LOGINTwyla POV
Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa looban nitong island.
Habang papasok ako sa loob, mas lalo kong nararamdaman ang takot. Napapalibutan na kasi ako ng matataas na puno at makakapal na halaman. May mga pagkakataon pang may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan kaya agad akong napapahinto.
“Hello?” tawag ko minsan, kahit hindi ko rin alam kung bakit. Wala namang sumasagot. Malamang, kung may hayop mang nagtatago sa mga halaman, hindi rin naman nito ako sasagutin.
Napangiwi ako. Great. I’m officially talking to myself on a deserted island.
Pero wala akong ibang magagawa. Kailangan kong maghanap ng pagkain habang may lakas pa ako. Hindi puwedeng umasa lang ako sa mga rescuer na hindi ko naman alam kung darating.
Ilang minuto pa akong naglakad nang may mapansin akong isang punong hitik sa mga bunga.
Agad akong napahinto. Sandali pa akong napatingin sa mga dahon nito, saka sa mga bungang nakasabit sa mga sanga.
“Wait a minute.”
Lumapit pa ako lalo. Mga bilog ang bunga, may mga berdeng balat, at may ilan ding tila nagsisimula nang manilaw. Pamilyar sa akin ang itsura ng mga iyon, pero hindi ako sigurado kung tama ang hinala ko.
Bayabas ba ‘to?
Napakunot ang noo ko. Hindi naman ako eksperto sa mga halaman. Gamer ako, hindi botanist! Ang alam ko lang ay kung paano manalo sa mga laro, gumawa ng strategies, at mang-asar ng mga kalaban online.
Pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang kailangan ko ring matutong maging survival expert.
Lumapit pa ako sa puno at maingat na sinuri ang mga bunga.
“Please be guava. Please be guava.”
Hindi ko na napigilang mapangiti sa sarili kong bulong. Kung bayabas nga ang mga iyon, malaking tulong iyon sa akin. At least, may makakain na ako nang hindi na kailangang makipag-agawan sa isang lalaking parang hindi pa nakakakain ng saging sa buong buhay niya.
Dahan-dahan akong pumitas ng isang bunga. Inikot-ikot ko iyon sa kamay ko, saka sinuri ang balat. Mukha naman itong bayabas. Pero para makasiguro, kinailangan kong hatiin ang bunga.
Kumuha ako ng maliit na matulis na bato sa tabi ng puno at ginamit iyon upang hiwain ang bayabas.
Pagkabukas ko sa loob nito, nanlaki agad ang mga mata ko.
“Oh, my God! Bayabas nga!”
Totoong bayabas nga! Maputi ang laman nito at napapalibutan ng maliliit na buto.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ako kasaya sa simpleng bayabas, siguro ay dahil gutom na gutom na talaga ako.
Bigla ring bumalik sa alaala ko ang mga panahong elementary pa ako. May malaking puno ng bayabas noon sa school namin. Tuwing recess, kapag may pagkakataon, doon kami tumatambay ng mga kaklase ko. Minsan, may dala kaming asin para isawsaw sa mga bayabas. Minsan naman, kinakain lang namin ang mga iyon nang diretso habang nagkukuwentuhan. Paborito ko talaga ang bayabas noon. Hindi ko akalaing darating ang araw na ang isang punong bayabas na matatagpuan ko sa gitna ng isang liblib na isla ang magiging dahilan para ngumiti ako nang ganito.
Napatingin ako sa puno at marahang hinaplos ang isang sanga.
“Thank you, little tree. You might have just saved my life.”
Muli akong tumingin sa paligid upang tingnan kung may iba pang punong namumunga. Pero sa bahaging iyon nitong isla, wala akong nakitang ibang puno ng bayabas. Para bang nag-iisa lamang iyon. Mas mabuti na rin. At least, hindi ko kailangang maglakad pa nang mas malayo para makahanap ng pagkain. Hindi na ako nagsayang ng oras. Namitas ako ng ilang malalaking bunga, lalo na ang mga medyo hinog na at mukhang masarap kainin. Maingat kong inilagay ang mga iyon sa laylayan ng damit ko, saka muling tumingin sa paligid bago nagpasiyang bumalik sa dalampasigan.
Ayokong masyadong magtagal sa loob nito. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko na baka may mga mababangis na hayop sa paligid.
NANG SA WAKAS ay marinig ko na ang hampas ng mga alon, nakahinga ako nang maluwag.
Pagdating ko sa dalampasigan, dumiretso ako sa mababaw na bahagi ng tubig at lumuhod. Isa-isa kong hinugasan ang mga bayabas, inalis ang mga alikabok o dumi sa balat ng mga iyon.
Pagkatapos kong mag-ugas, pumili ako ng isang hinog na bayabas at kinagat agad iyon.
Mmm! Napapikit ako sa sarap. Hindi ko alam kung dahil ba sa gutom o dahil talagang masarap ang bayabas, pero sa unang kagat pa lang ay pakiramdam ko, nabawasan nang kalahati ang mga problema ko sa buhay.
“Now, this is what I’m talking about.”
Ngumunguya pa ako nang mapansin ko sa di-kalayuan ang patay-gutom sa saging.
Nasa may dalampasigan siya, nakaupo sa buhangin at nakasandal sa isang malaking tipak ng kahoy. Wala siyang suot na pang-itaas, kaya kitang-kita ang matipuno niyang pangangatawan habang malaya siyang nagpapahinga sa ilalim ng araw.
At ang pinakanakakainis sa lahat?
Masaya siyang kumakain ng saging! May ilang balat na ng saging sa tabi niya, at hawak niya ang isa pang bunga habang sarap na sarap sa bawat kagat.
Pero, impyernes, gets ko na si Juni kung bakit gustong-gusto niya ang lalaking ito. Kahit limang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin nito napapabayaan ang katawan niya.
Nakahiga ang katawan ni Kentaro sa buhangin, topless, kumakain na parang nagbabakasyon sa isang private resort!
Napairap ako nang mariin. Hot nga, pero madamot at walangya. Babae ako pero tinulak niya talaga ako para lang maunahan sa pagkain.
At ngayon ay kung titignan, mukha siyang walang problema sa mundo. Na para bang hindi siya namomoblema na baka hindi na kami makaalis dito.
Napakagat ako sa bayabas habang nakatingin sa kaniya.
Fine. Enjoy your bananas, Kentaro. Dumumi ka sana ng tubol!
Bahagya ko pang itinaas ang bayabas na hawak ko na para bang ipakita sa kaniya na may pagkain na rin ako.
At least, hindi ko kailangang umasa sa kaniya o manghingi. May sarili akong pagkain. May sarili akong diskarte. At kahit papaano, kaya kong mabuhay nang hindi nakikiusap sa lalaking iyon.
Muli akong kumagat sa bayabas at ngumiti.
“Mabuti na lang talaga, may puno ng bayabas dito.”
Dahil kung wala, baka kanina pa ako nakikipag-agawan kay Kentaro para sa kahit isang pirasong saging.
May natira pa akong bayabas, tinabi ko ang iba para kapag nagutom ako, may kakainin pa ako mamaya. Pero ngayong busog na ako, uhaw naman ang sunod kong naramdaman.
Napatingin ako sa mga puno, maraming puno ng buko, pero ang problema, matataas at ang hirap akyatin.
Tinignan ko si Kentaro. Gaya ko, nakatingin na rin siya sa puno ng buko. Na para bang iisa ang nararamdaman at iniisip namin. Oo, pareho kaming nauuhaw na ngayon.
Twyla POVHuminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa looban nitong island.Habang papasok ako sa loob, mas lalo kong nararamdaman ang takot. Napapalibutan na kasi ako ng matataas na puno at makakapal na halaman. May mga pagkakataon pang may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan kaya agad akong napapahinto.“Hello?” tawag ko minsan, kahit hindi ko rin alam kung bakit. Wala namang sumasagot. Malamang, kung may hayop mang nagtatago sa mga halaman, hindi rin naman nito ako sasagutin.Napangiwi ako. Great. I’m officially talking to myself on a deserted island.Pero wala akong ibang magagawa. Kailangan kong maghanap ng pagkain habang may lakas pa ako. Hindi puwedeng umasa lang ako sa mga rescuer na hindi ko naman alam kung darating.Ilang minuto pa akong naglakad nang may mapansin akong isang punong hitik sa mga bunga.Agad akong napahinto. Sandali pa akong napatingin sa mga dahon nito, saka sa mga bungang nakasabit sa mga sanga.“Wait a minute.”Lumapit pa ako lalo.
Twyla POVKahit ayokong si Kentaro ang kasama ko rito, at least, hindi ako nag-iisa sa islang ito. May isa pang taong nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano, at kahit papaano, may kasama ako habang naghihintay ng rescuer.Pero, aamin ko, nung sabihin niyang layuan ko siya at hindi siya makapaniwalang ako ang kasamang ma-stranded dito ay nasaktan ako. Kasi kahit limang taon na ang nakakalipas, nandoon pa rin ang galit niya.Ano pa nga ba ang aasahan ko? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, wala akong karapatang mag-demand ng kahit kaunting kabaitan sa kaniya.Kaya nang maglakad siya palayo, hinayaan ko lang siya. Hindi ko na rin siya sinundan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang magising ako sa dalampasigan. Wala akong relo, at wala ring cellphone na gumagana. Hindi ko rin alam kung may signal sa islang ito o kung may nakakaalam bang nakaligtas kami.Ang tanging magagawa ko ay maghintay. Maghintay na may makarating na rescuer. Maghintay na may makakita sa ami
Twyla POVMasakit. Iyon ang unang naramdaman ko nang unti-unti akong magkamalay. Masakit ang ulo ko. Masakit ang buong katawan ko. At parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.Napasinghap ako at napabalikwas ng bangon.“Ah!”Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod ang paghinga.May tubig na maalat. May buhangin. May langit.Napakurap ako nang ilang beses, habang pilit na inuunawa ang nasa paligid ko. Ewan ko kung totoo pero parang nasa isang dalampasigan ako. Napapalibutan ako ng malawak na dagat at makapal na mga punong hindi ko kilala. Mapuputi ang buhangin, malinaw ang tubig, at halos walang marinig kundi ang hampas ng alon at huni ng mga ibon.Dito, walang gusali. Walang tao. Walang anumang palatandaan ng kabihasnan.“Where the hell am I?” Namamaos ang boses ko.Dahan-dahan akong tumayo, kahit halos manghina ang mga tuhod ko. Basa ang suot kong damit at gusot na gusot ang buhok ko. May ilang galos din ako sa mga braso at binti.Paglingon ko sa paligi
Twyla POVHindi ko na mabilang kung ilang bansa na ang napuntahan ko dahil sa pagiging gamer ko.Mula Asia hanggang Europe, halos lahat ng malalaking gaming event ay naroon ako. Minsan, bilang special guest. Minsan naman, bilang isa sa mga pangunahing manlalaro na inaabangan ng libo-libong fans.At sa totoo lang, hindi ko kailanman pinangarap na aabot ako sa ganitong punto ng buhay ko.Dati, simpleng paglalaro lang sa harap ng computer ang ginagawa ko. Wala akong ibang iniisip kundi kung paano mananalo sa bawat laban. Pero ngayon, pangalan ko na mismo ang hinahanap ng mga tao sa bawat event na dinadaluhan ko.Iyon din ang dahilan kung bakit ngayong araw ay papunta na naman ako sa ibang bansa para dumalo sa isang sikat na app game event.As usual, VIP ang ticket ko. May sariling lounge, may exclusive meals, at may mga staff na nakahandang tumulong sa bawat pangangailangan ko.Hindi na rin bago sa akin ang ganitong klase ng treatment. Sa katunayan, mas nasasanay na ako sa ganitong buhay
Twyla POVHalos umiikot na ang paningin ko habang paalis sa event area ng kasal ng kapatid kong si Juni at ang one year palang niyang boyfriend na si Kentaro. Ang bilis nga, isang taon palang sila pero nagpakasal na agad.Ewan ko ba pero nawi-wirduhan talaga ako sa pinakasalan ni Juni na iyon. Pero, buhay iyon ng kapatid ko, at gustong-gusto niya ang Kentaro na iyon, kaya wala akong magagawa. Bahala sila sa buhay nila.Kanina pa tapos ang kasal. May dalawang oras na ata ang nakakalipas. Ang iba ay umuwi na, lalo na ang mga may edad na. Sa ngayon kasi ay party, party na ang nagaganap.Ayon nga at nagpa-party na nang malala si Juni, habang ang asawa naman niya, ewan, nasa bedroom na ata at wala raw sa mood mag-iinom ng alak ngayon. Sa loob-loob ko, hinihintay lang niya si Juni para sa honeymoon nila. Si Juni kasi, naku, talagang dati pa ay hilig sa mga event na hindi nawawalan ng inuman. Kaya maging ang kasal niya, aba, hindi rin nagpaawat sa ganoong kasiyahan.Paakyat na ako ngayon sa







