공유

Chapter Four

작가: sybth
last update 최신 업데이트: 2021-12-01 01:44:47

“Crystal... Crystal, bumangon ka nga diyan!”

Ginising ako ng matinis na boses kasabay ng paulit-ulit na pagyug-yog sa aking katawan.

“Hmm…” ungos ko.

“Marami pa tayong gagawin dito sa Denmark. Mamamasyal tayo at lilibutin ang lugar na 'to. Nandito tayo hindi para magkulong sa kuwartong 'to at matulog!”

Sa tinis ng boses ni Trina ay nakaramdam ako ng kirot sa 'king tenga na kinainis ko. Pero, masiyado akong pagod para mag-react pa sa mga sigaw at reklamo niya.

Wala akong lakas para magawang bumangon sa hinihigaan kong hindi kalambutang kama.

Kung ano man ang nangyari kagabi ay talagang napagod ako—

 Kagabi?

Napabalikwas ako sa katotohanan ng napagtanto ko ang sinabi ko,

“Aray!” Nahulog ako sa kama. 

Idinilat ko ang aking mga mata dahil sa sakit ng ilong ko, pero wala akong makita at tila binalot ako ng kadiliman.

Pumalakda pala sa sahig ang mukha ko.

Sinapo ko ang aking noo nang maramdaman ko ang unti-unting namumuong kirot na dulot ng paghulog ko.

Para bang may biglang pumitik sa ulo ko at hinila ako sa reyalidad.

“Natutulog lang ako! Panaginip lang ang lahat ng 'yon, sabi ko sayo!”

Nakatitig lang sa akin si Trina na hindi alam ang dahilan ng mga bungisngis ko.

“Wala kang sinabing ganyan.” ingil niya.

Mabilis akong tumayo at tumakbo kay Trina upang siilin siya ng mahigpit na yakap.

Medyo napalakas yata dahil pareho kaming nahulog sa sahig.

“Ano bang nangyayari sa 'yo?” Nagtatakang litanya na kunot ang kilay habang ismid na nakatitig sa akin.

“Akala ko kasi may pinakasalan talaga ako kagabi. Salamat sa pagligtas mo sa 'kin sa nakakatakot na panaginip na 'yun!” Masayang sambit ko na sinundan ng mahihinang bungisngis.

Halatang hindi pa rin maintindihan ni Trina ang nangyari sa akin.

“May pinakasalan ka kagabi—Uh, kalimutan mo na nga. Baka nananaginip ka lang. Magbihis na tayo para makaalis na at malibot itong Denmark.” sambit niya habang pinupulot ang mga damit na nakalatag sa kama. “Hindi ba kaya nga tayo nandito para makapag-bakasyon? Anong bang balak mo, Crystal? Alam mo naman na saglit lang tayo dito, pero umalis ka pa kagabi ng mag-isa.”

Cheese.

“Ano?”

Lumingon sa akin si Trina na may mga matang hindi mawari kung naiinis o nagtataka. “Ang sabi ko, lumabas ka ng mag-isa tapos ay hating gabi ka na umuwi.” Muli niyang ibinaba ang mga damit bago siya maupo sa kama. “The weirdest thing is that, para bang wala ka sa sarili mo kagabi pagkababa mo ng taxi. Parang ang lalim ng iniisip mo. Tapos dumiretso ka kaagad sa kama at natulog kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magtanong kung saan ka galing.” Kumpletong saad niya. 

Pakiramdam ko ay hinugot palabas ang kaluluwa ko.

Lahat ng nangyari kagabi... totoo?

Nang matauhan ako at mapagtanto na totoo nga ang mga pangyayari kagabi ay bigla na lang tumunog and doorbell dito sa kwartong tinutuluyan namin.

Nagtama ang mga tingin namin ni Trina na parehong nakataas ang mga kilay.

Wala naman kaming inaasahan na dadating, kaya, sino 'yun?

“Ah, baka si Eliz? Sabi niya kanina, magpapahangin lang daw siya tapos babalik rin agad. Buksan mo na, tapos ako, magsisimula na rin akong magpalit.” Muli niyang dinampot ang mga damit at mabilis na pumasok sa isa pang silid.

Nagmadali akong pumunta sa pinto para buksan dahil baka tama si Trina na si Eliz lang.

Pagbukas ko ng pinto, hindi siya.

Napasinghap ako, at sa sobrang gulat ay naisara ko ulit ang pinto.

Nang ma-realize ko ang ginawa ko ay taranta 'kong binuksan muli ang pintuan dahil sa hiya.

Nakita ko sa labas ng pinto ang lalaki na may buhat na isang malaking kahon.

“Crystal, sino yan at bakit ka humihingal?” sigaw ni Trina mula sa isang kwarto.

“Uh... Trina?!”

“Ano?”

“May inorder ka ba?”

“Wala, bakit?” narinig ko ang mga yapak ni Trina na papalapit sa kinatatayuan ko. “Baka nagkamali lang sila ng door room— Woah!!! Ano 'yan?”

“Hindi ko rin alam, baka gusto mo siyang tanungin?—” tinuro ko 'yung lalaki.

Sa isang iglap ay bigla na lang iniluwal mula sa likod ng lalaki ang mga kalalakihan na mayroon ding kanya-kanyang bitbit na kahon. Para bang kino-kontrol lang sila ng isang tao.

“—Uh… sila?” Itinuro ko ang mga lalaking may mga dalang kahon, na halatang mga mamahalin.

Inis kong nilingon si Trina at sinenyasan kung ano ang mga 'to.

Napaatras kami ni Trina nang pumasok na sa kwarto ang mga lalaking may dala-dalang kahon.

Ano ba ang nangyayari at bigla na lang pumapasok ang mga 'to ng walang pahintulot?

Hinatak ko si Trina palapit sa 'kin. 

“May pera ka ba para bayaran ang lahat ng 'yan?” irita kong bulong.

Nakakagigil kung ano man ang mga 'to. Saan naman kami kukuha ng pera para pambayad sa mga 'yan?

Sakto lang ang budget namin para sa bakasyon na 'to.

I mean, hindi lang 'to isang bakasyon para sa 'kin.

“Ano ba!?” pasigaw na anas ni Trina. “Sinasabi ko sa 'yo, Crystal, hindi ako ang umorder ng mga yan!”

“Okay, sige. Kung hindi man ikaw, at hindi rin ako… baka naman si Eliz?” Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa naisip ko.

“Ang bruhang 'yon. Wala na siyang ibang ginawa kung 'di ang maging problema.”

Bumaling ang tingin ko kay Trina na nagpatahimik sa kanya.

“Oo na, Crystal. Alam ko na kapatid mo pa rin siya. Pero saan tayo kukuha ng perang pambayad sa mga ya-” Naputol ang sinasabi ni Trina nang dire-diretsong lumakad palabas ng pinto ang mga lalaki at sinarado ito.

Naiwan kami ni Trina na parehong tulala sa kawalan.

Bago pa man kami makapag-tanong kung ano ang nangyayari ay wala na sila.

Wala man lang silang sinabi tungkol sa mga dinala nila.

“O… kay..? Para saan ang lahat ng 'to? FREE products?” bulalas ni Trina.

“Sa pagkakaalam ko, walang libre sa hotel na 'to kahit pa ang pagkain.”

Napansin ko si Trina na humakbang palapit sa mga kahon.

“No! Wag mong pakialaman, baka nagkamali lang sila ng kwarto na pinaghatiran. Baka mamaya may masira ka pa diyan, edi kailangan pa nating humanap ng pera pambayad-”

“Crystal… Harrison…”

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ko. Nilingon ko si Trina at napansin kong may hawak siyang isang maliit na papel.

“Anong ako?” Humakbang ako palapit sa kanya para tingnan ang papel na binabasa niya. “Listen, I swear hindi ako ang nag-order ng kahit ano diyan.”

“Dress up... and... don't... be late... at my wedding…” pagpapatuloy ni Trina sa binabasa niya.

No way…

“From… Your… Husband..?!” Gulat niyang hiyaw nang mabasa ang huling mga salita.

Mariin na lang akong napapikit sa lahat ng mga nangyayari na bunga ng katangahan ko kagabi.

“Nagbibiro ka ba? Literal na nagpakasal ka talaga kagabi at hindi ka man lamg nag-abalang ipaalam sa 'kin?!” Bulyaw niya dahil sa labis na pagkabigla.

“Hindi,” mabilis kong sagot sa hindi siguradong tono. “S-Siguro… oo?” pag amin ko. Wala naman akong ibang magagawa dahil pumayag na ako sa isang hindi-makatotohanang kasunduan. At ang mas malala, pumirma pa ako ng kontrata.

Bumabalik na sa akin ang lahat ng mga nangyari kagabi. Bakit ko ba ginawa 'yun?

Marahil ay nadala lang ako, pagod at may jet-lag pa 'ko mula sa walong oras na flight nang biglang may isang guwapong estranghero ang nakiusap sa'kin na pakasalan niya.

“Ano bang pumasok sa isip mo para gawin 'yun?”

Hindi ko sinagot ang tanong ni Trina, paano naman ako sasagot sa tanong na ako mismo ay hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa kokote ko kagabi at pumayag na lang akong magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala.

“Sino 'yung lalaki? Anong pangalan niya?” Dagdag na tanong ni Trina na mas lalo akong naguluhan.

Ano nga ba?

Hindi ko man lang alam ang pangalan ng lalaking pinakasalan ko?

Sigurado ako na narinig ko 'yun sa girlfriend niya kagabi pero hindi ko maalala.

“Anong pangalan niya!?” galit na sigaw ni Trina.

Sa takot ko na baka mas magalit pa siya sa 'kin, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kuwarto para maghanap ng pangalan na pwede kong sabihin sa kanya.

Ngayon ko lang napansin ang itsura nitong maliit na kuwarto, ito lang ang naabot ng budget namin dito. Hindi kagandahan at malayo ang itsura sa picture.

“Uh… 'yung pangalan niya ano… Uh…” Natigil ang paningin ko ng tamaan ng aking mata ang isang maliit na sinasabit sa bag. “K-Key..?”

Napapikit ako ng mariin dahil sa pagsisinungaling.

“Key?”

Mabilis akong tumango 

“Apelyido?’

Nabigla ako sa sunod niyang tanong. Hindi ko inasahan na may karugtong pa, kaya agad akong nag-isip ng pwedeng pang-takip sa pagsisinungaling ko.

“Uh…” Ayokong sabihin na Chain ang apelyido niya dahil mahuhuli ako ni Trina na nagsisinungaling.

“Ano!?” 

Natagalan siguro ako mag-isip dahil nagtaas na siya ng boses.

“Zayn! K-Key… Z-Zayn..?” Nawalan ng lakas sa dulo ng salita ko. Parang hindi kumbinsido ang mga mata ni Trina kaya inayos ko ang boses ko para mas maging kapani-paniwala. 

“Key Zayn ang pangalan niya.” lakas loob kong bago ngumiti.

“Saan mo siya nakilala? Kailan pa?” Mariing tanong ni Trina na para bang nasa ilalim ako ng interogasyon, naglakad siya papunta sa kama para muling maupo.

Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa mga mata niya. “N-Nakilala ko siya sa… Uh… Sa Cit-”

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Thank god.

Agad na kinapa-kapa ko ang bulsa ko para hanapin ang phone ko pero wala ito kaya mabilis akong tumungo sa kapa at hinanap. Nang makita ko sa ilalim ng unan, mabilis kong sinagot yung tawag.

“Hello?”

[“The wedding is at 4 in the afternoon and someone will already be waiting outside to pick you up.”] 

Pamilyar ang malalalim na boses na 'to. 

[“Make sure to not be late cause I have a lot to remind you before the wedding.”]

Kahit sa tawag, napaka-bossy niya.

“O-” mag sasalita pasana ako ng patayin niya ang tawag.

Inalog at kinatok-katok ko ang phone ko. Nakakainis, hindi man lang niya 'ko inantay magsalita. 

Bastos. Inihagis ko na lang sa kama yung phone ko tsaka ginulo at sinambunutan ang buhok ko dahil sa sobrang inis.

“Siya ba 'yung tumawag?”

Napatigil ako sa pagsambunot sa sarili ko at lumingon kay Trina. Nakalimutan ko na nadito pa pala siya.

Tumango ako habang nakatingin sa kanya ng may takot sa mga mata.

Salubong ang mga kilay ni Trina bago ilihis ang tingin sa ibang direksyon. Pinagdikit niya ng mariin ang mga labi niya, at halatang malalim ang iniisip.

Naghintay ako ng mga salitang sasabihin ni Trina, pero hindi na siya umimik. 

Humakbang na lang ako palapit sa malalaking kahon para silipin kung ano ang mga laman nito.

Pagbukas ko ng isang kahon, nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagdampot muli ni Trina sa mga natirang damit bago tuloy-tuloy na pumasok sa isang kwarto.

Hindi ko masabi kung galit ba siya sa 'kin dahil ang hirap basahin ng mukha niya.

Nang buksan ko ang malaking kahon ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng nasa loob nito.

Isang maganda at kulay puting dress..

Inangat ko ito mula sa karton para mas matignan ko pa ito ng malapitan.

Napakaganda nito. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakapagsuot ng ganito. Marahil hindi kahit kailan.

Maganda at simple lang 'tong dress. It's like a cinderella-Esque evening gown that wishes to be a wedding gown but can only ever aspire to be a prom dress.

Mabilis kong isinuot sa katawan ko para tingnan kung ano ang itsura nito sa 'kin.

Medyo mahirap isuot dahil may isang mahabang zipper sa likuran na kailangan itaas ng iba.

Hindi ko maabot yung likod ko pero sinubukan kong abutin. Pakiramdam ko mahuhulog na 'yung mga braso ko dahil sa sobrang pagkangalay.

 “Here.”

Nagulat ako nang maramdaman kong may nag-ayos nito mula sa likuran.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred sixty

    "Okay, eto na ang bola mo anak." Agad akong tumayo pagkatapos kunin ang bola. Sa kabutihang palad, at sa murang edad, alam ng aking anak na babae ang aking kalagayan. Kaya hindi niya ako binitawan, lalo na kapag naglalakad ako. Alam niyang hindi ganoon kabuti ang accuracy ko dahil sa sakit ko kaya naman ay nakahanda siyang protektahan ako. “Bumalik na tayo.”“Thank you, mommy...” mahinang sabi ng anak ko kaya tumugon ako habang tinatapik ang ulo niya.Maglalakad na sana kami pabalik nang may nakita akong pamilyar na pigura, napabuka ang labi ko sa gulat. Halos manigas ang buong katawan ko na parang estatwa sa lamig ng pisngi ko. “Crystal…” Narinig ko ulit ang mga salitang iyon sa bibig niya, narinig ko na naman ang boses niya. Lumapit siya sa amin at naglakad papalapit sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit medyo napaatras ako. Nakita ko sa gilid ng mat

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty nine

    “Tara na.” "Sigurado ka bang aalis ka sa Denmark?" “Oo. Parang panaginip lang nang makarating ako dito. I was once so happy at hinding-hindi ko pagsisisihan ang pagpunta ko sa lugar na ito. I will forever treasure the feelings I had here in Denmark. Marami akong natutunan, at ngayon ay handa na akong bumitaw at tanggapin ang pananampalatayang mayroon ako.” _______________________ 6 na taon na ang lumipas... "Mommy, kailan ko po makikita si daddy?" "Darating siya at hahanapin ka pagdating ng tamang panahon, Crystal." “Kanina ko pa tinitingnan itong litratong kuha mo sa South Korea. Mukhang masaya ka sa tatay ko. Pero, wala siya sa amin ngayon. Sana mahanap niya kami agad. Hindi na ako makapaghintay na makita siya.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang marinig

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty eight

    "Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty seven

    "Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty six

    Parang nanlambot ang katawan ni Blade sa awa. Habang pinupunasan ang walang humpay nitong luha. "Tay, balik na tayo," matipid na wika ni Blade kay Mr. Dawson. Hindi kumibo ang ama ni Crystal at agad na pinaandar ang sasakyan. Ang kamay niyang nakahawak sa manibela ay halos mabali ito. Hindi nagsasalita si Mr. Dawson ngunit bakas ang galit nito sa kanyang mga mata. Pagkatapos punasan ni Blade ng mga itlog at kamatis ang natitirang bahagi ng katawan ni Crystal, binalot niyang muli ang isang balabal sa ulo nito at saka hinayaan lang siyang umiyak para maipahayag din niya ang kanyang iniisip. Pagdating nila sa bahay ng mga Dawson ay tila wala ng buhay si Crystal at kitang-kita sa kanyang mga mata ang emosyon. Matipid ang kilos at hakbang niya kaya binuhat na lang siya ni Blade papunta sa kwarto niya dahil n

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty five

    “Salamat sa pagpunta at pagbibigay sa amin ng oras. Ginanap ang kumperensyang ito dahil sa mga balita kamakailan na nagpasindak sa lahat. Si Spencer ay magkakaroon ng isa pang kahalili ng pamilya. Si Crystal, ang asawa ng aking anak, ay nagdala sa amin ng isang pagpapala na ibibigay namin ang aming oras upang turuan at mahalin. Magandang balita ito para sa amin, at umaasa kaming lahat ay magdiwang kasama ang pamilya ni Spencer. ” masayang utos nito habang nakatingin sa mga camera. Sandaling palakpakan ang bumalot sa silid. "Maaari ka nang magsimulang magtanong." Agad namang nagtaas ng kamay ang isang reporter. "Kailan mo nalaman na buntis si Mrs. Crystal Spencer at ilang buwan na niyang dinadala ang bata?" Nilingon ng ina ni Liam si Crystal dahil umaasa siyang sasagutin nito ang tanong. Pero, nakapikit lang ang mga labi ni Crystal at para siyang natulala sa kawalan. Kaya naman, ibinalik na lang ng nanay ni Liam an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status