Share

Chapter Seventy-one

“Hey.”

Nilingon ko ang boses ng tumawag kay Noah. Nang makita ko si Blade ay tila nalunod ako sa awa. 

Paano nila nagawang saktan ang isang tulad niya na walang ibang ginawa kung hindi ang maging mabuting tao?

Mag-isa siyang namumuhay ngayon magmula ng pumanaw at iwan siya ng kanyang pamilya, gaya ng nabanggit niya sa akin. Ang pinagtataka ko lang ay bakit patuloy niya pa rin na pinagsisilbihan ang pamilyang ginawang miserable ang buhay niya at kumitil sa mga mahal niya sa buhay.

Bakit ba ang mabubuting tao na katulad ni Blade ang pinaka-nasasaktan sa mundong ito?

At bakit ang maruruming tao, at halimaw na tulad ni Liam ang patuloy na umaangat?

Now tell me that the world isn't unfair. Na patas ang laban sa mundong 'to.

Nagsalit-salit ang mga tingin ni Blade sa aming dalawa, at tila ba nagtataka siya sa kung ano ang pinaguusapan namin.

“Pinag-uusapan na ba ninyo ang tungkol sa Vores Morgen winery?” t

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status