LOGINAZARIAH POV
Makalipas ang isang buwan… Simula nang ikasal ako kay Theron, akala ko magiging magulo ang buhay ko. Akala ko mahihirapan ako, na baka pagsisihan ko ang biglaan kong desisyon. Pero kabaliktaran ang nangyari. Hindi ko naramdaman ang hirap na inaasahan ko. Oo, sinasabi ng iba na malamig siya, walang awa, at mahirap lapitan… pero sa akin, may mga pagkakataong nakikita ko ang kabaitan niya hindi man niya sinasabi, pero nararamdaman ko. Ngayon, nasa isang kilalang luxury brand store ako, abala sa pagtingin ng mga bag. Isa-isa kong sinusuri ang mga ito, hanggang sa may isang nagustuhan ako. “Kuhain ko ‘to,” sabi ko sa saleslady. Habang hawak ko ang bag, tinitingnan ko kung babagay ba ito sa akin. Ngunit bigla, isang pamilyar na boses ang gumulat sa akin. Isang boses na ayoko nang marinig pa. Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko sila nakita. Si Sienna… kasama si Lucas. Magkasama, parang walang nangyari. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sienna na may halong pangmamata. “Akala ko ba tinakwil ka na ni Dad dahil sa kahihiyang ginawa mo?” Ngumiti ako nang mapait. “Ah… kahihiyan daw?” mahinahong sagot ko. “Ikaw naman ang may gawa no’n, hindi ba?” Biglang nagbago ang ekspresyon niya. “How dare you!” sigaw niya. “Kasal na kami ni Lucas, kaya ikaw ang kahihiyan! Kabit ka!” Napatawa ako nang mahina. “Kabit?” ulit ko, diretso ang tingin sa kanya. “Sampung taon na kami ni Lucas. Ikaw, kailan ka lang niya nakilala tapos bigla na lang kayong nagpakasal?” Humakbang ako palapit sa kanila. “Parang ikaw pa yata ang gumamit ng katawan mo para makuha siya.” “Ano?! Ang kapal ng mukha mo!” sigaw niya at akmang sasampal sa akin. Ngunit mabilis kong sinalag ang kamay niya at marahas siyang itinulak palayo. Napaatras siya, halatang nagulat. Hindi ko na sila pinansin pa. Tumalikod ako at lumapit sa cashier para magbayad ng bag. Ngunit muli, narinig ko ang boses niya. “Saan ka naman kumuha ng pera pangbayad dyan? Frozen na ang card mo, diba?” Huminto ako sandali. “Bakit alam mo?” balik ko. “Ikaw ba ang nag-utos?” “Wala akong alam dyan,” sagot niya agad. Huminga ako nang malalim. “Wala na rin akong pakialam sa pera ni Dad. May sarili na akong pera ngayon.” Napangisi si Sienna. “May sugar daddy ka na ba?” Napatingin ako sa kanya nang diretso. “Ano ngayon kung meron?” malamig kong sagot. “Aagawin mo na naman ba?” Biglang naningkit ang mga mata niya sa inis. Ngunit bago pa siya makasagot, ngumiti ako nang bahagya. “Pero hindi ako katulad mo…” Tumigil ako sandali. “Wala akong sugar daddy.” Lumapit ako ng kaunti, sapat para marinig niya ang huling sinabi ko. “Pero asawa… na mayaman, meron.” Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Sienna. Kitang-kita ko ang inis at galit sa kanyang mukha, habang si Lucas naman ay tahimik lang sa gilid, parang ayaw makisali. Dahan-dahan kong kinuha ang wallet ko at inilabas ang itim na card. “Eto,” malamig kong sabi habang ipinapakita iyon sa kanila. Ngunit bago pa man ako makapag-react, mabilis na inagaw ni Sienna ang card mula sa kamay ko. “Ano ‘to?” tanong niya, halatang may pagdududa habang tinititigan iyon. Pinagmasdan niya ang card nang mabuti. Ilang segundo lang, unti-unti kong nakita ang pagbabago ng ekspresyon niya. Mula sa pangmamata… naging gulat. At mula sa gulat… naging pagkalito. Nanlaki ang mga mata niya. “Th-this… Unlimited Black Card ng Ashford Corporation?” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “Isa lang ang may ganito…” mahinang sabi niya, nanginginig ang boses. “Si Theron Ashford…” Doon na tuluyang nag-iba ang tingin niya sa akin. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, puno ng hinala at galit. “Sandali…” malamig niyang sabi. “Saan mo nakuha ‘to?” Hindi ako agad sumagot. Pero siya, lalo pang lumakas ang boses. “Wag mong sabihin sa akin…” tumawa siya nang mapakla. “Ninakaw mo ‘to?!” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?” gulat kong sagot. “Hindi!” Pero hindi siya nakinig. “Wala kang kakayahang magkaroon ng ganitong card! Isa lang ang may-ari niyan si Theron Ashford!” sigaw niya habang itinuturo ako. Nagtawanan pa sila nang pilit, parang sinusubukang ipahiya ako lalo. “Alam ko na! Kaya pala may pera ka ngayon ninakaw mo ‘yan! Isa kang magnanakaw!” Nanlamig ako sa sinabi niya. Pero imbes na umatras, dahan-dahan akong huminga at tumingin sa kanya nang diretso. “Kung magnanakaw ako…” malamig kong sabi, “bakit ko gagamitin ang card niya sa harap ng lahat?” Sandaling natahimik si Sienna. Ngunit ramdam ko pa rin ang hindi niya paniniwala. Nanatiling nakatayo si Sienna habang hawak pa rin ang black card. Kitang-kita ko ang pagdududa sa kanyang mga mata, ngunit mas nangingibabaw ang galit at inggit. “Hindi ako maniniwala sa’yo,” mariin niyang sabi. “Hindi ka kailanman magkakaroon ng ganito kung hindi mo ninakaw o niloko ang may-ari niyan.” Humakbang siya palapit sa akin, itinataas pa ang card na para bang ebidensyang laban sa akin. “Sabihin mo nga sa akin, Azariah… anong ginawa mo? Niloko mo ba siya? O ginamit mo lang din ang katawan mo para makuha ‘to?” dagdag pa niya, puno ng panlalait ang boses. Napakagat labi ako, pilit pinipigilan ang galit na unti-unti nang umaakyat sa dibdib ko. Ngunit hindi pa siya tapos. “Hindi ka ba nahihiya?” patuloy niya. “Matapos kang iwan ni Lucas, ngayon nagpapakasarap ka na sa ibang lalaki gamit ang nakaw na pera?” Doon na sumabat si Lucas, na kanina pa tahimik. “Azariah,” malamig niyang sabi habang umiiling, “hindi ko inakala na bababa ka sa ganito.” Tumingin siya sa akin na parang ako ang may kasalanan sa lahat. “Kung desperado ka man, sana hindi mo na ginamit ang pangalan ng ibang tao para lang magpanggap na may kaya ka,” dagdag niya, puno ng pangmamata. Parang biglang sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi nila. Dalawa sila, parehong dating mahalaga sa akin… ngayon, pareho akong pinipintasan na parang wala akong halaga. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanilang dalawa. “Ang bilis n’yong husgahan ang isang tao,” malamig kong sabi. “Wala kayong alam, pero ang dami n’yong sinasabi.” Ngunit imbes na tumigil, lalo pang lumakas ang boses ni Sienna. “Wala kaming alam? Eh kitang-kita naman namin! Magnanakaw ka lang naman!” At si Lucas, tahimik pero matalim ang tingin. “Hindi ka na nagbago, Azariah. Gusto mo lang lagi ng atensyon. Kaya kahit kasinungalingan, gagawin mo para lang mapansin.” Napatigil ako sandali. Pero sa loob ko… unti-unting nag-iinit ang galit na kanina ko pa pinipigilan. Bago pa man tuluyang kumawala ang galit na kanina ko pa pinipigilan, may bigla nang nagsalita mula sa likuran. “Enough.” Napalingon ako. At doon ko siya nakita. Si Theron. Papunta siya sa amin, suot ang malamig niyang ekspresyon, kasama ang ilang tauhan na naka-black suit sa likuran niya. Sa isang iglap, tila mas lumamig ang paligid. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong natigilan. Lumapit siya sa akin nang walang sinasabi, at bago pa ako makagalaw, hinapit niya ako sa bewang. Mahigpit. Protective. At malinaw na sinasadyang ipakita sa harap nina Sienna at Lucas. Nanigas ako sa ginawa niya. Ramdam ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon nina Sienna at Lucas mula sa pangmamata… naging gulat. “Theron Ashford…” mahinang bulong ni Sienna, nanlalaki ang mga mata. Ngunit hindi siya pinansin ni Theron. Dahan-dahan niyang inabot ang black card na hawak pa rin ni Sienna. “Where did you get this?” malamig niyang tanong. Natigilan si Sienna, habang si Lucas ay tila hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. “Th-this belongs to you…” nauutal niyang sagot. “Obviously,” sagot ni Theron, malamig at walang emosyon. Kinuha niya ang card at binalingan sila ng matalim na tingin. “You touched something that doesn’t belong to you,” malamig niyang sabi. “And you accused my wife of stealing.” Parang naubusan ng dugo si Sienna sa narinig niya. “W-wife?!” bulalas niya, hindi makapaniwala. Si Lucas naman ay nanatiling nakatitig sa akin, parang ngayon lang niya na-realize ang lahat. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko habang naririnig ko ang salitang iyon. Wife. Bago pa makapagsalita ang dalawa, nagpatuloy si Theron, mas mababa ngunit mas nakakatakot ang boses. “If I hear even a single word of insult again about her…” tumigil siya sandali, “you won’t just lose your voice you’ll lose everything.” Nanigas sina Sienna at Lucas sa takot. Isang senyas lang ng kamay ni Theron, at agad na lumapit ang mga tauhan niya. “Let’s go,” malamig niyang sabi sa akin, hawak pa rin ang bewang ko. Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. Habang naglalakad kami palabas, ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin nila sa likod ko. Ngunit bago kami tuluyang makalayo, napalingon ako sandali. At doon ko nakita si Lucas. Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin. Hindi na mayabang. Hindi na mapanghusga. Kundi… puno ng pagsisisi. Parang ngayon lang niya na-realize ang lahat ng nawala sa kanya. Napangiti ako. Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil sa wakas… hindi na ako yung taong madaling yurakan.AZARIAH POVNanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nagva-vibrate ang cellphone ko sa kamay ko.THERON CALLING.Parang lalo akong kinabahan.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.Pero kapag sinagot ko…ano sasabihin ko?Na nasa Ashford ako?Na nag-aapply ako sa kumpanya niya nang hindi niya alam?Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa screen.pinatay ko ang tawag.Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.“Sorry…” mahina kong bulong kahit wala naman siya doon.Mabilis akong tumayo mula sa inuupuan ko.Kailangan kong kumalma.Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang susulpot si Theron sa harap ko.Naglakad ako nang mabilis sa hallway habang mahigpit ang hawak sa bag ko.Buti na lang may nadaanan akong CR sa dulo.Agad akong pumasok doon.Pagkapasok ko pa lang ay napasandal na agad a
AZARIAH POVMahigpit kong hawak ang cellphone ko habang nakatitig sa huling message ni Theron.Which company?Parang gusto kong magpanggap na hindi ko nakita.Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos na dahilan.biglang may nagsalita sa harap.“Azariah Villareal?”Napapitlag ako.Agad akong napaangat ng ulo.Ako na.“P-Present,” mabilis kong sagot habang nagmamadaling tumayo.Pakiramdam ko biglang bumilis tibok ng puso ko.Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bag bago ko inayos ang portfolio ko.“Please proceed inside,” sabi nung babae sa harap habang nakangiti nang bahagya.Huminga ako nang malalim.Kaya mo ‘to.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa interview room.Pagpasok ko pa lang ay agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at bigat ng atmosphere sa loob.Malawak yung opisina.Modern.Malinis.
AZARIAH POVNang makarating kami sa Ashford Corporation, agad kong napansin kung gaano karaming tao ang nasa lobby.Sobrang daming applicants may nakaupo, may nakatayo, may hawak na envelopes at portfolios, lahat halatang kinakabahan at umaasa.“Ngayon lang pala ang opening nila para mag-hire,” sabi ni Sofie habang umiikot ang tingin sa paligid.“Baka yung iba nag-online registration na kaya yung iba nauna na kahapon,” sagot ko habang pinagmamasdan ang pila.“Baka nga, kasi meron daw kahapon. Buti na lang hindi tayo pumunta,” dagdag niya.Tumango ako.Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.Maya-maya ay may lumapit sa amin na babae na naka-company uniform.Nakangiti siyang bumati.“Hello, I’m Maureen from Marketing Department. Lahat po ng nandito ay walk-in applicants. May I know kung saang department po kayo mag-aapply?” tanong niya sa amin.Napangiti na
AZARIAH POVTahimik na ang buong kwarto.Nakapatay na ang ilaw, tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ang pumapasok sa bintana.Magkayakap kami ni Theron sa ilalim ng kumot.Hindi ko alam kung kailan kami napunta sa ganitong posisyon basta ang alam ko lang, hindi na ako umalis sa tabi niya.At siya rin… hindi ako binitawan.Ramdam ko ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko, steady at kalmado.“Theron…” mahina kong bulong.“Hm?”“Hindi ka ba bibitaw?”Bahagya siyang gumalaw.“Why would I?”Napabuntong-hininga na lang ako.Wala na rin akong nasabi pa.Hanggang sa unti-unti akong nakatulog habang yakap niya ako.Kinabukasan…Napadilat ako.Tahimik.At malamig ang kama sa tabi ko.Napalingon ako.Wala na si Theron.“Ha…” bulong ko habang bumangon.Napansin ko agad ang maliit na note sa bedside
AZARIAH POVHabang nag-i-scroll ako sa phone ko ay bigla na lang tumunog yung cellphone ni Theron sa ibabaw ng bedside table.Napapitlag ako sa gulat.“Theron!” sigaw ko papunta sa banyo. “May tumatawag sa’yo!”Mula sa loob narinig ko ang boses niya.“Answer it.”Napakurap ako.“Ako?”“Yes.”Natigilan ako.Sandali akong napatingin sa phone niya.Parang biglang nagbalik sa isip ko si Lucas noon, kahit simpleng hawak lang sa cellphone niya ay ayaw na ayaw niya. Laging bawal. Laging may limitasyon.Pero si Theron…pinapahawak niya lang basta-basta?Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone niya, parang hindi pa rin makapaniwala.Sandali lang, may sumagot agad sa kabilang linya.“Good morning, Sir Theron. This is from Ashford Corporation. We have several documents and urgent papers that need your signature regarding the postponed meeting and—”
AZARIAH POVTahimik lang kaming nakaupo sa sala habang nakasandal ako sa sofa at yakap ang malaking teddy bear na napanalunan ni Theron para sa akin.Siya naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.At habang tumatagal…mas lalo kong napapansin na parang ang hilig niya na akong titigan.“Ano nanaman?” natatawa kong tanong.Bahagya siyang umayos ng upo bago sumagot.“I’m thinking.”Napataas kilay ko.“Wow. Himala.”Tumaas din kilay niya.“Funny?”“Oo.”Mahina siyang natawa bago sumandal sa sofa.Tahimik muna siya sandali bago biglang nagsalita.“How many friends do you have?”Napakurap ako.“Hm?”“Your friends,” ulit niya. “Ilang lalaki at babae?”Napatingin ako sa kanya nang nagtataka.“Bakit?”“Just asking.”Napangisi ako nang bahagya.“Ano ‘to? Interview?”“







