Share

=CHAPTER 2=

"Karina..."

I slowly open my eyes as I heard my name. Nanlalabo pa ang mga mata ko dahil sa biglaang pagdilat. Kumurap-kurap ako at umupo. Napuno ng pagtataka ang isip ko dahil wala ako sa kwarto ko. Nilibot ko ang paningin sa buong lugar kung nasaan ako, at napagtanto ang mga nangyari.

Napahawak ako sa ulo ko at yumuko, natulala ako saglit. Hindi nga talaga panaginip ang lahat. Pinigilan kong wag maluha dahil sa sakit na nararamdaman ko, parang nasa scene pa rin ako kung saan nahuli ko si Jacob at Kimberly sa ginawa nila.

"Kailangan na nating kumilos, Karina." Umupo sa tabi ko si Angel.

Tiningnan ko s'ya at nakitang nakaligo na s'ya. Nilingon ko ang bintana at nakitang papasikat pa lang ang araw. Hinawi ko ang kumot na nakalagay sa katawan ko at tumayo para mag-inat.

"Good morning," paos pa ang boses ko.

"Naghahanda na kami, kanina ka pa namin ginigising pero masyadong malalim ang tulog mo." Humagikgik s'ya. 

"I'm sorry."

Kumain at naligo ako. Nakaramdam ako ng pagkahiya dahil ako na lang talaga ang hinihintay nila. Habang papunta kami sa hotel kung saan daw ako ikakasal ay hindi ko mapigilan na magtanong.

"Pa'no po pala kapag, nalaman ng mga guest na hindi ako si Angel?"

"Don't worry, Karina. Kami na ang bahala sa lahat," paalala ni Angel. 

Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil sa tingin na binigay n'ya. Parang sinabi ng mga mata n'ya na tigilan ko na ang pagtatanong.

Nang makarating kami sa hotel ng lugar nila ay hindi na bumaba si Angel na ipinagtaka ko. Naunang bumaba sa sasakyan ang pamilya n'ya at naiwan kaming dalawa sa loob.

"Kailangan ko nang bumalik sa bahay, walang ibang dapat na makakita sa akin. Dahil simula ngayon, ikaw si Angel Gabriel na magpapakasal sa hayop na lalaking iyon."

Parang wala sa sarili akong tumango. Nagulat ako sa mga lumabas sa bibig n'ya ngayon. Masyadong maamo at mabait ang hitsura n'ya para sa 'kin. Kaya nagulat ako sa tuwing nakikita kong nanlilisik ang mga mata n'ya sa galit.

Nakakapagtaka rin ang galit at sakit na nakikita ko sa kanya. Ano ba ang ginawa ng lalaking papakasalan ko ngayon sa kanya at halos isumpa n'ya? Tumaas ang dalawang kilay ko nang bigla s'yang ngumisi, napakabilis n'yang magbago ng ekspresyon.

"Sige na, congratulations sa magiging kasal mo." Nagyakapan at bumeso kami sa isa't isa. 

Pagkababa ko sa sasakyan ay may dumagdag na isipin sa utak ko. Parang kahapon lang ng umaga, busy ako sa kompanya ko. Nang magtanghali ay nahuli ko sila Jacob na niloloko ako, broken hearted ako kahapon, bakit nga bang ngayon ay ikakasal na ako?

Masyadong magulo ang bawat ikot ng buhay ko. Kaya kapag masaya ako ay nilulibos ko na, pero kapag may mga oras na masaya ako, doon ako pinakanatatakot, dahil alam kong masyadong malaki ang kapalit na kalungkutan.

Ang kasal ay hindi sumagi sa isipan ko, dahil hindi naman namin ito napaguusapan ni Jacob. Parang wala na rin sa 'kin ito dahil wala ang mga magulang ko na maghahatid sa akin sa harap ng altar. Kaya gagawin ko ito ngayon para magkaroon ako ng bagong pamilya na tatanggapin ako. 

Ngumiti ako kay Tita Thassia at sabay kaming lahat na pumasok sa hotel. Pagpasok namin ay may malaking nakaukit sa gitna ng hall, gawa ito sa ginto.

"Salvatore..." wala sa sariling sambit ko.

"Ayan ang apelyido ng lalaking papakasalan mo, Karina." Hinawakan ni Tita Thassia ang braso ko.

"So, sa kanila po pala ang hotel na ito?"

Tita nodded. "Yes, halos buong lugar na ito ay pag-aari ng pamilya nila."

Kaya pala Vatore City ang pangalan ng lugar na ito, ngayon alam ko na. Pag-aari pala ito ng isang mayaman na pamilya.

Pumasok kami sa isang suite at agad akong inasikaso ng mga tao para ayosan. Hindi ko alam kung ano ang dapat na nararamdaman ko ngayon. Kaya pinili ko na lang na manahimik at ipanatag ang isip ko.

"O my gosh!" Napatakip ang make-up artist ko sa bibig n'ya pagkatapos akong ayosan. "You are so gorgeous, Ma'am." 

"You are right! Napakaganda mo!" papuri sa 'kin ni Tita Thassia.

Humarap ako sa salamin. Pagkakita ko sa sarili ko, ang kaninang blankong mukha ay nahaluan ng kaunting ngiti. Napatanong ako sa sarili kung kailan ang last na aayosan ako ng ganito. 

Tumingin ako sa mga mata nila at nakita ko ang totoong paghanga. Every time na may party ang company ko or ang mga relatives ko, nakakatanggap ako ng compliment but I know it's a sarcastic and fake.

Nakaramdan ako ng kaunting saya ng kausapin ako ng family ni Angel. I feel like I'm part of their family. Baka kapalit ito ng naramdaman kong sakit kahapon.

Gano'n naman talaga palagi. Sa bawat bagay o nararamdaman natin, kailangan laging may kapalit. At alam ko sa sarili ko na ang magiging kapalit ng pagpapakasal na gagawin ko ngayon, ay ang mga taong makakasama ko.

Muli akong humarap sa salamin para makita ang kabuuan ko. Starting to my hair, my hairstyle is half-style curly hair, I'm wearing a white crown of flower, it's looks good on my natural light blonde hair.

And the design of my gown is a mermaid wedding gown. The combination of lace and tulle looks very beautiful. The upper part of this mermaid wedding gown with straps is covered with lace while the tulle skirt consists of several layers. The rigilene decor helps to support the form of the skirt and makes the hem look tidier.

My face is covered with a light make-up. I look straightly at my eyes. Kung kahapon ang kulay abo kong mga mata ay parang nagdadala ng malakas sa bagyo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ngayon ay nahahaluan na ito ng kaunting sigla.

"Kar—" nahinto ang dapat na itatawag sa 'kin ni Tita Thassia. Agad s'yang nakabawi sa pagkabigla at matamis na ngumiti. "Angel, are ready?" tanong n'ya na dalawa ang kahulugan.

"So, your name is Angel. Bagay na bagay sa iyo, Ma'am." tuwang-tuwa na sabi sa 'kin ng make-up artist.

"Of course, she's my daughter. I named her that." nakitaan ko ng lungkot at sakit ang mga mata ni Tita Thassia, kagaya ng mga mata ni Angel.

Pero ng tumingin s'ya sa 'kin ay nawala rin 'yon. Maybe, nalulungkot lang sila dahil kailangan nilang maipit sa ganitong sitwasyon. At alam kong nalulungkot din si Tita Thassia dahil kailangan nilang magsinungaling sa kaibigan ng pamilya nila.

"Let's go?"

I nodded. Magkakapit kami sa braso ni Tita Thassia habang naglalakad. May mga crew na naka-alalay sa 'min habang naglalakad. 

Tita Thassia is wearing a simple white dress. Kahit na may edad na s'ya ay halata at kita pa rin ang ganda n'ya. I suddenly wonder if my Mom is alive, ano kaya ang hitsura n'ya? But I'm one hundred percent sure na mas maganda pa s'ya sa 'kin.

Muli na naman akong nakaramdan ng lungkot kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Tita. Mukha naman naramdaman n'ya ito dahil napatingin s'ya sa 'kin, pero wala s'yang sinabi.

I need it. Ito ang kailangan ko, ang isang taong makakapitan sa mga panahon na nakakaramdam ako ng lungkot, kahit na walang salita basta maramdaman ko na may mga tao na nasa tabi ko.

Dahil sawang-sawa na ako sa mga taong ang daming sinasabing comforting words sa 'kin kapag kaharap ako, pero kapag nakatalikod ako ginagamit ang mga kahinaan at problema ko para lang pabagsakin ako.

Nasa labas din ang Papa ni Angel na hinihintay kami. Huminto kami sa tapat ng nakasaradong pintuan ng hall. Sa labas ay may mga white flowers na nakadikit.

Nilahad ng Papa ni Angel ang braso n'ya. Napangiti ako at kumapit din doon. Pinuri n'ya rin ako kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.

Para na akong baliw. Kanina pa ako pabago-bago ng nararamdaman. But, can I forget my own identity. Mas gusto kong mamuhay ng ganito. Pwede ko naman sigurong isipin na ang dalawang kinakapitan ko ngayon ay ang mga magulang ko.

I miss the warm and the caring of my parents. I miss everything. Para akong namumuhay nitong mga nakaraan sa isang panget na panaginip. Nakakasawa, gusto kong magising para matapos ang lahat, kaya lang ito pala talaga ang realidad. 

Kung hindi ako pwedeng magising, pwede ko naman siguro itong takasan, hindi ba? 

Nang unti-unting bumukas ang pintuan ay napapikit ako saglit dahil sa liwanag na biglaang tumama sa mga mata ko. Kasabay ng paghakbang namin ng dalawang taong kinakapitan ko ngayon, ay s'yang pagkarinig ko sa isang malumanay na kanta.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng hall. Kahit na may belo na nakaharang sa ulo at mukha ko ay hindi ito naging sagabal para makita ko ang simple pero magandang lugar kung saan ako ikakasal.

Sa kanan kung saan lumalakad ang Papa ni Angel ay doon nakalagay ang grupo ng mga puting upuan, na may disenyo ng mga bulaklak, ay nakaupo ang grupo ng mga lalaki. Sa kaliwa naman, kung saan lumalakad si Tita Thassia, ay doon nakalagay ang Isa pang grupo ng puting upuan, nagpapatinggkad sa ganda nito ay ang bungkos ng mga bulaklak. Dito nakaupo ang mga kababaihan.

Napansin ko sa pagpasok namin ay hindi interesado ang mga tao, pero pagkakita sa 'min ay napuno ng kuryosidad ang mga mata nila. Pinigilan kong wag makaramdam ng kaba. Relax, Karina Valerie, hindi ka kilala ng mga tao rito. Gaya nga ng sinabi ni Angel Taira, nakagawa na sila ng paraan para hindi ako mabuko. 

Sa nilalakaran namin ay may brown na nakalatag at nagkalat ang red roses sa sahig. Nang malapit na kami sa unahan ay saka palang ako nag-angat ng tingin. My eyes first hit a man standing in front, I'm sure he's the man I'm going to marry today. For no apparent reason, I stopped walking. It was as if I had lost myself as I stared into his beautiful amber eyes. It is like the color of the sun, which is very beautiful to behold.

Napahinto rin ang mga magulang ni Angel. Agad silang napalingon sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata.

Kita ko ang paglunok ni Tita Thassia. "Karina, bakit?" mahina at kinakabahan n'yang tanong.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago umiling. Humakbang ako na naging dahilan ng pagkahinga nila ng maluwag. Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang harap. May maliit na stage, kung nasaan ang judge na magkakasal sa 'min. May dalawang puting upuan, ang isa ay simple lang, samantalang ang isa naman ay napupuno ng mga bulaklak.

Nang muling bumalik ang mga mata ko sa lalaki ay napagmasdan ko ang kabuuan n'ya.  He's a tall man, I can see that. He has a buff body that even he's wearing a white suit it was so obvious. He have a thick eyebrows and eyelashes. His nose is a pointed, and have a heart shaped lips.

He's like a merciless and sexy man that can make everyone's jaw drop and drool over him. He's good looking, but he's not my type. I like someone who is like Jacob, tall-handsome and dark.

"Where's senior Salvatore?" magaan na tanong ni Tita Thassia pagkahinto namin sa tapat ng tatlong lalaki.

"He's on vacation," sagot ng kasing edad nila Tita na lalaki, kamukha s'ya ng lalaking nasa gitna they share the the same color of eyes, also. I think it's his father.

Nakipagkamayan sila Tita at Tito sa kanila. Taas noo lang akong nakatayo at hindi pinapahalata ang kaba.

"This is our daughter, Ange Taira Gabriel." 

Pasimple akong sinanggi ni Tita ng hindi ako nag-react. Oo nga pala, nagpapanggap akong si Angel.

"Hi po."

"He's lovely." Tumango-tango 'yong lalaki. "And this is my son." Nilingon n'ya 'yong lalaki na walang reaksyon na nakatingin sa 'kin.

"Maximus Damon Salvatore." Nilahad n'ya ang kamay n'ya.

Kinausap ako ni Tita Thassia gamit ang mga mata n'ya. So hindi pa pala magkakilala si Angel at Maximus?

"Hi, I'm..."

Tumikhim ako kasabay ng pagsanggi sa 'kin ni Tita Thassia. Kamuntikan ko nang masabi ang totoo kong pangalan. Mas dumoble ang kaba ko at nanlamig ang mga kamay ko.

"I'm sorry, mahiyain kasi itong anak namin," saad ni Tito.

"Her name is Angel Taira," si Tita Thassia ang nagpakilala. "Let's start the wedding? Para matapos na agad."

Naglahad ng kamay si Maximus Damon. Dahil nakakapit si Tita sa braso ko ay s'ya ang naglagay ng kamay ko sa kamay ng lalaki. Pagkalapag ng kamay ko sa kamay ni Maximus Damon ay saka ko napagtanto kung gaano nanlalamig ang kamay ko sa kaba. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pati s'ya ay nagtaka kung bakit malamig ang kamay ko.

Sa pagsiklop ng kamay n'ya sa kamay ko ay naramdaman ko ang init ng palad n'ya at bahagyang nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Inalalayan n'ya akong humakbang papunta sa tapat ng judge. Sabay kaming umupo at nagsimula na seremonya ng kasal.

"Do you Mattheo Maximus Damon Salvatore take Angel Taira Gabriel, to be your partner in life and sharing your path, equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times bad until death do you part."  

Bahagya akong ngumuso dahil sa pagkailang na nararamdaman kanina pa dahil sa paraan ng pagkakatitig n'ya sa 'kin.

"I do." He's voice is deep and manly.

"Do you Angel Taira Gabriel, take Maximus Damon Salvatore to be your husband, to have and to hold from this day forward for, better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to live and to cherish, from this day forward until death do you part?" It's my turn.

Kailangan ko na talagang masanay sa pangalan na gagamitin ko ngayon. Hindi pwedeng palagi nalang akong natitigilan sa tuwing ganito ang nangyayari.

"I do."

After a few minutes, the judge finally said,

"I am now pronouncing you husband and wife. You may now kiss the bride..." He smiled at Maximus Damon.

Dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng dahan-dahan na pag-angat ni Maximus ng belo sa mukha ko. Nang tuluyan na n'yang naalis ang harang sa mukha ko ay para akong nakahinga nang maluwag dahil nawala ang kanina pang nakaharangan sa paningin ko.

Hindi pa ako nakakaayos nang paghinga ng napaigtad ako sa gulat dahil sa biglaang paghapit ni Maximus sa bewang ko. Kahit na nagulat ay wala akong nagawa kung hindi ang pumikit nang lumapat ang mga labi n'ya sa bibig ko.

Napakapit ako sa balikat n'ya nang dahan-dahan na gumalaw ang labi n'ya. This isn't my first kiss, of course. Maraming beses na kaming naghalikan ni Jacob, but why does it feel so different?

Nagmulat ako ng mga mata ng humiwalay s'ya. Kita ko ang namumuong kasiyahan sa kulay araw n'yang mga mata.

"First kiss, for my Mrs. Angel Taira Gabriel-Salvatore."

Tumiim ang bibig ko sa sinabi n'ya at sa expresiyon ng mukha n'ya. I'm one hundred percent sure, this man with a amber eyes is a freaking womanizer, maybe is he was worse than Jacob.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status