Share

Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon
Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon
Author: Miss Alii

C1 BETRAYAL

Author: Miss Alii
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-25 11:04:24

AZARIAH POV

Pabagsak niya akong inihiga sa kama, at sa isang iglap ay ginupit niya ang suot kong wedding dress.

Napasinghap ako sa ginawa niya.

“Ang pangit ng wedding dress mo,” malamig niyang sabi, halos walang emosyon.

Patuloy niyang pinunit ang tela na parang wala lang sa kanya, hanggang sa tuluyan niya itong itinapon sa sahig na parang basurang walang halaga.

“I will give you money to buy a new wedding dress… or even have one customized,” dagdag pa niya habang nakatingin lang sa akin.

Hindi ako nakakilos. Nakatingin lang din ako sa kanya pareho kaming tahimik, pero magkaibang mundo ang nararamdaman.

Bigla siyang lumapit at siniil ako ng halik.

Isang halik na walang lambing… walang pagmamahal… pero may kakaibang init at pag-iingat na hindi ko maintindihan.

Sa una, nagpumiglas ako. Tinulak ko siya, pilit lumalayo.

Pero kalaunan, para bang may kung anong humila sa akin pabalik sa kanya. Para akong nalunod sa halik na iyon dahan-dahan, hanggang sa hindi ko na alam kung tama pa bang lumaban.

Ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko, marahang humihigpit, habang ang isa niyang kamay ay gumagapang sa likod ko. Napahawak ako sa batok niya, hindi ko alam kung bakit ko siya hinayaang lumapit nang ganoon.

Hanggang sa ako na rin ang gumanti ng halik sa kanya.

Hindi ko na inisip ang kahihinatnan nito.

Habang nalulunod ako sa bawat himas at halik niya, biglang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina… ang araw na dapat ay pinaka-masaya sa buhay ko.

“Nasaan na ang boyfriend mo na pakakasalan mo?” malamig na tanong ni Daddy habang nakangisi.

“Oo nga. Nauna ka pa dito sa simbahan, tapos naghintay pa kami ng ilang oras pero wala siyang dumating,” dagdag pa ni Stepmother.

Kinakabahan ako noon. Iniisip ko baka may nangyaring masama kay Lucas. Baka may emergency. O baka naaksidente siya.

Kaya paulit-ulit ko siyang tinatawagan.

Hanggang sa may sumagot isang babae.

At mula sa kabilang linya, naririnig ko ang mga halakhak… ang mga ungol… at halik.

Nanlamig ako.

“Paano niya nagawa ‘to sa akin?” bulong ng isip ko. “Araw ng kasal namin… araw na dapat sana ay mag-susumpaan kami sa harap ng altar…”

“Ano na, Azariah?” malamig na tanong ni Stepmother. “Nasagot ba?”

“Baka naman kaya hindi siya dumating… may asawa na talaga siya,” pang-uuyam niya.

At biglang naputol ang tawag.

Isang video call ang sumunod.

Nanginginig ang kamay ko habang sinagot ko iyon.

At doon ko sila nakita.

Si Sienna… at si Lucas.

Magkatabi sa kama. Magkayakap. Nakangiti na para bang walang kasalanan.

“Hi sis… pasensya ka na ha. Narinig mo ba yun?” mapanuksong sabi ni Sienna.

“Mga hayup kayo!” sigaw ko kahit nasa loob pa ako ng simbahan. “Manloloko kayo!”

“Hindi ka namin niloko,” natatawa niyang sagot. “In fact, kasal na kami ni Lucas… isang buwan na.

Kaya technically… ikaw ang kabit.”

Para akong binagsakan ng mundo.

Kung nasa harap ko lang sila, baka nasampal ko na sila pareho.

“Paano mo nagawa ‘to sa akin?” umiiyak kong sigaw.

“Kasalanan mo rin ‘yan,” malamig na sabi ni Daddy. “Matagal na silang kasal.”

Nanlumo ako.

“Alam n’yo pala?! Alam n’yo lahat tapos hinayaan n’yo akong magpakatanga?!”

Hindi siya sumagot.

“Wala nang groom na darating,” malamig na sabi niya. “Umalis na tayo.”

Tumalikod sila. Iniwan nila ako sa gitna ng simbahan basag, durog, at kahihiyan ang bumalot sa akin.

Habang ang mga bisita ay nagbubulungan at unti-unting umaalis, nanatili akong nakaluhod, umiiyak.

Pero may isang bagay sa loob ko ang hindi pa tapos.

Hindi ako papayag na dito na lang magtatapos ang lahat.

Pinilit kong tumayo.

“Hindi… hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal na ‘to…”

Lumabas ako ng simbahan, luhaan at basag.

At doon ko siya nakita.

Isang lalaking nakasuot ng maayos na suit, papasakay na sana sa kotse.

Hindi ko na inisip kung sino siya.

Tumakbo ako at hinila siya.

May sumigaw pa mula sa likod niya, pero hindi ko na pinansin.

Hinila ko siya papasok ng simbahan.

Sira na ang make-up ko, basag na ang mundo ko… pero pilit akong ngumiti.

“Wala na akong pakialam kung sino ka,” bulong ko sa sarili. “Ang mahalaga… makasal ako ngayon.”

Tumingin siya sa akin.

“Why are you crying?”

Natigilan ako.

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya, nakatitig nang diretso sa akin.

“Stop thinking about that bastard. Ako lang ang dapat mong isipin ngayon. Wala nang iba.”

Bago pa ako makasagot, siniil niya ako ng halik.

Mas marahas. Mas dominante. Mas nakakagulo.

At sa pagkakataong iyon, imbes na tumakas ako…

Hinayaan ko siya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C37 UNDERSTAND

    AZARIAH POVNanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nagva-vibrate ang cellphone ko sa kamay ko.THERON CALLING.Parang lalo akong kinabahan.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.Pero kapag sinagot ko…ano sasabihin ko?Na nasa Ashford ako?Na nag-aapply ako sa kumpanya niya nang hindi niya alam?Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa screen.pinatay ko ang tawag.Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.“Sorry…” mahina kong bulong kahit wala naman siya doon.Mabilis akong tumayo mula sa inuupuan ko.Kailangan kong kumalma.Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang susulpot si Theron sa harap ko.Naglakad ako nang mabilis sa hallway habang mahigpit ang hawak sa bag ko.Buti na lang may nadaanan akong CR sa dulo.Agad akong pumasok doon.Pagkapasok ko pa lang ay napasandal na agad a

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C36 INTERVIEW

    AZARIAH POVMahigpit kong hawak ang cellphone ko habang nakatitig sa huling message ni Theron.Which company?Parang gusto kong magpanggap na hindi ko nakita.Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos na dahilan.biglang may nagsalita sa harap.“Azariah Villareal?”Napapitlag ako.Agad akong napaangat ng ulo.Ako na.“P-Present,” mabilis kong sagot habang nagmamadaling tumayo.Pakiramdam ko biglang bumilis tibok ng puso ko.Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bag bago ko inayos ang portfolio ko.“Please proceed inside,” sabi nung babae sa harap habang nakangiti nang bahagya.Huminga ako nang malalim.Kaya mo ‘to.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa interview room.Pagpasok ko pa lang ay agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at bigat ng atmosphere sa loob.Malawak yung opisina.Modern.Malinis.

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C35 JOB APPLICATION

    AZARIAH POVNang makarating kami sa Ashford Corporation, agad kong napansin kung gaano karaming tao ang nasa lobby.Sobrang daming applicants may nakaupo, may nakatayo, may hawak na envelopes at portfolios, lahat halatang kinakabahan at umaasa.“Ngayon lang pala ang opening nila para mag-hire,” sabi ni Sofie habang umiikot ang tingin sa paligid.“Baka yung iba nag-online registration na kaya yung iba nauna na kahapon,” sagot ko habang pinagmamasdan ang pila.“Baka nga, kasi meron daw kahapon. Buti na lang hindi tayo pumunta,” dagdag niya.Tumango ako.Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.Maya-maya ay may lumapit sa amin na babae na naka-company uniform.Nakangiti siyang bumati.“Hello, I’m Maureen from Marketing Department. Lahat po ng nandito ay walk-in applicants. May I know kung saang department po kayo mag-aapply?” tanong niya sa amin.Napangiti na

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C34 BREAKFAST

    AZARIAH POVTahimik na ang buong kwarto.Nakapatay na ang ilaw, tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ang pumapasok sa bintana.Magkayakap kami ni Theron sa ilalim ng kumot.Hindi ko alam kung kailan kami napunta sa ganitong posisyon basta ang alam ko lang, hindi na ako umalis sa tabi niya.At siya rin… hindi ako binitawan.Ramdam ko ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko, steady at kalmado.“Theron…” mahina kong bulong.“Hm?”“Hindi ka ba bibitaw?”Bahagya siyang gumalaw.“Why would I?”Napabuntong-hininga na lang ako.Wala na rin akong nasabi pa.Hanggang sa unti-unti akong nakatulog habang yakap niya ako.Kinabukasan…Napadilat ako.Tahimik.At malamig ang kama sa tabi ko.Napalingon ako.Wala na si Theron.“Ha…” bulong ko habang bumangon.Napansin ko agad ang maliit na note sa bedside

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C33 COME WITH ME

    AZARIAH POVHabang nag-i-scroll ako sa phone ko ay bigla na lang tumunog yung cellphone ni Theron sa ibabaw ng bedside table.Napapitlag ako sa gulat.“Theron!” sigaw ko papunta sa banyo. “May tumatawag sa’yo!”Mula sa loob narinig ko ang boses niya.“Answer it.”Napakurap ako.“Ako?”“Yes.”Natigilan ako.Sandali akong napatingin sa phone niya.Parang biglang nagbalik sa isip ko si Lucas noon, kahit simpleng hawak lang sa cellphone niya ay ayaw na ayaw niya. Laging bawal. Laging may limitasyon.Pero si Theron…pinapahawak niya lang basta-basta?Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone niya, parang hindi pa rin makapaniwala.Sandali lang, may sumagot agad sa kabilang linya.“Good morning, Sir Theron. This is from Ashford Corporation. We have several documents and urgent papers that need your signature regarding the postponed meeting and—”

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C32 JEALOUS PART 3

    AZARIAH POVTahimik lang kaming nakaupo sa sala habang nakasandal ako sa sofa at yakap ang malaking teddy bear na napanalunan ni Theron para sa akin.Siya naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.At habang tumatagal…mas lalo kong napapansin na parang ang hilig niya na akong titigan.“Ano nanaman?” natatawa kong tanong.Bahagya siyang umayos ng upo bago sumagot.“I’m thinking.”Napataas kilay ko.“Wow. Himala.”Tumaas din kilay niya.“Funny?”“Oo.”Mahina siyang natawa bago sumandal sa sofa.Tahimik muna siya sandali bago biglang nagsalita.“How many friends do you have?”Napakurap ako.“Hm?”“Your friends,” ulit niya. “Ilang lalaki at babae?”Napatingin ako sa kanya nang nagtataka.“Bakit?”“Just asking.”Napangisi ako nang bahagya.“Ano ‘to? Interview?”“

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status