เข้าสู่ระบบTwyla POV
Hindi ko na mabilang kung ilang bansa na ang napuntahan ko dahil sa pagiging gamer ko.
Mula Asia hanggang Europe, halos lahat ng malalaking gaming event ay naroon ako. Minsan, bilang special guest. Minsan naman, bilang isa sa mga pangunahing manlalaro na inaabangan ng libo-libong fans.
At sa totoo lang, hindi ko kailanman pinangarap na aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko.
Dati, simpleng paglalaro lang sa harap ng computer ang ginagawa ko. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano mananalo sa bawat laban. Pero ngayon, pangalan ko na mismo ang hinahanap ng mga tao sa bawat event na dinadaluhan ko.
Iyon din ang dahilan kung bakit ngayong araw ay papunta na naman ako sa ibang bansa para dumalo sa isang sikat na app game event.
As usual, VIP ang ticket ko. May sariling lounge, may exclusive meals, at may mga staff na nakahandang tumulong sa bawat pangangailangan ko.
Hindi na rin bago sa akin ang ganitong klase ng treatment. Sa katunayan, mas nasasanay na ako sa ganitong buhay kaysa sa simpleng pamumuhay na nakagisnan ko noon.
Nang makaupo ako sa malambot na upuan ng eroplano, agad kong isinuot ang headphones ko at binuksan ang tablet. May ilang messages akong kailangang sagutin mula sa team ko, pati na rin mga invitation para sa susunod na mga event.
Napangiti ako nang makita ang sunod-sunod na notification sa screen. Another country. Another event. Another victory.
Well, that’s Twyla’s life. Walang puwang para sa pagkabagot.
Sa unang limang oras ng flight ko, maayos naman ang lahat. Kalma ang paligid, malamig ang air-conditioning, at halos wala akong nararamdamang anumang pagyanig ng eroplano. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa bintana, pero puro ulap lang ang nakikita ko.
Bandang alas kuwatro na ng madaling-araw nang mapansin kong unti-unting lumalakas ang hangin sa labas.
Sa una, hindi ko iyon gaanong pinansin. Naisip kong baka normal lang iyon dahil nasa kalagitnaan kasi kami ng biyahe.
Ibinaba ko ang tablet ko at sumandal muna sa upuan. Pero ilang minuto pa lang ang lumipas, biglang umuga nang malakas ang eroplano.
Napahawak ako sa armrest.
“What the hell?” Muli itong umuga, mas malakas pa kaysa sa una, kaya naloloka na rin talaga ako.
Napaangat ako ng ulo nang makita kong may ilang pasaherong napasigaw na. May babaeng napahawak sa katabi niya habang ang isang lalaking nasa kabilang row ay agad na tumayo, pero pinaupo rin siya ng flight attendant.
“Please remain calm, everyone. Kindly return to your seats and fasten your seatbelts.”
Sinunod ko ang sinabi ng flight attendant, kahit nagsisimula nang kumabög nang malakas ang dibdib ko.
Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Sanay akong humarap sa pressure. Kahit ilang beses akong natalo sa harap ng libo-libong manonood, kaya kong panatilihing kalmado ang sarili ko. Kahit ilang beses akong na-bash sa social media, kaya kong ngumiti at magpatuloy, pero ibang usapan na ang ganito.
Nasa ere kami. Libo-libong talampakan mula sa lupa, at wala akong magagawa kung may mangyaring masama.
Maya maya pa ay biglang umalingawngaw ang boses ng piloto sa cabin.
“Attention, passengers. We are currently experiencing a technical problem with one of the aircraft’s engines. We ask everyone to remain seated, fasten your seatbelts, and prepare for any possible emergency. Please follow the crew’s instructions.”
Nanlaki ang mga mata ko. Engine problem? What?
Hindi ko agad naunawaan ang buong sinabi niya. O baka sadyang ayaw lang tanggapin ng utak ko ang narinig ko.
Tumingin ako sa bintana. Madilim ang kalangitan. Malakas ang hangin at halos hindi ko na makita ang mga ulap dahil sa bilis ng pag-uga ng eroplano.
“Oh, my God!”
May sumigaw na rin sa likuran ko. Sunod-sunod na ang mga iyak at sigawan ng mga pasahero. May ilan nang nagdarasal, habang ang iba naman ay mahigpit na nakakapit sa kanilang mga upuan.
Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na binuksan ang messages, pero wala akong maisip na taong dapat kong tawagan.
Sino ba ang tatawagan ko?
At ano naman ang sasabihin ko?
Hey, I think I’m about to die?
Napakagat ako sa labi.
Hindi. Hindi puwede.
Hindi pa ako handang mamatay.
Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong bansang gustong puntahan. Marami pa akong larong gustong salihan.
At higit sa lahat, hindi pa tapos ang buhay ko.
Pero tila walang pakialam ang tadhana sa mga plano ko.
Biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa bandang unahan ng eroplano.
Napahiyaw na ako roon. Kasunod niyon ay isang matinding pagyanig na halos nagpahagis sa akin mula sa upuan. Umilaw ang mga emergency lights at nagsimulang magtakbuhan ang ilang flight attendant, habang pilit na pinapakalma ang mga pasaherong halos mawalan na ng ulirat sa takot.
“Please! Please, help us!”
“Somebody do something!”
“Lord, please!”
Hindi ko na napigilang mapaiyak.
Mahigpit kong hinawakan ang seatbelt ko habang nanginginig ang buong katawan ko. Sa puntong iyon, wala na akong pakialam kung ilang milyon ang followers ko o kung gaano ako kasikat sa gaming industry.
Wala akong pakialam kung may naghihintay sa akin sa event. Gusto ko lang mabuhay.
“Please…” bulong ko habang nakapikit. “Please, God. I don’t want to die.”
Pero tila wala nang makapipigil sa nangyayari.
Isang napakalakas na kalabog ang narinig ko. Pagkatapos, biglang nagbago ang direksiyon ng pag-uga ng eroplano. May kung anong kumalas sa katawan nito at narinig ko na rin ang tunog ng metal na tila pinupunit.
Pagdilat ko, hindi ko agad naunawaan ang nakikita ko. Ang mga ilaw. Ang mga upuan. Ang mga taong nagsisigawan. Lahat ay tila gumagalaw sa maling direksiyon.
Hanggang sa tuluyan nang nahati sa dalawa ang eroplanong sinasakyan namin.
Sa kasamaang-palad, kasama ako sa bahaging humiwalay at bumagsak.
Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig ko habang bumabagsak kami mula sa himpapawid.
Hindi ko na alam kung ilang segundo o minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang pagbangga ng katawan ko sa tubig ng dagat.
Napakalamig. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Sinubukan kong huminga, pero tubig ang pumasok sa bibig ko. Nagpumiglas ako, habang pilit na umaahon sa ibabaw, ngunit bawat paggalaw ko ay lalo lamang akong hinihila ng malalakas na alon.
Hindi ko alam kung saan ang taas o baba. Hindi ko alam kung saan ako dapat lumangoy. Ang alam ko lang, unti-unting nauubos ang lakas ko.
Help me.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko, pero parang hindi na sumusunod ang katawan ko.
Somebody, please...
Nagsimula nang lumabo ang paningin ko. Sa huling pagkakataon, naisip ko bigla ang sarili kong buhay. Ang lahat ng pinaghirapan ko. Ang mga pangarap na unti-unti ko nang natutupad. Sa kabila ng lahat ng tagumpay ko, ganito lang pala kadaling mawala ang buhay ng isang tao.
Is this it?
Is this really the end for me?
Pagkatapos, tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Twyla POVHuminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa looban nitong island.Habang papasok ako sa loob, mas lalo kong nararamdaman ang takot. Napapalibutan na kasi ako ng matataas na puno at makakapal na halaman. May mga pagkakataon pang may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan kaya agad akong napapahinto.“Hello?” tawag ko minsan, kahit hindi ko rin alam kung bakit. Wala namang sumasagot. Malamang, kung may hayop mang nagtatago sa mga halaman, hindi rin naman nito ako sasagutin.Napangiwi ako. Great. I’m officially talking to myself on a deserted island.Pero wala akong ibang magagawa. Kailangan kong maghanap ng pagkain habang may lakas pa ako. Hindi puwedeng umasa lang ako sa mga rescuer na hindi ko naman alam kung darating.Ilang minuto pa akong naglakad nang may mapansin akong isang punong hitik sa mga bunga.Agad akong napahinto. Sandali pa akong napatingin sa mga dahon nito, saka sa mga bungang nakasabit sa mga sanga.“Wait a minute.”Lumapit pa ako lalo.
Twyla POVKahit ayokong si Kentaro ang kasama ko rito, at least, hindi ako nag-iisa sa islang ito. May isa pang taong nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano, at kahit papaano, may kasama ako habang naghihintay ng rescuer.Pero, aamin ko, nung sabihin niyang layuan ko siya at hindi siya makapaniwalang ako ang kasamang ma-stranded dito ay nasaktan ako. Kasi kahit limang taon na ang nakakalipas, nandoon pa rin ang galit niya.Ano pa nga ba ang aasahan ko? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, wala akong karapatang mag-demand ng kahit kaunting kabaitan sa kaniya.Kaya nang maglakad siya palayo, hinayaan ko lang siya. Hindi ko na rin siya sinundan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang magising ako sa dalampasigan. Wala akong relo, at wala ring cellphone na gumagana. Hindi ko rin alam kung may signal sa islang ito o kung may nakakaalam bang nakaligtas kami.Ang tanging magagawa ko ay maghintay. Maghintay na may makarating na rescuer. Maghintay na may makakita sa ami
Twyla POVMasakit. Iyon ang unang naramdaman ko nang unti-unti akong magkamalay. Masakit ang ulo ko. Masakit ang buong katawan ko. At parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon.“Ah!”Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod ang paghinga.May tubig na maalat. May buhangin. May langit.Napakurap ako nang ilang beses, habang pilit na inuunawa ang nasa paligid ko. Ewan ko kung totoo pero parang nasa isang dalampasigan ako. Napapalibutan ako ng malawak na dagat at makapal na mga punong hindi ko kilala. Mapuputi ang buhangin, malinaw ang tubig, at halos walang marinig kundi ang hampas ng alon at huni ng mga ibon.Dito, walang gusali. Walang tao. Walang anumang palatandaan ng kabihasnan.“Where the hell am I?” Namamaos ang boses ko.Dahan-dahan akong tumayo, kahit halos manghina ang mga tuhod ko. Basa ang suot kong damit at gusot na gusot ang buhok ko. May ilang galos din ako sa mga braso at binti.Paglingon ko sa paligi
Twyla POVHindi ko na mabilang kung ilang bansa na ang napuntahan ko dahil sa pagiging gamer ko.Mula Asia hanggang Europe, halos lahat ng malalaking gaming event ay naroon ako. Minsan, bilang special guest. Minsan naman, bilang isa sa mga pangunahing manlalaro na inaabangan ng libo-libong fans.At sa totoo lang, hindi ko kailanman pinangarap na aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko.Dati, simpleng paglalaro lang sa harap ng computer ang ginagawa ko. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano mananalo sa bawat laban. Pero ngayon, pangalan ko na mismo ang hinahanap ng mga tao sa bawat event na dinadaluhan ko.Iyon din ang dahilan kung bakit ngayong araw ay papunta na naman ako sa ibang bansa para dumalo sa isang sikat na app game event.As usual, VIP ang ticket ko. May sariling lounge, may exclusive meals, at may mga staff na nakahandang tumulong sa bawat pangangailangan ko.Hindi na rin bago sa akin ang ganitong klase ng treatment. Sa katunayan, mas nasasanay na ako sa ganitong buhay
Twyla POVHalos umiikot na ang paningin ko habang paalis sa event area ng kasal ng kapatid kong si Juni at ang one year palang niyang boyfriend na si Kentaro. Ang bilis nga, isang taon palang sila pero nagpakasal na agad.Ewan ko ba pero nawi-wirduhan talaga ako sa pinakasalan ni Juni na iyon. Pero, buhay iyon ng kapatid ko, at gustong-gusto niya ang Kentaro na iyon, kaya wala akong magagawa. Bahala sila sa buhay nila.Kanina pa tapos ang kasal. May dalawang oras na ata ang nakakalipas. Ang iba ay umuwi na, lalo na ang mga may edad na. Sa ngayon kasi ay party, party na ang nagaganap.Ayon nga at nagpa-party na nang malala si Juni, habang ang asawa naman niya, ewan, nasa bedroom na ata at wala raw sa mood mag-iinom ng alak ngayon. Sa loob-loob ko, hinihintay lang niya si Juni para sa honeymoon nila. Si Juni kasi, naku, talagang dati pa ay hilig sa mga event na hindi nawawalan ng inuman. Kaya maging ang kasal niya, aba, hindi rin nagpaawat sa ganoong kasiyahan.Paakyat na ako ngayon sa







