Masaya akong naghuhugas ng pinggan sa kusina habang nakikinig sa magandang himig ng isang musika mula sa radyo. Hindi ko inalintana ang makulimlim na panahon kaya pakanta-kanta pa 'ko. Mahilig akong kumanta kahit na hindi ako nabiyayaan ng talento pagdating dito. Napatigil akong bigla sa pagkanta dahil naalala ko 'yung g'wapong lalaki kanina sa may bukana ng simbahan.
"Juness, masyado ka yatang masaya ngayon?" bungad ni Ate Aprilyn, ang nakatatanda kong kapatid."Naku Ate, ang g'wapo kasi kanina no'ng lalaki ro'n sa may simbahan. Alam mo naman, bihirang makakita ng g'wapo rito sa atin," turan ko. Hindi matanggal ang aking ngiti sa labi sa tuwing nakikita ko ang maamong nitong mukha sa aking imahinasyon.Lumapit sa akin si Ate at kumuha ng isang baso mula sa aking nahugasan at siya'y tumungo sa may ref upang punan ito ng malamig na tubig. "Hindi naman masamang mamangha ka sa isang g'wapong nilalang pero dapat kontrolado mo ang feelings mo. Minsan kasi, sa sobrang paghanga na ibinibigay mo rito, nag-o-over expect ka na makapiling mo siya. Mahirap na, lalo na sa panahon ngayon, maraming manloloko," pahayag ni Ate Aprilyn matapos lumagok ng tubig."Alam ko naman iyon, Ate. Masyado lang akong natuwa sa kaniya kasi nga 'di ba matagal na akong naghahanap ng inspirasyon kaso wala akong matipuhan. Ngayon lang ulit ako ginanahan sa isang lalaki," ani ko habang binabanlawan ang mga kutsarang katatapos lang masabon."Basta ako, narito lang ako para suportahan ka sa nais mo. Siya nga pala, ipakikilala ko sa inyo sa susunod na araw ang boyfriend ko," hirit pa niya habang inaayos-ayos ang kaniyang buhok. Napatigil tuloy akong bigla sa ginagawa ko dahil sa tinuran ni Ate."Talaga, Ate? Ipapakilala mo na sa amin si Kuya Benj?" masaya kong sambit.Matagal ko na siyang gustong makilala dahil sa mga magagandang bagay na naikukuwento ni Ate patungkol dito. Tiyak na matutuwa si Mama at ang bunso kong kapatid kapag nalaman nila 'to. Napakabait kasi talaga ni Kuya Benj, mantakin mo ba naman, lagi siyang may pasalubong sa amin sa tuwing aalis sila ni Ate. Sabi nga ni Mama, masuwerte si Ate sa boyfriend niyang 'to lalo pa't laging may pakimkim sa amin.Iyon nga lang, medyo nahihiya pa si Kuya Benj na pumunta rito sa bahay. Mahiyain daw kasi talaga iyon sabi ni Ate Aprilyn. Nakita naman na namin siya sa litrato kaso iba pa rin talaga kapag nasilayan mo 'to nang lubusan. Masaya talaga ako para kay Ate dahil sa edad niyang twenty two, mukhang natagpuan niya na ang taong makakasama niya pang habambuhay.
E ako? Ang daming beses ko ng hinanap si 'The One' pero wala talaga, e. At saka sabi rin ng kaibigan kong si Rosanna, 'Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, kusa iyang darating.' Kaya naman itinimo ko na muna iyon sa aking isipan.
"Ate Juness, nag-text sa akin si Mama. Gagabihin daw siya ng uwi kaya kayo na muna raw ang bahala rito. Magluto na lang daw kayo ni Ate Aprilyn ng sopas para sa hapunan natin," pagsingit ng bunso kong kapatid. Nakabihis siya ng jersey at halatang maglalaro na naman 'to ng basketball."Ate, ikaw na ang magluto. Ako na lang ang maghihiwa ng mga gagamiting sangkap," sambit ko. Nagpupunas na ako ng kamay dahil tapos ko ng gawin ang aking gawain. Pagtingin ko kay Ate, abalang-abala naman siya sa kaka-text kay Kuya Benj. Hindi niya yata narinig ang aking sinabi.Mabait naman akong anak kaya ako na lang din siguro ang magluluto. Disi-otso naman na ako kaya kailangan kong matutunan ang lahat ng gawaing bahay lalo na kapag nag-asawa na ako soon. Nakakahiya pa kay Mr. Right kung wala akong alam sa kusina. Isa pang nakatutuwa rito ay nakatutok sa amin si Mama kahit abala siya sa trabaho. Nakalulungkot nga lang dahil wala na si Papa, inatake siya sa puso noong nakaraang taon. Medyo sariwa pa sa amin ang pagkawala ni Papa pero nagpapakatatag pa rin naman kami."Ate Aprilyn, Ate Juness, aalis na muna ako," paalam ng kapatid ko matapos makapagsapatos."Sige, Januarius. Kailangan bago mag-alas siyete, nandito ka na sa bahay," paalala ko. Napahalukipkip na lamang ako habang nagpapahinga sa may upuan."Oo naman," tugon niya bago tuluyang lumabas ng bahay.Ang kulit ng kapatid kong iyan, marami ring kalokohan sa buhay. Hindi-hindi maipagkakaila na nagmana siya kay Papa dahil nakuha niya ang pagkakuwela nito. Sa tuwing tahimik o 'di kaya'y seryoso kaming lahat dito sa bahay, nagpapatawa pa iyan at nagkukuwento ng kung anu-anong katakaan. Sa edad niyang katorse, masasabi kong malawak na talaga ang kaniyang pag-iisip."Oo nga pala, Juness. May tatapusin kaming report kina Marissa. Deadline na namin bukas kay boss, e. Ikaw na muna ang bahala rito. Huwag kang aalis ng bahay," ani Ate habang naglalagay ng pulbos sa kaniyang mukha."Sige, Ate. Wala naman akong magagawa," saad ko."Salamat! Sige, aalis na 'ko," aniya.Naiwan na naman akong mag-isa rito sa bahay. Nakakaburyo lang lalo pa't Linggo, nakakasawang manuod ng telebisyon. Hindi naman ako puwedeng magliwaliw dahil walang maiiwan dito, kailangan ko pa palang magluto ng sopas para sa hapunan kaya minabuti ko na lang na iyon ang pagkaabalahan. May mga sangkap naman na kami rito sa bahay dahil tuwing Sabado, namimili na si Mama ng mga kakailanganin namin sa pang araw-araw na buhay. Mabuti nga't nagtatrabaho sina Mama at Ate Aprilyn kaya nakaluluwag naman kami kahit papaano. Nagpakulo na ako ng tubig para mapalambutan ang manok na gagamiting pang sahog. Naghihiwa na ako ngayon ng repolyo nang bigla namang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko naman iyong kinuha at nang makita ko kung sino ang tumatawag, si Rosanna lang pala. "Hello?" bungad ko."Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko, Madam. Alam mo na ba ang balita?" aniya."Anong balita ba iyan?" tanong ko."Ano ang gusto mong mauna? Good news o bad news?" ligalig niyang tanong."S'yempre, good news na muna tapos isunod mo agad ang bad news," tugon ko. Nilapitan ko ang pinalalambutan kong manok, nang matiyak kong okay na 'to, saka ko pinatay ang kalan."Wala tayong pasok sa Huwebes at Biyernes dahil may seminar ang mga prof. Ang masaklap nga lang, malapit na ang midterm exam," paliwanag niya sa pamamagitan ng malungkot na boses."Mahaba-habang bakasyon din pala, masaya 'yon. Kung midterm exam ang kinalulungkot mo, e 'di mag-review tayo nang makapasa," saad ko. Ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa at ni-loud speaker ko na lamang iyon para patuloy pa rin kaming makapag-usap."Ano pa nga bang magagawa natin? Hala na, may chika nga pala ako sa 'yo," pag-iiba niya ng usapan."Ayan ka na naman. Ano na naman ba iyan?" mausisa kong tanong."Nakita namin ni Gela noong isang araw si Martin," pahayag niya.Naumid akong bigla nang marinig ko ang pangalan ng lalaking unang bumihag sa aking puso.Hinding-hindi ko malilimutan ang unang lalaking bumihag sa aking puso. Ipinaramdam niya sa akin kung paano lilipad at sasabay sa saliw ng dagundong na namumutawi sa aking puso.Napaka-memorable ng una kong pag-ibig sapagkat dito ko rin naramdaman kung paano kiligin nang wagas. Sa mga munting bagay na ginagawa niya para mapasaya ako, rehistradong-rehistrado iyon sa utak ko.Pinatunayan niya rin sa akin na hindi kailangan ng mga materyal na bagay para mapasaya mo ang isang tao. Sakto lang din naman ang antas ng kaniyang pamilya sa buhay, hindi mahirap at hindi mayaman.Sa kabila ng lahat ng sayang itinanim niya sa pinakamatabang bahagi ng aking puso, ay siya ring pait sa pagkakapunla upang ito'y dumugo.---"Babe, akalain mo 'yon, tatagal tayo ng tatlong buwan..." bungad ko kay Martin habang nakasakay kami sa ferris wheel.Madilim ang kalangitan ngunit laganap at kumukutikutitap ang
Itinigil ko na muna ang pagninilay-nilay at inasikaso ang dapat kong lutuin. Tiyak na pagod si Mama mamaya pagkauwi kaya mas mainam nga ang sopas para sa kaniya.Iniluto ko na ang elbow na pasta roon sa chicken stock. Nang sa palagay ko'y okay naman na iyon, isinunod ko na agad ang iba pang rekado. Makalipas ang limang minuto, pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang sopas. Tiyak na matutuwa rito si Mama kapag natikman niya.Tinatamad na ako ngayon dahil wala na akong ginagawa. Minabuti kong mahiga na lang muna sa may sofa at magbasa ng kung anu-anong story online.---Inabot din ako ng kalahating mnuto sa pagbabasa ng maikling kuwento. Ilang saglit pa, napa-awts na lamang ako.Bakit gano'n ang nabasa ko? Ang sakit naman nito sa puso. Mabuti na lang at hindi dumating sa punto na nagtangka akong kitilin ang sarili kong buhay.Salamat sa pamilya kong umagapay sa akin noong nalugmok ako.Hindi
Pagkarating namin sa dorm ni Gela, agad naman niyang ipinahiram sa akin 'yung kinakailangan ko. Matapos iyon, naupo na muna kami sa higaan niya at nagkuwentuhan.Apat sila rito sa isang kuwarto. Dalawang double deck ang matatagpuan sa silid na higaan nila, sakto lang para sa kanilang apat 'yung kuwarto't hindi naman masikip. Wala 'yung tatlo niyang kasama rito, marahil ay may klase pa."Mga bes, naalala n'yo pa ba noong first day of school natin?" bungad ni Rosanna pagkasampa sa higaan. Sumandal siya sa pader at niyakap ang stuff toy ni Gela na tweety bird."Oo naman, iyon ang araw na naging magkakaibigan tayo," saad ko. Tinanggal ko ang bag ko't sumampa na rin do'n."Hindi lang iyon, 'yon din ang araw na kung saan ay pare-pareho tayong naligaw at ibang silid ang napuntahan kaya na-late tayo sa unang klase natin," gunita ni Gela. Tumabi siya sa amin habang may hinahalungkat sa loob ng bag niya.Naalala ko na naman ang
Matapos ang aming kuwentuhan, bumalik na kami sa aming eskuwelahan para sa aming susunod na klase. Mabuti na nga lang at block section kami kaya magkakaramay kami lagi.Pagkarating namin sa aming silid, pumuwesto kami sa may bandang likuran; sanay na kami sa ganito. Kadalasan kasi, mga matatalino ang nauupo sa may bandang unahan. Subsob sila masyado sa pag-aaral at para bang ayaw na nalalamangan. Tila ba kakumpitensya ang tingin nila sa bawat isa rito sa klase.Sa may bandang gitna naman nauupo 'yung mga masisipag. May times na nakikinig sila sa klase, may times din na hindi. Pero kahit na ganoon, hindi sila nagpapahuli pagdating sa exam. Matataas na marka pa rin ang nakukuha nila.Ay s'yempre, dito nauupo sa likuran ang mga black sheep. 'Yung mga rebelde, mga easy-go-lucky, mga napilitan lang, mga team tamad, mga irregular, at kaming mga no choice dahil dito na lang ang mayroong vacant seat.Hinding
Marahan naming sinundan si Mr. Maskels. Patungo na siya ngayon sa College of Architecture. Habang sinusundan namin siya, isang bulto naman ng mga kababaihan ang nakasalubong namin."Bilisan n'yo, girls! Malapit nang magsimula 'yung laro!" sambit ng isang babae na tila ba lider nila.Para silang mga aligaga na hindi magkandamayaw. 'Yung tipong may artista silang dudumugin. Mayroon ding may dala sa kanila na tila ba colored paper na gagawing placards."Para kay Fafa A! Full support dapat tayo!" anas pa no'ng isa.Pareho kami ni Osang na tila ba tsismosa na nakikinig sa usapan kanila."Sis, mukhang rarampa ang mga babaita sa gym! Mayroong fafabols siguro silang susuportahan do'n," saad ni Osang.Napakibit-balikat na lamang ako. Aaminin ko, marami naman talaga fafabols na basketball player. 'Yon nga lang, karamihan sa kanila, mga babaero. Ang hirap pa namang may
Pawis na pawis kami nang makarating kami sa aming classroom. Buti na lang at wala pa 'yung prof namin."Guys, inamag na 'ko kahihintay sa inyo kanina sa ilalim ng punong mangga. Akala ko hindi na kayo papasok kaya nauna na 'ko sa inyo rito. Ano bang nangyari at mistulang pagod na pagod kayo? Saan kayo nanggaling?" bungad ni Gela sa harapan namin habang nakapameywang pa.Kinuha ko na muna saglit ang aking panyo sa may bulsa at saka pinunasan ang mga tumatagaktak kong pawis sa mukha't leeg. Hindi pa nga tapos ang huling klase, pagod na pagod na 'ko. Nakakahiya sa prof namin saka sa mga kaklase ko na ang dugyot kong tingnan."Sorry, Gela. Galing kasi kami sa gymnasium kanina. Hindi namin namalayan ni Rosanna 'yung oras kaya para kaming hinabol ng limang aso kung makatakbo patungo rito," sagot ko."Ops, hindi lang 'yon. Bago kami tumungo sa gym, stalker mode kami kanina kay Mr. Maskels kaso naudlot 'yung
"Bakit mo ba kasi sinuntok si Karding?" turan ni Ate pagkapasok ko.Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi nakikipag-away ang kapatid kong 'yon. Pinalaki kami nang maayos at tama ng mga magulang namin kaya hangga't maaari, umiiwas kami sa gulo."Paano ba naman, Ate, inaawat ko lang sila ni Toto dahil nagkakapikunan sila tapos bigla ba naman akong tinulak nang malakas. Nang dahil do'n, natumba 'ko sa sahig. Hindi pa siya natinag at sinipa niya pa 'ko," pangangatwiran ni Januarius."Dapat hindi mo na lang pinatulan at nagtatakbo ka na lang pauwi sa 'tin," ani Ate."Ate, hindi naman na tama 'yon. Hindi naman na 'ko batang paslit na tatakbo na lang at iiyak sa isang sulok. Dapat lang din na bigyan siya ng leksyon," saad ni Januarius."Tama si Ate Aprilyn, dapat umiwas ka na lang sa gulo," pagsingit ko sa usapan nila."Pati ba naman i
Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya."Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda."Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna."Mark our words," turan ni Osang.Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.