Share

SMK 3- CAUGHT

(Abby)

16 years old Abby.......

Kalalabas lang ni Abby mula sa malaking gate ng IES, kasama nya ang dalawang kaibigan nya. Kasalukuyang na syang nasa Grade 11.

Napagpasyahan nilang tatlo ang mag cutting classes ngayon. Plano kasi nilang magligalig na magkakaibigan.

Matalino naman sya kaya lang hindi sya ulirang mag- aaral. Tamad syang estudyante. Mahilig syang maglalakwatsa kasama ang kanyang mga besties nya na sina Angelie and Jillian. Kaya lang ubod ng higpit ng kanyang parents, kaya madalas syang tumatakas.

Ang lakas ng tawanan nila dahil nauto nila ang mga teacher nila, at naniniwala ang mga ito na may sakit sila ngayon. Mabuti nalang at hindi sila magkaklasing tatlo kaya hindi nagtaka nga mga guro nila kung sabay silang umabsent.

Pero, napalis agad ang tawa nilang tatlo nang nakita nila ang isang lalaki na nakasandal sa kotse nito na nakaparada sa labas ng EIS. Tila may inaabangan ito.

"Oh my God, Abby! Ang kuya Xavier mo!" tila kinikilig na sambit ni Jillian. May crush kasi sya kay Xavier.

Ang tamis ng ngiti ng dalawang kong kaibigan nang humakbang si Xavier palapit sa amin. Habang ako naman ay todo ang simangot. Nasira agad ang aking mood nang nakita ko si Xavier. Panigurado, mangingialam na naman ito.

"He's not my brother, ok?! And don't tell him na nag cutting classes tayo." bulong ko sa dalawa. Saka ako inis na bumaling kay Xavier.

"What are you doing here?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Sinusundo ka!" matipid nyang sagot. Seryoso lang ang kanyang mukha, hindi man lamang sya ngumiti.

"Hi Xavier!" si Jillian, halata ang pagpapacute kay Xavier.

"Hi girls!" saka palang sya bumati sa mga kaibigan ko. Talagang bastos sya. Hindi man lamang nakangiti habang bumabati.

"At bakit mo ako sinusundo?"

Wala ba syang pasok ngayon? Kasalukuyan na syang nasa huling taon nya sa kolehiyo. Hindi ko alam kung ano ang course na kinuha nya dahil wala akong oras na alamin pa yon. Nag- aaral sya sa isang sikat na unibersidad na nasa kalapit- probinsya lang ng San Bartolome. Hindi nya piniling mag- aral sa Manila. At ang rason ay dahil walang magbabantay sa akin.

Hindi ako na- touch sa ginawa nya, mas ma- touch siguro ako kung tuluyan na syang hindi magpapakita sa akin.

"Tumawag kasi ang isa mong guro sa mommy mo. May sakit ka raw!" aniya. "Ako nalang ang nagpresenta na sunduin ka, wala naman akong pasok ngayon. Pero---" hinagod nya ako ng tingin. "--mukhang wala ka naman sakit."

Inis at kaba ang nadarama ko.

Napatingin ako sa mga kaibigan. Pipi akong humihingi ng saklolo sa kanila.

"Oo. May sakit nga sya kuya Xavier. " si Angelie. " Ihahatid nga namin sya ngayon."

Umakting ako na tila masama ang pakiramdam ko.

"Abby, masakit paba ang tiyan mo?" hinaluan ni Jillian ng pagkaalala ang kanyang boses.

Nanghina pa daw akong napatango.

Sa malas, hinawakan ni Xavier ang sikuhan ko. Parang plano nyang akayin ako. Umuusok na yata ako sa sobrang galit.

"Don't touch me!" singhal ko agad sa kanya.

"Baby girl, kahit may sakit ka, umandar parin nyang kamalditahan mo."

"Kami nalang ang bahala sa kanya, Kuya Xavier." si Jillian. "Kami nalang ang maghahatid sa kanya.

"Tama. Kina Angelie at Jillian nalang ako sasama. Don't mind me!" siniko ko si Xavier para bitawan nya ako. Pero, mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa akin.

"Ako na ang bahala kay Abby. Salamat!" Ani ni Xavier. "Girls, dapat siguro bumalik na kayo sa loob ng school. Hindi nyo na kailangan mag cutting classes pa para kay Abby."

Ngiting aso naman ang pinakawalan nina Angelie at Jillian.

"No! Kina Ang-----"

Hindi ko na natapos ang iba kong sasabihin nang pabigla nya akong pinangko. Nagpupumiglas ako pero mas maraming beses syang mas malakas kaysa sa akin. Tulala naman ang aking mga kaibigan na nasundan kami ng tingin ni Xavier.

"I hate you!" galit na bulyaw ko kay Xavier nang nakapasok na kami pareho sa loob ng kanyang kotse.

"So, tell me. Saan kayo pupunta ngayon at nagawa mo pang magsinunggaling na may sakit ka?"

Matalim ang tingin ko sa kanya.

"I'm not lying, ok! Talagang masakit ang tiyan ko."

"You're not good in acting, baby girl."

Naniningkit na ang aking mga mata na nakatingin sa kanya.

"Don't call me baby girl."

Naiinis na ako dahil lagi nya akong tinatawag nito.

"Why? You're my little sister. Your Kuya Xander always calls you baby girl."

"You're not my brother and you're not my kuya Xander. You're nothing to be like him." may halong pangingisulto na pagkakasabi ko sa kanya.

Rumihistro ang galit sa kanyang mga mata. Pero agad din syang ngumisi.

"I don't want to be like your kuya Xander, Abby. I like who I am." he paused at lumanghap sya ng hangin. "May pangako akong binitawan sa kuya mo bago sya umalis. At may isa akong salita."

Tanging irap lang ang isinagot ko sa kanya.

"Ngayon, just do what I say. Bumalik ka sa klasi mo at wag kang magcutting classes."pautos na pagkakasabi nya.

"No! Wag mo akong utos- utusan. Dahil maliban sa hindi kita kaano- ano, hindi pa ako natatakot sayo."

"Ok." aniya. Saka sya humawak sa steering wheel ng kotse at pinaandar nya ito.

Ngunit kaysa lumayo kami sa EIS, ipinasok nya ang kotse sa malaking gate ng paaralan.

"I hate you! Kailan kaba mawawala sa buhay ko?"

"Now, sabihin mo sa akin. Sino sa parents mo ang tatawagan ko? Para sabihin itong kalokuhan mo ngayon."

Parang wala lang sa kanya ang galit ko. Inihinto nya ang kotse ng nakarating na kami sa parking area ng EIS.

"S****p!" bulyaw ko sa kanya. "Sana mawala kana sa buhay ko, Xavier. "galit na galit akong hinawakan ang hawakan ng pinto ng kotse na nasa bungad ko.

"Habang buhay akong nasa tabi mo, Abby. Yang ang magkakapatid. Habang buhay na magkasama."

"YOU ARE NOT MY BROTHER!" galit kong sabi. Idiniin ko ang bawat salita para maintindihan nya.

Padabog akong lumabas mula sa kotse at pabalibad kong isinara ang pinto nito. Ngunit nginisihan lang nya ako.

"By the way, wag kang magkamaling isahan ako ngayon dahil nakabantay ako sayo."

Pahabol nya sa akin na mas ikinanulo ng dugo ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status