Share

Kabanata 007

Penulis: Roxxy Nakpil
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-14 09:34:38

Sa loob lamang ng ilang segundo ay parang bumagsak ang isang bomba sa buong paligid. Ang mga camera ay muling bumaling kay Xyrille, ang mga tanong ay lalong naging mapanira.

"So totoo ba?! May relasyon kayo?!"

"Miss Xyrille, kabit ka ba?!"

"Atty. David, hindi ba malinaw ang relasyon mo kay Tim?!"

Sumakit ang ulo ni Xyrille. At naramadaman niyang dumagundong ang tibok ng kanyang puso. Hindi ito totoo. Hindi dapat ito nangyayari.

“Ibaba niyo ang mga camera niyo!, lahat kayo ay magtungo sa conference hall!” pagkasabi noon ni Atty. David ay agad na binaba ng mga reporter ang kanilang camera. Wala ni isang nagtangkang suwayin ang kaniyang sinabi.

Inayos niya ang kaniyang sarili at lumapit siya sa kaniyang Lolo.

“Lolo, tatapusin ko lang ang tungkol sa mga reporter at susunod din ako sa inyo. Isabay niyo na si Xyrille sa inyo.” pakiusap ni Atty. David kay Don Victor, ang kanyang Lolo.

Hindi tumugon ang matanda sa kaniya bagkus isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kaniya, tumalikod sa kaniya saka nagsalita.

“Bilisan mong tapusin ang usaping ito, sumundo ka na sa akin Xyrille, ikaw din Jackie!” pagkasabi noon ay naglakad na si Don Victor papunta sa silid na kanilang kinuha.

Pinagmasdan ni Atty. David ang paglakad nila Xyrille papalayo, matalino siyang tao paanong hindi niya maiintindihan ang nangyari.

Sa kabilang banda kinausap niya ang mga media at hindi naman naging mahirap sa kaniya ang patahimikin ang mga ito. Alam niya kung paano kapitan ang mga ito sa leeg niya at sinigurado niyang walang kahit na isang scoop ang makakalabas tungkol sa nangyaring ito.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nagbalik na siya sa silid kung saan naghihintay ang kaniyang lawyer.

Pagbukas niya ng pinto ay naralamdaman na niya ang bigat ng tensyon sa silid na iyon.

Ang bawat hakbang niya ay nag-iiwan ng malamig na bakas sa marmol na sahig, habang ang presensya ng kanyang Lolo na si Don Victor, at ng kanyang tiyahin, si Jackie, ay parang mga tigreng handa siyang subatan anumang oras.

Sa kabila ng tila nakakabinging katahimikan ay nararamdan ni Xyrille ang bigat ng bawat segundo. Nakatayo siya sa likod ni Jackie at nakayuko.

Hiyang-hiya siya sa pamilya ng kaniyang long time boyfriend, nakalimutan na din niya ang narinig niya tungkol sa pagplano ng Mommy ng kaniyang boyfriend na maaring siya ang may kagagawan ng lahat ng nangyayaring gulong ito.

Iniisip din niya ang magiging epekto ng pagsugod sa kaniya ng mga media. Wala siyang nagawa nang sabay-sabay siyang atakihin ng mga ito , na tila ba isa siyang mabangis na hayop na kinulong sa isang sulok. Ngayon, kahit wala na ang mga camera, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya nakatakas.

"Ibaba niyo ang mga camera niyo! Lahat kayo ay magtungo sa conference hall!" Iyon ang mahigpit na utos ni David sa mga reporter kanina, at wala ni isang nagtangkang sumuway sa kaniya.

Malamig ang tingin ni Jackie nang lumapit ito sa pamangkin. "Ano David, hindi ka pa ba magsasalita? Nakita mo Papa, hindi na nirespeto ng apo mong yan ang karelasyon ng kaniyang pinsan. Napaka-walahiya. Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng ginawa niyang ito. Kinuha niya ang puri ni Xyrille, bukod doon ay gumawa pa siya ng matinding ingay sa mga media!” 

Napatingin si Don Victor kay Xyrille at nakita niya itong takot na takot at nakayuko.

Hindi pinansin ni Atty. David ang anumang patutsada ng kaniyang tiyahin at pilit syang nagpa-ka-kalmado sa sitwasyon na lalong ikinasiklab ng galit ni Jackie. Bahagya niyang pinisil ang kaniyang sintido saka nagsalita ng buong paggalang sa kaniyang Lolo. 

"Huwag na kayong mag-alala Lo tungkol sa mga media dahil nakapitan ko na sila. Maari ko silang kasuhan ng slander at patitindihin ko pa ito kung sakaling may lumabas na kahit na isang scoop tungkol sa nangyari ngayong araw.”

Pagkatapos noon ay agad na nagsalita si Jackie “sige, sabihin na nating naayos mo ang tungkol sa media, pero ang ginawa mo kay Xyrille? Sa tingin mo tamang lapastanganin mo ang pagkababae niya? Hindi ka na nahiya sa pinsan mo! Attorney ka pa naman pero wala kang utak! Akala ko ba alam mo ang batas? Anong silbi ng pagiging top natcher mo?! Tsh.. kung sabagay hindi na ako magtataka dahil hindi mo nga natulungan ang kliyente mong kilalang tao, at ngayon hinuli sa ibang lugar. Tsss…” mapang insultong sabi ni Jackie sa kay Atty. David. “Hindi mo pa ba nabalitan Pa? Ang nangyari sa kaniyang kliyente na kinuha sa bansa at dinala ng ibang bansa? Paano na ang kredebilidad ng mga Loyola. Hindi pa nga niya nababawi ang kahihiyang dulot noon sa ating pamilya at ngayon isa na namang issue ang ginawa niya!” mapait na sabi ni Jackie habang nagpapaliwanag sa matanda na animo’y siguradong sigurado siya na may nangyari nga sa dalawa.

Nang marinig iyon ni Don Victor ay nagulat siya ngunit matatag ang kaniyang tinig na nagsalita.

“Oo narinig ko na ang tungkol diyan kanina, tinawagan na ako ng kumpadre ko! Saka na namin pag-uusapan ni David ang tungkol sa issueng iyan.” pagkasabi niya ay bumaling siya ng tingin kay Atty. David at malakas na sumigaw “sige sabihin mo sakin, anong nangyari dito?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
andrea mae
Ay naku naman may bagong add to library
goodnovel comment avatar
twinkle star
ang exciting nito aah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 159

    Nang mapansin ito ni Zia ay lumapit siya at sa tabi nila. Lumapit si Zia at naupo sa tabi niya. “My salamat po sa tiwala ninyo sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, parang panaginip lang ang lahat ng nangyayari.” Hinaplos ni Karmela ang kamay ng anak. “Hindi ito panaginip, anak. Pangarap ito na tinupad mo. At mas maganda, hindi ka mag-isa. Nagpapasalamat kami ng Daddy mo kay Elliot at nagakruon ka ng katuwang. Lahat ng pangit na pinagdaanan niyo noon ay naging aral sa inyo yun.” Napatingin si Zia kay Elliot na abala pa rin, at napangiti siya. Totoo nga. Hindi na siya mag-isa. Pagkatapos ng opening, hindi pa tapos ang sorpresa. Pag-uwi nila, pinilit ni Elliot si Zia na lumabas muna sa hardin. Noong una ay sobrang dilim, pero biglang umilaw ang mga fairy lights na isinabit niya sa mga puno. May mga bulaklak sa paligid, at sa gitna, isang maliit na mesa na may kandila. Napatulala si Zia. “Elliot… ano ‘to?” Ngumiti si Elliot, sabay lumuhod at inilabas ang malii

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 158

    THIRD PERSON POV Pagkatapos ng Bakasyon Pagbalik mula sa Boracay, para bang ibang tao na sina Zia at Elliot. Ang dating mga matang puno ng galit at alinlangan, ngayon ay nagniningning na sa saya at tiwala. Hindi lang nila iniwan ang sakit sa karagatan ng Caticlan, kundi pinili nilang dalhin pabalik ang pangakong “hindi na muling magsisinungaling sa isa’t isa” Sa loob ng isang linggo sa isla, natutunan nilang magsalita nang mas totoo, makinig nang mas bukas sa isa’t isa, at magmahal nang mas buo. At ngayong nakabalik na sila sa Maynila, ramdam nilang handa na silang harapin ang panibagong yugto ng buhay nila, hindi na magkahiwalay, kundi ng magkasama. “Salamat Elliot kasi nakatulong sa akin ang pagbabakasyon natin” sabi ni Zia habang nag-aayos ng maleta sa kanyang kuwarto. “Parang wala na yung bigat na lagi kong dala noong nasa ibang bansa pa tayo. Nagpapasalamat din ako kay Levie at sa pamilya mo sa lahat ng suportang ginawa nila sakin. At sana Elliot, dumating na din ang ta

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 157

    Ilang buwan kong namiss ang ganitong sitwasyon sa amin ni Zia, mula ng malaman niya ang tungkol sa pustahan hanggang sa may nangyari sa amin sa UK. Araw-araw pinagdadasal kong mangyari ulit ang ganitong sitwasyon. Siguro masyado akong natagalan sa titig kasi tinaas niya ang kilay at tumingin sa akin. “Elliot? Gusto mo bang ako na ang kumilos satin?” pang-aasar niya. “Kayang kaya ko namang maging driver” napapakagat labi niyang sabi.Ptng i*a, sobrang ganado niya ngayon. Gustong gusto ko na siyang bayuhin pero gusto kong namnamin ang bawat sandali. Hindi na ako sumagot; umakyat ako sa kama. Umupo ako sa tabi ng mga hita niya at nakitang naiinip na siyang hinihila pababa yung panty niya. “Miss na miss kita Zi,” bulong ko, pero agad niyang hinawakan ang buhok ko at itinulak yung mukha ko sa kaniyang mga labi. Hindi ko inaasahang may ganitong side ng pagiging wild si Zia.Fvck napakasarap. Umiling pa ako saglit pero nanlaban na din ako sa kaniyang paghalik. Napaungol siya at napakilo

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 156

    Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko na kayang ipagkaila sa sarili ko. Natanggap ko ulit siya. Hindi dahil nawala ang sakit, kundi dahil pinili kong bigyan ng isa pang pagkakataon ang pagmamahal namin.At hindi lang ako ang nagbigay ng basbas. Isang umaga, kinausap ako ni Mommy.“Anak, kung sa tingin mo mahal ka pa rin niya at kaya mo siyang patawarin, suportado ka namin ng Daddy mo. Nakikita namin ang effort ni Elliot. Hindi lahat ng lalaki gagawin ang ginagawa niya. Lalo at dito ka niya sa bahay sinusuyo. Pero hindi ka namin pipilitin ng Daddy mo.”Doon ko naisip na hindi lang pala ako ang nililigawan niya—pati ang pamilya ko. At iyon ang mas nakumbinsi sa akin.“Elliot, i want to talk to you!” anas ko “nakita ko ang effort mo sa pagsuyo sa akin at kila Mommy, at natutuwa ako sa ginawa mo. Kaya naman gusto kitang bigyan ng isa pang pagkakataon pero sana sa pagkakataong ito ay maging tapat na tayo sa isa’t isa. Huwag mo na akong lolokohing muli” sabi ko sa kaniyaNakita ko ang

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   Kabanata 155

    AT THE NAIA INTERNATIONAL AIRPORTPagkababa ko ng eroplano sa NAIA, parang gusto kong umiyak sa halo-halong emosyon. Sa saya, kaba, at pagka-miss. Ilang buwan din akong nasa ibang bansa para ayusin ang sarili ko, tumakas sa gulong iniwan ko rito, at humanap ng kapayapaan. Pero ngayon, narito na ako ulit dahil naman sa gulong nagawa ko sa buhay ko sa ibang bansa.Bitbit ko ang maleta at ilang pasalubong para kina Mommy at Daddy. Pagpasok ko sa bahay, halos mapatili si Mommy sa sobrang tuwa. “Anak! Oh my God, Zia! Uuwi ka pala nang hindi nagsasabi!” Halos yakapin niya ako nang mahigpit na parang ayaw na akong pakawalan. Si Daddy naman, gaya ng dati, napapangiti lang pero bakas sa mga mata niya ang saya.“Surprise Mom, Dad!” sabi ko habang iniaabot sa kanila ang mga pasalubong. Gusto ko silang sorpresahin, at sa tingin ko, naging successful naman ako. Yung luha kong ayaw tumigil, kasama na nito ang sakit na nararamdaman ko ng dahil kay ELliot. “Ay sya tara na muna. Magbihis ka muna par

  • Sweet Revenge (Atty. David Loyola)   kabanata 154

    “Ay patay! Napakatalino naman ng ideya mong yan Elliot!” napapaismid niyang sabi. Sarkastiko akong umiling “haist ewan ko, ang tanga tanga ko talaga. Pero tingin mo ba mahal pa rin ako ni Zia?Or shall i say , mahal feelings pa kaya siya sakin?” umaasa akong sasabihin niyang meron akong pag-asa kahit papano kay Zia. “Hay… hindi ko masasagot ang tanong mo. Si Zia lang ang makakasagot sayo niyan, pero sa ngayon mas maiging hayaan mo muna siyang makapag-isip isip.Huwag mo siyang sakalin sa ideyang patawarin ka niya”“Pero Levie, ano sa tingin mo? Alam kong nagsasabi sayo si Zia” nakita ko ang guiltness kay Levie.“Okay, let’s say mahal ka nga talaga niya,. Yung pagpapatawad kasi ang hindi ako sigurado. Saka siyempre dahil sa ginawa mong pagpapahiya sa kaniya, so sa tingin niya hindi mo talaga siya minahal, ang feeling niya ay pinaglaruan mo lang siya.” tugon ni Levie ng may seryosong mukha.Ang sakit marinig ng mga salitang iyon. Pero this time kailangan ko na talagang ibaba ang ihi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status