Paglabas ko ng hospital ay agad akong dumeretso sa bahay. Tinawagan ko agad si Papa."Anak, gising na ang kapatid mo.""I know, Papa. Nagkausap na kami. At kailangan ko ng umalis bukas na bukas din sa piling ng asawa niya gusto na niyang bumalik.""Anak, pasensiya ka na. Alam kong mahal mo na si Gerald. Magulang ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.ako kaya ramdam ko yun. Pero kailangan na nating umalis sa buhay nila.""Papa, akala ko mahal ako ni Mama... Akala ko nagkataon lang lahat na nahanap niya ako, tayo! Pero hindi. Sa kanya na nanggaling. Ginamit niya lang ako dahil may makukuha silang pera dahil sa arrange marriage ni Jessa at ni Gerald."Sorry, anak... Sana ay hindi nalang din ako pumayag. Akala ko ay nagbago na Ang Mama mo... Ngayon ay ikaw ang labis na nasasaktan.""Isa pa si Jesssa. Parang hindi ko siya kapatid! Mahal ko siya Papa kaso parang kaaway ang tingin niya sakin!""Anak igayak mo na ang mga gamit mo. Bukas ay babalik na tayo sa ba
Hindi maintindihan ni Gerald ang ikinikilos ng asawa. Ang mga halik at yakap nito, ang mga salita nito ay parang namamaalam. Pero ipinagwalang bahala na lang niya dahil baka napaparanoid lang siya. Malaki na talaga ang pinagbago ng kanyang asawa at labis na ikinasisiya niya ito. Sa pananamit at pananalita. Sa ugali. Lahat ay binago nito para sa kanya. Sa loob ng halos tatlong buwan nilang pagsasama ay twina na lang na pinipigil niya ang kanyang sarili. Dahil magkatabi sila ay lagi na nagtitimpi siyang huwag itong galawin. Gusto niya kasi na matanggap na niyang tuluyan ang nakaraan nito. Masakit para sa kanya na hindi siya ang unang lalaki para dito. Na marami ng nauna para sa kanya. Pero kailangan niyang tanggapin dahil mahal na niya ito, malaki na ang pinagbago nito kaya nararapat lang siguro na tanggapin na niya ng lubusan ang nakaraan nito. Nung sinabi nito na kung maaring huwag na siyang pumasok bukas para masolo siya nito ay labis ang kasiyahan niya. Iniisip niyang posible kayang
Nagising akong mahigpit na nakayakap sakin si Gerald. Biglang nag-flashback sakin yung mga nang yari kagabi. Pakiramdam ko ay nag- init bigla yung mga pisngi ko pero napangiti in ako malaunan.We did it. Yes we did.Ramdam ko pa rin yung pagkirot ng pagkababae ko. Pero yun ang pinaka-magandang nangyari sakin. Masaya akong babauinin lahat ng masasayang ala-ala namin habang magkasama. Masaya ako na sa kanya ko iyon inalay. Sana lang ay hindi niya napansing siya ang aking una. Ayokong magka-problema sila ni Jessa kung malalaman nitong isa akong virgin, samantalang kilala niya ang kapatid ko na marami ng naging karanasan.Pero parehas naman kaming nakainom kagabi hindi ba? Sana lang talaga ay hindi niya na mapansin...Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap niya sakin, kailangan ko ng umalis. Mabuti nalang at mahimbing ang tulog niya. Makakaalis ako ng maaga upang mapalitan ako ni Jessa.Kinuha ko yung cellphone ko, at tinext ang kakambal ko. Sinabi kong pumunta na siya rito sa bahay nila
"Sweety, teka nasasaktan ako—"Alam kong mahigpit na talaga ang pagkakahawak ko sa braso niya. Kita ko yung pag ngiwi niya. "Masasaktan ka talaga dahil hindi Ikaw ang asawa na minahal ko!""Ako ang asawa mo!""Sinungaling!""Ako si Jessa!""Oo ikaw nga si Jessica, halata naman dahil hindi tumitibok ang puso ko para sayo! Galit at inis! Yun ang nararamdaman ko noon hanggang ngayon sayo! Kilala ng puso ko ang babaeng mahal ko! At hindi ikaw yun! Nasaan siya, Jessa? Sino ba talaga siya!" Alam kong natakot si Jessa, pero galit na galit na talaga ako this time. Naiinis ako. Niloko nila ako."Ako ang asawa mo, kalimutan mo na ang babaeng yon!"Natigilan ako sa sinabi niya. So totoo nga? Magkaiba sila ng babaeng minahal ko...?"Nasaan siya..""Bakit pa? Ako ang asawa mo! Pangalan ko ang nakarehistro bilang asawa mo!""Fuck! Nasaan siya, Jessa?! Huwag mo akong galitin. Alam mo ang kaya kong gawin. At asawa? Well sorry dahil hindi legal ang kasal." "Anong...""Tama ang narinig mo. Buti nalang
Tapos na yung pagpapanggap ko. Kasama niya na yung asawa niya. Hindi ko na maipararamdam yung pagmamahal ko sa kanya, kung alam ko lang na agad matatapos ang lahat ng ito, sana sinulit ko na ang mga panahong nasa tabi pa niya ako, sana ginawa ko ang lahat para maipakita sa kanya ang nararamdaman ko.Alam ko namang matatapos din lahat ito pero hindi ko inaasahan na biglaan nalang na kailangan ko ng umalis sa piling ng asawa ng kakambal ko.Ang sakit. Ang sakit-sakit na parang pinatay na rin ako...Bakit ba kailangang paglaruan kami ng tadhana? Bakit kailangan maaksidente ni Jessa? Tuloy ay kailangan ko pang magpanggap bilang siya, sana ay hindi kami nagkakilala ng asawa niya, sana'y hindi ko siya minahal.Tahimik ang buhay namin ni Papa noon. Masaya naman kami, pero ngayon, alam kong malaki ang magbabago. Ayokong umiyak gaya ng sabi ni Papa, ayokong umiyak sa harap niya. Kilala niya ako bilang matapang ayoko na rin na magalala pa siya sakin."Papa, okay nga lang po ako. Huwag niyo kong
Malungkot akong pauwi ngayon sa bahay namin mula sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Gusto man daw niya akong tanggapin muli kaso ay nakahanap na daw sila ng kapalit ko.Bakit hindi? Halos tatlong buwan akong nawala, tapos ngayon ay babalik nalang ako ng biglaan. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari sa amin ni Papa after magising ng kakambal ko?Bigla ko tuloy naalala si Gerald. Kahit kailan yata ay hindi ko na siya malilimutan. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko. Siya lang ang una at huling lalaking iibigin ko.una at huling lalaking iibigin ko.Nakarating ako sa bahay na nanlulumo. Paano ko ito sasabihin kay Papa?Mabuti pa'y huwag ko ng sabihing wala na akong babalikang trabaho. Baka magisip pa iyon kung saan kami kukuha ng panggastos sa araw-araw pati na ipambibili ng mga gamot niya. Bukas na bukas ay kailangan ko ng humanap ng ibang mapapasukan."Papa?" Tawag ko pero napakunot ang noo ko nang may mapansin. Teka bakit parang walang tao? "Papa?"Bakit ba ang
I'm Jessica Ramos, twenty two years old. Akala ko tahimik na kaming mamumuhay ni Papa. Kahit mahirap, ayos lang basta magkasama kaming dalawa.Natanggal sa trabaho si Papa at dahil may edad na siya ay nahirapan ng makahanap ng trabaho kaya ng makahanap ng trabaho kaya naman third year high school palang ay naging working student na ako.Caregiver lang ang natapos ko, dahil hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko sa mahal ng tuition fee sa mga universities. Masaya ako sa trabaho ko bilang personal attendant."Papa? May bisita po tayo?" Nagmano muna ako kay papa bago ako umupo sa tabi niya.May babae kasing kausap si Papa pagdating ko galing sa trabaho."Anak..."Teka, anak?Ako ba ang tinutukoy niya?"Ah, ma'am sorry po pero wala na po ang mama ko." Tumingin ako kay Papa na naguguluhan."Anak, Jessica... siya ang mama mo," sabi ni Papa habang hindi pa rin tumitingin sakin."Nagbibiro ba kayo, Pa? Patay na si Mama, hindi ba? Sabi niyo bata pa lang ako namatay siya sa sakit?""Hindi ana
"Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong sakin ni Papa. Ano pa bang magagawa ko kailangan ng kapatid ko ng tulong."Gusto niyo rin namang tulungan ko ang kakambal ko, hindi ba?""Anak, patawarin mo ako. Nilihim kong may kapatid at buhay pa ang mama mo. Ayoko lang kasing masaktan ka kung bakit niya tayo iniwan, ayokong mamuhi ka sa kanya dahil ipinagpalit niya ang buhay kasama ko sa buhay na mayroon siya noon."Ang totoo, hindi naman ako galit kay papa. Naiintindihan ko siya. Kay Mama? Galit? Siguro, masama ang loob dahil natiis niyang maghirap kami—ako. Lumaki akong salat sa yaman. Naiinggit ako kay Jessa, hindi niya naranasan ang mga naranasan ko, sigurado akong sa Pribadong Unibersidad siya nakapag-tapos. Samantalang ako? Isang Caregiver lang. Pero kahit ganun ay masaya ako, at proud ako sa sarili ko. Kung mayaman talaga sila mama, bakit hindi siya umupa ng private investigator para mahanap kami ni papa? Bakit nasaktong kung kailan niya kailangan ng tulong ko ay tsaka siya na