Darwin's Point of View
Inalalayan ko si Celina hanggang sa marating namin ang ikapitong palapag kung nasaan ang office niya. May kutob ako na may nangyari sa pagitan nila ni Renz bago pa siya pumasok dahil napakaseryoso niya mula pa kanina. Ni hindi man lang nga niya nagawang batiin pabalik ang ibang empleyado na nakakasalubong namin samantalang hindi naman siya ganito kasuplada noong unang beses akong tumapak sa building na 'to. O baka naman ako ang dahilan kung bakit mainit ang kan'yang ulo?
Palihim akong napatingin sa salamin para tingnan ang aking itsura o para siguraduhin kung maganda ba at maayos ang pagkaka-suot ko ng damit.
Pasimple ko ring inamoy ang aking sarili dahil baka sa gamit kong pabango nagkaproblema.
"Pag-usapan natin ang sinasabi mo kani-. What are you doing?" Napatigil ako sa pag-amoy ng aking kili-kili at napasulyap kay Celina na nakapako ang tingin sa akin. Agad akong ng umiwas ng tingin at dali-daling inayos ang aki
Celina's Point of View Napangiti ako ng malapad nang makita kong papalapit sa'kin si Darwin. Suot na niya ang kulay asul na jacket na may maliit na bear sa kaliwang bahagi bilang design. 'Di maipagkakaila na nangingibabaw siya sa iba pang taong nagdaraan dahil sa suot at itsura niya. Itinaas ko ang aking hinlalaki para sabihing bagay na bagay sa kan'ya ang jacket, at nasuklian naman iyon ng isang munting ngiti. Hindi ko alam ang tumatakbo sa kan'yang isipan, maski ang kwento ng kan'yang buhay. Ngunit sa tuwing ngumingiti siya, parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. "Bagay sa'yo," saad ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Tumango naman siya kaya napatawa na lang ako. Sa tingin ko, dapat hindi ko na lang sinabi ang bagay na 'yon dahil parang matagal na niya iyong alam. "Isa lang ang dahilan kung bakit, iyon ay dahil mula 'to sa'yo!" pagmamalaki niyang bigkas sa'kin, na para bang kaming dalawa lang ang nandito.
Celina's Point of View Tila may magnet sa aking kinauupuan na humihila sa akin para 'di makagalaw. Ngunit kahit na gano'n ay may isang bagay akong nagawa at iyon ay ang pagmasdan kung paano prinotektahan ni Darwin si Diane mula sa malakas na pagbuhos ng tubig. Walang nakakaalam kung saan at kung paano iyon nangyari dahil sa biglang pagsara ng mga ilaw. Katulad ng mga madalas nating makita sa mga palabas, dumating ang isang lalaki para sagipin at tulungan ang bidang babae habang ang isang kasama niya ay walang nagawa kun'di titigan sila. Kung titingnan ang mga nangyayari ay maihahalintulad ito sa isang impromptu na stage play. Nakakulong sa mga bisig ni Darwin si Diane at mahigpit itong yakap. Lahat ay nakanganga at tulala dahil sa kanilang nakita. Itinulak ni Diane si Darwin upang kumawala sa pagkakayakap nito. Nang makadistansya siya ay malakas niyang sinampal si Darwin na nanatiling tahimik. Unti-unting bumalik ang ingay s
Celina's Point of View "So, saan mo ba talaga ako dadalhin Darwin? Akala ko ba iuuwi mo ako?" Sumuko ako sa kan'yang pamimilit. Masakit siya sa mata kaya wala na akong magawa kun'di hayaan siya ang besides mas makakatipid ako ng energy. Ngunit saang lupalop ng mundo niya ba ako balak dalhin? Nginitian niya lang ako, as he usually do at saka nabalik sa kalsada ang tingin. "Wait and see," sagot niya. "Kapag malungkot ka, yakapin mo lang si Happy. Mapapakalma ka niya. Kapag hindi mo matagpuan si Happy, tawagin mo lang ako. Okay? Akoang magpapasaya sa'yo, munti kong prinsesa." "Mama, mama, mama!" Sa pagkakaalala ko, nakangiti kong tinawag ang pangalan niya. Kita ko ang saya sa mga ngiti niya. Pero iyon ang huling beses na nagpakita siya kahit ilang beses ko siyang tawagin. Pasasayahin ba kamo? Kasinungalingan! At saka, bakit ba sumagi sa utak ko ang mga alaalang 'yon? Halos 15 years na din siyang nawala, wala na rin nam
Darwin's Point of View "G-Glisea?" Iyon ang unang beses kong narinig na tinawag ni Celina ang sarili niyang ina gamit ang pangalan nito. Alam kong mangyayari ang bagay na katulad nito pero pinilit ko siyang pumasok kahit na alam ko rin na pagagalitan ako ni Tita Glisea na dinala ko siya dito ng walang pasabi. Ito lang ang naiisip kong pagkakataon na makatulong! Dahil alam ko din ang pangungulila niya sa ina sa mahabang panahon na nagkawalay sila at alam kong mapapatawad niya ito. Hindi ko hahayaang hindi sila magkaayos ngayong araw. Alam kong hindi ako ang kailangan ni Celina para mabawasan ang sakit na dinadala niya. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na 'yon! Hindi ako makatingin ng diretso sa mga titig ni Tita Glisea na gulat din sa mga nangyayari. "Celina..." Kitang-kita ang pagkalito at inis sa mga tingin ni Celina. Sinubukang lumapit ni Tita sa kan'ya ngunit mas lalo lang bumibilis ang hakbang niya paatras, palayo sa bis
Celina's Point of View Rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking puso, ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan, dama ko ang pangingilig ng aking tuhod at halos habulin ko na ang aking hininga pero hindi ko magawang tumigil sa pagtakbo. Isa lang ang dahilan, wala akong balak na tumigil at ayokong ibalik ang nakaraan. Mas bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Tumigil ako sa pagtakbo nang matagpuan ang malaking batong malapit sa may ilog at mukhang magandang pahingahan. Hindi ko na matanaw pa ang aking pinanggalingan at sigurado akong hindi na nila ako masusundan papunta rito. Pinunasan ko ang natuyong luha sa aking pisngi at saka inakyat ang itaas ng bato. Naibsan ang init na nararamdaman ko dahil sa dalang lamig ng nagmumula sa kinauupuan ko. Nasa lilim kasi ito ng isang puno kaya hindi nakapagtataka na hindi ito gaanong naiinitan. Maliban pa roon, matatanaw rin ang mga kabahayan sa kabilang banda ng ilog na hindi mas
Celina's Point of View"Miss, nandito na tayo." Napamulat ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Nakarating na pala kami sa terminal. Madilim na ang paligid ngunit buhay na buhay ang kalsada dahil sa mga taong nagtitinda ng pasalubong at kakanin at mga pasaherong uuwi galing sa trabaho. Sunod-sunod na umaalis ang iba at ang iba naman ay naghihintay pa.Nabaling ang tingin ko kay kuyang driver na nakatayo sa 'di kalayuan habang bumibili ng maiinom. Ngunit mabilis ko ring binalik ang aking atensiyon at itinuon sa nakapilang mga sasakyan."Saan ako sasakay?" bulong ko sa aking sarili at isa-isang sinilip ang mga plaka sa unahan kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nila."Mama," saad ni Miki na mahimbing na natutulog sa aking hita at mahigpit na hawak ang aking damit. Hindi ko napigilang haplusin ang kan'yang buhok at pasimpleng nangiti."Wait ka lang baby, makakasama mo rin ang Mama mo." Marahan kong iniangat ang katawan ni Miki sa a
Darwin's Point of ViewPatuloy kong nilakad ang madilim na pasilyo papunta sa isang pamilyar na kwarto. Tanging mga yapak ko lang ang maririnig sa buong lugar, walang tao o ni kung anong bagay na maaaring lumikha ng ingay. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bintana ay matatanaw ang isang malaking tarangkahan papasok sa isang ileganteng lugar kung saan naroon ang misteryosong tao, at hinihintay nito ang pagdating ko. Ngunit mukha hindi lang ako ang ipinatawag doon dahil mukhang may nauna na sa akin.Napahinga ako ng malalim at malakas na itinulak ang pinto upang ipaalam ang pagdating ko. Napa-ismid na lang ako nang mapagtanto na si Diane o mas kilala ko bilang Neone ang unang dumating kaysa sa'kin."Nicollo." Matalim na tingin niya ang bumungad sa akin, na para bang kayang-kaya niya akong kainin ng buhay. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil ako lang naman ang nagsisilbing balakid sa kan'yang kagustuhan."Kanina ka pa namin hinihintay,
Darwin's Point of ViewKinain ng katahimikan ang buong paligid. Marami akong gustong itanong ngunit walang nagsasalita para magpaliwanag. Alam kong marami na akong nilabag na rules ngunit hindi ko pa nararanasan ang pag- abandona sa ibinigay na trabaho sa akin. At kung magkataon nga na mangyari ang bagay na 'yon, para na rin akong nagpatalo sa laban namin ni Neone.Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Celina kapag nalaman niyang iba na ang tutupad sa mga gusto niya, nag-aalala na ako. Pero kung sabagay, tama lang siguro ito mas lalo na't nasaktan ko siya. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang hindi na niya ako kailangan.Napabuntong hininga na lang ako habang silang dalawa ay tahimik pa rin sa kanilang kinauupuan. Wala yata talaga silang balak ipaliwanag ang nangyayari."Sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ka talaga nakikinig mula pa nung umpisa, hindi ba?" dismayadong banggit ni Boss. Napahawak siya sa kan'yang sentido at saka ako masamang tinitigan.