LOGINDasha POVSeven thirty eight ng gabi ako nakarating dito sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. ‘Yung tipong hindi nila maririnig na nandito na ako. Nang makalagpas ako sa gate, dahan-dahan din akong naglakad papasok sa loob. Sa labas palang ng pinto, dinig ko na ang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa hapagkainan. Kasalukuyan palang silang kumakain ng dinner. At sure akong kasabay na nila Nanay Susie at Tatay Darwin si Elco sa pagkain ng hapunan.Huminto ako saglit sa likod ng pinto at huminga ng malalim.Okay, game. Magpapakita na ako sa kanila.“Magandang gabi. Nandito na po ako!” announce ko sa kanila.Lahat silang tatlo ay napatingin agad sa akin. Pero ang hinanap agad ng mga mata ko ay ang pinsan kong si Elco. Nagtama naman agad ang mga mata namin. Pareho kaming nagkatitigan. Ginawa ko ang lahat para hindi ako makagawa ng reaction na magpapahinala agad sa kaniya na na-meet ko na siya sa Manila. ‘Yung reaction na kunwari ay hindi ko natatandaang nagka-sëx na kaming magp
Elco POV“Si Dasha ba ang tinititigan mo sa malaking picture frame?” tanong sa akin ni Tita Susie nang lapitan ako rito sa living area.Tumango ako at saka binalik ang tingin kay Dasha. “Halos kasing edad ko lang po ba siya, Tita Susie?”“Oo, Elco. Sayang nga, kung dati ka pa lang nakakapunta rito ay baka matagal na kayong naging magka-close. Ang tagal ngang umuwi ng babaeng iyon, dapat kapag ganitong oras ay nandito na siya. Mukhang gumala na naman siya kasama ang mga kaibigan niya,” sagot ni Tita Susie habang may hawak pang sandok.“Ano po bang work ni Dasha? Dito lang po ba siya sa Probinsya o nagpupunta rin siya sa Manila?” tanong ko pa. Parang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati sa Manila.“Nagwo-work siya doon sa kaibigan niyang may flower shop. Assistant ang trabaho niya. Dito lang siya palagi sa probinsya. Ni hindi nga iyon napupunta sa Manila. Bukod doon, pangarap niyang maging sikat na author. At ‘yung mga magagandang tanim na halaman at bulaklak sa garden
Dasha POVUtos ni Ivy, Ruby at Calista na ibahin ko ang itsura ko. Magkakausap kami ngayon sa video call. Kasama ko si Ivy dito sa salon. Ang ginawa ko ay ipapa-short hair ang buhok ko.Heto, no choice tuloy si Ivy. Kailangan niya akong samahan dahil malaki ang problema ko. Kailangan kong umuwi sa bahay mamayang gabi na hindi ako mamumukhaan ni Elco.“Pak! Nag-iba ang itsura mo, Dasha. Nakaka-fresh ang ganiyang look pala,” sabi ni Ivy nung lumabas na kami sa salon.“Oh, ano, girls, okay ba? Mukha bang hindi na ako matatandaan ni Elco nito?” tanong ko habang nakatapat sa harap ng camera. Nasa screen din ang mga camera nila Calista na nasa loob ng banyo sa ospital, habang si Ruby naman ay nasa terrace ng bahay ng lola niya sa Bataan.“Ay, Ivy, si Dasha ba ‘yang kasama mo o artista?” pang-uuto ni Calista.“Oo nga, parang biglang naging model ang peg,” sabat naman ni Ruby.Mga halatang inuuto lang ako kasi alam nilang malaki ang problema ko ngayon. Tinapik ni Ivy ang balikat ko. Alam niya
Elco POVNandito na ako sa Villarama Street, Norzagaray, Bulacan. Nasa tapat na ako ng bahay nila Tita Susie. Ito ‘yung picture ng bahay na sinend ni Tita Susie kay Nanay Rosie para hindi ako maligaw.“Ito po ang bayad,” sabi ko sa tricycle driver na sinakyan ko. Pagkabayad ko, binitbit ko na ang malaking backpack ko.Huminto ako sa tapat ng gate nila at saka sumigaw. “Tao po!”Dito sa gate ay may narinig akong mga yapak na parang tumakbo. Hindi ako puwedeng magkamali, galing ang mga yapak sa mismong loob ng bahay. Akala ko ay may nakarinig na sa akin kaya hindi ko na inulit ang pagtawag ko. Pero lumipas ang ilang minuto, wala, walang lumabas para pagbuksan ako ng gate o pinto.“Tao po!” sigaw ko ulit.“Uy, mukhang may bagong salta sa kalye namin ah!” biglang sabi ng isang lalaki. Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking puro tattoo ang braso at binti. Adik!“Ah, oo, bagong salta ako. Magbabakasyon ako rito ng dalawang buwan,” sagot ko sa kaniya kasi mukhang gusto niya akong kausapi
Elco POVNasapak ko ang ka-work ko sa hotel na pinagtatrabahuhan ko dahil sa gigil ko. Bastos kasi ang bagong staff na si Mendez. Marami sa aming mga matagal na sa work ay sinasagot-sagot kami. At isa na ako roon. Sa dami ng mga naging staff ko, tanging siya lang ang sinagot ako, kaya hindi ako nakapagtimpi, sinapak ko siya sa harap ng maraming tao. Sa oras pa ng trabaho. At dahil sa lintik na Mendez na iyon, dalawang buwan akong suspendido sa trabaho. Nung kinausap ako ng boss ko nung araw na iyon, nawala talaga ako sa hulog. Hindi ko alam na kamag-anak pala ni Mendez ang may-ari ng hotel. Ako pa ang nalagay sa alanganin. Manager na ako sa hotel, pero dahil nga sa gagong si Mendez, na-suspend ako. Ang sabi nung boss ko, dalawang buwan lang doon si Mendez, aalis din kasi kumukuha lang ng experience. Kapag umalis na ito, saka na lang daw ako bumalik.Pag-uwi ko sa bahay, nagbihis lang ako at umalis na rin agad. Nahihiya kasi ako kay Nanay Rosie at Tatay Julio kapag nalaman nilang inali
Dasha POVNagulat si Ivy kasi bumalik ako sa flower shop. Pagkakita ko sa mukha ng pinsan kong si Elco, dali-dali akong lumabas sa pinto ng likod ng bahay namin. Doon ako dumaan para makabalik dito sa flower shop ni Ivy. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko itong tinakbo, basta nung makita ko ang mukha ni Elco, hindi na ako nagdalawang-isip na umalis agad sa bahay para maiwasan siya.“Akala ko busy ka ngayong hapon? Bakit bumalik ka rito sa shop?” pagtataka niya. Halos wala na kasing ginagawa kapag ganitong oras. Na-deliver na rin ang mga bulaklak na ginawa namin kaninang umaga.“Ah, eh, wala pa kasi siya hanggang ngayon, naisip ko sayang naman ang oras ng pasok ko ngayong hapon. Para hindi ako half day, alam mo na, mukha akong pera, Ivy,” palusot ko na lang. Kahit ang totoo ay ayokong makaharap ang lalaking iyon.Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip kong kaming dalawa ng pinsan ko ang nag-sëx nung gabing iyon. Kami ng pinsan ko ang naglaplapan nung gabing iyon. At ang pinsan kong si E







