Hinarap ko na lamang ang ilang mga folders na nasa aking harapan ngayon. Isa-isa ko iyong binasa saka pinirmahan. Narinig ko ang katok mula sa aking pinto. I remember Bea. Oh, gosh! Oo nga pala, nag-email sa akin si Irish ng resignation letter. Si Bea nga pala ang papalit rito. Napasulyap ako sa aking wrist watch. "Come in," tugon ko. Bumukas ang pinto. Iniluwa doon si Bea. Nakayuko ito na tila nahihiya. "Good afternoon, ma'am," bati nito sa akin. Napangiti ako. "Good afternoon, Bea Gonzales! Nice meeting you!" Ngumiti ito sa akin. "Salamat po sa pag-hired sa akin, ma'am. Sisikapin ko po na pagbutihin ang trabaho ko. Maraming salamat po talaga." "Alright, siguro naman ginabayan ka na ng aking assistant at alam mo na ang gagawin mo, right?" "Yes po ma'am. At nagpapasalamat po talaga ako, sige po. Uumpisahan ko na ang trabaho ko." "Bea, pakitimpla ako ng gatas. Salamat," utos ko rito. Napansin kong huminto ito saglit. Pagdaka'y nagpatuloy na sa paglalakad, iniisip siguro n
"Ang sarap, akala ko pa naman kumakain ka nitong Raw Fish Salad. Subukan mo lang, Ziel. Masarap ito," nakangiting saad ko kay Ziel. Hindi maipagkakailang masaya itong kasama ako. "No, thanks!" Napangiti ako sa hitsura ni Ziel. Narito lang naman kami sa isang Lapyahan Restaurant na yari sa matibay na kahoy at nipa-hut. Nakatayo ito sa dagat. Na ang nagsilbing haligi ay matibay na kawayan. Na-amaze nga ako sa naturang lugar. Presko ang hangin, at mayaman sa seafoods talaga. "Thank you, at dinala mo ako rito. Alam mo bang napakaganda ng lugar. At talagang ngayon lang ako nagawi sa lugar na ito. In fairness, ang dami pa lang mga foreigner na narito," nakangiting saad ko kay, Aziel. Inilibot kong muli ang tingin sa buong paligid. Mapapansin din sa lugar na kinaroroonan namin ang isang videoke room. Ilang mga bangka sa gilid, binilang ko ito, it counts five. Nililipad ng hangin ang aking buhok. Ang gaan ng aking pakiramdam. Stress free. "And I'm glad that you like it here. This pla
Hanggang ngayon ay naramdaman ko pa rin ang panginginig ng aking mga kalamnan dahil sa sobrang inis, galit at iba't ibang emosyon na lumukob sa akin. Tumayo ako at uminom ng tubig mula sa water dispenser. Damn! Pumikit ako. Gosh! I need to stay relax! Napahaplos ako sa aking tiyan. Muli, may narinig akong kumatok mula sa aking pinto. Pinapasok ko ito. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aziel. Lumapit ito sa akin at pinakatitigan ako. "Are you, okay?" takang-tanong nito sa'kin. "I'm fine, huwag mo akong alalahanin, Ziel. Si Fei ba ang kumausap sa'yo para puntahan ako rito?" tanong ko naman rito. "No, nagbakasakali ako na puntahan ka rito, hindi kasi kita nakita kahapon. By the way, Irish is fine, now! Pwede na yata siyang magtrabaho ulit bukas. Wala namang nangyari sa kanya." "Mabuti naman kung gano'n, dahil kung hindi ay magbabayad ang bruhang si Kaitlyn sa ginawa niya sa mabait at maganda kong sekretarya!" Halata ang inis sa aking boses na tila nanggigigil. "Rai, may t
Napangiwi sa'kin si Fei. Palibhasa'y hindi nito maatim ang sobrang asim na mangga na kinakain ko, with bagoong. Sarap kaya! "Ang weird pala talaga 'pag buntis, jusko!" palatak ni Fei at nagmamadali na itong pumasok sa loob ng rest house. Naiwan ako sa hardin na panay ang kain ng hilaw na mangga. Masasabi kong, pang-apat na mangga na itong kinakain ko. Pagkatapos ko rito ay magpapahatid ako sa DFI building. Yes, kailangan kong umapak doon para manmanan ang mga kakaibang kilos at galaw ni Orson. Kailangan ko pang kontakin ang FDIC. Kailangan kong protektahan ang pera sa kompanyang pinaghirapan kong ibangon. Pagkatapos kung kumain ay pumasok na ako sa loob at dumiretso sa sink lababo para maghugas ng kamay. Pumanhik sa taas at tinungo ang banyo para mag-toothbrush at magbihis ng disente at kagalang-galang na damit. Pagbaba kong muli sa hagdan. Napasulyap ako kay Fei. Napansin ko ang pagkunot-noo nito. Alam kong hindi ako nito papayagan lalo na at buntis ako. Pero hindi pwede, kai
"Morning! Scuba diving ba tayo ngayon o baka naman nagbago ang isip mo," nakangiting bungad sa akin ni Fei. Naupo ito sa kama na kinaroroonan ko. "Parang wala ako sa mood, nahilo kasi ako kanina. Resulta ng puyat siguro," saad ko rito. "Handa na ang breakfast natin, tara kain na tayo.""Salamat, Fei. Sa lahat ng mga pagtitiyaga mo sa isang katulad ko," seryosong saad ko kay Fei. Pabirong hinampas ako nito. "Loka! Sino pa ba ang magdadamayan. Halika na."Tumayo na ito, napangiti ako. Mula sa malambot na kama ay bumalikwas ako ng bangon at nag-inat. Dumiretso na ako sa banyo para maligo, muli napasulyap ako sa sofa. Napangiti ako nang makita ang ilang damit na inihanda ni Fei. Kaibigan ko nga talaga si Fei. Napaka-swerte ko. Pagkatapos maligo at magbihis, dumiretso na ako sa baba at tinungo ang dining room. Ngunit napasimangot ako nang may maamoy akong hindi kanais-nais. Napatakip ako sa aking ilong. Maya't maya'y biglang naging uncomfortable ang sikmura ko dahilan para tumakbo ako
"Where do you want us to go?" tanong ni Fei sa'kin. "Ikaw na ang bahala, Fei. Kung saan tahimik at walang istorbo. I want a peaceful environment, 'yon ang kailangan ko sa ngayon," sagot ko rito. "Wala akong ibang ma i-suggest sa iyo kundi sa bahay namin sa Batangas. Gusto mo ba ro'n?" "Okay sa'kin ang lugar na 'yon, tahimik at sariwa ang hangin. Gusto ko na munang tumakas sa masalimoot na lugar," tugon ko kay Fei, I let out a deep sigh. "Alright, mabuti nalang at pinalinis ko kanina kay Manag Yoli. Siguro nga kailangan mo na muna ng peace of mind. Pwede ka namang mag-trabaho habang nasa bahay lang, right?" "Yeah, pwede naman. Kaya lang, hindi ko kayang iwan ang DFI sa mga kamay ni Orson. Hindi ko alam kung ano'ng plano niya. Mahirap ng magtiwala ulit, Fei. Kung nakinig lang sana ako sa'yo noon. Kaya lang nangyari na ang lahat, at wala na akong magagawa pa," malungkot kong saad. "So, ano ba talagang balak mo?" "Sa ngayon, gusto ko munang lumayo saglit, kahit ngayong araw l