Share

SMK 53

(Third Person POV)

Nabalikwas ng bangon si Carlo nang nakita nya na may nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto.

"Lily!" mulagat nyang sambit. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Aalis na ako bukas Carlo." sagot nito sa malungkot na tono.

"Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik sa HPR." magaan syang nakahinga. Kasalukuyan kasi syang naka- leave na naman ngayon kaya sya nandito sa kanila. Bago pa nangyari ang eskandalo nung birthday ni Xavier, na- approved na ang leave nya. Hindi lang sya nakapagbakasyon tulad ng plano nya dahil hindi sya mapakali sa sitwasyon nina Abby at Xavier. Hindi naman sya sasaya sa bakasyon nya kung inalala nya ang kaibigan.

Idagdag pa ang Lily na 'to. Mabuti nalang at naisipan na nito ang bumalik sa resort. Para mabawasan ang stress nya. Pag nasa malapit kasi ito, hindi nya maipaliwanag ang kanyang damdamin. Galit sya pero hindi naman nya mapigilan na pagmasdan ang maamo nitong mukha.

"Aalis na ako Carlo, pupunta na ako sa America. At hindi na ako baba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status