Mag-log inAZARIAH POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, ramdam pa ang bigat ng katawan ko. Sa paglingon ko sa tabi ko, doon ko siya nakita. Ang lalaking pinakasalan ko nang biglaan. Hindi ko pa nga siya kilala noon, pero sa isang iglap… naging asawa ko siya. At ibinigay ko sa kanya ang bagay na dapat ay pinangangalagaan ko. Ang aking dangal. Napalunok ako at agad na sinubukang alisin ang braso niyang mahigpit na nakapulupot sa aking bewang. Akala ko ay makakawala na ako, ngunit bigla siyang gumalaw at lalo pa akong hinapit papalapit sa kanya. Mas mahigpit. Parang ayaw akong pakawalan. “What do you think you’re going?” malamig niyang tanong, kahit nakapikit pa siya. “Mag-banyo lang ako…” mahinang sagot ko. Ngunit hindi siya natinag. Nanatiling nakayakap, hindi inaalis ang braso niya sa akin. Napakagat labi ako. Sobrang possessive naman nito… kahit pag-alis ko lang ng kama, para bang may karapatan siyang hadlangan ako. Huminga ako nang malalim. “Um… Theron…” tawag ko sa kanya. Umungol lang siya bilang tugon isang tunog na hindi ko maipaliwanag, pero biglang nagpa-init sa loob ng dibdib ko. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. “Tungkol sa kasal na nangyari kahapon…” Bigla siyang nagmulat ng mata at tumingin sa akin. “Bakit? Mag-a-annul ka na ba?” malamig niyang tanong. “Ah hindi…” mabilis kong sagot. “Gusto ko lang humingi ng pasensya sa’yo.” Doon siya napatingin nang mabuti sa akin, lalo pang lumapit ang mukha niya sa akin na para bang sinusuri ang bawat reaksyon ko. “Bakit? Ano bang nagawa mong mali?” tanong niya, mababa ang boses. Napakagat labi ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang hindi ko na makontrol. “Yun nga… yung hinila kita papasok sa simbahan… para ikaw ang pumalit sa groom kong niloko ako.” Sandaling katahimikan. Tapos napangisi siya. Isang ngiting hindi ko maintindihan hindi mabait, hindi rin masama… pero nakakapanghina. “Wala akong pakialam,” sabi niya malamig pero diretso. “At saka, pinipilit na rin ako ng pamilya ko na magpakasal.” Tumitig siya sa akin. “Kaya sakto lang ang timing mo.” Nanahimik ako. Parang sa simpleng salita niya, mas lalo akong nalubog sa kung anong klaseng sitwasyon ang pinasok ko. Hindi ito simpleng kasal lang. “Do whatever you want,” sabi niya nang walang emosyon. Inabot niya sa akin ang isang itim na card. Kinuha ko iyon at tiningnan mabuti. Habang binabasa ko, unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “Unlimited Black Card… gastusin mo lang ‘yan. Mag-shopping ka man kasama ang mga kaibigan mo o pamilya mo, wala akong pakialam.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ako agad nakapagsalita. Dahan-dahan kong ibinaba ang card sa kama. “Pero… hindi ko kailangan ito,” sagot ko. Sandaling katahimikan. Tumingin siya sa akin, diretso, seryoso ang mukha walang bakas ng biro o pang-aasar. “Kailangan mo man o hindi, kunin mo,” malamig niyang sabi. “Asawa na kita ngayon. Lahat ng meron ako, sa’yo na rin.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Parang ang bigat ng mga salita niya ay lalo pang nagpapabigat sa dibdib ko. “Pero… sino ka ba talaga?” mahina kong tanong, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ngumisi siya nang bahagya, parang inaasahan na niya ang tanong ko. “Pinakasalan mo ako… pero hindi mo alam kung sino ako?” ani niya, bahagyang umaatras ang ulo habang nakatitig sa akin. “Ano ka ba naman, Mrs. Ashford?” Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. “Ashford…?” ulit ko, nanginginig ang boses. Dahan-dahan siyang tumitig sa akin, mas lumalim ang tingin niya. “Ikaw si Theron Ashford…?” bulong ko, halos hindi makapaniwala. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang tunay niyang presensya hindi lang isang estrangherong pinakasalan ko sa desperasyon… kundi isang pangalan na kilala sa mundo ng negosyo. Isang lalaking hindi basta-basta. Isang bilyonaryong walang awa. Natahimik ako matapos marinig ang pangalan niya. Theron Ashford. Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid ko. Hindi ko agad alam kung paano ako gagalaw o kung ano ang dapat kong sabihin. Habang nakaupo ako sa kama, siya naman ay tahimik lang na nakamasid sa akin, parang sinusuri ang bawat reaksyon ko. “Your family…” bigla niyang sabi, malamig pero direkta. “I’ll have something sent to them.” Napatingin ako agad sa kanya. “Gifts. Or financial support. Whatever is appropriate,” dagdag niya na parang napakadali lang noon para sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib ko. “Hindi—” mabilis kong putol, halos hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatingin siya sa akin, bahagyang kumunot ang noo. “Wag na lang,” mariin kong sabi, umiwas ng tingin. “Wag ka nang magpadala.” Sandaling katahimikan ang sumunod. “Why?” maikli niyang tanong, malamig pa rin ang boses. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Ayoko… na may utang na loob pa sila sa’yo,” mahina kong sabi. “At ayokong may koneksyon sila sa’yo dahil lang sa kasal na ‘to.” Saglit siyang hindi nagsalita. Tumingin siya sa akin na parang may iniisip, mabigat at hindi mabasa ang ekspresyon. “Interesting,” bulong niya, halos sa sarili lang. Tumayo siya mula sa kama, inayos ang kanyang damit, at nilingon ako muli. “Fine,” malamig niyang sabi. “But remember this, Azariah…” Huminto siya sandali, saka lumapit ng kaunti. “From now on, your life is no longer separate from mine.” At sa mga salitang iyon, mas lalo kong naramdaman na hindi na ito simpleng kasal na pinasukan ko dahil sa desperasyon… Kundi isang mundo na wala na akong takas.AZARIAH POVNanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nagva-vibrate ang cellphone ko sa kamay ko.THERON CALLING.Parang lalo akong kinabahan.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.Pero kapag sinagot ko…ano sasabihin ko?Na nasa Ashford ako?Na nag-aapply ako sa kumpanya niya nang hindi niya alam?Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa screen.pinatay ko ang tawag.Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.“Sorry…” mahina kong bulong kahit wala naman siya doon.Mabilis akong tumayo mula sa inuupuan ko.Kailangan kong kumalma.Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang susulpot si Theron sa harap ko.Naglakad ako nang mabilis sa hallway habang mahigpit ang hawak sa bag ko.Buti na lang may nadaanan akong CR sa dulo.Agad akong pumasok doon.Pagkapasok ko pa lang ay napasandal na agad a
AZARIAH POVMahigpit kong hawak ang cellphone ko habang nakatitig sa huling message ni Theron.Which company?Parang gusto kong magpanggap na hindi ko nakita.Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos na dahilan.biglang may nagsalita sa harap.“Azariah Villareal?”Napapitlag ako.Agad akong napaangat ng ulo.Ako na.“P-Present,” mabilis kong sagot habang nagmamadaling tumayo.Pakiramdam ko biglang bumilis tibok ng puso ko.Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bag bago ko inayos ang portfolio ko.“Please proceed inside,” sabi nung babae sa harap habang nakangiti nang bahagya.Huminga ako nang malalim.Kaya mo ‘to.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa interview room.Pagpasok ko pa lang ay agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at bigat ng atmosphere sa loob.Malawak yung opisina.Modern.Malinis.
AZARIAH POVNang makarating kami sa Ashford Corporation, agad kong napansin kung gaano karaming tao ang nasa lobby.Sobrang daming applicants may nakaupo, may nakatayo, may hawak na envelopes at portfolios, lahat halatang kinakabahan at umaasa.“Ngayon lang pala ang opening nila para mag-hire,” sabi ni Sofie habang umiikot ang tingin sa paligid.“Baka yung iba nag-online registration na kaya yung iba nauna na kahapon,” sagot ko habang pinagmamasdan ang pila.“Baka nga, kasi meron daw kahapon. Buti na lang hindi tayo pumunta,” dagdag niya.Tumango ako.Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.Maya-maya ay may lumapit sa amin na babae na naka-company uniform.Nakangiti siyang bumati.“Hello, I’m Maureen from Marketing Department. Lahat po ng nandito ay walk-in applicants. May I know kung saang department po kayo mag-aapply?” tanong niya sa amin.Napangiti na
AZARIAH POVTahimik na ang buong kwarto.Nakapatay na ang ilaw, tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ang pumapasok sa bintana.Magkayakap kami ni Theron sa ilalim ng kumot.Hindi ko alam kung kailan kami napunta sa ganitong posisyon basta ang alam ko lang, hindi na ako umalis sa tabi niya.At siya rin… hindi ako binitawan.Ramdam ko ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko, steady at kalmado.“Theron…” mahina kong bulong.“Hm?”“Hindi ka ba bibitaw?”Bahagya siyang gumalaw.“Why would I?”Napabuntong-hininga na lang ako.Wala na rin akong nasabi pa.Hanggang sa unti-unti akong nakatulog habang yakap niya ako.Kinabukasan…Napadilat ako.Tahimik.At malamig ang kama sa tabi ko.Napalingon ako.Wala na si Theron.“Ha…” bulong ko habang bumangon.Napansin ko agad ang maliit na note sa bedside
AZARIAH POVHabang nag-i-scroll ako sa phone ko ay bigla na lang tumunog yung cellphone ni Theron sa ibabaw ng bedside table.Napapitlag ako sa gulat.“Theron!” sigaw ko papunta sa banyo. “May tumatawag sa’yo!”Mula sa loob narinig ko ang boses niya.“Answer it.”Napakurap ako.“Ako?”“Yes.”Natigilan ako.Sandali akong napatingin sa phone niya.Parang biglang nagbalik sa isip ko si Lucas noon, kahit simpleng hawak lang sa cellphone niya ay ayaw na ayaw niya. Laging bawal. Laging may limitasyon.Pero si Theron…pinapahawak niya lang basta-basta?Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone niya, parang hindi pa rin makapaniwala.Sandali lang, may sumagot agad sa kabilang linya.“Good morning, Sir Theron. This is from Ashford Corporation. We have several documents and urgent papers that need your signature regarding the postponed meeting and—”
AZARIAH POVTahimik lang kaming nakaupo sa sala habang nakasandal ako sa sofa at yakap ang malaking teddy bear na napanalunan ni Theron para sa akin.Siya naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.At habang tumatagal…mas lalo kong napapansin na parang ang hilig niya na akong titigan.“Ano nanaman?” natatawa kong tanong.Bahagya siyang umayos ng upo bago sumagot.“I’m thinking.”Napataas kilay ko.“Wow. Himala.”Tumaas din kilay niya.“Funny?”“Oo.”Mahina siyang natawa bago sumandal sa sofa.Tahimik muna siya sandali bago biglang nagsalita.“How many friends do you have?”Napakurap ako.“Hm?”“Your friends,” ulit niya. “Ilang lalaki at babae?”Napatingin ako sa kanya nang nagtataka.“Bakit?”“Just asking.”Napangisi ako nang bahagya.“Ano ‘to? Interview?”“







