Share

SMK 13- Caught

(Abby)

Kasalukuyan akong naglibot- libot sa buong venue ng party. I wanted everything to be perfect kaya halos oras- oras kong tsini- check ang pagdedekorasyon sa buong function hall ng HPR, kung saan gaganapin ang engagement party namin ni Vincent.

Hindi ko kasama sina Vincent at Tanya ngayon. Si Vincent ay nasa suite ko, may inihanda syang masarap na recipe nya na syang ipapatikim nya kina mommy at daddy mamaya. Si Tanya naman ay may pinuntahan daw muna sandali. Wala pa naman akong nakita na maaaring maging problema sa selebrasyon bukas, so, nakahinga din ako ng maluwag.

Napahinto ako habang nakatingin sa stage na pinalilibutan ng iba't ibang palamuti. May mga bulaklak na nakahugis puso. Hanggang ngayon, hindi parin tuluyan nag sink in sa aking isip na ikakasal na nga ako. Para parin akong nanaginip. Pero, kailangan ko ng magising sa reyalidad. Magiging married woman na ako, isang buwan mula ngayon.

They say na masyado daw kaming nagmamadali ni Vincent, pati na nga ang engagement n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status