Share

Chapter 6

Marahan naming sinundan si Mr. Maskels. Patungo na siya ngayon sa College of Architecture. Habang sinusundan namin siya, isang bulto naman ng mga kababaihan ang nakasalubong namin.

"Bilisan n'yo, girls! Malapit nang magsimula 'yung laro!" sambit ng isang babae na tila ba lider nila.

Para silang mga aligaga na hindi magkandamayaw. 'Yung tipong may artista silang dudumugin. Mayroon ding may dala sa kanila na tila ba colored paper na gagawing placards.

"Para kay Fafa A! Full support dapat tayo!" anas pa no'ng isa.

Pareho kami ni Osang na tila ba tsismosa na nakikinig sa usapan kanila.

"Sis, mukhang rarampa ang mga babaita sa gym! Mayroong fafabols siguro silang susuportahan do'n," saad ni Osang.

Napakibit-balikat na lamang ako. Aaminin ko, marami naman talaga fafabols na basketball player. 'Yon nga lang, karamihan sa kanila, mga babaero. Ang hirap pa namang may kahati, dapat ikaw lang, wala nang iba.

"Marami naman talaga ro'n. Ang issue lang, kung gaano sila kagaling maglaro ng bola, gano'n din silang kagaling paglaruan ang mga babae," turan ko.

"Ay, hugot 'yan? Kung sabagay, may point ka. Pero hindi naman lahat gano'n, 'no. Suwertihan na lang siguro..." tugon niya.

Ilang sandali pa, napagtanto kong sinusundan namin si Mr. Maskels. "Oh em, medyo nakakalayo na siya! Bilisan natin baka hindi natin siya maabutan!"

"Ang dami mo pa kasing litaniya kanina. Gorabels!" ani Osang.

Nagkukumahog kaming nagtatakbo sa hallway para mahabol namin si Mr. Maskels. Ilang saglit pa, napahinto kami nang bumungad sa harapan namin ang isang professor.

"Girls, hindi na kayo bata. Huwag kayong tumakbo sa hallway. Umakto kayo base sa edad n'yo. At saka respeto na rin sa mga nagkaklase, kumakalasing 'yung mga yabag n'yo dahil sa pagtakbo..." sermon niya sa amin.

Napayuko na lamang kami ni Osang dahil sa hiya. "Pasensiya na po, Sir, hindi na po mauulit," turan ko.

"Dapat lang, o siya, maglakad na kayo nang marahan," aniya. Pagkasabi niya no'n, naglakad na kami ni Osang palayo. Medyo nakakahiya dahil nakatingin sa amin 'yung mga estudyante niya. Para bang inuusig nila kami sa kanilang isipan.

"Nakita mo ba 'yung isang babae sa may bintana? Nakataas pa 'yung kanang kilay habang pinapagalitan tayo ng prof nila?" bungad ni Osang nang makalayo-layo kami.

"Ay talaga ba? Nilalait na siguro tayo no'n sa isipan niya. Nakita ko lang 'yung ibang estudyante na nakadungaw sa bintana habang papaalis na tayo," saad ko.

"Truely, kung nagdilim lang talaga 'yung paningin ko, baka ibinuhos ko na sa mukha no'n 'yung hawak kong inumin. Akala mo kung sino, puno naman ng pulbos ang mukha," giit niya.

Napatawa ako nang paimpit. "Grabe ka talaga, Osang. Lahat napapansin mo, kawawa 'yung mga nilalait mo araw-araw sa iyong isipan," sambit ko.

"Buti nga sa isipan ko lang 'yon ginagawa at nakokontrol ko pa ang bibig ko minsan. Naku, tiyak na marami akong kaaway kapag naging maboka ako masyado," aniya sabay hagalpak ng tama.

Habang nagtatawanan kami, naalala ko ang purpose ng pagpunta namin dito. "Syaks! Si Mr. Maskels!" mahina kong sambit.

"OMG! Hindi na natin alam kung nasaan siya! Tsk, kasalanan talaga 'to no'ng prof!" pagprotesta ni Osang.

Nanghinayang din ako dahil nabigo kami sa unang misyon. Kung alam lang namin kung saan 'yung classroom niya, tiyak na araw-araw kaming may pupuntahang inspirasyon. Pero gano'n talaga, hindi nilaan na masundan namin siya nang lubusan. Marami pa namang pagkakataon, hindi kami dapat sumuko.

---

Malungkot naming kinakain ang mga binili namin habang naglalakad sa daan. Medyo nakakawalan din pala ng gana, 'yon na kasi 'yon... nasayang lang namin ang pagkakataon.

"Alam mo, hindi tayo dapat maging malungkot, e. Maraming rason para sumaya!" ani Osang habang nagninilay-nilay.

"Kagaya ng?" mapanuri kong tanong.

"Heto, o..." saad niya sabay turo sa may gymnasium.

Umariba bigla sa aking isang 'yung mga babae kanina. Mukhang marami nga kaming mapupulot na inspirasyon sa loob ng gym. Ang tanong, handa nga ba ako?

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Osang na hintayin ang sagot. Kusa na niya akong hinila papasok sa loob. Pagkapasok namin, marami ring mga tao sa bleachers na nakaantabay sa mga maglalaro. Mukhang mag-uumpisa pa lang kaya sakto lang ang dating namin.

Hindi na akong nag-abalang magpalinga-linga para humanap ng mauupuan. Mukhang may nakita na si Osang kaya nagpatianod na lamang ako nang ako'y kaniyang hilahin.

Naupo kami sa may bandang gitna. Sa may kabilang bleachers, nakita ko 'yung mga babae na nakasalubong namin kanina. Todo hiyaw sila para suportahan 'yung #14 na nakasulat sa hawak nilang colored paper.

"Ay, pak! Hotness overload 'yung #14, girl! Walang tapon!" komento ni Osang.

Daig niya talaga 'ko, agad niyang nakita 'yung guy na sinusuportahan ng mga fan girls niya rito sa 'di kalayuan. In fairness, hot naman talaga 'yung matapos ko siyang suriin. 

Base sa kaniyang uniform, mula siya sa College of Architecture. Chinito hot guy, maganda ang pangangatawan at mukhang batak sa work out, medyo maputi rin siya. Kung height naman ang tatanungin, siguro nasa 5'10 siya. Kaya pala marami rin ang mga nahuhumaling sa kaniyang babae, jowable naman talaga. 

Wow, bakit ba ang daming fafabols sa CoA? 'Yung mga ka-team niya, malalakas din ang dating. Mukhang mapapatambay talaga kami nito madalas sa College of Architecture.

"Panalo nga si #14, 9/10 siya sa 'kin," turan ko.

"Ay grabe naman, almost perfect na nga siya. 10/10 ako sa kaniya," ani Osang.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang laro. Tinuran ng announcer na practice game lang pala 'to ng CoA at CBA. Tumungo na sa gitna ang dalawang manlalaro para sa jump ball. Si #14 'yung isa at si #22 naman 'yung sa College of Business Administration. Napukaw niya agad ang atensyon ko. Ang lakas ng dating niya sa 'kin.

Nang ihagis ng referee 'yung bola, nahampas ito ni #22 at napunta sa CBA ang bola. Namangha ako dahil ang taas niyang tumalon. Sa kaniyang pagtakbo, nakita ko ang apelyido niya sa likod ng kaniyang jersey. Zerudo #22, nagningning bigla ang aking mga mata. Pangalan na lang niya ang kailangan kong malaman!

"Juness, mukhang Team CBA ka, ah. Basta ako, Team CoA. Okay nang magkalaban ang team na sinusuportahan natin. At least, magkaiba tayo ng inspirasyon," saad ni Osang. 

"True. Nabuhayan talaga ang mga ugat ko sa katawan. Tama ka, sa gym nga natin mapupulot ang kalagayahan..." saad ko sabay apir kay Osang.

Mr. Zerudo, kung susuriin ko siya, maganda rin ang hubog ng kaniyang pangangatawan. 'Yung mga mata niya, mapungay tumingin. Lamang din siya ng height kay #14 kaya sa tingin ko, 5' 11 siya. Medyo moreno siya kaya kakaiba rin ang dating niya. Nagustuhan ko rin ang hairstyle niya na medyo nakatiwarik.

"Girl, 9.5/10 lang sa 'kin si Mr. #22, mas bet ko talaga 'yung may kaputian at chinito," turan ni Osang. 

"I know, kaya nga todo support ka sa #14. Basta ako, 10/10 ako kay #22, iba 'yung dating niya sa 'kin, e, basta, hindi ko ma-explain pero... ang lakas ng appeal niya," saad ko.

Biglang naghiyawan ang mga tao dito sa side namin matapos ma-i-shoot ni #11 'yung bola. Ang unang puntos ay napunta sa CBA team. Napapalakpak na lamang ako. Nang mapunta na ang bola sa kalab, todo hiyaw naman itong si Osang para suportah si #14.

"Huwag mong pakakawalan ang bola! I-shoot mo 'yan para sa 'kin!" pagpalahaw niya ng sigaw.

Ilang sandali pa, si #22 na ang nagbabantay kay #14 kaya medyo hirap siyang i-shoot ang bola dahil ang higpit na pagbabantay sa kaniya. Ilang saglit pa, natapik ni Zerudo ang bola kaya napunta ito sa team niya.

Napatayo akong bigla sa aking kinauupan dahil sa tuwa. Nang ipasa ni #3 kay Zerudo ang bola, mas lalo akong na-excite at tila ba pumapalakpak ang aking mga tainga. Amaze na amaze ako sa kaniya habang dinidribol niya ang bola. Walang ano-ano'y huminto siya sa mga 3-points shot area at saka inihagis ang bola. 

Parang nag-slow motion siya sa aking paningin nang kaniyang pakawalan ang bola. Dahan-dahan siya lumalapag sa sahig habang patuloy sa pag-ikot ang bola patungo sa ring.

"Ahhh!" umalingawngaw ang hiyawan dito sa loob ng gymnasium matapos ma-shoot ng bola. Tumatalon ang puso ko dulot ng kaligayan dahil feeling ko para sa akin ang shoot na 'yon. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang pakiramdam ko'y nagtama ang aming mga mata.

Napatigagal ako dito sa aking kinatatayuan dahil binuhay niyang muli ang natutulog kong puso. Inspirasyon lang naman like mga crush 'yung rason kaya tumungo kami rito sa gym pero parang pag-ibig yata ang matatagpuan ko. Oo, hindi naman ako mahilig sa mga basketball player dahil babaero ang karamihan sa kanila. Sana, hindi gano'n si #22.

Sa pagpapatuloy ng laban, hindi naman nagpahuli ang team CoA dahil ginagalingan din ni #14. Kung ako todo hiyaw at palakpak ang ginagawa, si Osang, higit pa ro'n ang ginagawa. Tila ba mapuputol ang kaniyang litid sa sobrang pagtili.

First quarter pa lang pero dikdikan talaga ang laban. Walang gustong magpatalo, practice game pa lang pero parang totoo na 'yung laban na pinapanood namin. Hindi malayong maglaban sa finals ang dalawang team na 'to sa foundation week.

Mayamaya, na-shot ulit si Zerudo kaya tuwang-tuwa siya. Ngayon ko lang nasaksihan ang magandang ngiti na namumutawi sa kaniyang labi. Ang banayad ng dating nito sa aking kaibuturan. Tila ba nakakita ako ng ngiti ng isang anghel.

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, isang hampas sa aking braso ang aking natamo mula kay Osang.

"Syaks! Girl, five minutes na lang, ma-le-late na tayo sa klase!" untag niya.

Pareho kaming nataranta kaya nagkukumahog kaming bumaba sa bleachers palabas ng gym. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Mr. Zerudo, alam kong hindi pa 'to ang huli naming pagkikita. Naniniwala akong kaya nilang ipanalo ang practice game.

"Magkikita tayo ulit, hindi ito ang una't huling pagkakataon," sambit ko bago kami tuluyang makalabas sa loob ng gym.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status