Bigla na lang tumunog ang cellphone ni Jaytin, dahilan para maputol ang kulitan namin ni Cheska. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa at sinagot.
"Oh, bakit Layla?" tanong niya habang nag-aayos ng upo.Dinig namin ang mabilis na boses sa kabilang linya, halatang may urgency. Hindi namin marinig ang eksaktong sinasabi ni Layla, pero base sa ekspresyon ni Jaytin, mukhang hindi magandang balita.Biglang lumalim ang kunot sa noo niya. "Emergency shoot!? Ngayon?"Nagkatinginan kami ni Cheska. Mukhang seryoso."Wala ba talagang ibang schedule? I just dropped off a friend—" saglit siyang tumingin sa amin, bago napabuntong-hininga. "Okay, okay. I’ll be there in thirty minutes."Pagkababa ng tawag ay agad siyang napakamot sa ulo. "Grabe, biglaan naman ‘to! Ang aga-aga pa, tapos emergency shoot agad?" reklamo niya."Bakit daw emergency?" tanong ni Cheska."Wala raw yung isa sa main cast, may emergency sa pamilya niya, kayHindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto kong sabihin sa kanya na susundin ko siya, na lalayuan ko si Mr. Dark, na hahayaan ko na lang ang lahat. Pero kaya ko ba talaga? Kaya ko bang basta na lang isantabi ang nararamdaman ko, kahit alam kong mali na?Pumikit ako sandali, humugot ng malalim na hininga bago bumukas muli ang mga mata ko at tumingin sa kanya."Susubukan ko, Cheska," mahina kong sagot. Hindi ko maipangako, pero susubukan ko.At sana, sapat na iyon—for now.Hindi ko na siya pinansin habang nasa klase. Kahit pa ilang beses niyang sinubukang kunin ang atensyon ko, nanatili akong walang kibo."Ms. Smith, can you answer this?" tanong niya habang nakatingin sa akin, hawak ang marker at nakaturo sa equation na isinulat niya sa pisara.Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin, hinihintay ang isasagot ko. Dati-rati, tuwing tinatawag niya ako, may halong kaba at kilig ang nararamdaman ko. Pero ngayon, wala na akong ibang g
Nagising ako sa pakiramdam ng bigat sa kama, at nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Cheska na nakaupo sa tabi ko. Nakakunot ang noo niya, halatang nag-aalala."Na-convince mo siya?" tanong niya, pero alam kong may bahid ng kaba sa boses niya.Napailing ako, pakiramdam ko ay parang pinapagod lang ako ng tanong na 'yon. Ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko, at kahit anong pilit kong itago, naroon pa rin ang kirot."Iiyak ba ako kung oo?" sagot ko nang walang kagatol-gatol, matigas ang boses ko pero basag ang loob ko.Napabuntong-hininga si Cheska. Alam kong hindi siya sanay na makita akong ganito—durog, basag, at walang lakas. Hinawakan niya ang kamay ko, pinisil ito ng mahigpit na para bang sinasabi niyang hindi ako nag-iisa."Quice..." mahina niyang bulong, pero hindi ko siya tiningnan.Alam kong may sasabihin pa siya, baka sermon o kaya naman ay payo, pero wala na akong lakas para pakinggan pa. Hindi ko alam kung
"Kung iniisip mong hawak mo pa rin ako dahil diyan sa video, nagkakamali ka. Mas mabuti pang makita ng buong mundo ‘yon kaysa manatili sa tabi mo na punong-puno ng kasinungalingan!" Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na tinatago ang sakit na hindi ko kayang ilabas sa salita.Nanahimik siya. Parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya magawa.Lumapit ako sa kanya, mas malapit kaysa kanina. "Mahal kita," mahina kong sabi, at sa pagkakataong ‘yon, nakita ko ang takot sa mga mata niya. "Pero mas mahal ko ang sarili ko."Parang biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano ko matutunaw ang mga salitang narinig ko mula sa kanya.Hindi ko siya agad matignan. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sakit."Ano?" Mahina kong tanong, halos pabulong, pero sigurado akong narinig niya.Napangisi siya—isang mapanuksong ngiti na parang dinudurog ako. "Hindi ako kailanman na-in love sa mas
Isang linggo ko siyang hindi pinansin. Sa bawat pagpasok ko sa classroom, ramdam ko ang mga mata niyang nakatuon sa akin—matatalim, puno ng pagtataka at inis. Pero hindi ko siya binigyan ng kahit isang sulyap. Tuwing magsasalita siya sa klase, naririnig ko ang bahagyang pagbabago sa tono ng boses niya—mas malamig, mas maikli ang mga sinasabi niya. Hindi na rin siya madalas tumingin sa direksyon ko kapag nagtuturo, pero alam kong pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang gawin iyon. Sa hallway, ilang beses kong naramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Minsan, naririnig ko ang mahina niyang paghinga, parang may gustong sabihin pero hindi magawa. May pagkakataong tinangka niyang harangan ang daraanan ko, pero hindi ako nagpatinag. Lumihis lang ako ng daan, na parang hindi ko siya nakita. Isang araw, pagkatapos ng klase, naglakad ako papunta sa locker ko nang biglang may humawak sa braso ko. Malakas, pero hindi nananakit. Alam ko agad ku
Lalong tumigas ang mukha ni Villaflor. Kita kong nagpipigil siya, pero hindi niya alam kung paano makakasagot nang hindi siya lalong mapapahiya. "I am simply stating facts," dagdag pa ni Sir Dark. "If you think that’s humiliating, then maybe you should start taking responsibility for your own performance instead of blaming others." Nagsimulang magbulungan ang ibang estudyante. May mga napangisi, may mga nag-aabang ng sagot ni Villaflor, habang ako naman ay nanatiling tahimik sa gilid. Nagpanting ang tenga ni Villaflor. Kita kong nanginginig ang mga kamay niya sa gilid ng kanyang upuan. "So ano, ikaw na ang magaling? Ikaw na ang tama lagi?" madiin niyang tanong. "Bakit, Sir? Dahil ba gusto mo si Smith?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Biglang natahimik ang buong klase. Tumingin ako kay Sir Dark, pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Alam kong hindi niya inaasahan ang biglaang pagsabog n
Panibagong araw, bagong simula.Kahit marami kaming natuklasan kahapon, nagdesisyon kaming dalawa ni Cheska na kumilos na parang walang nangyari. Na parang hindi namin nalaman ang madilim na lihim ni Mr. Dark. Na parang hindi namin alam na ginagamit lang niya ako noon para makuha si Cheska.Pero ngayon, hindi ko na alam kung alin ang totoo—ang galit niya o ang mga sandaling pinapakita niyang may halaga ako sa kanya.Naupo kami ni Cheska sa aming mga upuan, nagbibiruan pa rin kasama ang iba naming kaklase, pilit na isinasantabi ang bigat sa dibdib. Wala namang nakakahalata. Wala namang nagtataka.Hanggang sa marinig namin ang boses ni Mr. Dark."Only Monticello and Smith got the passing score."Napatigil ang buong klase, at ilang pares ng mata ang napatingin sa amin.Napatingin din ako kay Cheska, kita ko ang parehong gulat sa kanyang mukha. Halos hindi namin napansin na nag-eexam pala kami nung nakaraang araw dahil sa da