell sa pintuan.“Hello po!” bati ko agad, sabay tingin sa pumasok.Dalawang babae ang niluwa ng pintuan na halatang magkaibigan. Pareho silang naka-casual na damit, mukhang galing sa kung saan. Nakangiti sila habang lumalapit sa counter.“Hi! Open pa kayo?” tanong nung isa na medyo hingal. Tumakbo ba sila? Ah, baka tumawid sa kalsada.“Oo naman po. Ano pong maitutulong ko?”“Magpapagawa sana kami ng bouquet,” sabi nung isa pa,







