Unknown number:
[Please come down for a minute. I will wait here till my legs are broken as long as you don’t show up.]
“Pfft.”
Hindi ko mapigilan ang matawa sa message niya.
Sige na nga, mas mabuti nga siguro ang bumaba muna at puntahan siya kahit saglit lang.
Baka rin matagalan pa silang mag-usap ng Sam na iyon sa opisina, at kung mananatili ako doon, malamang makakaistorbo lang ako.
Ayaw din naman ni Liam na magsalita ako ng kahit na ano kapag may ibang tao.
Kaya ano pa ang gagawin ko doon? Tutunganga at aantayin siya na parang isang bata na sinama sa opisina?
Namalayan ko na lang na nagsimulang maglakad ang mga paa ko patungo sa elevator para makababa sandali. Itinaas kong muli ang phone ko para i-save ang unknown number at pangalanan itong 'mushroom' sa contacts.
Teka, ano nga ulit ang pangalan ng lalaking iyon?
Tatawagin ko na lang siyang mushroom sa ngayon. After all, para nama
Sigurado ako na ang lalaking 'to sa harapan ko ay si Blade. Namukhaan ko ang mukha niya noong inutusan siya ni Liam na ipag-drive ako pabalik sa hotel.“Kanina ka pa ba diyan?”Tipid siyang tumango. “Palagi akong nandito, at malapit sa inyo.”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.“Ako ang assigned personal guard mo, at palagi akong naroroon saan ka man magpunta. Nakasunod at nagbabantay, Mrs. Spencer.” magalang niyang sagot bago yumuko sa harap ko.“Teka… Ano?”Hindi siya sumagot at nakatayo lang sa harapan ko.“Ibig bang sabihin nang palagi kang nandiyan, naririnig mo rin ang lahat ng sinasabi ko?”Parang ang uncomfortable naman na palagi niya akong sinusubaybayan at binabantayan na para bang wala akong privacy. Babae pa rin ako at lalaki siya!“Kahit na may narinig ako, wala pa rin akong narinig.” Diretso at magalang ang tugon ni Bl
“As I mentioned earlier, the wristwatch he handed you has GPS built-in where he can track your location.” Paliwanag niya, pero nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. “So, I ordered Blade earlier to leave that watch at the restaurant near the building. Now, look at his text messages to you. If you don't see what's wrong, then there's something wrong with you.”Ano naman ang motibo ng lalaking iyon para gawin sa akin ang ganoong bagay? Nakakatakot.“Hindi kaya may iba siyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon?” ani ko sabay lingon kay Liam.“I’ve warned you numerous times, but you-”Napatigil siya nang tumunog muli ang phone ko.[Mom, Calling...]Nang makita ko ang pangalan ng aking ina na nag-flash sa screen, agad kong pinatay ang tawag.Marahil ay nagtataka na sila kung bakit hindi pa kami umuuwi pagkatapos ng tatlong araw.Patawarin mo ako mom. Pero hindi ako babalik sa
“Trina! Eliz!” Binitawan ko ang braso ni Liam at nagsimulang tumakbo papunta sa kanila.“Happy birthday, Crystal!”Natutuwa ako na hindi sila pinalayas ni Liam. Niyakap ko silang dalawa ng mahihigpit.Natakot ako.Natatakot akong mag-isa.Kahit noong una ay ayaw ko silang dalhin sa bahay ni Liam, ayoko namang iwan nila ako ngayon.“Crystal, my wife,”Nang marinig ko ang boses ni Liam na tumawag sa akin, lumingon ako sa direksyon niya.Walang katapusan ang mga flash ng camera na tumatama sa kanyang mukha.Ang ganda ng mga ngiti ni Liam. At salamat sa mga liwanag na tumatama sa mga mata niya, mas kumikinang ito.Para bang totoong-totoo na mahal niya ako.Tila walang Maddison na nage-exist sa likod ng hindi totoong buhay na ito.“Happy birthday, love.” gumalaw ang kanyang kamay na parang may ipinapakita sa akin.Nang sundan ko kung saan nakaturo ang
“B-Blade… Ano bang ginagawa mo..?”Pinilit kong magpumiglas at alisin ang pagkakasandal ko sa pader, pero wala itong silbi.Mas idiniin lang ako ni Blade pabalik.“Aray ko, ano ba!”Napasigaw ako dahil sa lakas ng pagkakabalik ng likod ko sa pader. Pakiramdam ko ay para akong nabalian ng buto.Buong lakas ko siyang itinulak gamit ang dalawa kong kamay, kahit na alam kong hindi nito magagalaw ang matipuno niyang katawan.“Ano bang gusto mo?”“Tutulungan kita.”“A-Anong sinasabi mo?” maang maangan ko.“Narinig ko ang buong usapan niyo kanina. Tutulungan kitang magustuhan ni Liam.”Paulit-ulit akong kumurap nang may kunot sa noo dahil sa hindi ko maintindihan ng maayos ang gusto niyang iparating.“Hindi kita maintindihan, ano bang ibig mong sabihin?“Basta, magtiwala ka lang sa akin.”Mas lalong nag s
Walang pakundangang hinila niya ako palabas ng restaurant nang hindi binibitawan ang kamay ko. Mabuti na lang at busy ang mga reporter sa kasiyahan.“Wait...” Hindi ko maalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahil napaka-agresibo nitong lalaking ito.Hindi ko akalain na mararanasan ko ulit ang HHWW ngayon.Nang makarating kami sa isang arcade, tuluyan niya akong binitawan.“Oh gosh! Ikaw ba si Mr. Right?”“What the heck are you talking about?”Napanganga ako sa gulat kung paano niya ako kinakausap.“Hoy! Bakit nawala na lahat ng respeto mo sa akin?” pagmamaktol ko. “Kanina lang yumuyuko ka pa sa akin!”“I’m sorry, but it’s better to talk to you casually para mas maging madali ang lahat para sa'tin.”Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko lubos na naintindihan ang sinabi niya.“What exactly did you say? Mr. What?&rdquo
Habang kumakain ay paulit ulit kong pinapasadahan ng tingin si Blade, na ngayon ay tutok sa kanyang pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa itsura niya.“Blade…”Naagaw ko ang atensyon niya mula sa pagkalunod sa pagkain. Lumingon siya sa akin na puno ang bibig at ngumunguya.“Iniisip ko pa rin kasi yung sinabi mo sa akin kanina. Kung hindi ko ibibigay ang buong atensyon ko kay Liam, paano niya ako magugustuhan? Hindi ba dapat palagi akong nasa tabi niya?”“Simply because Liam doesn’t want anyone to take his property.”Nagsalubong ang kilay ko kasabay ng bahagyang pag angat ng aking labi. “Ibig sabihin, parte na ng mga plano mo ang pag alis natin sa restaurant kanina?”“Somehow yes. Pero, nakita kitang umiiyak sa sasakyan kanina. Kahit hindi mo sabihin sa akin ang dahilan, alam kong kailangan mo ng makakasama lalo na ngayong birthday mo.”Kaya pala k
Inilagay ni Blade ang magkabila niyang kamay sa tenga, at saka ay hinila ito.Nalaglag ang panga ko nang bigla siyang magtaas-baba.“One-Two-One-Two-One...Two…” ungos niya sa bawat pag-angat niya.“Huy Blade.” bulong kong tawag sa kanya. “Seryoso ka bang gagawin mo talaga 'yan sa lugar na 'to!?”“One-Two-One-Two...One… Two ..”Mukhang wala atang naririnig ang taong 'to at seryoso lang sa pagwo-work out dito sa loob ng restaurant.Pasimple akong lumingon sa paligid at hindi na ako nagtaka kung bakit ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa direksyon namin.Nakakahiya...Ibinalik ko ang tingin ko kay Blade na hindi pa rin tumitigil sa ginagawa niya kahit na makuha na niya ang atensyon ng lahat.“Hoy Blade... tumigil ka na nga!” malakas kong bulong habang ibinabaon ko ang mukha ko sa aking mga palad. “Blade!”“Shhh Crystal
Hinanap ko ang humablot sa akin ng phone at nakitang hawak na niya ito sa tainga niya. Nakasara ang mga mata habang ang isang kamay ay nakasilid sa bulsa.“B-Blade…”“Dadalhin ko siya sa isang restaurant malapit sa Spencers Corp.”Malalim ang tinig niyang utas habang kausap si mushroom sa kabilang linya.Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang iminulat niya ang kanyang mga mata.Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakabalot ng puting gasa, at may bakas ng dugo.“A-Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?”“Hindi ako okay. Pakiramdam ko nga para na 'kong mamamatay.” Sinulyapan niya ako bago ibaba ang tawag.“Hala, Blade. Sobrang sakit ba? Wala naman 'yan kanina. Paano ka-”“Crystal, okay lang ako. Maliit na galos lang.” sambit niya bago inabot sa akin yung phone ko.“Buti na lang at kusa kang nagpakita sa