Mag-log inTwyla POV
Masakit.
Iyon ang unang naramdaman ko nang unti-unti akong magkamalay. Masakit ang ulo ko. Masakit ang buong katawan ko. At parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.
Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon.
“Ah!”
Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod ang paghinga.
May tubig na maalat. May buhangin. May langit.
Napakurap ako nang ilang beses, habang pilit na inuunawa ang nasa paligid ko. Ewan ko kung totoo pero parang nasa isang dalampasigan ako. Napapalibutan ako ng malawak na dagat at makapal na mga punong hindi ko kilala. Mapuputi ang buhangin, malinaw ang tubig, at halos walang marinig kundi ang hampas ng alon at huni ng mga ibon.
Dito, walang gusali. Walang tao. Walang anumang palatandaan ng kabihasnan.
“Where the hell am I?” Namamaos ang boses ko.
Dahan-dahan akong tumayo, kahit halos manghina ang mga tuhod ko. Basa ang suot kong damit at gusot na gusot ang buhok ko. May ilang galos din ako sa mga braso at binti.
Paglingon ko sa paligid, nakita ko ang ilang piraso ng metal, mga upuan, at iba pang debris na tila inanod ng dagat patungo sa dalampasigan.
Biglang nanumbalik sa isip ko ang nangyari.
Ang eroplano. Ang pagsabog. Ang pagbagsak namin sa tubig.
Napahawak ako sa bibig ko. “Oh, my God!”
Nagsimula na namang mangilid ang luha ko. Grabe, buhay pa ako.
Hindi ko alam kung paano, pero buhay ako.
Sa dami ng puwedeng mangyari sa akin matapos ang pagbagsak na iyon, hindi ko alam kung bakit ako ang isa sa mga pinalad na makarating sa pampang. Pero habang nakatingin ako sa malawak na dagat, unti-unti kong naunawaang wala pa pala akong dapat ipagpasalamat nang lubusan. Hindi ko alam kung may ibang nakaligtas. Hindi ko alam kung nasaan ako. At higit sa lahat, wala akong ideya kung paano ako makaaalis sa islang ito.
Napahawak ako sa ulo ko. “Okay, Twyla. Calm down. You can figure this out.”
Pinilit kong pinatatag ang sarili ko. Isa akong gamer. Sanay akong mag-isip ng strategy kahit nasa alanganing sitwasyon, pero sa pagkakataong ito, hindi laro ang kinakaharap ko. Totoong buhay na ito. At kung magkakamali ako, maaaring hindi na ako makakuha ng second chance.
Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad sa gilid ng dalampasigan, umaasang may makikita akong ibang nakaligtas.
Hanggang sa may napansin akong kakaiba sa kalayuan. May nakita akong isang lalaking nakataob sa buhangin.
Agad akong napatigil at siyempre, natuwa na rin.
“Oh, shit!”
Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya.
“Hey! Hey, can you hear me?”
Lumuhod ako sa tabi niya at marahang hinawakan ang balikat nito.
“Sir? Hey!”
Hindi siya sumasagot. Nanlamig tuloy ang mga kamay ko. Huwag naman sanang patay na siya.
Hindi ko kayang makita ang isang taong namatay sa harapan ko, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Lalong ayokong magkaroon ng kasama na patay dito sa isla, diyos ko po!
Maingat ko siyang binaligtad upang makita ang mukha niya.
“Please, don’t be—”
Natigilan ako bigla. Hindi ko naituloy ang sasabihin ko, dahil nang makita ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko, para bang bigla akong nakakita ng multo.
Pamilyar ang matangos niyang ilong. Ang makapal niyang kilay. Ang panga niyang kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin nakalimutan.
“K-Kentaro?”
Hindi ako makapaniwala.
Ilang segundo akong nakatitig lang sa kaniya, umaasang nagkakamali lang ako. Na baka epekto lang ito ng pagod, takot, o pagkakabangga ng ulo ko.
Pero hindi. Siya iyon. Si Kentaro.
Limang taon na ang nakalipas mula nang huli ko siyang makita. Limang taon na nung aksidenteng may mangyari sa aming dalawa nung gabing iyon at sa kasal pa ng kapatid ko.
Tinignan ko siya, sira ang suot niyang polo. Kita ang matipuno nitong dibdib, mabuhok na katawan at pati na rin ang abs. Hanggang ngayon, ganoon pa rin. Maganda at malaki pa rin ang katawan.
“Ang gara naman, Lord. Seryoso po ba? Siya pa ang makakasama kong ma-stranded dito sa island ito?”
Napatalikod ako. Iniwan ko na muna siya. Sure naman akong buhay pa siya dahil humihinga pa ito.
Pero hindi ako makapaniwalang isa rin siya sa lulan ng eroplanong nasakyan ko kanina.
Naglakad ako sa may lilim dahil naiinitan na ako sa mainit na sikat ng araw. Siya, bahala siya sa buhay niya. Magigising din siya ng kusa. Ang gusto kong malaman sa ngayon ay kung paano makakaalis sa isla na ito.
Sa tingin ko, sobrang layo nung pinag-agusan ko kaya ako nakarating dito. I mean, kaya kami nakarating dito ni Kentaro.
Naiisip ko rin kung may makakakita kaya sa amin dito o wala?
Naisip ko rin ang anak kong si Tara. Makikita ko pa kaya siya? Tiyak na kapag nagtagal ako rito ng isang linggo at hindi pa ako nakikita ay sobrang iyong malulungkot.
Napaupo ako sa buhangin at napaluha na lang ulit habang iniisip kung gaano karami ang biglang problema na dumating.
Hindi baleng magutom ako ng isang buong araw dito, basta bukas, sana ay may makakita na sa amin.
“Ahhh!” dinig kong sigaw bigla ni Kentaro sa malayo. Gising na siya, kaya nagtago ako sa likod ng puno. Hindi ko pa talaga kayang magpakita sa kaniya. Ayoko, kahit limang taon na ang nakakalipas ay nahihiya pa rin ako sa nagawa ko sa kanila ng kapatid kong si Juni.
Napatingin ako sa langit bigla.
“Juni, my sister, bakit naman hinayaan mong magkasama pa kami nitong si Kentaro rito sa Isla? Hindi pa ba sapat ang halos billion times na ata na pagso-sorry ko sa puntod mo, sa araw-araw, sa loob ng limang taon?”
Nakita kong nakatayo na si Kentaro. Nakatingin siya sa buong paligid.
“Hello, may kasama ba ako rito?!” sigaw niya.
Hindi ako sumagot. Ayoko. Ayokong magpakita sa kaniya.
Pero bigla siyang napatingin sa mga bakas ng paa ko nung lapitan ko siya.
“M-may tao, may lumapit ata sa akin kanina habang wala akong malay,” dinig kong sabi niya.
Doon ako napangiwi kasi sinundan niya ang bakas ng mga paa ko.
Sa pagkakataon na iyon ay tila wala na akong dahilan para magtago pa.
Kahit saan kasi ako magpunta ay may maiiwang bakas ng paa ko dahil puro buhangin dito, so, ayon, wala na akong choice.
Lumabas na ako sa likod ng puno habang papalapit siya.
“H-hey,” mautal-utal ko pang sabi.
Nung makita at marinig niya ako ay huminto siya sa paglalakad. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“No, hell no, no, no!”
Inaasahan ko na rin naman ito. Kung ako man, ayoko rin naman siyang makita at makasama, pero tila ang tadhana ang naglalaro sa amin.’
Umatras siya at iniwasan ako ng tingin.
“Lumayo ka sa akin at huwag kang lalapit, Twyla!” galit niyang sabi.
Fine, mas mainam, mas gusto ko rin iyon.
Twyla POVHuminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa looban nitong island.Habang papasok ako sa loob, mas lalo kong nararamdaman ang takot. Napapalibutan na kasi ako ng matataas na puno at makakapal na halaman. May mga pagkakataon pang may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan kaya agad akong napapahinto.“Hello?” tawag ko minsan, kahit hindi ko rin alam kung bakit. Wala namang sumasagot. Malamang, kung may hayop mang nagtatago sa mga halaman, hindi rin naman nito ako sasagutin.Napangiwi ako. Great. I’m officially talking to myself on a deserted island.Pero wala akong ibang magagawa. Kailangan kong maghanap ng pagkain habang may lakas pa ako. Hindi puwedeng umasa lang ako sa mga rescuer na hindi ko naman alam kung darating.Ilang minuto pa akong naglakad nang may mapansin akong isang punong hitik sa mga bunga.Agad akong napahinto. Sandali pa akong napatingin sa mga dahon nito, saka sa mga bungang nakasabit sa mga sanga.“Wait a minute.”Lumapit pa ako lalo.
Twyla POVKahit ayokong si Kentaro ang kasama ko rito, at least, hindi ako nag-iisa sa islang ito. May isa pang taong nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano, at kahit papaano, may kasama ako habang naghihintay ng rescuer.Pero, aamin ko, nung sabihin niyang layuan ko siya at hindi siya makapaniwalang ako ang kasamang ma-stranded dito ay nasaktan ako. Kasi kahit limang taon na ang nakakalipas, nandoon pa rin ang galit niya.Ano pa nga ba ang aasahan ko? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, wala akong karapatang mag-demand ng kahit kaunting kabaitan sa kaniya.Kaya nang maglakad siya palayo, hinayaan ko lang siya. Hindi ko na rin siya sinundan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang magising ako sa dalampasigan. Wala akong relo, at wala ring cellphone na gumagana. Hindi ko rin alam kung may signal sa islang ito o kung may nakakaalam bang nakaligtas kami.Ang tanging magagawa ko ay maghintay. Maghintay na may makarating na rescuer. Maghintay na may makakita sa ami
Twyla POVMasakit. Iyon ang unang naramdaman ko nang unti-unti akong magkamalay. Masakit ang ulo ko. Masakit ang buong katawan ko. At parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon.“Ah!”Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod ang paghinga.May tubig na maalat. May buhangin. May langit.Napakurap ako nang ilang beses, habang pilit na inuunawa ang nasa paligid ko. Ewan ko kung totoo pero parang nasa isang dalampasigan ako. Napapalibutan ako ng malawak na dagat at makapal na mga punong hindi ko kilala. Mapuputi ang buhangin, malinaw ang tubig, at halos walang marinig kundi ang hampas ng alon at huni ng mga ibon.Dito, walang gusali. Walang tao. Walang anumang palatandaan ng kabihasnan.“Where the hell am I?” Namamaos ang boses ko.Dahan-dahan akong tumayo, kahit halos manghina ang mga tuhod ko. Basa ang suot kong damit at gusot na gusot ang buhok ko. May ilang galos din ako sa mga braso at binti.Paglingon ko sa paligi
Twyla POVHindi ko na mabilang kung ilang bansa na ang napuntahan ko dahil sa pagiging gamer ko.Mula Asia hanggang Europe, halos lahat ng malalaking gaming event ay naroon ako. Minsan, bilang special guest. Minsan naman, bilang isa sa mga pangunahing manlalaro na inaabangan ng libo-libong fans.At sa totoo lang, hindi ko kailanman pinangarap na aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko.Dati, simpleng paglalaro lang sa harap ng computer ang ginagawa ko. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano mananalo sa bawat laban. Pero ngayon, pangalan ko na mismo ang hinahanap ng mga tao sa bawat event na dinadaluhan ko.Iyon din ang dahilan kung bakit ngayong araw ay papunta na naman ako sa ibang bansa para dumalo sa isang sikat na app game event.As usual, VIP ang ticket ko. May sariling lounge, may exclusive meals, at may mga staff na nakahandang tumulong sa bawat pangangailangan ko.Hindi na rin bago sa akin ang ganitong klase ng treatment. Sa katunayan, mas nasasanay na ako sa ganitong buhay
Twyla POVHalos umiikot na ang paningin ko habang paalis sa event area ng kasal ng kapatid kong si Juni at ang one year palang niyang boyfriend na si Kentaro. Ang bilis nga, isang taon palang sila pero nagpakasal na agad.Ewan ko ba pero nawi-wirduhan talaga ako sa pinakasalan ni Juni na iyon. Pero, buhay iyon ng kapatid ko, at gustong-gusto niya ang Kentaro na iyon, kaya wala akong magagawa. Bahala sila sa buhay nila.Kanina pa tapos ang kasal. May dalawang oras na ata ang nakakalipas. Ang iba ay umuwi na, lalo na ang mga may edad na. Sa ngayon kasi ay party, party na ang nagaganap.Ayon nga at nagpa-party na nang malala si Juni, habang ang asawa naman niya, ewan, nasa bedroom na ata at wala raw sa mood mag-iinom ng alak ngayon. Sa loob-loob ko, hinihintay lang niya si Juni para sa honeymoon nila. Si Juni kasi, naku, talagang dati pa ay hilig sa mga event na hindi nawawalan ng inuman. Kaya maging ang kasal niya, aba, hindi rin nagpaawat sa ganoong kasiyahan.Paakyat na ako ngayon sa



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



