Share

Kabanata 006

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2025-03-14 09:34:32

“Sa abot ng aking makakaya, Yes! Kahit pa umabot ang lahat sa korte ay sasamahan kita!” diretsong sagot ni Atty. David

“Okay, at kung papayag ako ano naman ang mga kundisyon mo sakin?” tanong ni Xryille ng walang kagatol gatol.

tanong ko sa kaniya ng walang pag-aalinlangan.

“Hindi ako hihingi ng kahit na anong kundisyon. Gusto ko lang patunayan sayo na hindi ko tatakbuhan ang responsibilidad ko sa ginawa ko sa’yo. Anumang oras ay malalaman na ng buong Loyola Clan ang nangyari sa atin. Hindi kita iiwan sa ere. At kung papayag ka ibibigay ko ang anumang hilingin mo!” walang ka gatol gatol na tugon ni Atty. David.

Lalong naguluhan ang utak ni Xyrille. Sa totoo lang isang bahagi ng utak niya ang gusto ng pumayag pero ang kabilang panig ay naiisip niya si Tim.

Aminado siyang nagalit siya sa pamilya niya dahil pag-uwi niya ay nabaliwala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan abroad at walang naipundar para sa sarili niya, at pagkatapos ay nagawan pa siya ng  kawalang hiyaan ang kaniyang step-brother at bruhang step-mom. Kaya lang sa tuwing maiisip niya ang ginawa ng Mommy ni Tim ay hindi siya makapag-move on. Sumisiklab na naman galit sa kaniyang puso.

Oo galit si Xyrille kay Tim sa ginawa nitong biglaang pag-alis pero tingin niya ay mas malaking gulo kung magiging asawa niya si Atty. David.

“Hindi ko alam. Gusto kong mag-isip” pagkasabi noon ay humakbang siya ng dalawang hakbang pasulong ng biglang magsalita si Atty. David.

“Huwag kang mag-alala dahil anuman ang kasong ihabla sa akin ng pamilya mo ng dahil sa nangyari ay tatanggapin ko, pati na ang mga taong naghihintay sa labas ng pintuang ito na siyang magiging saksi, ako na ang bahalang magpaliwanag sa lahat. Huwag kang magbibigay ng kahit na anong komento. Akong bahalang kumuha sa lahat ng paninisi. Madaming mga media ang imbitado sa party ni Lolo at ngayon sigurado akong may mga tip na sa kanila na ako si Atty. David Loyala ay kasama sa kwarto ang long time girlfriend ng aking pinsan. Malaking scoop ito para sa kanila. At ako na din ang bahalang umayos nito sa pamilya ko, sasabihin kong pinilit kita.”

Natigilan si Xyrille, sa isip niya. Ibang-iba ang Atty. David na maamong nasa harapan niya ngayon kaysa sa Atty. David na pinsan ni Tim na palagi nitong kinukwento sa kaniya.

Palagi siyang binababalaan ni Tim na huwag masyadong lumapit kay Atty. David para maiwasang maging komplikado ang buhay. Isa iyon sa dahilan kung bakit natakot siya ng malaman niya ang nangyari ngayon. Si Atty. David ay kinakatakutan sa kanilang pamilya, dahil isa siya sa walang puso, matapang, walang awang nagpapadala sa kulungan ng mga tao, may kasalanan man o wala .

“Tshh masyado ka namang nag-o-overthink. Sino naman ang mag-aabalang maghintay na lumabas ako sa kwartong ito?!”

“Sige, go ahead. Pero anuman ang mangyari nandito ako, huwag kang magsasalita, akong bahala sa lahat.”

Tahimik ang silid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng aircon at ang malalim na buntong-hininga ni Xyrille. Ang tensyon ay mabigat na parang nagkukulong ng hangin sa loob ng kwarto.

Matapos ang matagal na pag-uusap nila ni Atty. David, tuluyan na siyang naglakad papunta ng pintuan. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang pumintig ang kaba sa kaniyang puso, gayun pa man ay nagpatuloy pa rin siya nang paglalakad paalis.

Pagbukas niya ng pinto, isang nakakabinging ingay ang biglang sumabog sa paligid.

"Miss Xyrille! Miss Xyrille! Ano ang ginagawa mo sa loob ng kwarto ni Atty. David?!"

"Ikaw ba ang bagong babae niya?!"

"May relasyon ba kayo?!"

“Miss Xyrille, hindi ba ang boyfriend mo ay si Tim Loyola? Ang nakababatang pinsan ni Atty. David?”

“Totoo ba yun Miss Xyrille? Kung gayun anong nangyari ngayon?”

Parang isang demonyong buhawi na biglang sumugod ang mga reporter at hawak ang kanilang mikropono at mga flashing cameras na halos ipagduldulan sa kanyang mukha. Daan-daang tanong ang bumaha kay Xyrille, bawat isa ay may matalim at mas mapanira kaysa sa nauna.

Nablangko ang isip ni Xyrille. Napaatras siya at pilit na iniiwasan ang nakakasilaw na ilaw ng mga camera. Hindi niya alam kung saan siya titingin. Ang dami nilang naroon hindi lang isa, hindi lang dalawa. Sila ay parang gutom na gutom na mga buwitre at handang lapain siya ng buhay.

"Hindi ko alam…hindi ako…" Pinilit niyang magsalita pero ang boses niya ay nalunod na sa ingay ng media.

Sa isang iglap, naramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Napalingon siya at nakita si Atty. David na nakatayo sa kanyang likuran. Ang mukha nito ay walang emosyon, ngunit sa likod ng malamig nitong tingin ay may tensyon na hindi niya maipaliwanag.

Pero bago pa siya makapagsalita ay isang matinis at galit na tinig ang pumailanlang sa pasilyo.

"Ano ‘tong kaguluhang ‘to?!!”

Lahat ng reporter ay biglang tumahimik at ang ilan ay napaatras.

Isang babae ang mabilis na sumugod at ang kanyang matatalim na mata ay nagbabaga sa galit. Ang kanyang postura ay hindi matitinag, at ang kanyang presensya ay nagdala ng malamig na hangin sa buong pasilyo.

Pagtingin nila ay ang Mommy ito ni Tim, kasama ang Lolo ni Atty. David.

“Anong pinagsasabi ninyo?!" galit niyang sigaw sa mga reporter. “At ikaw, Atty.David, anong ibig sabihin nito?! Bakit nandito si Xyrille sa kwarto mo?!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 100

    “Okay lang naman pero medyo stress napaka daming problema sabagong account na hinahandle ko.”“Hmmm ganuon ba?! Gusto mo bang masahihin kita?”Tinignan ko siya ng may pagbabanta pero bigla din akong ngumiti. “Wag na love, alam ko na ang kasunod niyan. Pero alam mo love grabe.Sobrang maSherry issue ang problema sa account na yan.Alam mo bang mismong ang team leader ang late. Hindi updated ang coaching logs? May weekly review na kami. Bagsak ang quality score? Pero atleast ngayon unti-unti na kaming umaangat. Walang sales conversion? Hindi pa perfect, pero lumalaban na kami.”“Edi good din, kausapin mo na lang yung team leader kasi siya ang ginagayahan ng mga staff.”“Kaya nga. Ayun nga ang plano ko. Kung hindi siya makikinig sakin mapipilitan akong tanggalin siya at palitan ng ibang mas deserving sa posisyon at sahod na ibinibigay sa kaniya.”Napangiti sa akin si David sabay halik sa aking noo. Kinabukasan ay pumasok na ako sa office kagaya ng nakagawian isang hamon na naman ang

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 099

    XYRILLE POVMas lalo akong naging determinado. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumilinaw sa akin ang mga problemang matagal nang binabalewala ng iba kaya naman pala ganito ang account na ito na tila hindi umuusad. Binuksan ko ang notebook ko at sinulat ito isa-isa:– Late ang team leader. – Hindi updated ang coaching logs. – Bagsak sa quality scores. – Halos walang sales conversion.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang listahan. Ang dami palang issue sa account na ito. Mga major issue na dapat pagtutuunan ng pansin. Lalo na ang mga staff na wala sa focus.Kinabukasan, nag-set ako ng alarm ng alas-sais ng umaga. Maaga akong naligo, nagkape, at lumabas ng bahay. Pagdating ko sa opisina, 8:00 AM pa lang. Tahimik pa ang floor, maliban sa ingay ng aircon at scanner. Kinuha ko ang performance reports, inayos ko ang daily goals, at nag-print ng motivational quotes na ididikit ko sa paligid.Pagdating ng 9:30 AM, unti-unti nang pumasok ang mga agents.“Uy, ang aga mo, Ms.Xyrill

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 098

    THIRD PERSON POVNagulat na lang si Xyrille ng pagpasok niya sa opisina ay bigla siyang pinatawag ng kanilang HR.Tahimik lang si Xyrille habang nakaupo sa conference room, habang isa-isa ang pagpasok ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Ang mga mata nila ay hindi maipinta, mahahalatang may halong galit, pagtataka, at pag-aalinlangan. Sa likod ng kanyang mahinahong ngiti ay ang kumakabog niyang dibdib. Alam niyang hindi magiging madali ang unang araw niya bilang bagong head ng department.Si Xyrille ay nagsimula bilang isang junior agent ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Tahimik lang siya, walang ka-close, bihirang sumama sa mga inuman o kainan. Pero pagdating sa trabaho isa siyang seryoso, mabilis matuto, at consistent sa performance. Isa siya sa mga palaging may mataas na CSAT scores at laging lampas sa target KPI. Kaya’t hindi na kataka-taka nang i-announce ng management na siya ang bagong department head. Kahit pa walang tulong mula sa impluwensya ni Atty. David.Ngunit sa l

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 097

    Mga bags, shoes, clothes at kahit na anong gamit na maari niyang magamit sa pang-araw-araw.Isa-isa kong sinuri ang bawat brand, at pumili ako ng mga gamit na babagay kay Xyrille, partikular ang mga damit na akma sa kanyang panlasa. Matapos ma-order ang lahat ng iyon, inutusan kong ipahatid ang mga damit bukas. Pagkatapos kong ayusin ang tungkol sa mga gamit. Pagkatapos ay pinanuod ko ang CCTV sa aming bahay nung mga sandaling nagkatapuhan kami, at duon ko napag-alamang malapit na palang kumatok si Xyrille sa pintuan ng aking office room noong kaya naman nakaramdam ako ng tuwa sa isip ko.Makalipas ang ilang oras, "Naipadala mo na ba ang mga gamit sa bahay namin?""Yes boss, okay na po lahat. Naipadala ko na po, at kagaya nga po ng pinag-utos mo ay tinanggal ko na yung mga presyo sa lahat ng gamit na pinabili niyo.Personal ko po itong ginawa Sir para makasigurado kayong maayos ang lahat. ""Okay good." natuwa ako dahil ito ang sandaling pinakahihintay ko. Ang maibigay ko ang lahat

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 096

    Tahimik lang siyang nakinig, pinisil niya ang kamay ko.“David... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo noon. Kasi natatakot akong isipin mo na kasalanan ko. O baka isipin mong mahina ako. O baka... baka mawalan ka ng gana sa akin kasi hindi ko na maibibigay ang pangarap nating pamilya.”Hinanap ko ang mga mata niya at hinawakan ko ang mukha niya.“Xyrille, bakit ka nag-iisip ng ganyan. Ito ang tandaan mo Love, Walang kahit anong pangyayari ang magpapabago ng pagmamahal ko sa’yo. OO masakit ang nangyari kasi anak natin yun, Xy. Pero huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari. At kung may isang bagay akong pinagsisisihan, yun yung hindi ko naisalba ang sarili mo sa sakit na mag-isa mong tiniis.Dahil hindi ko kaagad nalaman ito”Napayuko siya, pero nilapit ko siya sa dibdib ko. Doon siya tuluyang umiyak ng tahimik. Wala akong sinabi, kasi minsan, hindi naman kailangan ng maraming paliwanag. Kailangan lang niya ng isang yakap mula sa akin.

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 095

    Ang sakit marinig nun. Yung takot niyang mawalan, samantalang ako, sa bawat araw na lumilipas, natatakot ding mawala siya. Pero pareho pala kaming tahimik sa takot namin, imbes na harapin iyon nang magkasama.Hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit..“Xyrille,” mahina kong simula, pilit kong pinatatag ang boses ko kahit ramdam kong basag na basag na ang loob ko, “hindi ako galit sa’yo. Hindi ko kailanman kinagalit ang mga nangyari sa atin. Hindi naman big deal sakin ang pagtawag mo sa profession ko. Lasing ka at naiintindihan ko naman yun. Ang mayroon kayo ni Tim noon ay tapos na yun at alam kong hindi pa din iyon ganun kabilis kalimutan.”Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy “Kaya ako lumayo nun, kasi natakot akong mahawaan kita. Hindi ko alam kung may virus ako o wala, ayoko lang isugal yung kaligtasan mo. Pero mali ko, kasi sa ginagawa ko, iniwan kitang mag-isa sa laban mo. Hindi ko namalayan, sa pag-iingat ko, lalo pala kitang nasaktan.”Kita ko sa mata niya yung konting pagg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status