Napatingin si Cheska kay Jaytin na nakasandal sa gilid ng sofa habang nakataas ang isang kilay. "Eh ikaw naman, Jaytin, kamusta ka naman? Minsan ka na lang magpakita sa amin, ah," sabi niya sabay kunot-noo. "Porket sikat ka na, hindi mo na kami pinapansin!"
Napangisi si Jaytin at iniangat ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Hoy, unfair ‘yan! Hindi ko naman kayo kinakalimutan, noh!" depensa niya. "Sobrang busy lang talaga sa mga projects, tapos may mga out-of-town shoots pa. Pero kahit ganun, hindi ko naman kayo nakakalimutan. Lagi nga kayong nasa kwento ko sa mga interviews, eh!"Napataas ang kilay ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. "Talaga lang ha? O baka naman ginagamit mo lang pangalan namin para may ‘pa-humble’ effect ka?"Napanganga si Jaytin. "Grabe kayo! Ang babangis! Hindi na nga ako nakahanap ng love life kakatrabaho tapos ganyan pa kayo!"Napatawa ako nang mahina habang si Cheska naman ay umiling. "Kasalanan mo ‘yan, eh! Pu“Wala akong ginagawang masama kay Cheska!” sigaw niya habang hinahabol ang hininga, may dugo na sa labi niya.“Hindi ba't ikaw ang pumigil sa plano ko?! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko siya maituloy!” sigaw ko pabalik, may apoy sa boses ko. “Ngayon lalabas kang inosente?”“Hindi ako ‘yan! Hindi ako ang nasa larawan! Niloloko ka lang ng mga mata mo—” sagot niya, pero hindi ko na siya pinatapos. Isa pang suntok ang binitiwan ko.Bagsak siya sa semento, nanginginig ang kamay, pero hindi pa rin siya sumusuko. “Hindi ako traydor. Sana malaman mo ‘yan habang may oras pa.”Tumigil ako. Nakatingin sa kanya. Sa kabila ng galit, may bahagi sa akin ang nagdududa… paano kung totoo ang sinasabi niya?Sumabog ang galit ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman kong sama ng loob at pagkabigo. Ang mga salita niya parang kutsilyong tumusok sa puso ko. "Limang taon na tayong magkaibigan, tapos mas tutulungan mo siya kaysa sa akin!" ang sigaw
So hello everyone POV muna tayo ni Dark! Dahil alam niyo na. Matagal tagal na rin kasi na hindi niyo nababasa ang POV ni Dark at diyo niyo malalaman kunv ano ba talagang iniisip ni Dark sa mga panahon na yun? Like, namiss kaya ni Dark si Quicee? Nagkauspa kaya si Dark at cheska? At sa tigin niyo, na inlove ba talaga si Dark kay Quice o wala?Anv lahag ng tanoh na yan ah sasagutin natin maya maha kaya keep reading!!Thank you nga po pala sa lahat ng support at pagbabasa niyo, malaking utang ko po yan sa iny9. And kung nagustuhan mo ang kwent pwede niyo po yan I recommend sa mga kaibigan niyo. Need ko kasing maka top 1 sa nova, pagod na kasi akong maginb second option, like 2nd nanaman? Charizzz mwah mwah kayo sa akin!! Happy ungulan!!Yhlorie "Dark" Salves POVTahimik lang akong nakaupo sa loob ng itim kong SUV, naka-park sa tapat ng cafe kung saan malinaw kong natatanaw si Cheska. Hawak ko ang manibela, pero ang mga mata ko — malamig at walang emo
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto kong sabihin sa kanya na susundin ko siya, na lalayuan ko si Mr. Dark, na hahayaan ko na lang ang lahat. Pero kaya ko ba talaga? Kaya ko bang basta na lang isantabi ang nararamdaman ko, kahit alam kong mali na?Pumikit ako sandali, humugot ng malalim na hininga bago bumukas muli ang mga mata ko at tumingin sa kanya."Susubukan ko, Cheska," mahina kong sagot. Hindi ko maipangako, pero susubukan ko.At sana, sapat na iyon—for now.Hindi ko na siya pinansin habang nasa klase. Kahit pa ilang beses niyang sinubukang kunin ang atensyon ko, nanatili akong walang kibo."Ms. Smith, can you answer this?" tanong niya habang nakatingin sa akin, hawak ang marker at nakaturo sa equation na isinulat niya sa pisara.Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin, hinihintay ang isasagot ko. Dati-rati, tuwing tinatawag niya ako, may halong kaba at kilig ang nararamdaman ko. Pero ngayon, wala na akong ibang g
Nagising ako sa pakiramdam ng bigat sa kama, at nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Cheska na nakaupo sa tabi ko. Nakakunot ang noo niya, halatang nag-aalala."Na-convince mo siya?" tanong niya, pero alam kong may bahid ng kaba sa boses niya.Napailing ako, pakiramdam ko ay parang pinapagod lang ako ng tanong na 'yon. Ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko, at kahit anong pilit kong itago, naroon pa rin ang kirot."Iiyak ba ako kung oo?" sagot ko nang walang kagatol-gatol, matigas ang boses ko pero basag ang loob ko.Napabuntong-hininga si Cheska. Alam kong hindi siya sanay na makita akong ganito—durog, basag, at walang lakas. Hinawakan niya ang kamay ko, pinisil ito ng mahigpit na para bang sinasabi niyang hindi ako nag-iisa."Quice..." mahina niyang bulong, pero hindi ko siya tiningnan.Alam kong may sasabihin pa siya, baka sermon o kaya naman ay payo, pero wala na akong lakas para pakinggan pa. Hindi ko alam kung
"Kung iniisip mong hawak mo pa rin ako dahil diyan sa video, nagkakamali ka. Mas mabuti pang makita ng buong mundo ‘yon kaysa manatili sa tabi mo na punong-puno ng kasinungalingan!" Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na tinatago ang sakit na hindi ko kayang ilabas sa salita.Nanahimik siya. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya magawa.Lumapit ako sa kanya, mas malapit kaysa kanina. "Mahal kita," mahina kong sabi, at sa pagkakataong ‘yon, nakita ko ang takot sa mga mata niya. "Pero mas mahal ko ang sarili ko."Parang biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano ko matutunaw ang mga salitang narinig ko mula sa kanya.Hindi ko siya agad matignan. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sakit."Ano?" Mahina kong tanong, halos pabulong, pero sigurado akong narinig niya.Napangisi siya—isang mapanuksong ngiti na parang dinudurog ako. "Hindi ako kailanman na-in love sa mas
Isang linggo ko siyang hindi pinansin. Sa bawat pagpasok ko sa classroom, ramdam ko ang mga mata niyang nakatuon sa akin—matatalim, puno ng pagtataka at inis. Pero hindi ko siya binigyan ng kahit isang sulyap. Tuwing magsasalita siya sa klase, naririnig ko ang bahagyang pagbabago sa tono ng boses niya—mas malamig, mas maikli ang mga sinasabi niya. Hindi na rin siya madalas tumingin sa direksyon ko kapag nagtuturo, pero alam kong pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang gawin iyon. Sa hallway, ilang beses kong naramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Minsan, naririnig ko ang mahina niyang paghinga, parang may gustong sabihin pero hindi magawa. May pagkakataong tinangka niyang harangan ang daraanan ko, pero hindi ako nagpatinag. Lumihis lang ako ng daan, na parang hindi ko siya nakita. Isang araw, pagkatapos ng klase, naglakad ako papunta sa locker ko nang biglang may humawak sa braso ko. Malakas, pero hindi nananakit. Alam ko agad ku