Beranda / Romance / Suddenly Married to my kuya / SMK 1- Abby and Xavier

Share

SMK 1- Abby and Xavier

Penulis: sweetnanenz
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-01 14:46:15

(Abby)

Inis na inis akong nakatingin sa lalaking nagmamaneho ng kotse. Hindi ko lubos akalain na ihahabilin ako ng aking kuya sa lalaking ito.

Hindi kasi ako masundo ng daddy ko ngayon dahil may pupuntahan sya sa Pearl Island. May riding club kasi doon at si daddy ang namamahala, kahit pa ang tito Zac at tita Loraine ko ang may- ari ng isla.

Ibinilin ako ng daddy ko na isabay sa kuya Xander ko pauwi. Pero, ang kuya ko, dito pa naman ako ibinilin sa Xavier Mondragon na 'to. Mas pinili pa ng kuya ko na makasama ang girlfriend nya kaysa sa akin. Lagot sya mamaya kina mommy at daddy, dahil isusumbong ko talaga sya.

Kalalabas lang ng kotse ni Xavier sa EIS (EastWest International School), kung saan dito ako nag- aaral. I am 12 years old now and I'm still in Grade 7. Dito kaming magpipinsan na bahagi ng Del Fuengo Clan, 3rd generation, nag- aaral sa EIS.

Pareho naman nasa Grade 12 sina Xavier at ang kuya Xander ko. At magbestfriend silang dalawa. Mula pa nung Grade 7 ang dalawa, magbestfriend na sila. Marami kasi silang pinagkasunduan bagay, lalo na ang pagdating sa mga kabayo.

Sa katunayan nga, laging pumupunta sa rancho namin si Xavier. Meron pa nga itong sariling kwarto sa malaking bahay namin na nasa gitnang bahagi ng "Saturno Ranch".

Inis na inis ako kay Xavier kaya kahit ilang minuto palang kaming magkasama, pero parang buong araw ko na syang kasama. Ang bigat- bigat na kasi ng pakiramdam ko. At ang sama ng mood ko ngayon.

Bakit nga ba ako galit na galit sa kanya?

Well, wala naman syang ginawang masama sa akin. Sadyang naiinis lang ako sa kanya. Maliban naman kasi na inaagaw nya ang atensyon ng kuya Xander ko na sana para sa akin, s****p din kasi sya sa parents ko. Feeling close at feeling kuya din sya sa akin. Bunso daw sya sa magkakapatid na lalaki at pangarap nyang magkaroon ng nakababatang kapatid na babae. Sa malas, ako 'yon naisip nya na gawin kapatid para matupad 'yong pangarap nya. At syempre, kontra ako sa gusto nya. Kahit sya nalang ang natitirang pwedeng maging kuya ko sa buong mundo, mas mabuti pang, only child nalang ako.

"I heard na nakapasok ka pala sa interschool swimming competition." simula nya sa pangingialam na naman nya sa akin.

Hindi ko sya sinagot, pairap akong tumingin sa kanya.

"You should start drinking a lot of water, para pampalakas ng resistensya mo. And start with your little exercise, para masanay ang katawan mo at hindi ka maubusan agad ng hangin."

Mas lalo akong nainis sa kanya dahil sa sinabi nya. Pakialamero talaga sya kahit kailan.

"Can you please, stop acting like a big brother to me." naiirita kong sabi sa kanya.

"I can't help it Abby. Kapatid na ang turing ko kay Xander at nakababatang kapatid narin ang turing ko sayo."

Nasa pagmamaneho ang pokus nya, kaya hindi nya napansin ang nakakamatay na titig ko sa kanya.

"I don't care kung kapatid na ang turing mo sa kuya Xander ko. Wag mo akong idamay! Wag ka ngang makikipagkapatid sa akin."

Napakibit- balikat lang sya.

Bago pa ako puputok sa sobrang inis sa kanya, binawi ko na ang aking paningin mula sa kanya at ipinukos ko nalang ang aking sarili sa pagtingin- tingin ng kung ano't- ano sa labas ng bintana.

Namayani na ang katahimikan sa aming dalawa.

"By the way---" basag nya sa katahimikan namin. "--may dadaanan muna tayo sandali."

Maya't- maya lang inihinto nya ang kotse sa tapat ng isang coffee shop.

"Hihintayin lang natin sandali ang girlfriend ko. Nandyan kasi sya sa loob."

"May date ka pala! Bakit mo pa ako isinama? Sana sinabi mo nalang kay kuya. Hindi sana kita kasama ngayon." galit na pagkakasabi ko sa kanya.

"I'm sorry!" lumingon sya sa akin. "Wala kaming date ni Krizzie. Sinundo ko lang sya dito since madadaanan naman natin 'yong bahay nila."

Again, irap na naman ang napala nya mula sa akin.

Maya't maya lang, nakita ko ang paglapit ng hindi naman gaanong kagandahan babae sa kotse ni Xavier.

Hindi ito maganda sa paningin ko dahil sa sobra- sobrang make- up nito sa mukha. At para itong bakla sa paningin ko. Ganito palang ang mga babaeng tipo ni Xavier.

"Ay! Sino sya?" maarteng pagkakasabi ng babae nang nakita ako. "Anak ng katulong nyo?"

Umaakyat yata lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa utak ko dahil sa sinabi ng baklang babaeng ito.

Ano raw?

Anak ako ng katulong?

Mukha ba akong anak ng katulong?

Ok. Aaminin ko, haggard na haggard na nga ang mukha ko ngayon. Maliban naman kasi na hindi pa ako gumagamit ng make- up, sobrang asim pa ng pakiramdam ko dahil sa presence ni Xavier, kaya siguro nag- reflect ang mga bad vibes ngayon sa aking magandang mukha.

Hindi ako anak ng isang katulong. Baka maraming beses na mas mayaman ang angkan ko kaysa baklang ito. Isa kaya akong Del Fuengo at Saturno narin.

"Krizie, watch your words!" saway ni Xavier sa kanyang girlfriend. "Kapatid sya ni Xander."

Natutup ng bakla ang kanyang bibig.

Ano ngayon? Inirapan ko ang impakta.

Alam kong nainis sya sa ginawa ko. Pero, hindi nya magawang mag- react.

At nasa mood ko ngayon na mas lalo pa syang inisin. 80% m*****a pa naman ako, at 20% lang ang kabaitan ko.

At hindi ko palalampasin ang ginawa nyang panginginsulto sa akin kanina.

"Kuya Xavier, mahilig ka pala sa mukhang bakla." Ani ko kay Xavier, habang sa babaeng bakla ako nakatingin.

"What did you say?" galit na bulyaw sa akin ng babaeng bakla.

"Abby, ano ba 'yang pinag----"

Napatingin ako kay Xavier. Plastik akong ngumiti sa kanya. Alam kong nagalit sya sa sinabi ko pero wala akong pakialam.

"Oops! Sorry....nagkamali ako." saka ako bumaling sa umuusok na galit na si Krizie. "Crazy right? Bagay na bagay sayo ang pangalan mo." napahagikhik ako.

Naniningkit ang mga mata ni Krizie na nakatingin sa akin.

"Xavier....."tila humihingi si Krizie ng saklolo kay Xavier.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagbugtong- hininga ni Xavier. 'Yon mukha nya ay banas na banas na.

Lihim akong natutuwa dahil nasira ko ang mood ni Xavier.

"Krizie honey--- please, wag mo nalang patulan si Abby. She's just a child!"

Mahinahon na sabi ni Xavier, kahit alam kong bad trip na sya ngayon.

"But----"

"Krizie please!"

Tila umuusok ang mga mata ni Krizie na nakatingin sa akin. Nginisihan ko sya, na sa tingin ko, mas lalong ikinakulo ng kanyang dugo.

Hindi parin pumapasok sa loob ng kotse si Krizie. Mukhang hinihintay nya na lilipat ako sa likuran bahagi ng kotse.

Bahala sya!

"Kuya Xavier, nagmamadali kasi ako. Marami pa naman akong homework. Hindi paba tayo aalis?" nilambingan ko ang aking boses.

Basa ko ang pagkagulat ni Xavier sa inasta ko. Nakangisi akong bumaling sa bakla este---kay Krizie pala.

"Crazy, sumakay kana?" Yaya ko.

"Saan ako uupo?"

"Sa likuran. Obvious ba? Pwede din sa bubong ng kotse, kung kaya mo. Pero, mas mabuti kung sa gulong ka nalang."

"Xavier......" hinging saklolo na naman ni Krizie kay Xavier.

"Krizie, please! Not now!"

Walang nagawa ang baklang babae kundi ang pumasok sa likuran na bahagi ng kotse.

"Shit!" mura ni Krizie na sa akin nakatingin.

Agad na pinatakbo ni Xavier ang kotse. Mukhang mainit ang kanyang ulo. Ang sarap ng pakiramdam ko. Pareho kong nasira ang mood nina Xavier at Krizie. Hitting two birds at one stone.

"Honey, sabi nga pala ni mo---"

Pakanta- kanta ako, para hindi magkaintindihan ang mga kasama kong bweset. At sorry ang mga ito kung galing sa hukay ang aking boses.

"Hindi ako bakla---klakla, dinadaya kalang ng iyon paningin. Babae po ako!"

Ito ang naisip kong kantahin. Dedicated ko ito kay Krizie.

Naputol ang ibang sasabihin ni Krizie. At parang gusto na nitong maiyak sa sobrang inis sa akin.

Napalingon ako kay Xavier. Sunod- sunod ang pagbugtong- hininga nya. Alam kong pinipigilan lang nya ang kanyang galit.

Sa wakas, tuluyan narin namin naihatid si Krizie. Ang lapit lang ng bahay. May pasundo- sundo pang nalalaman. Ang arte talaga! Hindi naman kagandahan.

Inirapan muna ako ni Krizie bago sya tuluyan lumabas mula sa kotse. Syempre, sinuklian ko din sya ng irap.

"You are a mean, spoiled brat!" hindi mapigilan na sambit ni Xavier nang kami nalang dalawa ang nasa loob ng kotse.

Sandali akong napalingon sa kanya. Nababasa ko ang galit sa kanyang mga mata. Pero, hindi ako nababahala.

"That what it takes to be my brother Xavier. Kaya mo kaya?"

"Sa ginawa mo ngayon, mas lalo kitang nagustuhan para maging kapatid ko. Mahilig pa naman ako sa challenge."

May pagbabanta sa kanyang boses.

"Don't ever think na natatakot ako sayo Xavier. You're not my brother, hindi kita kaano- ano, kaya wala kang karapatan para pahimasukan ang buhay ko."

Nakahinga ako ng maluwag nang pumasok na ang kotse sa malaking gate ng "Saturno Ranch".

"You don't have to be afraid of me, Abby. As what I have said, I am your kuya. Hindi mo ako kailangan katakutan. We can treat each other as siblings."

"In your dreams, Xavier. Never!"

Hindi na sya nagsasalita. Inihinto na nya ang kotse sa isang gilid.

Sa wakas, for 500 years in torture with Xavier, nakauwi narin ako ng tuluyan sa amin.

Ayaw ko talaga syang makasama, kahit isang minuto.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
hahahaha lakas mangasar
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Suddenly Married to my kuya   SMK- Special Chapter

    (Xavier)Hindi ako mapakali habang naghihintay na lumabas ang doctor mula sa labor room. Para akong langaw na may mapulang puwit at hindi ako mapermi sa isang lugar."Daddy!" napalingon ako sa dalawang bata na ngayon masayang nagtatakbo palapit sa akin. Their name is Hershey and Kisses. Sila ang first born namin ni Abby. They are so beautiful just like their mother. Habang lumalaki sila, mas lalong naalala ko sa kanila ang batang Abby na gustong- gusto kong iuwi sa amin noon. They are now 4 years old. Oo, limang taon na ang nakakalipas at ngayon, Abby is recently giving birth to our 2nd born, at lalaki naman ngayon ang baby namin.Looking back, 5 years ago, sobrang saya namin pareho ni Abby nang nalaman namin na kambal ang ipinagbubuntis nya.I was about to declined the offered to be a furniture designer sa malaking resort sa Thailand, dahil hindi ko kayang iwan ang aking asawa lalo pa't kambal ang kanyang ipinagbubuntis. But then, when Abby knew about the offer, pinilit nya akong ta

  • Suddenly Married to my kuya   SMK- Epilogue

    It's so amazing when someone comes to your life and you expect nothing out of it but suddenly there right in front of you is everything you ever need.----Hindi mapigilan ni Xavier na mapatulo ang kanyang luha habang nakatingin ngayon sa babaeng mahal na mahal nya na naglalakad sa aisle. Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal silang dalawa, pero iba pala ang kasiyahan na dulot ngayon alam nyang magkaisa ang kanilang mga puso.-If I die tonight, i´d go with no regretsIf it's in your arms I know thatI was blessedAnd if your eyes are the lastThing that I seeThen I know the beauty heavenHolds for me-But if I make it through, if I live toSee the dayIf I'm with you, I'll know just what to sayThe truth be told, girl you take my myBreath awayEvery minute, every hour, every day-Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hindi na nya naalala kung paano isang araw nagising nalang sya na si Abby na ang laman ng kanyang puso't isip. Basta nalang umusbong yon at sa mga paglipas ng mga

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 54

    (Abby)Hawak kamay kami ni Xavier na tinahak ang pasilyo papunta sa clinic ni Dr. Micah Robles. Gusto ko lang kasing magpasalamat sa kanyang kabaitan."Just let me be the one to thank her. Okay?""Pero ba----""Hubby, kaya ko 'to. Magpapasalamat lang naman ako." Ani ko sa malambing na boses."Okay I give you 2 minutes to do that.""2 minutes?" laking mata na sambit ko. "Mahaba ang speech ko, hindi kaya ng 2 minutes lang. 5 minutes." "Fine. 3 minutes.""Deal."Pagkatapos namin magkasundo ng aking adorable hubby, agad akong pumasok sa clinic. Plano pa akong harangin ng sekretarya ni Dr. Robles, pero tinaasan ko sya ng kilay kaya wala syang nagawa kundi ang manatiling maupo at nakatingin lang sa akin.Pagbukas ko sa pinto nang opisina ng doctora, sumalubong sa aking paningin silang dalawa ni Rosie. Pag sinusuwerte ka nga naman. Makapagpasalamat pa ako sa kanilang dalawa ng sabay."What are you doing here?" taas kilay na tanong ni Rosie sa akin."Pasyente ako ni Dr. Robles, Rosie. Ikaw a

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 53

    (Third Person POV)Nabalikwas ng bangon si Carlo nang nakita nya na may nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto."Lily!" mulagat nyang sambit. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?""Aalis na ako bukas Carlo." sagot nito sa malungkot na tono."Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik sa HPR." magaan syang nakahinga. Kasalukuyan kasi syang naka- leave na naman ngayon kaya sya nandito sa kanila. Bago pa nangyari ang eskandalo nung birthday ni Xavier, na- approved na ang leave nya. Hindi lang sya nakapagbakasyon tulad ng plano nya dahil hindi sya mapakali sa sitwasyon nina Abby at Xavier. Hindi naman sya sasaya sa bakasyon nya kung inalala nya ang kaibigan.Idagdag pa ang Lily na 'to. Mabuti nalang at naisipan na nito ang bumalik sa resort. Para mabawasan ang stress nya. Pag nasa malapit kasi ito, hindi nya maipaliwanag ang kanyang damdamin. Galit sya pero hindi naman nya mapigilan na pagmasdan ang maamo nitong mukha."Aalis na ako Carlo, pupunta na ako sa America. At hindi na ako baba

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 52

    (Abby)Kahit naipaliwanag na sa akin ni Xavier ang lahat, at nasabi narin nya na legal talaga kaming mag- asawa, pero hanggang ngayon, hindi parin naghilom ang sugat sa aking puso na nilikha nilang dalawa ni kuya Xander. Galit parin ako sa kanilang dalawa dahil ginawa nilang laruan ang aking damdamin. Lagi akong inuusig ng aking konsensya nung sa pag- aakalang kasalanan ko kung bakit natali si Xavier sa akin. Tapos, pakana pala nilang dalawa ni kuya Xander ang lahat.At dahil nandito parin ako sa bahay nila ni Carlo. Kaya hindi din umuwi si Xavier. May parentahan naman kasing mga maliliit na kwarto na malapit lang. At doon nga sya nagrenta. At dalawang araw na nya akong sinusuyo. Patatawarin ko din naman sya pero hindi muna ngayon. ---Muli ay 'yong pagbigyan, ako'y nagkamaliMuli ay 'yong patawarin, ako'y nagsisisiAlam kong ako'y nangakong 'di na mauulit paAko'y nagkamali sa 'yo, muli ay patawarin moAko ba'y 'yong yayakapin?Nakaraa'y kayang limutinMagtiwalang muli, mahalin mon

  • Suddenly Married to my kuya   SMK 51- Xavier's side 3

    Masaya ako sa isipin na gusto na ni Abby na magkaanak kaming dalawa. Nagkaroon ako ng pag- asa na baka mahal na nya ako. Well, hindi naman siguro nya ibibigay sa akin ang kanyang sarili ng paulit- ulit kung wala syang nadarama sa akin. Ang tanong lang kung gaano nya ako kamahal? Kasing tindi ba ng pagmamahal ko sa kanya?Dumaan din sa dagok ang pagsasama namin ni Abby nang nalaman nya na may PCOS sya at hirap syang magbuntis. I was with her, ipinaramdam ko sa kanya na mahal ko sya. Hindi naman nagtagal ang kanyang depression at mabuti nalang na gumaling sya agad. Pangarap ko naman na magkaroon kami ng anak ni Abby. Pero kung kagustuhan ng panginoon na hindi kami magkaroon ng anak, malugod sa puso ko itong tatanggapin, pwede naman kaming mag- ampon. Si Abby lang talaga ang gusto ko. Wala syang kapalit dito sa puso ko.Xander visited me in my shop. Napag- usapan namin ang tungkol sa mga nangyayari, ang ginawa ng parents nila ni Abby, pati na ang 6 months na usapan naming dalawa na paib

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status