Celina's Point of View
Halos mag-iisang linggo na ang nakalipas mula nung araw na humingi ako ng favor kay Mia. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil na mamangha sa tuwing titingnan ko ang post na ginawa niya. Hindi ko inaasahan na aani iyon ng atensiyon, comments at shares na talagang ikinatawa ko na lang.
A ngayon, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa dinami-dami ng nag-apply halos iilan lang ang pumasa sa hinahanap ko at ngayon, nagsasagawa kami ng meet-up at huling interview para malaman ko kung sila nga ang hinahanap ko.
Hindi ko mapigilan ang kaba at excitement na namamayani sa loob ko. Sa tuwing nai-imagine ko na makikita ko ulit siya ay tumataas ang mga balahibo ko sa katawan.
Bilang venue, pinili ko na lang na isagawa ang event sa isang private villa sa labas ng siyudad na isa na sa mga pagmamay-ari ko. Malayo iyon sa kabahayan, para makaiwas sa mga kumakalat na balita na maaaring makasira sa iniingatang pangalan ng kompanya.
Isinuot ko ang brown na maskara na may flowers at white feathers sa gilid. Ngumiti ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng comfort room. Bumungad sa akin ang malawak na puting kwarto. Yari sa salamin ang bintana nito kaya tanaw mo ang naglalakihang mga buildings at iba pang magagandang bahay na halos pula ang bubong sa labas. Nakatayo ang bahay na ito malapit sa tuktok ng isang bundok kung saan mananamnam mo ang sariwang hangin at ganda ng view ng mga bahay sa ibaba.
May ilang paintings ang nakasabit sa dingding na siyang nagbibigay buhay sa tahimik na kwarto. May malawak na living room at malaking flatscreen TV sa kaliwang bahagi at 2 shelves naman sa kanan na napupuno ng iba't-ibang libro. Nasa tapat ng bintana ang office desk na may maliit na welcome plant at folder. At may bangko para sa dalawang tao.
Natanaw ko ang isang pamilyar na babae, napakaputi at elegante sa suot niyang red dress na tinernuhan ng white heels. Si Ara. Kasalukuyan niyang tinatahak ang daan papasok. Nakalugay naman ang buhok niya at nilagyan lang ng konting arte sa gilid.
Nabaling ang tingin ko sa limang lalaki na kasalukuyang bumababa sa isang van. Kitang-kita ko ang kanilang mga mata at malawak na ngiti habang ginagabayan sila ng isang butler papasok.
"Handa na sila," saad ni Ara na ikinatango ko na lang at dumiretso sa swivel chair sa may desk. Hindi gumagalaw si Ara sa kinatatayuan niya kaya ginawaran ko na lang siya ng isang ngiti.
Halata pa rin ang pag-aalaangan sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa akin. Kitang-kita ko na gusto niyang mag-stay at panoorin ang interview. Alam ko naman na risky ang planong 'to, at hinahanda ko na ang aking sarili sa magiging resulta. I just can't stand seeing that girl living her life happily with Renz. It's just unfair.
"Pakisabi kay Mia na mag-uumpisa na tayo," mahinahon kong utos. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking kamay na para bang kinukumbinsi ako na sa huling minuto na natitira ay muli kong pag-isipan at huwag nang gawin ang pinaplano ko. At huli na ang lahat para do'n.
"Magiging effective 'to pramis!" Nang marinig niya ang sagot ko ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kan'yang mukha. Binitawan niya ang aking kamay at saka umirap. Padabog pa siyang lumabas sa pinto at saka muli akong tiningnan bago siya tuluyang umalis. Napa-smirk na lang ako dahil sa inasal niya.
Napaka-supportive niya talaga!
Inayos ko na lang ang maskara ko at saka pinaikot ang swivel chair. Ilang minuto pa ay kumatok ang pinaka-kauna-unahang aplikante.
"Come in!" matipid kong saad. Pinaikot ko paharap ang aking upuan at hinitay siyang makapasok. Nabaling ang tingin ko sa requirements na pinasa niya online. Actually, mas gwapo siya sa personal kaysa sa picture na nakikita ko mula sa printed picture dito sa lamesa ko. Nabaling ang tingin ko sa kan'yang mga mata. Nginitian niya ako ng malawak kaya napatikhim ako at hinudyatan na maaari na siyang magsalita.
"Hi! I'm David Kyle Morales, taga diyan lang ako sa tabi-tabi," natatawa niyang saad na ikinatango ko lang. "Nalaman kong naghahanap kayo ng lalaking maaaring magpanggap bilang temporary boyfriend. Kaya ko 'yon! I'm willing to do anything-"
Agad ko siyang pinahinto sa pagsasalita na ikalunok niya. Hindi sila parehas ng tono ng pananalita. Hindi rin magkaparehas ang titig nila.
Napatingin ako sa tatlong bagay na nasa harap ko. Isang sumbrero, cup ng kape at saka gray na hoodie. Talagang inihanda ko ang mga bagay na 'yon upang baka sakaling makita ko ang itsura ng taong nakita ko nung gabing 'yon.
"Maaari mo bang suotin ang bagay na 'yan. Ta's ikalat mo 'yong buhok mo sa noo bago ilagay ang sumbrero," diretsahan kong saad. Tumango naman siya at agad na kinuha ang sumbrero at jacket at mabilisang isinuot. Tiningnan niya ang kan'ya itsura sa salamin bago muling humarap sa akin.
"Hawakan mo 'yong cup." Sinunod naman niya ang sinabi ko ngunit hindi niya makuha ang angulong hinahanap ko. "Iabot mo sa akin," dagdag ko.
"Nakita mo na ba ako?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Agad siyang umiling na ikinadismaya ko. Hindi siya.
Napabuntong hininga ako at saka siya hinarap.
"Kyle, hindi ikaw ang hinahanap ko," panimula ko na ikinadismaya niya.
"But, hindi ko naman sinabing hindi ka magkakatrabaho," biglang lumiwanag ang mga mata niya at tila nabuhayan ng loob. Malawak na siyang nakangiti sa aking harapan at agad na inabot ang aking kamay para kamayan." Ayon dito sa application form mo, ang natapos mo is Accountancy, and lucky for you kasi may isang vacant ang posisyong 'yon." Nasilayan ko ang munting ngiti sa kan'yang labi ng marinig ang mga katagang 'yon.
"Oo, nakapagtapos ako ng Accountancy. Ang hobby ko talaga is pag drawing at designs pero hindi kaya ng parents kong pag-aralin ako ng gano'n course." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kan'ya.
"Kung gano'n kailangan namin ng talent mo para mas lalong tumaas ang sales ng kompanya," sagot ko. "Wait mo na lang ang updates and make sure to follow the procedures to apply. We need someone like you, someone who can do everything, right?" Tumango siya.
Matapos no'n ay masaya siyang nagpaalam. "Thank you," basa ko sa buka ng kan'yang bibig. Nanatili lang akong nakatitig sa kan'ya hanggang sa magsara ang pinto.
"You're welcome."
Binuklat ko ang resume ng kasunod na aplikante. May anim na aplikante ang pumasa sa paningin ni Mia. Mahaba-haba rin ito ngunit hindi ako susuko, dahil pakiramdam ko ay nalalapit na ulit kaming magkita!
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang morenong lalaki. Nakangiti siya ng malapad katulad ni Kyle. Pinaupo ko siya at tulad ng nauna ay ipinasuot ko sa kan'ya ang mga gamit na nakahanda. Ngunit hindi rin siya ang estrangherong hinahanap ko. Palaging may kulang, sa pananalita pa lang at maging sa mga kilos. Katulad ng nauna ay hinanapan ko rin siya ng pwesto sa kompanya. Kapos kami sa mga empleyado dahil marami na ang nagreresign. Balita ko kasi marami na ang nag-o-offer sa kanila ng mas malaking pasahod at hindi namin 'yon pwedeng itaas na lang bigla. Kailangan kong kumilos at huwag iasa lahat sa kanila.
Sumunod ang isang medyo may katangkaran sa akin ng kaunti at mestiso.
May kagwapuhan naman siya kaso hindi ko maitatanggi na mas gwapo pa rin ang ex kong si Renz. Nang maisara na niya ang pinto ay pinaikot ko ang hawak kong ballpen sa aking mga daliri at hinintay ang sasabihin niya.
"Welsie Andrew, 26 years old." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Magkahawig ang kanilang boses. Agad ko siyang pinagsuot ng jacket at sumbrero at parehas din sila ng angulo. Gumuhit ang ngiti sa aking labi na nagpapahiwatig ng tagumpay.
"Ikaw..."
Akma ko na sanang iaangat ang aking maskara para muling magpakilala ng bigla siyang nagsalita.
"Require bang isuot ang mga 'to?" Napako ako sa aking ginagawa at nagtataka siyang tiningnan. Hindi niya ba ako naaalala?
"What do you mean?" paniniguro ko. Hinubad niya ang jacket at ibinaba ang sumbrero sa dati nitong lalagyan.
"I mean is, dumaan kami sa maraming screening para lang makapag-apply, then ipapa-try niyo lang 'to?" sabay turo sa mga gamit na nasa harap niya. " Ta's paalisin kami na parang wala lang nangyari? Then, bakit hindi niyo na lang sinabi na magsuot kami ng jacket, sumbrero at cup ng kape at magpicture, 'di ba?" Napatitig ako sa kan'ya dahil parang pinipigilan na lang niya ang pagkairita. Hindi siya ang taong hinahanap ko.
Handa na sana akong magpakilala sa kan'ya at sabihing siya ang napili ko ngunit parang nagkamali ako. Hindi ganito ang ugali ng taong nakilala ko ng gabing 'yon. Hindi ka niya sisigawan, kun'di pupurihin ka.
"Hindi ikaw ang hinahanap ko. Maari ka nang lumabas," walang gana kong saad. Padabog siyang lumabas ng pinto kaya napaupo na lang ako at napahawak sa aking maskara. Muntik ko nang maipakita ang mukha ko sa kan'ya. Paano na lang kung isumbong niya sa media ang nangyari?
Tama ba ang ginawa ko? Baka naabala ko lang sila? Worth it pa ba?
Hindi ako pwedeng matalo! Kailangan kong gawin ang lahat para mabawi ang dapat na sa akin, dahil kung hindi, baka ako na mismo ang kusang sumuko sa lahat.
Pumasok ang isang mas gwapo lalaki ngunit halata ang pagiging kabado nito kaya agad akong napaayos ng upo.
"Are you sure, gusto mo ba ng ganitong trabaho?" Tinitigan ko siya kaya bigla siyang naging seryoso.
"Yes. Kung hindi papalarin sa kalye pupulutin," nanlulumo niyang bulong.
Humugot ako ng isa pang buntong hininga bago binuklat ang folder para humanap ng vacant sa trabahong gamay niya ngunit wala nang natitirang vacant.
"Sorry, wala akong maibibigay na trabaho para sa'yo, but I'll try my best para mahanapan ka ng vacant at tawagan ka in case of meron na." Tumango naman siya at tumayo. Halata ang pagkadismaya niya at agad na nagpakawala ng buntong hininga.
Dalawa na lang ang natitirang aplikante. Hindi ko alam ngunit parang gusto ko nang umayaw at sumuko na lang. Napakaliit na ng porsiyentong pinanghahawakan ko sa bagay na 'to.
Napapitlag ako ng may biglang kumatok kaya agad akong napaayos para harapin siya.
"Come in." Agad naman itong tumugon dahil agad din siyang nakapasok at humarap sa akin. Siya si Tyron at katulad nina Kyle at Welsie ipina-try ko rin sa kan'ya ang jacket ngunit katulad ng mga nauna bigo akong mahanap ang hinahanap ko.
"Please, miss! I need this job, para sa nanay ko." Tinitigan niya ako sa mata at nakita ko ang mga titig ng taong tulad ko. Desperado.
"Tatawagan ka na lang ng kompanya para sa ibang details about applying. For now, maghintay ka muna." Tumango naman siya at ngumiti ng mapait.
Nang maalala ko na lima lang silang bumaba sa van kanina, ngunit anim ang natanggap, nasa'n ang isa pa?
" Excuse me? Kanina pa ba naghihitay ang huling aplikante?" Nagtataka niya akong tiningnan at saka umiling.
"Wala nang tao sa baba kun'di 'yung dalawang babae," saad niya.
"Ah, okay. You may go, thank you for your time." Isinara nito ang pinto at iniwan ako. Napaupo na lang ako at inintay ang dalawa kong kaibigan. Isinubsob ko ang aking mukha sa mesa. Hindi ba siya dadating?
"Celina! Ano ba'ng gusto mo, lahat na lang yata inayawan mo?" Napatingin ako kay Ara na halos busangot na ang mukha dahil na rin sa inis niya sa akin. Matapos niya akong pigilan tapos malalaman niyang wala sa mga 'yon ang hinahanap ko...
"Grabe, gaano ba ka-gold 'yang estrangherong 'yan kung ikukumpara dun sa mga hottie kanina?!" inis ding protesta ni Mia na nasa likod ko at naliligo na sa pawis. Umiling lang ako.
"Wala ni isa ang pumasa sa mga characteristics na nakita ko mula sa kan'ya," pagdadahilan ko sa kanila.
"Wala ba talaga o baka naman may iniintay ka? O baka iniisip mo pa rin na magseselos si Renz?" dagdag pa ni Mia habang pinagduduldulan sa'kin na pinagpalit ako ng ex ko. Inirapan ko na lang siya at nabaling ang tingin sa aking phone na halos 'di na tumutunog. Kinuha ko iyon at tiningnan kung may nag message pero wala. Nag-aasume na baka nag chat man lang si Renz.
"Mas hot si Renz," usal ko na mukhang ikinainit pa lalo ng ulo nila.
"So-sorry, I'm late!" Napatingin kami sa isang lalaking pumasok. Hindi siya magkanda-ugaga sa pag-aayos ng necktie niya at hindi pa nakatali ang sintas.
"Sino ka naman?" mataray na tanong ni Ara habang halos magkadikit na ang kilay. Kaya tumatandang gurang ang isang 'to dahil sa sobrang sungit e. Napailing-iling na lang ako habang nai-imagine ang future niya bilang isang matandang dalaga.
Bumalik ang tingin ko sa lalaki at hinintay itong matapos sa ginagawa. Tumayo siya ng maayos at isinuot ang jacket at sumbrero na kahit walang utos mula sa akin.
"Ay! Wait lang!" napatawa naman ako kaya sinamaan ako ng tingin ni Mia. He's weird.
Nang matapos siya ay sumalubong sa amin ang matamis na ngiti galing sa kan'ya. Nanatiling nakataas ang kilay ng dalawa kong kaibigan at nag crossed arm pa. Tila sa kanila hindi papasa ang lalaking nasa harap namin.
"I'm Darwin Vicentico, and you can hire me as your boyfriend with extra services! Because, I can be your alalay, panyo, cheerleader at higit sa lahat, pwedeng kakwentuhan niyo!" nakangiti nitong usal. May nakasabit pang konting chocolate sa ngipin niya kaya napahalakhak ako.
" Iw! " ani ni Ara.
"Yuck, disgusting!" sabay na dagdag ng mga kaibigan ko.
"Actually, part talaga 'yon ng introduction ko," may pagmamayabang sa boses niya habang nakangiti saka tinanggal ang nakasabit na chocolate kaya mas lalong nandiri ang mga kaibigan ko. Ang boses niya, namiss ko ang boses niya! Ngunit may pagkamayabang ang dating niya ngayon.
"You really came!" mahina kong tugon. "What do you think, girls?" Umiiling silang tumingin sa akin. Nabuo ang ngiti sa aking mga labi. He's the one! The weird stranger I accidentally met that night!
"You're hired Darwin! I'm Celina-"
"WHAT!? " sabay pang sabi nina Mia at Ara.
"Celina Davantes. Naalala ko," saad niya na nagpangiti sa akin. Narinig niya pala ang sinabi ko. Darwin pala ang pangalan niya. Nadako ang tingin ko sa mata niyang hindi na natatabunan ng sumbrero at kulot na buhok.
"Sinasabi ko na nga ba't ako ang pipiliin mo! Kahit na late ako ng slight," natatawa niyang sagot. Nag-uumapaw talaga ang kayabangan niya ngayong araw.
"Bi, seryoso ka? Siya talaga? Grabe naman, mas gwapo pa yung mga nauna e. Nagpakapagod akong maghanap ng mga 'yon tapos gan'yan lang ang pipiliin mo?" pagdadabog na usal ni Mia. Siya talaga ang pipiliin ko.
"Yeah, he's the stranger that I'm talking about," natatawa kong tugon na ikinabagsak ng kanilang panga. "Kaya maging mabait kayo sa kan'ya," mapanloko kong saad na ikinairap nila.
"What? Are you kidding me?"
Lumapit ako kay Darwin at saka bumulong.
"Hinihintay kita, kanina pa."
Celina's Point of ViewBiglang napaatras ang lalaking nakahawak sa akin kaya tinanggal ko ang aking braso sa kamay niya at sinampal siya nang malakas. "How dare you!" Ramdam ko ang pagpintig ng kamay at panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ito nakapalag nang marahas siyang hinawakan ni Renz hanggang sa dumating ang ilang staff para awatin sila."I'll be back," seryosong pagkakasabi ni Renz na ikinataas ng balahibo ko. Ang nagawa ko lang ay ang tumango at tingnan sila paalis."Miss, this way po." Napatingin ako sa babaeng staff na nakasuot ng dilaw na polo at maong pants. Nag-aalala niya akong tiningnan kaya slight akong ngumiti. Pinulot ko ang can ng beer na nabitawan ko kanina at sinundan siya papunta sa isang booth kung saan matatanaw ko rin si Renz na masinsinang kinakausap ang mga staff sa maliit na building. Napatitig na lang ako sa direksiyon niya at napabuntong hininga. "Okay ka lang po ba?" saad niya habang nag-aalala akong inalalayan. Hindi ako kumibo at tumitig lang kay Renz
Celina's Point of View "The meeting is adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga board members, ang iba ay tahimik na lumabas habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos makipagtalo sa mga gusto nilang sabihin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang kami na lang ni Papa ang natira. Nakatayo siya sa tabi ng salamin habang nakatitig sa kabilang parte ng building. "Ibinigay ko sa'yo lahat ng responsibilidad. Siguro nga, masyado pang maaga para ipagkatiwala sa kamay mo ang kompanya." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko magawang makapagsalita upang ipaglaban ang sarili ko dahil alam ko na totoo naman ang sinabi niya. "Kapag nagpatuloy pa ang mga nangyayari, baka tuluyan nang mawala ang lahat." Wala akong magawa kun'di isara ang aking kamao dahil sa inis na nararamdaman ko. Maybe, it's still not enough. Maybe, I wasn't enough. Gusto kong umiyak at sabihing ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero ano nga bang laban ko? Nakasalalay sa aking mga kamay ang future ng kompan
Darwin's Point of View "Opps! 'Yan, okay na po sir," nakangiting saad ng babaeng naghanda ng mga pagkain na pinabili sa akin ni Celina. Punong-puno siya ng energy kahit mukhang abalang-abala sila sa pagluluto dahil may kalakihan din ang cafeteria ng building na 'to. "Thank you Miss...Miss Rea," masaya kong tugon sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang suot na name tag. Mag-iisang buwan na ako rito ngunit hindi ko pa rin masyadong kilala ang bawat staff sa dami nilang nagkalat sa bawat palapag. Ngayon lang rin ulit ako bumili dito dahil madalas kaming lumabas ni Celina. "You're welcome, sir." Ngumiti siya ngunit sa biglang pag-angat ko ng pagkain ay napalitan ng pag-aalinlangan ang tingin niya. "Sure po ba kayong hindi niyo kailangan ng tulong? May ilang staff po na maaari kong tawagin para tulungan kayo," dagdag niya. "Hindi na. 'Wag niyo na akong alalahanin. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa office ng hindi natataktak," pabiro kong tugon na ikinatawa niya rin. "Salamat ulit,
Celina's Point of View Hindi ko magawang maka-pokus sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Darwin. Patuloy kasi nitong binabagabag ang aking isipan. Madami akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan at isa na do'n ay ang kung bakit alam niya na kapatid ko si Ayana. Isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, ni wala akong alam tungkol sa pamilya o mga magulang niya o kung sino ang mga kaibigan niya. Pero bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin? Is he really just a stranger? Inalok niya ako ng tulong na siyang tinanggap ko, pero hanggang do'n lang ba talaga ang pakay niya? Napatingin ako sa dako kung nasaan si Darwin, abala siya sa pag-aasikaso ng ibang papeles na ang kailangan nalang ay pirma ko. Iba't-ibang tanong ang nabuo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pero hindi ko makita ang sarili kong itinatanong ang mga bagay na 'yon sa kan'ya. Mahina kong kinurot ang aking braso upang matigil na ang aking pago-
Celina's Point of View"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Cel?" muling tanong ni Mia. Imbis na sagutin siya ay niyakap ko na lang ang aking tuhod at inilubog ang aking mukha doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang nabanggit ang bagay na 'yon at nakailang paliwanag na rin ako pero parang hindi pa rin nila ako naiintindihan.Syempre desidido na ako sa gagawin ko pero hindi ibigsabihin no'n na pinapatawad ko na siya sa mga nangyari. Kapag nagkaharap na kami, sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko sa kan'ya na hindi kasama sa trabaho niya ang ayusin ang relasyon ko sa aking pamilya. Ang kailangan niya lang gawin ay ang tulungan akong pagselosin si Renz.Kailangan ko ng magmadali, kun'di baka tuluyan ng matapos ang lahat. Kailangan kong makuha ang atensiyon ni Renz at tulungan siyang bumalik sa akin sa mas madaling panahon. Itutuloy ko ang nasimulan namin, at matututunan niya akong mahalin ulit."Intindihin mo na lang kaya 'yang sarili mo
Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.