"Parang marami kang nararamdaman, ah," sabi niya sabay ngumiti. "Pero, kung gusto mong maging masaya, minsan kailangan mong bitawan ang mga bagay na pilit mong hinahawakan."
Sabay kaming tumahimik, at ramdam ko na ang kwentuhan namin ay isang simula lang ng mga hindi pa nasasagot na tanong, at pati na ang mga desisyon na naghihintay sa mga susunod na araw."Paano kjng hindi ko naman talaga siya gusto? Pero lagi ko na siyang iniisip?" Tajong ko sa kaniyaNapatingin siya sa akin, at parang nag-isip ng mabuti bago sumagot. Ibinaba niya ang baso niya at nagsimula siyang mag-ayos ng buhok, isang bagay na parang nagpapakita ng konting kalituhan sa kanya. Alam kong may malalim siyang pag-iisip bago magsalita.“Baka hindi mo pa alam, pero may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin. Kung hindi mo siya gusto, pero patuloy mo pa rin siyang iniisip, siguro may dahilan din kung bakit.” sagot niya ng mahinahon. “Minsan, hindi lang ang ‘gusto’ ang nakakapagpaUmupo siya sa gilid ng kama, nilagay ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. "Hindi ko alam kung papayag kang ipagdiwang ang araw ng mga puso kasama ko, pero… gusto ko lang malaman mong… seryoso ako. Hindi lang dahil sa nangyari. Hindi dahil sa konsensya. Kundi dahil gusto talaga kitang mahalin, Quice."Napatingin ako sa kanya. Walang biro sa mata niya. Wala ring pwersa sa boses niya."Akala ko ikaw ang mamamatay sa araw na ‘yon. Pero mas natakot akong mawalan ako ng rason para itama lahat ng pagkakamali ko. At ikaw ‘yon, Quice."Namula na naman ang pisngi ko, sabay turo sa bulaklak. "Baka mamaya may meaning pala ‘tong peonies mo ah."Ngumiti siya, "Meron. Ayon sa Google—new beginnings daw."Hindi ko napigilan ang tawa ko. "Nag-Google ka pa talaga?""Oo, kasi gusto kong siguraduhing ‘yung bulaklak na ibibigay ko sa’yo, bagay sa gusto kong simulan kasama ka."Tumigil ang mundo ko saglit. At sa gitna ng puting kwarto, malami
Flashback... Ilang araw matapos akong magising sa hospital… Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nandito sa kwarto ng ospital, pero isang bagay lang ang sigurado ako—hindi umalis si Yhlorie sa tabi ko. Sa una, inakala ko na baka dala lang ng konsensya ang lahat. Na baka isa lang ‘to sa mga paraan niya para magmukhang “mabait” matapos akong tamaan ng bala na para kay Cheska. Pero habang lumilipas ang bawat oras, bawat araw… hindi ko maiwasang maramdaman na totoo. Hindi siya umaalis. Hindi siya nagpapalit. At higit sa lahat—hindi siya napapagod. Umaga pa lang, bago pa ako dumilat, naroon na siya. Hindi lang basta nakaupo sa gilid ng kama—minsan siya na ang nag-aabot ng tubig ko, siya ang nag-aayos ng unan ko, at siya rin ang unang bumati ng, “Good morning, Quice.” Ganoon siya ka-soft spoken pag ako ang kausap. Wala na ‘yung intimidation factor ng pagiging mafia. Wala na rin ‘yung galit na lagi kong nababasa sa
“Hoy excuse me!” natatawang sagot ni Cheska. “Crush ko si Red noh!” sabay sabit ng braso niya sa jowa niyang tila mas interesado pa sa popcorn kaysa sa usapan namin.Napansin kong medyo natahimik si Yhlorie. Kaya nilapitan ko siya at kinurot sa tagiliran. “Hoy, seryoso, hindi naman ako nagrereklamo na weird ka. Weird lang talaga tayo—pero in a good way.”“Weird?” kunwaring nasasaktan ang tono niya.“Oo. Weird dahil hindi ko akalaing magiging safe ako sa taong muntik nang ipabaril ako.” ngumiti ako habang iniangat ang kilay ko. “Pero tingnan mo naman tayo ngayon.” Sabay hawak ko sa kamay niya. “Weird, pero ikaw ‘yung peace sa gulo ng mundo ko.”Napangiti siya, yung tipong konti na lang ay mahuhulog na siya sa kilig. Hinila niya ang kamay niya saglit, pero hindi para umiwas—kundi para pisilin ito ng mahigpit.“Sa weird nating relasyon,” sabi niya, “ikaw ang pinaka-logical na desisyon na ginawa ko.”“Wow. Ganda nun ah.” natawa ako.
Makalipas ang ilang linggo ng pagpapagaling, sa wakas—nakalabas na rin ako sa ospital. Ramdam ko pa rin ang kaunting kirot sa tagiliran ko, pero mas nangingibabaw ang gaan sa puso ko. Wala na ako sa puting silid na puro amoy alcohol at makina. Sa halip, nandito na ako ngayon… sa isang lugar na may tawanan, may musika, at may hangin ng kalayaan—amusement park.Mainit ang araw pero presko ang simoy ng hangin. Makukulay ang mga ilaw sa paligid, may mga batang tumatawa habang umiikot sa carousel, at may mga couples na naglalakad, hawak-kamay, habang kumakain ng cotton candy. Isa sa mga paborito kong lugar noong bata pa ako—pero mas espesyal ito ngayon, dahil kasama ko ang mga taong mahalaga sa akin.Nakita ko siya mula sa di kalayuan, nakatayo sa harap ng isang game booth, nakapamewang, at nakangiti habang nakikipagtalo kay Cheska tungkol sa kung sino ang mas maraming kaya’ng manalo ng teddy bear.“Yhorieeee!” sigaw ko, malakas at masaya, sabay taas ng kamay h
At sa mga salitang iyon, naglakad ako palabas ng kwarto ko, tumungo patungo sa hospital. Ang bawat hakbang ko ay may takot, ngunit may pag-asa rin. Ang aking puso ay puno ng kaba, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam ko na ito ang pinakamahalaga—na umpisahan ko ang pagpapakita ng malasakit kay Quicee.Habang naririnig ko ang mga salitang iyon mula kay Mommy, parang may malaking pader na nabangga sa puso ko. "Paano kung simulan ko ngayon?" ang tanong ko, sabay ng isang malalim na hinga. Ang mga mata ko ay nakatingin sa kanya, at sa mga salitang iyon, para bang may bahagyang liwanag na nagsimulang maglaro sa aking dibdib. "Para mapatawad ka niya, maghintay ka sa hospital." Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, ngunit naramdaman ko na ang pagnanais ko na magsimula na, na hindi na maghintay pa. Isang bahagi ko ang nagsasabi na maghintay lang, na bigyan ko siya ng espasyo, ngunit isang bahagi ko naman ang nagsasabing kailangan ko nang gawin ang lahat ng maaari kong ma
Yhlorie Dark POVHabang ako’y nakaupo sa kama, ang mga salitang binitiwan ko ay puno ng pag-aalala. Bawat tanong na lumabas sa bibig ko ay parang isang daang porsyento ng pagkabigo. Napakahirap aminin, ngunit ito ang totoo: ang babaeng mahal ko, si Quicee, ay nagdusa dahil sa mga desisyon kong puno ng galit. Ang katanungan ko sa sarili ko ay hindi lang para sa kanya, kundi pati na rin sa aking sarili. "Ano po bang pwedeng gawin ko para mapatawad niya ako, Mom?"Hindi ko kayang makita ang mukha ni Mommy, ngunit naramdaman ko ang sakit sa kanyang mga mata habang iniisip kung paano sasagutin ang tanong ko. Si Mommy Jaile Monticello, isang businesswoman na bihasa sa mga mahihirap na desisyon, ay nagbigay ng malalim na hinga bago siya nagsalita."Yhlorie," simula niya, ang boses niya ay puno ng kalungkutan at malasakit. "Alam mo, may mga pagkakataon sa buhay na hindi natin kontrolado ang mga nangyayari. Ang sakit na nararamdaman ni Quicee ay bunga ng mga akside