Share

Kabanata 005

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2025-03-14 09:34:26

Hindi ma-imagine ni Xyrille kung ano nga ba ang tama niyang gagawin. Isa lang ang rason niya kung bakit siya umuwi ng Pinas at hindi na pumirma ng renewal ng panibagong contract sa cruise ship kahit ito ang pinapangarap niyang trabaho. At ang lahat ng ito ay dahil sa pagmamahal niya kay Tim. Ang long time boyfriend niya, nakita na niya ang sarili niya na ito ang makakasama niya sa pang habang buhay, at para makaiwas sa tuwina nilang pag-aaway nakiusap si Tim na mag stay na lang sa Pinas at magtrabaho sa dito sa Pilipinas, pinakiusapan siya ni Tim na magtrabaho sa opisina ng Elle Cruise Shipping Company main office para hindi na siya maliitin ng Mama ni Tim.

“Xyrille? Naririnig mo ba ako? Sabi ko pumapayag ka ba sa alok ko bilang maging contract partner ko?” nagulat si Xyrille ng marinig niya ang malumanay na boses ni Atty. David. Napabalikwas si Xyrille ng tingin kay Atty. David, ang kaniyang mata ay nakatutok kay Atty. David pero ang kaniyang utak ay lumulutang.

Nagulat na lang si Xyrille nang bumalika siya sa reyalidad at naramamdaman niya ang mukha ni Atty. David na malapit na sa kaniyang mukha.

Agad na tinulak ni Xyrille si Atty. David papalayo sa kaniya “Hindi ko alam! Ewan ko! Magulo ang utak ko! Pinsan mo si Tim, naiintindihan mo ba ako?” galit na sigaw ni Xyrille na tila naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

[Sa isip niya;

Alam kong matalino siya at alam kong kaya niya akong protektahan laban sa lahat ng umaalipusta sa akin. Pero pinsan siya ni Tim, ang long time boyfriend at future husband ko. Ang taong tagapag-ligtas ko. Anong gagawin ko?” Hindi ko inaakalang mangyayari ito sa akin. Nagalit sa akin si GLadys at ilang linggo na niya akong hindi pinapasin tapos ngayon, malalaman niyang hindi naman ako maikakasal kay Tim, ang lalaking pinili ko bago pa ako sa kabila ng pagpapaliwanag niya sa akin kung gaano kahirap ang buhay dito sa Pilipinas, lalo na at napaka gulo ng bansa dahil sa usaping pam-politika. Hayst! Ngayon paano ko ipapaliwanag kay Gladys na may nangyari sa amin ni Atty. David?! grrr….]

Inis na inis si Xyrille sa kaniyang sarili at tinakpan na lang niya ang kaniyang mukha habang umiiyak. Ilang minuto lang ang lumipas ay tumayo si Xyrille mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama.

Naisip niya ang huling pag-uusap nila ni Tim kung saan humihingi siya ng simpatya kay Tim tungkol sa pam-bu-bully ng sarili niyang pamilya laban sa kaniya pati na ang masasamang binabalak sa kaniya ng kaniyang pamilya na pagbebenta sa kaniya kay Roman, ang sana ay proteksyon na makukuha niya mula sa kaniyang boyfriend ay hindi niya nakuha bagkus ay siya pa ang sinisisi nito na kesyo baka may nagawa siyang mali, o kaya ay sumasagot siya sa kaniyang mga magulang kaya nagagalit ang mga ito sa kaniya at napapagsabihan siya ng masasakit na salita. Paligi lang sinasabi ni Tim sa kaniya na matutong mapagkumbaba sa kaniyang pamilya kahit alam ni Tim ang hinanakit ng kaniyang long time girlfriend na si Xyrille na lahat ng kinita niya abroad ay naubos ng dahil sa hindi na maubos ubos na gastusing sinasabi nito sa kaniya buwan buwan.

Bago pa man magbalik si Xyrille sa Pilipinas ay hindi na siya kinikibo ng kaniyang mga pamilya dahil nalaman nitong hindi na siya mag-a-abroad at nais na lang niyang mag trabaho local para magkasama sila ni Tim.

Inaasahan ni Xyrille dahil sa tagal na nila ni Tim akala niya ay aalukin na siya nito ng kasal kahti sa huwes lang pero anong ginawa niya? Pumunta siya ng Germany ng biglaan sa araw mismo kung kelan kailangang kailangan niya ang presensya nito. Tapos kay Atty. David ganun na lang siya  kabilis na alukin ng isang kasal? Hindi mapigilan ni Xyrille na kumirot ang puso niya ng dahil dun.

“Xyrille, gusto kong makipagkasundo sa’yo. Alam kong galit ka sakin nang dahil sa nangyari, pero inuulit ko sayo hindi ko sinadya ang nangyari. May naglagay ng droga sa baso ng alak na ininom ko sa party ni Lolo dahilan para magliyab ang nararamdaman ko. Wala na din tayong oras para magdiskusyon ng mahabang oras.

Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng pagiging legal wife ko sa loob ng anim na buwan. Hindi ko na gagawing isang taon ang kasunduan, bilang lalaki alam kong ng dahil sa nangyari ay maaring makaapekto ito sa iyong moralidad bilang babae.”

Saglit na natigilan si Xyrille at nag-isip sa sinabi ni Atty. David.

At sa mga sumunod na sandali walang pag-aalinlangan na nagtanong si Xyrille. Matapang at buo ang loob ang kaniyang tinig

“Kung gayun papayag ba ako sa kasunduang ito,po-protektahan mo ako? Hindi mahalaga sa akin ang pera na ibibigay mo. Pero gusto ko ng proteksyon mula sa mga taong umaalipusta sa akin?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 100

    “Okay lang naman pero medyo stress napaka daming problema sabagong account na hinahandle ko.”“Hmmm ganuon ba?! Gusto mo bang masahihin kita?”Tinignan ko siya ng may pagbabanta pero bigla din akong ngumiti. “Wag na love, alam ko na ang kasunod niyan. Pero alam mo love grabe.Sobrang maSherry issue ang problema sa account na yan.Alam mo bang mismong ang team leader ang late. Hindi updated ang coaching logs? May weekly review na kami. Bagsak ang quality score? Pero atleast ngayon unti-unti na kaming umaangat. Walang sales conversion? Hindi pa perfect, pero lumalaban na kami.”“Edi good din, kausapin mo na lang yung team leader kasi siya ang ginagayahan ng mga staff.”“Kaya nga. Ayun nga ang plano ko. Kung hindi siya makikinig sakin mapipilitan akong tanggalin siya at palitan ng ibang mas deserving sa posisyon at sahod na ibinibigay sa kaniya.”Napangiti sa akin si David sabay halik sa aking noo. Kinabukasan ay pumasok na ako sa office kagaya ng nakagawian isang hamon na naman ang

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 099

    XYRILLE POVMas lalo akong naging determinado. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumilinaw sa akin ang mga problemang matagal nang binabalewala ng iba kaya naman pala ganito ang account na ito na tila hindi umuusad. Binuksan ko ang notebook ko at sinulat ito isa-isa:– Late ang team leader. – Hindi updated ang coaching logs. – Bagsak sa quality scores. – Halos walang sales conversion.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang listahan. Ang dami palang issue sa account na ito. Mga major issue na dapat pagtutuunan ng pansin. Lalo na ang mga staff na wala sa focus.Kinabukasan, nag-set ako ng alarm ng alas-sais ng umaga. Maaga akong naligo, nagkape, at lumabas ng bahay. Pagdating ko sa opisina, 8:00 AM pa lang. Tahimik pa ang floor, maliban sa ingay ng aircon at scanner. Kinuha ko ang performance reports, inayos ko ang daily goals, at nag-print ng motivational quotes na ididikit ko sa paligid.Pagdating ng 9:30 AM, unti-unti nang pumasok ang mga agents.“Uy, ang aga mo, Ms.Xyrill

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 098

    THIRD PERSON POVNagulat na lang si Xyrille ng pagpasok niya sa opisina ay bigla siyang pinatawag ng kanilang HR.Tahimik lang si Xyrille habang nakaupo sa conference room, habang isa-isa ang pagpasok ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Ang mga mata nila ay hindi maipinta, mahahalatang may halong galit, pagtataka, at pag-aalinlangan. Sa likod ng kanyang mahinahong ngiti ay ang kumakabog niyang dibdib. Alam niyang hindi magiging madali ang unang araw niya bilang bagong head ng department.Si Xyrille ay nagsimula bilang isang junior agent ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Tahimik lang siya, walang ka-close, bihirang sumama sa mga inuman o kainan. Pero pagdating sa trabaho isa siyang seryoso, mabilis matuto, at consistent sa performance. Isa siya sa mga palaging may mataas na CSAT scores at laging lampas sa target KPI. Kaya’t hindi na kataka-taka nang i-announce ng management na siya ang bagong department head. Kahit pa walang tulong mula sa impluwensya ni Atty. David.Ngunit sa l

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 097

    Mga bags, shoes, clothes at kahit na anong gamit na maari niyang magamit sa pang-araw-araw.Isa-isa kong sinuri ang bawat brand, at pumili ako ng mga gamit na babagay kay Xyrille, partikular ang mga damit na akma sa kanyang panlasa. Matapos ma-order ang lahat ng iyon, inutusan kong ipahatid ang mga damit bukas. Pagkatapos kong ayusin ang tungkol sa mga gamit. Pagkatapos ay pinanuod ko ang CCTV sa aming bahay nung mga sandaling nagkatapuhan kami, at duon ko napag-alamang malapit na palang kumatok si Xyrille sa pintuan ng aking office room noong kaya naman nakaramdam ako ng tuwa sa isip ko.Makalipas ang ilang oras, "Naipadala mo na ba ang mga gamit sa bahay namin?""Yes boss, okay na po lahat. Naipadala ko na po, at kagaya nga po ng pinag-utos mo ay tinanggal ko na yung mga presyo sa lahat ng gamit na pinabili niyo.Personal ko po itong ginawa Sir para makasigurado kayong maayos ang lahat. ""Okay good." natuwa ako dahil ito ang sandaling pinakahihintay ko. Ang maibigay ko ang lahat

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 096

    Tahimik lang siyang nakinig, pinisil niya ang kamay ko.“David... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo noon. Kasi natatakot akong isipin mo na kasalanan ko. O baka isipin mong mahina ako. O baka... baka mawalan ka ng gana sa akin kasi hindi ko na maibibigay ang pangarap nating pamilya.”Hinanap ko ang mga mata niya at hinawakan ko ang mukha niya.“Xyrille, bakit ka nag-iisip ng ganyan. Ito ang tandaan mo Love, Walang kahit anong pangyayari ang magpapabago ng pagmamahal ko sa’yo. OO masakit ang nangyari kasi anak natin yun, Xy. Pero huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari. At kung may isang bagay akong pinagsisisihan, yun yung hindi ko naisalba ang sarili mo sa sakit na mag-isa mong tiniis.Dahil hindi ko kaagad nalaman ito”Napayuko siya, pero nilapit ko siya sa dibdib ko. Doon siya tuluyang umiyak ng tahimik. Wala akong sinabi, kasi minsan, hindi naman kailangan ng maraming paliwanag. Kailangan lang niya ng isang yakap mula sa akin.

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 095

    Ang sakit marinig nun. Yung takot niyang mawalan, samantalang ako, sa bawat araw na lumilipas, natatakot ding mawala siya. Pero pareho pala kaming tahimik sa takot namin, imbes na harapin iyon nang magkasama.Hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit..“Xyrille,” mahina kong simula, pilit kong pinatatag ang boses ko kahit ramdam kong basag na basag na ang loob ko, “hindi ako galit sa’yo. Hindi ko kailanman kinagalit ang mga nangyari sa atin. Hindi naman big deal sakin ang pagtawag mo sa profession ko. Lasing ka at naiintindihan ko naman yun. Ang mayroon kayo ni Tim noon ay tapos na yun at alam kong hindi pa din iyon ganun kabilis kalimutan.”Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy “Kaya ako lumayo nun, kasi natakot akong mahawaan kita. Hindi ko alam kung may virus ako o wala, ayoko lang isugal yung kaligtasan mo. Pero mali ko, kasi sa ginagawa ko, iniwan kitang mag-isa sa laban mo. Hindi ko namalayan, sa pag-iingat ko, lalo pala kitang nasaktan.”Kita ko sa mata niya yung konting pagg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status