Share

Chapter Twenty-three

[Crystal]

“Fix yourself.”

Muli kong pinasadahan ng tingin ang suot ko.  “Maayos naman ang suot ko ah? Maganda nga eh!” pagmamayabang ko. 

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa puting pantsuit ko. Niyakap nito ang buo kong katawan kaya nadagdagan ang hubog ng balakang ko. Hindi sa akin ang damit na ito, hinatid lang kanina sa kwarto. Kasama ng napakagarang gintong kwintas at hikaw, na dapat daw ay isuot ko.

Hindi ko alam kung talagang maayos ba ang itsura ko dahil wala sina Trina at Eliz sa kwarto. Kahit ang magtanong ako sa mga tao duo sa bahay nila ay hindi rin daw nila alam o nakita.

“I'm talking about your behavior. If possible, refrain from speaking when you don't have to.”

Hindi ako nakasagot nang bumaba siya ng sasakyan. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kagabi at kanina... pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka bigla na lang niya akong tutukan ng baril sa ulo.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status