ログインDasha POVDahil natapos ko na ang manuscript at pasado ito, heto, narito ako ulit ako ngayon sa goodnovel ink company para pumirma ulit ng panibagong kontrata. Para naman sa pangalawang librong ipa-publish ng kumpanyang ito.Dapat masaya ako, dapat excited ako, pero habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ng kotse, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.Mukha akong pagod. Hindi lang basta pagod. Haggard talaga. Namumutla ang balat ko, may bahagyang pangingitim sa ilalim ng mga mata, at parang nawalan ng sigla ang dating ningning ng mukha ko.Napalunok ako ng laway.“Ayos ka lang ba talaga, Dasha?” bulong ko sa sarili ko.Kailangan kong maging maayos. Kailangan kong itago ito. Wala pang ibang dapat makaalam. Lalo na dito.Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.Pagkapasok ko pa lang ay agad akong binati ng mga empleyadong nakakasalubong ko.“Good morning, Author Petalyn!”“Congratulations po sa success ng first book!”“Excited na kami
Dasha POVNananatili akong nakatayo sa harap ng malaking bintana ng condo unit na kakalipat ko lang ngayong linggo. Mula rito, tanaw ko ang nagkikislapang ilaw ng city. Hindi tulad sa probinsiya kung saan tahimik ang gabi at maririnig mo pa ang huni ng mga kuliglig, dito ay buhay na buhay ang lahat. May mga sasakyang dumaraan, mga taong naglalakad sa ibaba, at mga gusaling tila hindi natutulog. Ngayon na lang ulit ako nakarating dito sa city matapos ang ilang linggong pananahimik ko sa bahay namin sa probinsya.Huminga ako nang malalim at ipinatong ang isang kamay sa tiyan ko. Tatlong araw na.Tatlong araw na mula nang takasan ko sina Nanay at Tatay sa ospital. Hindi pa rin ako makapaniwalang umabot ako sa puntong ito. Kung may nagsabi sa akin noon na magtatago ako sa sarili kong pamilya habang nagdadalang-tao, malamang tatawanan ko lang sila. Pero ngayon, iyon mismo ang buhay na kinakaharap ko.Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman gustong magsinungaling kina Nanay at Tatay. Mahal
Dasha POVLumipas ang isang linggo na halos hindi ko namalayan. Pitong araw akong tahimik, tulala, parang walang gana sa lahat. Pitong araw na nakakulong lang ako sa loob ng bahay, nakatutok sa laptop, nakayuko sa lamesa, at paulit-ulit na hinahabol ang bawat eksenang kailangan kong isulat.Kung tutuusin, hindi naman ako pinilit ng kahit sino na gawin ito. Ako mismo ang pumili nito. Mas mabuti nang magkulong kaysa mag-isip. Mas mabuti nang magsulat kaysa maalala ang mga bagay na gusto kong kalimutan.Sa loob ng isang linggo, halos hindi ko na nasilayan ang labas ng bahay. Ang tanging nakikita ko ay ang puting dingding ng kuwarto ko, ang monitor ng laptop, at ang mga healthy food na palaging ginagawa sa akin nila Nanay Susie at Tatay Darwin.Kailangan kong matapos ang pangalawang librong ipapasa ko sa GoodNovel Ink Company.Kailangan ko ring libangin ang sarili ko para hindi mabaliw kakaisip sa mga naganap nitong mga nakaraang linggo. Dahil kapag nagsusulat ako, kahit paano, tumatahimi
Ryuji POVNakatitig ako sa harap ng salamin. Namumula ang mata ko dahil sa tindi ng pag-iyak ko. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng masasakit na sinabi sa akin ni Dasha.Fuck you.Gago.Demonyo.Siraulo.At halos paulit-ulit niya akong minura. Sa lahat ng maganda at masayang ginawa ko sa kaniya, ganoon na lang bigla.Naka-block na ako sa lahat. Wala na akong ibang pang-contact sa kaniya kaya araw-araw ko siyang kinulit, pero ‘yung kanina, wala na talaga. Talagang galit na galit na siya at sukang-suka sa akin.Hindi ko alam na ganoon ang magiging ending ng ginawa ko. Hindi ko alam na mawawalan ako ng Dasha.Talaga bang mas gusto pa niyang makipag-relasyon sa sarili niyang kadugo? Sa sariling pinsan?Grabe, hindi ako makapaniwala. Gusto ko lang siyang itama ng landas. Gusto ko lang siyang ma-distract, pero ganoon lang pala ang mangyayari.Nagpapogi pa naman ako, nagpaganda ng katawan at pinaghandaan ang pagharap sa lahat ng fans at readers pero isusuka lang pala ako sa huli.Ngayong aya
Dasha POVIsang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ‘yon, at hanggang ngayon, galit pa rin ako kay Ryuji. Hindi lang galit. Gigil na gigil. Inis na inis. Buwisit na buwisit. Lahat na yata ng klase ng pagkainis ay nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya.Nakaupo ako ngayon sa may veranda ng bahay namin dito sa probinsya habang nakatingin sa mga tanim kong halaman. Nalungkot ako lalo nung makita kong napabayaan na ang ilan sa mga alaga kong halaman. Maraming natuyot at may iilan na namatay. Mabuti na lang at nag-survive ko ang iba. Diniligan at nilagyan ko na ng fertilizer at mukhang mabubuhay pa naman.Tapos na ko sa mga dapat kong ayusin sa mga alaga kong halaman kaya nagpapahinga na ako ngayon.Pero paano ako magpapahinga kung kada limang minuto ay may bagong notification sa cellphone ko?“Dasha!”Napapikit ako. Narinig ko ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay.“Ano po?”“Lumabas na naman kayo sa TV!”Napahawak ako agad sa noo ko. Hindi na bago sa akin. Alam
Dasha POVHanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari. Nakaupo na ako sa sofa ng villa habang nakatulala sa kawalan.Nasa harap ko naman ay kalmado lang na nakaupo si Ryuji, na para bang wala lang nangyari.Ang lala. Ang tagal-tagal ko na palang nakakasama si Mr. Night Bloom, hindi ko pa pala alam. Tapos, ngayon ko lang nage-gets kung bakit mas updated siya sa akin about kay Mr. Night bloom dahil iisa lang pala sila ni Ryuji. Nakakaloka talaga!Isa ito sa pinakamalaking plot twist sa buong buhay ko.Bumuntong-hininga muna ako, pagkatapos ay tumingin ako sa kaniya. Matagal ko siyang tinignan nang walang kurap-kurap.Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin lang din sa cellphone niya.Kalmado lang ang gago, at napaka-komportable.Parang wala talagang nangyari.“Hoy, Ryuji!”“Oh?”“Puwede ba kitang sapakin?”Hindi man lang siya nag-angat ng tingin.“Huwag, sayang ang kapogian ko noh!” sagot niya agad.“Loko-loko ka kasi.”Tum
Dasha POVToday, nakasakay na naman ako sa isang service car. Kailangan ko na naman kasing pumunta sa Goodnovel Ink Company. Kung dati, kinakabahan ako tuwing papasok sa building na iyon dahil pakiramdam ko ay napakalayo ng pangarap ko bilang manunulat, ngayon naman ay kabaligtaran na. Sa bawat pag
Elco POVHindi ako mapakali buong umaga. Sa totoo lang, hindi ko na halos malasahan ang kape ko. Paulit-ulit kong tinitignan ang cellphone ko habang nakaupo sa office ng managers sa Grand Dadonza Hotel.Dahil kaninang alas nuebe pa lang ng umaga, may natanggap na akong message mula sa executive sec
Madam Coraline POVHindi ako sanay magkasakit. Sa mundong ginagalawan ko, parang kasalanan ang magpahinga. Kapag CEO ka ng isang malaking kumpanya, kapag libo-libong tao ang umaasa sa mga desisyon mo araw-araw, pakiramdam mo wala kang karapatang mapagod. Wala kang karapatang manghina. Wala kang kar
Dasha POVTahimik na ang bahay nila Elco nang magising ako kinabukasan. Iyon agad ang una kong napansin. Wala ng tawanan nina Nanay at Tatay. Wala na ring boses ni Tito Julio. Wala na iyong masayang ingay kagabi.Mukhang nakaalis na sina Nanay Susie at Tatay Darwin pabalik ng Bulacan kaninang madal







