Share

Chapter 5

Author: risingservant
last update Last Updated: 2022-04-03 21:05:24

Matapos ang aming kuwentuhan, bumalik na kami sa aming eskuwelahan para sa aming susunod na klase. Mabuti na nga lang at block section kami kaya magkakaramay kami lagi.

Pagkarating namin sa aming silid, pumuwesto kami sa may bandang likuran; sanay na kami sa ganito. Kadalasan kasi, mga matatalino ang nauupo sa may bandang unahan. Subsob sila masyado sa pag-aaral at para bang ayaw na nalalamangan. Tila ba kakumpitensya ang tingin nila sa bawat isa rito sa klase.

Sa may bandang gitna naman nauupo 'yung mga masisipag. May times na nakikinig sila sa klase, may times din na hindi. Pero kahit na ganoon, hindi sila nagpapahuli pagdating sa exam. Matataas na marka pa rin ang nakukuha nila.

Ay s'yempre, dito nauupo sa likuran ang mga black sheep. 'Yung mga rebelde, mga easy-go-lucky, mga napilitan lang, mga team tamad, mga irregular, at kaming mga no choice dahil dito na lang ang mayroong vacant seat.

Hinding-hindi mawawala sa klase ang mga grupo-grupo na iyan. Hindi naman namin gustong makipagsabayan sa iba dahil wala naman kaming dapat na patunayan sa kanila. Pumapasok kami para matuto, hindi para magpabibo. Hindi naman namin kailangang intindihin ang iba dahil hindi naman kami pumapasok para sa kanila. 

Well, parte naman talaga ng buhay ang pakikihalubilo pero may lugar naman para doon saka nakikisama naman kami kahit na papaano. Kaya bilib pa rin ako sa mga klase na kahit may grupo-grupo, may pagkakaisa pa rin kahit papaano. 

Hindi naman kasi pagalingan at patalinuhan ang kailangan pagtungtong mo ng kolehiyo, tulungan lang hanggang sa makapasa ay sapat na. Bonus na lang ang mataas na marka as long as matiyaga ka talaga. Well, nakadepende pa rin naman iyan sa estudyante. Mabuti na nga lang at hindi ako pine-pressure ng magulang ko na kailangan mataas ang aking marka. Basta pumapasa, go lang. Iwasan lang na magkaroon ng bagsak na grado.

Alam naman ni Mama na mahirap ang kursong engineering kaya naiintindihan niya ako. Nandiyan naman siya lagi para suportahan ako sa kung anuman ang aking gusto.

"College Algebra na naman ang subject, aantukin na naman tayo nito panigurado..." bungad ni Rosanna. Isinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa kaniyang desk, talaga namang tamad na tamad ang gaga.

"Si Sir Randolf ba naman ang magturo; boses pa lang niya e inaantok na ako. Self-study na naman tayo tiyak," turan ni Gela. Abala siya ngayon sa pagbubuklat ng kaniyang kuwaderno.

"Sinabi mo pa, lagi naman, e..." segunda ko. Napatitig tuloy ako sa pisarang puti sa may harapan. 

Nakagitna ako ngayon sa dalawa kong kaibigan. Sa aking kaliwa, si Osang. Nasa kanan naman si Gela. Sa tuwing may exam kami sa subject na 'to, naglalaan talaga kami ng oras para mag-review. S'yempre, sa tulong na rin ni Gela. Mas mabilis siya makaintindi sa amin kung anong hokus-pokus ba ang ginawa para ma-solve ang equation. Baka mag-overnight pa kami nito sa susunod dahil malapit na ang midterm exams.

Nang dumating ang professor namin, halos kaming lahat ay inaantok na. Pero karamihan sa unahan, tutok na tutok pa rin. Bilib talaga ako sa kanila.

---

Natapos ang klase at wala na naman akong natutunan. Sumakit lang ang ulo ko sa mga itinuro ni Sir Randolf. May isang oras kaming bakante dahil alas-singko pa ang susunod naming klase. 

"Guys, magtitinda na muna ako ng pastillas diyan sa ibang college. Maiwan ko na muna kayo," pahayag ni Gela habang kinakalkal ang kaniyang bag. Kasabay no'n, inilabas niya ang kaniyang payong.

"Tutulungan ka na naming magtinda," ani ko. Akmang lalapit na ako sa kaniya pero pinigilan niya ako.

"Naku, hindi na. Mag-meryenda na muna kayo riyan ni Rosanna sa tabi-tabi," pagtanggi niya.

"Ano ka ba? Huwag mong sabihin na nahihiya ka na naman? Kukutusan talaga kita," saad ni Osang habang nakahalukipkip.

"OA much? Dadalhin ko lang 'to sa mga um-order sa akin. Kita na lang tayo mamaya sa IPM (Ilalim ng Punong Mangga)," aniya.

"O sige," tugon ko.

"Una na 'ko," aniya sabay lakad palayo.

Ang sipag talaga ng kaibigan naming 'to. Napakabait at wala akong masabi. Nakakatuwa lang dahil kami ni Rosanna ang naging kaibigan niya.

"Tara na, gutom na ako. Bili tayo ng bacon with egg," pagyaya sa akin ni Osang. Hinihimas-himas pa niya ang kaniyang tiyan.

"Hindi pa tayo kumakain ng tanghalian, loka. Hanggang 8 pm pa tayo rito, gusto mo bang tumirik iyang mata mo sa gutom?" diin ko.

"Oo nga pala, o tara, rice in a box tayo 'yung 25 pesos lang nang makatipid," mungkahi niya. 

"Good idea," wika ko. 

Agad naming tinungo ang tindahan para manginain. Um-order ako ng chicken teriyaki with rice habang si Osang naman ay siomai with rice.

"Hintayin mo 'yung order natin, a? Bili lang ako ng inumin natin," turan ko.

"Oh sure," tugon niya. 

Ibinigay naman niya ang kaniyang pambili ng inumin at iniabot ko rin sa kaniya ang bayad sa in-order ko. Naglakad na agad ako palayo matapos no'n. Hindi naman kalayuan ang tindahan ng inumin, sampung dipa lang mula sa kinatatayuan ni Osang.

"Miss, isang red tea nga saka isang icy blue, kaunti lang po 'yung yelo," ani ko.

Nahiligan ko ang red tea dahil nasarapan ako sa lasa no'n noong bumili ako sa isang convinience store. Mahilig kasi si Osang sa maasim kaya icy blue ang nahiligan niya.

Habang inaasikaso ni Ate 'yung inumin namin, hindi ko naman sinasadyang mahagip ng aking paningin ang lalaking nagpapa-photocopy - isang dipa mula sa kinatitirikan ko.

"Syaks, heaven!" mahina kong sambit.

Tirik na tirik ang araw pero naka-shades pa rin si Mr. Maskels. Sa tantiya ko, dalawampung piraso yata ang papel na pinapa-photocopy niya. Parang kanina lang, pinagkukuwentuhan pa namin siya pero ngayon, bumungad siyang muli sa akin.

"Miss, 'yung bayad n'yo po," pagsingit ng babaeng nagtitinda.

"Ay sorry po," saad ko. Nagkukumahog naman akong iniabot ang bayad sabay kuha sa binili kong inumin. Nagkukumahog akong bumalik kay Osang.

"Nakita ko si Mr. Maskels bilis!" aligaga kong sambit. 

"Sigurado ka?" 

"Oo! Pagkakataon na natin 'to dali!" 

Kinuha ko sa kaniya ang in-order ko at iniabot ko naman ang inumin niya. Para kaming tanga na nagtatakbo patungo sa xerox-an.

"Grabe, niloloko mo naman ako, e. Wala naman siya rito..." anas ni Osang. Dahil sa pagod, nakuha niyang sumubo agad sa kaniyang pagkain.

"Nandito kaya siya," giit ko.

"Manong, nasaan 'yung lalaking naka-shades na nagpa-photocopy rito?" lakas-loob kong tanong sa mamang nagse-xerox.

"Ay kaaalis lang, Miss. Ayon, o," malumanay niyang tugon sabay turo sa lalaki na naglalakad sa 'di kalayuan.

"Salamat po," saad ko.

"O syaks, siya nga friend..." wika ni Osang.

"Stalker mode?" tanong ko.

"Game ako riyan..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status