เข้าสู่ระบบTwyla POV
Kahit ayokong si Kentaro ang kasama ko rito, at least, hindi ako nag-iisa sa islang ito. May isa pang taong nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano, at kahit papaano, may kasama ako habang naghihintay ng rescuer.
Pero, aamin ko, nung sabihin niyang layuan ko siya at hindi siya makapaniwalang ako ang kasamang ma-stranded dito ay nasaktan ako. Kasi kahit limang taon na ang nakakalipas, nandoon pa rin ang galit niya.
Ano pa nga ba ang aasahan ko? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, wala akong karapatang mag-demand ng kahit kaunting kabaitan sa kaniya.
Kaya nang maglakad siya palayo, hinayaan ko lang siya. Hindi ko na rin siya sinundan.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang magising ako sa dalampasigan. Wala akong relo, at wala ring cellphone na gumagana. Hindi ko rin alam kung may signal sa islang ito o kung may nakakaalam bang nakaligtas kami.
Ang tanging magagawa ko ay maghintay. Maghintay na may makarating na rescuer. Maghintay na may makakita sa amin.
At higit sa lahat, maghintay na makaalis ako sa lugar na ito.
Pero habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng katawan ko.
Kumakalam na ang sikmura ko.
Ang huling kain ko nang maayos ay kahapon pa kasi nagda-diet din ako, at dahil sa nangyari sa eroplano, hindi ko na alam kung ilang oras nang walang laman ang tiyan ko.
Napahawak ako sa sikmura ko. “Damn it. I’m starving.”
Tumingin ako sa dagat, umaasang may makikita akong bangkang papalapit. Pero wala. Tanging malalaking alon lamang ang sumasalubong sa dalampasigan.
Napabuntong-hininga ako. Kung maghihintay lang ako rito nang walang ginagawa, baka gutom pa ang ikamatay ko bago pa man dumating ang rescuer.
Kailangan kong maghanap ng pagkain, kaya tumayo ako at pinagpag ang buhangin sa damit ko. Pagkatapos, naghanap ako ng puwedeng gamitin bilang sandata sakaling may mangyaring hindi maganda. Hindi ko alam kung anong klaseng isla ito. Tahimik kasi ang paligid, pero hindi ibig sabihin noon ay ligtas na ako.
Paano kung may mga mababangis na hayop dito?
Paano kung may ahas?
Baboy-ramo?
O kung ano pang hayop na puwedeng sumugod sa akin mula sa mga puno?
Napangiwi ako sa naiisip ko. Huwag naman sana.
Kaya nang makakita ako ng isang matabang patpat sa tabi ng isang puno, agad ko itong pinulot.
Sinubukan kong hawakan nang mahigpit at iwasiwas nang ilang beses.
“Okay. This will do.”
Hindi naman ako marunong makipaglaban gamit ang patpat, pero kahit papaano, puwede ko itong ipangtaboy kung may biglang sumulpot na hayop.
Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papasok sa looban ng isla.
Pagpasok ko pa lamang, agad kong napansin ang dami ng mga puno. May matataas na punong niyog, malalapad na dahon, at mga halamang hindi ko man lang alam ang pangalan.
May mga buko rin. Napatingala ako sa isang puno ng niyog, at sandaling nagningning ang mga mata ko. Iyon ang puwede kong maging tubig!
Pero nang tingnan ko ang itaas ng mga bunga, unti-unting nawala ang ngiti ko.
“Are you kidding me?”
Napakataas ng mga iyon! Paano ko naman maaabot ang mga buko kung wala akong anumang gamit para akyatin ang puno? Kahit maghagis ako ng patpat, malamang ay wala rin akong mapapala.
Napailing ako. “Fine. I’ll find something else.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad, at maingat na sinusuri ang bawat sulok ng isla. Paminsan-minsan ay napapalingon ako sa likuran ko dahil sa takot na baka may sumusunod sa akin na kung anong mabangis na hayop, pero wala naman akong nakikitang kakaiba.
Hanggang sa may mapansin akong isang puno sa hindi kalayuan sa akin.
Mga saging. As in, mga bungkos ng saging, kaya biglang nanlaki ang mga mata ko.
“Oh, my God!”
Hindi ko na pinag-isipan pa ang susunod kong gagawin. Agad akong tumakbo papunta sa puno, hawak-hawak pa rin ang patpat.
Sa wakas! May makakain na rin ako!
Pero pagdating ko roon, may isa pang taong halos kasabay kong nakalapit sa puno.
At siyempre, hindi na ako nagulat nang makitang si Kentaro iyon.
Seriously?
Sa dinami-rami ng lugar sa islang ito, dito pa talaga kami magkakasalubong?
“That’s mine!” sigaw niya.
Napahinto ako at napatingin sa kaniya.
“What? Excuse me?” nakataas ang isang kilay ko.
“I said, that’s mine. I saw it first.”
“Are you kidding me, Kentaro? Ako ang unang nakakita diyan!”
“No, ako, hindi ikaw!” sigaw niya.
“Sabi nang ako, e! ako ang nauna!” pagmamatigas ko rin.
“Stop lying.”
Napanganga ako sa kapal ng mukha niya.
Lying?
Ako pa talaga ang sinabihan niyang sinungaling?“Look, I don’t have time for your nonsense. Pareho tayong nagugutom, kaya puwede bang maghati na lang tayo?” suggest ko, habang pilit na pinipigilan ang inis ko.
Pero sa halip na sumang-ayon, mas lalo lamang sumama ang tingin niya sa akin.
“Share? With you?”
Napangiwi siya na para bang nakakadiri ang ideyang naisip ko.
“I’d rather starve.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Wow. Halatang-halata na malaki ang galit niya sa akin.
Alam kong may kasalanan ako sa kaniya. Alam kong hindi sapat ang limang taon para basta na lang mabura ang lahat ng nangyari.
Pero pagkain lang naman ang pinag-uusapan namin! Hindi ko naman inaangkin ang buong isla!
“You’re being ridiculous!” singhal ko.
“Kung ganoon ay umalis ka dito!” sigaw na naman niya.
“I saw the bananas first, too!”
“Shut up!” sigaw pa rin niya.
Napasinghap ako sa sobrang inis.
“You’re unbelievable, Kentaro!”
“Get out of my way, Twyla.”
Hindi ako gumalaw. Sa halip, humakbang pa ako palapit sa puno ng saging. “Hindi ako aalis. Kung gusto mong kumuha ng saging, kumuha ka. Pero hindi mo puwedeng angkinin ang lahat ng bunga rito!”
Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay bigla na niya akong tinulak.
“Ah!”
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya kaya nawalan ako ng balanse. Napaatras ako at tuluyang bumagsak sa damuhan.
“Kentaro!”
Masakit ang pagkakabagsak ko. Hindi man lang siya nag-atubiling tingnan kung ayos lang ako.
Sa halip, agad siyang humarap sa puno at pinutol ang buong bungkos ng saging na kaya niyang kunin.
“Hey! What the hell are you doing?!”
Mabilis akong bumangon, pero huli na ang lahat.
Nasa mga kamay na niya ang mga saging.
At ang pinakamasama, hindi man lang siya nag-iwan kahit isa para sa akin!
“Kentaro, you jerk! At least leave me some!”
Hindi siya sumagot. Tumalikod lang siya at naglakad palayo, bitbit ang mga saging na para bang wala siyang ginawang masama.
Napahawak ako sa baywang ko habang sinusundan siya ng tingin.
“Unbelievable! You’re such an asshole!”
Huminto siya, pero hindi naman ako nilingon. “Stay away from me.”
Pagkasabi niyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng damuhan, hawak pa rin ang patpat at halos sumabog na sa galit.
Napakagat ako sa labi ko. Limang taon na ang lumipas, pero ganoon pa rin siya sa akin. Sabagay, kahit nga sina Mommy at Daddy ay hindi pa rin ako napapatawad dahil sa pagkawala ng kapatid kong si Juni. Dahil sa akin, namatay si Juni. Dahil sa akin, nawalan ng asawa si Kentaro.
Twyla POVHuminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa looban nitong island.Habang papasok ako sa loob, mas lalo kong nararamdaman ang takot. Napapalibutan na kasi ako ng matataas na puno at makakapal na halaman. May mga pagkakataon pang may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan kaya agad akong napapahinto.“Hello?” tawag ko minsan, kahit hindi ko rin alam kung bakit. Wala namang sumasagot. Malamang, kung may hayop mang nagtatago sa mga halaman, hindi rin naman nito ako sasagutin.Napangiwi ako. Great. I’m officially talking to myself on a deserted island.Pero wala akong ibang magagawa. Kailangan kong maghanap ng pagkain habang may lakas pa ako. Hindi puwedeng umasa lang ako sa mga rescuer na hindi ko naman alam kung darating.Ilang minuto pa akong naglakad nang may mapansin akong isang punong hitik sa mga bunga.Agad akong napahinto. Sandali pa akong napatingin sa mga dahon nito, saka sa mga bungang nakasabit sa mga sanga.“Wait a minute.”Lumapit pa ako lalo.
Twyla POVKahit ayokong si Kentaro ang kasama ko rito, at least, hindi ako nag-iisa sa islang ito. May isa pang taong nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano, at kahit papaano, may kasama ako habang naghihintay ng rescuer.Pero, aamin ko, nung sabihin niyang layuan ko siya at hindi siya makapaniwalang ako ang kasamang ma-stranded dito ay nasaktan ako. Kasi kahit limang taon na ang nakakalipas, nandoon pa rin ang galit niya.Ano pa nga ba ang aasahan ko? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, wala akong karapatang mag-demand ng kahit kaunting kabaitan sa kaniya.Kaya nang maglakad siya palayo, hinayaan ko lang siya. Hindi ko na rin siya sinundan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang magising ako sa dalampasigan. Wala akong relo, at wala ring cellphone na gumagana. Hindi ko rin alam kung may signal sa islang ito o kung may nakakaalam bang nakaligtas kami.Ang tanging magagawa ko ay maghintay. Maghintay na may makarating na rescuer. Maghintay na may makakita sa ami
Twyla POVMasakit. Iyon ang unang naramdaman ko nang unti-unti akong magkamalay. Masakit ang ulo ko. Masakit ang buong katawan ko. At parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon.“Ah!”Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod ang paghinga.May tubig na maalat. May buhangin. May langit.Napakurap ako nang ilang beses, habang pilit na inuunawa ang nasa paligid ko. Ewan ko kung totoo pero parang nasa isang dalampasigan ako. Napapalibutan ako ng malawak na dagat at makapal na mga punong hindi ko kilala. Mapuputi ang buhangin, malinaw ang tubig, at halos walang marinig kundi ang hampas ng alon at huni ng mga ibon.Dito, walang gusali. Walang tao. Walang anumang palatandaan ng kabihasnan.“Where the hell am I?” Namamaos ang boses ko.Dahan-dahan akong tumayo, kahit halos manghina ang mga tuhod ko. Basa ang suot kong damit at gusot na gusot ang buhok ko. May ilang galos din ako sa mga braso at binti.Paglingon ko sa paligi
Twyla POVHindi ko na mabilang kung ilang bansa na ang napuntahan ko dahil sa pagiging gamer ko.Mula Asia hanggang Europe, halos lahat ng malalaking gaming event ay naroon ako. Minsan, bilang special guest. Minsan naman, bilang isa sa mga pangunahing manlalaro na inaabangan ng libo-libong fans.At sa totoo lang, hindi ko kailanman pinangarap na aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko.Dati, simpleng paglalaro lang sa harap ng computer ang ginagawa ko. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano mananalo sa bawat laban. Pero ngayon, pangalan ko na mismo ang hinahanap ng mga tao sa bawat event na dinadaluhan ko.Iyon din ang dahilan kung bakit ngayong araw ay papunta na naman ako sa ibang bansa para dumalo sa isang sikat na app game event.As usual, VIP ang ticket ko. May sariling lounge, may exclusive meals, at may mga staff na nakahandang tumulong sa bawat pangangailangan ko.Hindi na rin bago sa akin ang ganitong klase ng treatment. Sa katunayan, mas nasasanay na ako sa ganitong buhay
Twyla POVHalos umiikot na ang paningin ko habang paalis sa event area ng kasal ng kapatid kong si Juni at ang one year palang niyang boyfriend na si Kentaro. Ang bilis nga, isang taon palang sila pero nagpakasal na agad.Ewan ko ba pero nawi-wirduhan talaga ako sa pinakasalan ni Juni na iyon. Pero, buhay iyon ng kapatid ko, at gustong-gusto niya ang Kentaro na iyon, kaya wala akong magagawa. Bahala sila sa buhay nila.Kanina pa tapos ang kasal. May dalawang oras na ata ang nakakalipas. Ang iba ay umuwi na, lalo na ang mga may edad na. Sa ngayon kasi ay party, party na ang nagaganap.Ayon nga at nagpa-party na nang malala si Juni, habang ang asawa naman niya, ewan, nasa bedroom na ata at wala raw sa mood mag-iinom ng alak ngayon. Sa loob-loob ko, hinihintay lang niya si Juni para sa honeymoon nila. Si Juni kasi, naku, talagang dati pa ay hilig sa mga event na hindi nawawalan ng inuman. Kaya maging ang kasal niya, aba, hindi rin nagpaawat sa ganoong kasiyahan.Paakyat na ako ngayon sa







