Share

Chapter 40

Habang nasa biyahe, nag-iisip pa rin ako ng paraan kung ano puwede kong mahingi kay Tyron para kay Gela. Fan sign na lang din ba? Puwede rin naman 'yon, sasabihin ko lang naman na naging fan niya si Gela after no'ng contest.

Pagkarating ko sa may palengke sa lugar nila Tyron ay agad kong hinanap 'yung puwesto nila. Hindi naman ako naligaw at agad kong namukhaan 'yung ate niya. Lumapit ako sa kaniya dahil abala siya sa paggawa ng longganisa.

"Hello po, magkano po 'yung longganisa?" bungad ko.

"Hi, 240 pesos 'yung isang kilo. Kapag kalahati naman, 120 pesos," sambit niya.

"Ay, mahal din po pala. Puwede po bang one fourth?" tanong ko pa.

"Puwede naman, 60 pesos ang one fourth. Ang mahsl din kasi ng pork ngayon, e," turan niya.

"Oo nga po, e. Sige po, pabili po ako ng one fourth," saad ko.

Apat na piraso lang pala 'yung one fourth pero malaki naman siya saka medyo mataba. Talagang tinitimbang pala nila 'yon para sure at walang aberya. Kulay pula 'yung tinda nilang longganisa, ibig sabih
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status