Share

Chapter Twenty-five

Sigurado ako na ang lalaking 'to sa harapan ko ay si Blade. Namukhaan ko ang mukha niya noong inutusan siya ni Liam na ipag-drive ako pabalik sa hotel.

“Kanina ka pa ba diyan?”

Tipid siyang tumango. “Palagi akong nandito, at malapit sa inyo.”

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

“Ako ang assigned personal guard mo, at palagi akong naroroon saan ka man magpunta. Nakasunod at nagbabantay, Mrs. Spencer.” magalang niyang sagot bago yumuko sa harap ko.

“Teka… Ano?”

Hindi siya sumagot at nakatayo lang sa harapan ko.

“Ibig bang sabihin nang palagi kang nandiyan, naririnig mo rin ang lahat ng sinasabi ko?”

Parang ang uncomfortable naman na palagi niya akong sinusubaybayan at binabantayan na para bang wala akong privacy. Babae pa rin ako at lalaki siya!

“Kahit na may narinig ako, wala pa rin akong narinig.” Diretso at magalang ang tugon ni Bl

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status