Share

Suddenly Married to my kuya
Suddenly Married to my kuya
Penulis: sweetnanenz

SMK- Prolugue

Abby)

"Kuya Xavier, 3 years na ang nakakalipas mula ng ikinasal si Kuya Xander." nakangiti kong bulalas sa kuya- kuyahan ko na si Xavier.

Nakakapit ako sa kanyang balikat. Kasalukuyan namin tinahak ang daan patungo sa inihanda kong room para sa kanya dito sa Hidden Pearl Resort (HPR).

"Ikaw, kailan ka magpapakasal?" dagdag ko. Huminto kami sa paglakad. Hinarap ko sya at nagpuppy eyes ako sa kanya.

"Nandyan ka na naman sa pangungulit mo sa akin kung kailan ako mag- aasawa. Darating din tayo dyan!"nakatawa nyang sabi.

"Ikaw talaga! Naunahan na kita." nakanguso kong sabi.

Totoo naman ito. Nagpo- proposed na kasi sa akin ang boyfriend ko na si Vincent nung isang araw. At bukas nga ang engagement party namin na gaganapin dito sa HPR. 2 years ko ng boyfriend si Vincent.

"Kaya nga hindi pa ako nag- aasawa dahil gusto kong mauna ang baby ko."Sandali nyang itinapat ang kanyang daliri sa tungki ng ilong ko.

Napasimangot ako. Sa totoo lang, gusto ko sana na mas mauna syang mag- asawa kaysa sa akin. Nag- alala kasi ako sa kanya, baka wala na akong masyadong oras sa kanya pag may asawa na ako.

"Ayaw ko pa sanang tanggapin ang proposal ni Vincent dahil mas gusto ko na mauna kang ikasal kaysa sa akin." nakasimangot kong sabi. "Ano pa ba kasi ang hinihintay n'yong dalawa ni Rosie? 3 years na kayong magsyota, tapos nasa tamang edad na kayo pareho. You're already 31 years old. Ang tanda mo na!"

Napabungisngis ako sa huli kong sinabi.

"31 is not old yet. At saka, wala pa sa plano namin ni Rosie ang lumagay sa tahimik. Alam mo naman na ayaw nyang masira ang figure nya. Ayaw nyang magkaanak muna."

Isang ramp model ang girlfriend nya. Kaya naintindihan ko kung bakit ayaw nitong masira ang figure nito.

"Kawawa naman ang kuya ko. Baka tatanda itong walang anak. Don't worry, gagawin kitang ninong sa magiging anak ko. Para may anak- anakan ka."nakatawa kong sabi.

"Ikaw!" sumabay din sya ng tawa sa akin.

By the way, ako nga pala si Abigail Saturno. Abby ang tawag sa akin ng halos lahat. I am one of those called the Del Fuengo's Princesses. Isang sikat na sikat at napakayaman ang angkan na pinagmulan ko na Del Fuengo.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero lahat kaming magpipinsan ay biniyayaan ng nakakahumaling na karisma. Kaya masasabing maganda din ako.

5 feet at 5 inches ang height ko. May morena akong balat at doll- look beauty. Dahil ito sa pagkakaroon ko ng malalaking bilog na mga mata at mahahabang eyelashes. Lampas naman ng kunti ang buhok ko sa aking balikat with full bangs, at maliit din ang mukha ko.

Isa akong general manager ng Hidden Pearl Resort. Ito ay isang 5 star na resort na pagmamay- ari ng pamilya ko. Ang mommy ko ay ang kasalukuyan CEO ng resort. Isang Del Fuengo ang mommy Mika ko. Habang nagmamay- ari naman ng isang napakalaking rancho sa San Lazaro ang daddy ko, na namana pa nya mula sa kanyang ama. Co- owner din ang daddy ko sa Pearl Island Riding Club, na matatagpuan sa Pearl Island. Isang Isla na binili ng Tito Zac ko para tuparin ang pangarap ng kanyang bestfriend at mahal na ngayon asawa na si tita Loraine. Ngayon ay para nang paraiso ang isla. Karugtong lang din ang Isla sa HPR.

At sino nga ba ang lalaking kasama ko ngayon? Sya ay si Xavier Mondragon. Bestfriend sya ng kapatid kong si Xander. 12 years old ako ng umalis ang kuya Xander ko para doon mag- aral ng kolehiyo sa Mexico. Isang half- Mexican ang daddy ko, kaya nandun ang mga kamag- anak ng daddy ko. Sampung taon na nanatili sa Mexico ang kuya Xander ko. Lahat ng pangungulila ko sa kanya at kakulangan nya bilang kuya ko ay pinunan ng Kuya Xavier ko.

Pangarap kasi ng kuya Xavier ko ang magkaroon ng kapatid na babae. Wala kasi syang kapatid na babae at sya pa ang bunso sa apat na magkakapatid na puro lalaki.

Nung umuwi naman ang kuya Xander ko, hindi narin kami masyadong nakapag- bonding dahil nag- asawa sya agad.

Hindi naman ako nagtampo sa kanya dahil ramdam ko naman ang kasiyahan nya kasama ang babaeng mahal na mahal nya at ang mga anak nila. Noon paman, parang feel ko na magkakatuluyan sina Melissa at ang Kuya Xander ko. Magkababata na nagkakaibigan.

Kaya kahit nandito na ang kuya Xander ko, sa kuya Xavier parin ako laging naglalambing, dahil single pa sya at ako pa ang baby nya. At mahal na mahal nya ako, at mahal na mahal ko rin sya.

Tunay na magkapatid ang turingan namin dalawa.

-------

(Third Person POV)

Kahit sobra na sya sa kalasingan, wala parin tigil sa pag order ng alak si Abby. Gusto nyang magpakalunod sa kalasingan ngayon. Gusto nyang makalimot.

Nasa isang bar sya na nandito Hidden Pearl Resort. Alam nyang safe na safe sya dito kahit magpakalunod pa sya sa alak.

At bakit sobra syang naglalasing ngayon? Hindi kasi nya lubos akalain na mahuhuli nya sa akto si Vincent na nakipagtalik sa isang babae sa mismong suite nya dito sa HPR.

Masyado syang busy sa paghahanda para sa engagement party nila ni Vincent bukas. Kaya hindi nya masyadong napagtuunan si Vincent at ang ginagawa nito.

Isang chef si Vincent sa sikat na restaurant dito sa HPR. Isang kaibigan ni Vincent ang ipinakilala nito sa kanya para maging event organizer nila at wedding planner narin. At huling- huli nya sa akto ang p********k ng dalawa.

Aaminin nya, sa loob ng dalawang taon na boyfriend nya ito. Hindi pa lumampas sa halik ang nagawa nilang dalawa. Kahit pa 'yong sinasabi na making out lang, hindi pa talaga nya nagawa na kasama si Vincent. Kahit pa ilang beses na nitong hiningi iyon sa kanya.

Kahit medyo may pagkawild sya nung kabataan nya, pero tatlong beses palang syang nagkaroon ng boyfriend. At naniniwala din sya sa sex after marriage. Ipinangako nya na ibibigay nya lang ang kanyang sarili sa lalaking naging asawa na nya.

Kaya madalas na rason ng mga boyfriend nya, kaya nagluko ang mga ito, ay dahil hindi daw nya nagampanan ng maayos ang papel nya bilang girlfriend ng mga ito. May mga pangangailangan daw ang mga ito na hindi nya natugunan.

Unti- unting bumabalik sa balintataw nya ang mukha ng tatlong lalaki na nanakit sa kanya. Dahil lang sa ayaw nyang makipag- sex sa mga ito. Required ba talaga na mag sex ang dalawang magkasintahan para lang hindi magluko ang mga lalaki?

Napalagok sya uli ng alak. Kinakain na ng alak ang tamang katinuan nya.

Sex lang pala ang kailangan ng mga lalaki. Pwes, ibibigay nya ang kanyang sarili sa isang lalaki.

Tumayo sya at kahit pa hilong- hilo na sya dahil sa kalasingan, wala syang pakialam. Ibibigay nya ang kanyang sarili sa unang lalaki na maglakas loob na tulungan sya ngayon.

----

Sa kabilang banda, hindi naman makatulog si Xavier, kanina pa mainit ang kanyang ulo dahil sa iba't- ibang report na ginawa nya. Kaya nga sya pumunta dito sa HPR para makapag- relax at para narin kay Abby. Ayaw nya itong biguin.

Siguro, kailangan lang nya ng kunting pampa- antok. Napagpasyahan nya na pumunta sa isang bar na nandito lang sa resort. Hindi naman sya maglalasing, gusto lang nyang makalimot ng kunti sa dinaramdam nya ngayon.

Malapit na sya sa bar na napagpasyahan nyang puntahan nang nakita nya ang isang babae na lasing na lasing na lumabas sa bar. Pamilyar sa kanya ang pigura nito. Napatakbo sya palapit dito nang tuluyan na nya itong nakilala.

----

"Abby-- Abby---" untag sa kanya ng isang lalaki. Blurred na ang kanyang paningin.

At kahit hilong- hilo na sya at blurred na ang kanyang paningin, pero kilala nya parin ang napakaguapong pagmumukha ng lalaking lumapit sa kanya.

"K--kuya X--Xavier."

"Oh my God! Ano bang nangyari sayo?"pag-alalang tanong nito.

Imbes sagutin ito, napahagikhik lang sya, saka parang baliw na napaiyak bigla.

----

Hindi alam ni Xavier kung saan nya dadalhin si Abby. Alam naman nya kung nasaan ang suite nito. Pero, ayaw magpadala nito doon, dahil maalala lang daw nito ang kataksilan na ginawa ng fiancee nito na si Vincent na sa mismong suite pa ng dalaga ginawa.

Pangkong- pangko nya ngayon si Abby habang tinahak ang daan patungo sa kwarto nya, habang wala itong tigil sa pagdadaldal tungkol sa mga hinanakit nito sa mga lalaking naging boyfriend nito.

Wag lang magpakita sa kanya ang Vincent na 'yon at baka mapatay pa nya ito. Hindi nya inaalagaan si Abby ng sobra para saktan lang ng kung sinong damuhong lalaki.

Marahang nyang inilapag ang dalaga sa kama. Lasing na lasing talaga ito. Napanganga sya dahil parang nangangakit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Napalunok sya ng hindi sinasadya nang kinagat pa nito ang labi nito, saka binasa nito ang labi gamit ang dila nito.

Bago pa sya makalimot na si Abby ang babaeng kaharap nya ngayon, napagpasyahan nya na umalis na mula sa pagkakatunghay nya dito. Pero, mabilis na hinila nito ang kwelyo ng suot nya.

"A-Abby, may k-kailangan ka?"

Fuck! Lihim syang napamura nang may nagrespond sa loob ng pants nya, habang nakatingin sya sa nakakaakit na si Abby.

"Kuya Xavier...ohhh..."

Pati boses nito ay tila umaakit sa kanya.

Mas hinila nito ang kwelyo nya at hindi nya alam kung bakit bigla syang nanghina at nagpapadala sya dito. Sobrang lapit na ng mukha nilang dalawa.

"Have sex with me, kuya Xavier!" bulong na pagkakasabi nito na napanganga sa kanya.

Ipiniling nya ang kanyang ulo. Mali lang siguro ang rinig nya.

"What?"

"I said, fuck me!"

Ngayon, rinig na rinig na nya ang sinabi nito.

Kahit nakaramdam na sya ng pag- iinit. And his dick is fucking hard right now. Pero, si Abby ang babaeng kasama nya ngayon. Ayaw nyang sasamantalahin ang kahinaan nito. Ni- respeto nya ng sobra si Abby. Para na silang magkapatid nito.

"No!" tanggi nya agad. Pero kulang sa lakas ang pagtanggi nya.

Sino naman ang matinong lalaki na tatanggi sa isang napakagandang babae na tulad ni Abby? At aaminin nya, kanina pa sya nadidistract sa mabibilog at makinis na hita ni Abby.

Lasing lang ito at wala sa tamang pag- iisip, kaya hindi sya dapat magpadala dito.

"A-Akala ko k-kaya mo akong p-pagbigyan sa lahat ng gusto ko."tila nagtatampo na sabi nito.

----

Tuluyan na ng nilamon ng espirito ng alak ang katinuan ni Abby. Ang nasa isip lang nya ay ang makaganti kay Vincent. Wala na syang pakialam kahit ang kuya Xavier pa nya ang nasa harapan nya ngayon.

Oo. Lasing na sya pero kilalang- kilala parin nya ang mukha ng kanyang napakaguapong kuya. At gustong- gusto talaga nyang ibigay dito ang kanyang sarili dahil kakaibang sensasyon na ang nadarama nya. At nag- iinit narin sya.

"Abby--hindi ito pwede. Matulog kana. Babantayan kita."

Nainis sya sa sinabi nito. Talagang tinatanggihan sya nito.

Hindi ba ito nagagandahan sa kanya?

Gustong- gusto nyang ma- experience ang makipag- sex ngayon, para maintindihan nya kung bakit gustong- gusto ito ng mga lalaki.

Galit nyang itinulak ito. Bigla syang nagkaroon ng lakas dahil sa galit na nadarama nya sa pagtanggi nito sa gusto nya. Tulala itong napalayo ng kunti sa kanya.

Gamit ang natitirang lakas, saka sya tumayo. Pero, pinigilan sya nito.

"Saan ka pupunta?"

"Ayaw mo sa akin, kaya maghahanap nalang ako ng iba."

Hindi na nya alam ang mga pinagsasabi nya.

"Anong sabi mo?" galit ba tanong nito. Naikuyom nito ang kamao.

"M-Maghahanap ako ng ibang lalaki na k- kayang ibigay ang g- gusto ko."

Tinampal nya ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

Tila nagbabaga ng apoy ang titig na pinakawalan nito sa kanya.

"Anong sabi mo?" galit ang boses nito. Napasabunot ito sa buhok at tila frustrated na nakatingin sa kanya. "My God! Abby, do you really now what will be the outcome of th---"

"I don't care!"

Naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Shit!" galit na galit na mura nito. "Fine. Sana hindi mo ito pagsisihan."

Hindi nya napaghandaan ang susunod na gagawin nito. Itinulak sya nito pahiga uli sa kama, saka sya dinaganan nito at pabiglang inangkin ang labi nya.

Halik na nagpawala sa katinuan nya, kaya tinugunan nya ang maalab na halik nito na kasing alab sa ginawa nito sa kanya.

----

Napabalikwas ng bangon si Abby, hindi pamilyar sa kanya ang lugar na namulatan. Ipinalinga- linga nya ang mga mata sa buong paligid. Maliban sa bahagyang pananakit ng ulo, wala naman syang ibang nadarama.

Sinurvey nya ang kanyang sarili. Saka nya narealize ang suot nya ngayon. Nakasuot lang sya ng isang malaking T- shirt na bahagyang tumakip sa panty nya.

Hindi nya talaga alam kung ano ang nangyari. Wala syang maalala. At tanging naalala lang nya ay ang kataksilan ni Vincent.

Agad syang umalis mula sa kama at tinungo nya ang pintuan ng kwarto. Agad nyang binuksan iyon.

"Good morning kuya! Nandito ka pala." Nakangiti nyang bati sa kuya Xander nya.

Nakaupo ito sa sofa na naroon. Kaharap nito ang kuya Xavier nya. Tila may pinag- uusapan na mahalaga ang dalawa.

Namutla ang kuya Xander nya na nagpalipat- lipat ng tingin sa kanila ni Xavier. Nakakunot- noo sya. Napatingin sya kay Xavier, parang kinakabahan ito.

Maya't maya lang, rumihistro ang galit sa mukha ng kuya Xander nya. Galit itong tumayo, saka walang sabi- sabing biglang sinuntok ang kanyang kuya Xavier. Sapol ang panga ng binata.

Sandali syang nabigla sa nangyari. Nang nakabawi na sya mula sa pagkabigla, patakbo syang lumapit kay sa kanyang kuya Xavier.

"Kuya, bakit mo sinuntok si Kuya Xavier?" galit na tanong nya dito.

"Walang hiya ka pare! I trusted you with my life." galit na bulyaw nito kay Xavier. "Akala ko babantayan mo ang kapatid ko. Bantay- salakay ka pala."

"Pare, magpapaliwanag ako."

Iniharang ko ang aking sarili sa dalawang lalaki.

"Kuya, ano ba itong ginagawa mo? Ano bang problema?" galit na galit na tanong nya dito.

Hindi nagsasalita ang kuya Xander nya. Galit na galit itong tumingin sa kanya.

"Wala kang dapat ipaliwanag pare." galit na sabi ni Xander kay Xavier. "Whether you like it or not! Pakakasalan mo ang kapatid ko."

Napanganga ako sa narinig.

Ano raw?

Kasal?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status