Share

Kabanata 7

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-05-04 23:38:33

Nagising ako. Pupungas-pungas. Nag-inat sabay hikab. Masasabi kong tila ang ganda ng aking tulog. Napasulyap ako sa bintana. Gumagabi na pala. Matagal bago ako tuluyang bumangon mula sa aking malambot na kama. Napasulyap ako sa balcony ng aking kwarto. Naglakad ako patungo doon. Sinalubong agad ako nang malamig at sariwang-hangin na tumatama sa aking makinis na pisngi at balat.

Mula sa aking balcony, makikita ang malawak na pool. At nakita ko si Noraisa. She was so sexy in her black bikini. Dalagita na nga ito. Napasulyap ako sa kabilang dako kung nasaan si Kier na kasalukuyang papalapit sa mataray at supladang si Noraisa, may dalang tray si Kier na sa tingin ko'y napag-utusan ng ilang kawaksi siguro na ihatid sa may pool side. Napailing na lamang ako. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ni Kier nang mula sa pool umahon ang isang magandang dyosa. What the!

Umalis na ako mula sa balcony. Kailangan kong puntahan ang dalawa. Paniguradong may war na naman. Kilalang-kilala ko na ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sweet Revenge    Kabanata 83

    "Hey, nagulat ba kita?" nahihiyang tanong ko rito pero nakapaskil sa aking mga labi ang kakaibang ngiti. "May I know kung para saan ang halik na 'yon? Ba't parang nabibitin ako?" pilyong tugon ni Orson sa akin. Natawa ako sabay hampas sa kabilang braso nito. "Aba, saan mo ba gusto?" kunway gulat kong tanong dito. Nanatiling ganoon ang aming posisyon. Ang hindi ko inaasahan ay ang walang-gatol na pagsakop ng mga labi nito sa nakaawang kong mga labi. What the! Tila naduling ako sa lapit ng mukha namin. Pumikit ako at ninamnam ang halik na pinagsaluhan namin. Nang may biglang tumikhim dahilan para maitulak ko si Orson ng malakas palayo sa'kin. Damn it! "Nalingat lang ako tinuka mo na ang palay na pinakaiingatan ko?" may halong galit sa boses na iyon ng kapatid kong si Lance. "Kuya, let me explain," ani ko rito. "No, I can handle this, babe," malumanay na saad sa akin ni Orson. "Back off, Mr. Del Fuego! Hera, pumasok ka sa loob, now!" asik ni Kuya Lance. Damn! Wala akong n

  • Sweet Revenge    Kabanata 82

    "HOW about, dito ka na lang mag-dinner," nakangiti kong paanyaya dito. "If it's okay, why not?" tila hindi makapaniwalang tugon nito sa'kin. "By the way, wala bang mga babaeng umaaligid sa'yo habang nakaratay ako sa ospital? Curious lang kasi ako, sa gwapo mong 'yan malabo na hindi ka natukso sa ibang babae," matapang kong tanong dito. "Kung mahal mo ang isang tao at handa kang maghintay, kahit sino pa 'yan, hindi ka kailanman matutukso. Mahirap kalabanin ang damdamin, Hera." Napayuko ako pagkatapos kong tanungin ito. Nilaro-laro ko ang aking mga daliri para alisin ang kaba na nadarama. Damn! "M-mahal mo talaga ako, ano?" medyo nauutal kong turan dito. Pagdakay dahan-dahang nag-angat ako ng tingin dito. Nagtagpo ang aming mga mata. Agad rin akong nagbawi ng tingin at ibinaling iyon sa ibang direksyon. Gusto kong tumakbo sa sobrang tense. "Yes, very much. Lahat kaya kong tiisin, kaya kong maghintay ng gaano katagal para sa'yo. Gusto kong ipakita sa'yo at ipadama na totoo ang

  • Sweet Revenge    Kabanata 81

    Mabuti na lamang at nakahawak ang mga kamay ko sa isang upuan nang makita si Orson. Pinipigilan ko ang sarili na mapasinghap. Napaka-gwapo nito sa suot nitong white polo shirt. At ang Elegant Taper Fade clean-cut nito ay nababagay sa suot nitong damit. My breath hitched. 'Pucha! Please lang self kumalma ka. Tuhod maghunos-dili ka. Maging matatag ka.' Argh! Para lang akong baliw na kinakausap ang sarili. Kainis nga naman, oo. Bakit ba naman kasi ang lakas ng dating nito? Dati hindi naman ganito ang nararamdaman ko. Lihim akong kinikilig nang mapansin ang dala nitong Teddy Bear. Malaki pa yata iyon kay baby Coarth. Speaking of that little boy, bigla ko itong namiss. 'Kumusta na kaya ang bubwit na 'yon? Ewan ko ba pero ang gaan ng loob ko sa batang iyon. Sabagay, magpinsan sila ng dinadala ko ngayon. Normal lang siguro na maramdaman ko 'to. "Good morning, for you," nakangiting turan nito sa'kin sabay abot ng cute na Teddy Bear. Kiyeme ko itong tinanggap mula rito. "Maupo ka, M

  • Sweet Revenge    Kabanata 80

    "Hello, Lance. Galing ka ba sa DFIC?" tanong ni Fei sa kapatid kong si Lance na ngayo'y nakapikit na. Ang aga naman nitong bumalik. Hindi ba maganda ang pakiramdam nito? Pansin kong tila may bumabagabag rito. "Yeah," tipid nitong sagot, pagkatapos ay hinilot-hilot ang sariling sentido. "Are you not feeling well?" tanong muli ng kaibigan ko rito. "C'mon, Ms. Cheng it's too, obvious! Ba't ba kailangan mo pang magtanong?" iritado nitong sagot. "So, masama na ba ngayon ang magtanong?!" sarkastikong saad naman ni Fei rito. Nakikinig lang ako sa dalawa. "You, shut up. Just mind your own business!" asik nito, inis na hinablot nito ang necktie nitong suot. Napasulyap ako kay Fei, ngumiti lang ito sa'kin. Para bang normal lang dito ang ugali na meron ang kuya Lance ko. Ganito ba talaga ito ka suplado at strikto? I'm wondering kung may nililigawan na ba ito. Kawawa naman ang maging girlfriend nito. "Kuya, pwede ka namang sumagot ng maayos. You don't need to-" "Please, Hera! Stop ta

  • Sweet Revenge    Kabanata 79

    "KAILAN mo balak bumisita dito?" tanong ko rito. Lumapad ang ngisi nito. "You amaze me! Honestly, hindi ko inaasahan na itatanong mo sa'kin 'yan." "At bakit naman, ama ka ng ama ko kaya dapat lang na huwag malayo ang loob niya sa'yo kahit pa nga sabihing batid kong ayaw sa'yo ng kapatid kong si Lance," diretsahan kong sagot dito. "I'm afraid no'ng una na baka ilayo niya kayo sa akin. But this time, naging panatag na ang pakiramdam ko. Lalo na at narinig ko mula sa iyo ang mga katagang 'yan. Maraming salamat." "Resposibilidad mo kami at hindi ng ibang tao. Tulad ng sinabi mo, nag-propose ka sa'kin dati hindi ba? Ang tanong ko lang, tinanggap ko ba ang proposal mo? I want an honest answer, Mr. Acosta," matatag kong tanong dito. "No," walang-gatol na sagot naman nito sa'kin. "I see, bakit kita tinanggihan?" muli tanong ko. "Due for, you're not ready. Hindi ka pa handa ng mga panahong iyon. At sinabi mong takot kang masaktan." "I said that?!" bulalas ko rito. "Yeah, walang

  • Sweet Revenge    Kabanata 78

    Hindi ko alam pero panay ang ngiti ko sa narinig mula sa kabilang linya. Kahit pa nga sabihing pilit tumitimo sa aking isipan ang ilang mga sinasabi ni Lance patungkol kay Orson. Pinagmamasdan ko ang naturang kwintas. Napakaganda nito, lalo na ang singsing. Inilapag ko ang sariling cellphone sa malambot na kama at ni-loud speak iyon. Mula sa kwintas ay kinuha ko ang singsing at isinuot sa aking ring finger. At mas lalo akong namangha nang makitang napaka-perpekto nitong tingnan! Bagay na bagay sa aking kamay. Napatutop ako sa sariling bibig. It's pretty! "Ate, dinner is ready." Narinig kong tugon ni Phoebe gamit ang intercom. Tumayo ako at pinindot ang intercom para sagutin ito. Pwede bang pakidala na lang rito ang dinner ko, sis?" ani ko rito. "Alright, ate. Sige po." "Thank you," sagot ko naman. "What are you doing right now?" pagdaka'y narinig kong nagsasalita ang aking cellphone. Saka ko lang naalala na may kausap pa pala ako. "Video call na lang tayo para makita mo ako,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status