Hanggang ngayon ay naramdaman ko pa rin ang panginginig ng aking mga kalamnan dahil sa sobrang inis, galit at iba't ibang emosyon na lumukob sa akin. Tumayo ako at uminom ng tubig mula sa water dispenser. Damn! Pumikit ako. Gosh! I need to stay relax! Napahaplos ako sa aking tiyan. Muli, may narinig akong kumatok mula sa aking pinto. Pinapasok ko ito. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aziel. Lumapit ito sa akin at pinakatitigan ako. "Are you, okay?" takang-tanong nito sa'kin. "I'm fine, huwag mo akong alalahanin, Ziel. Si Fei ba ang kumausap sa'yo para puntahan ako rito?" tanong ko naman rito. "No, nagbakasakali ako na puntahan ka rito, hindi kasi kita nakita kahapon. By the way, Irish is fine, now! Pwede na yata siyang magtrabaho ulit bukas. Wala namang nangyari sa kanya." "Mabuti naman kung gano'n, dahil kung hindi ay magbabayad ang bruhang si Kaitlyn sa ginawa niya sa mabait at maganda kong sekretarya!" Halata ang inis sa aking boses na tila nanggigigil. "Rai, may t
Napangiwi sa'kin si Fei. Palibhasa'y hindi nito maatim ang sobrang asim na mangga na kinakain ko, with bagoong. Sarap kaya! "Ang weird pala talaga 'pag buntis, jusko!" palatak ni Fei at nagmamadali na itong pumasok sa loob ng rest house. Naiwan ako sa hardin na panay ang kain ng hilaw na mangga. Masasabi kong, pang-apat na mangga na itong kinakain ko. Pagkatapos ko rito ay magpapahatid ako sa DFI building. Yes, kailangan kong umapak doon para manmanan ang mga kakaibang kilos at galaw ni Orson. Kailangan ko pang kontakin ang FDIC. Kailangan kong protektahan ang pera sa kompanyang pinaghirapan kong ibangon. Pagkatapos kung kumain ay pumasok na ako sa loob at dumiretso sa sink lababo para maghugas ng kamay. Pumanhik sa taas at tinungo ang banyo para mag-toothbrush at magbihis ng disente at kagalang-galang na damit. Pagbaba kong muli sa hagdan. Napasulyap ako kay Fei. Napansin ko ang pagkunot-noo nito. Alam kong hindi ako nito papayagan lalo na at buntis ako. Pero hindi pwede, kai
"Morning! Scuba diving ba tayo ngayon o baka naman nagbago ang isip mo," nakangiting bungad sa akin ni Fei. Naupo ito sa kama na kinaroroonan ko. "Parang wala ako sa mood, nahilo kasi ako kanina. Resulta ng puyat siguro," saad ko rito. "Handa na ang breakfast natin, tara kain na tayo.""Salamat, Fei. Sa lahat ng mga pagtitiyaga mo sa isang katulad ko," seryosong saad ko kay Fei. Pabirong hinampas ako nito. "Loka! Sino pa ba ang magdadamayan. Halika na."Tumayo na ito, napangiti ako. Mula sa malambot na kama ay bumalikwas ako ng bangon at nag-inat. Dumiretso na ako sa banyo para maligo, muli napasulyap ako sa sofa. Napangiti ako nang makita ang ilang damit na inihanda ni Fei. Kaibigan ko nga talaga si Fei. Napaka-swerte ko. Pagkatapos maligo at magbihis, dumiretso na ako sa baba at tinungo ang dining room. Ngunit napasimangot ako nang may maamoy akong hindi kanais-nais. Napatakip ako sa aking ilong. Maya't maya'y biglang naging uncomfortable ang sikmura ko dahilan para tumakbo ako
"Where do you want us to go?" tanong ni Fei sa'kin. "Ikaw na ang bahala, Fei. Kung saan tahimik at walang istorbo. I want a peaceful environment, 'yon ang kailangan ko sa ngayon," sagot ko rito. "Wala akong ibang ma i-suggest sa iyo kundi sa bahay namin sa Batangas. Gusto mo ba ro'n?" "Okay sa'kin ang lugar na 'yon, tahimik at sariwa ang hangin. Gusto ko na munang tumakas sa masalimoot na lugar," tugon ko kay Fei, I let out a deep sigh. "Alright, mabuti nalang at pinalinis ko kanina kay Manag Yoli. Siguro nga kailangan mo na muna ng peace of mind. Pwede ka namang mag-trabaho habang nasa bahay lang, right?" "Yeah, pwede naman. Kaya lang, hindi ko kayang iwan ang DFI sa mga kamay ni Orson. Hindi ko alam kung ano'ng plano niya. Mahirap ng magtiwala ulit, Fei. Kung nakinig lang sana ako sa'yo noon. Kaya lang nangyari na ang lahat, at wala na akong magagawa pa," malungkot kong saad. "So, ano ba talagang balak mo?" "Sa ngayon, gusto ko munang lumayo saglit, kahit ngayong araw l
Narito ako ngayon sa aking opisina, kasalukuyang nagbabasa ng ilang magazine patungkol sa ilang mga stratehiya kung paano matagumpay na patakbuhin ang negosyo. Mula sa aking mesa ay kinuha ko ang mainit kong brewed coffee at sumimsim. Nang biglang may narinig akong katok mula sa aking pinto. "Yes, come in," saad ko. Nagulat ako nang kumalabog ang naturang pinto at pumasok si Kaitlyn na kasalukuyang pinipigilan ni Irish. "Bitiwan mo akong babae ka! Sasampalin ko lang itong lintik na amo na malandi!" asik ni Kaitlyn, at napatutop ako sa sariling bibig nang itulak nito si Irish. Nauntog ang ulo nito sa pinto. "Oh, gosh! Irish!" hintakutan kong sambit. Bago pa man ako makalapit kay Irish, at bago pa man din ako sugurin ni Kaitlyn, dumating ang tatlong security guard at maagap na pinigilan ang nagwawalang si Kaitlyn. "Please, guard. Si Irish," naluluha kong tugon, gimbal ako nang makita ang duguan nitong ulo. Agad akong lumapit dito. Hinimatay ito. Sumigaw na ako ng tulong. Na
Matapos kong ihatid si Fei dumiretso na agad ako pauwi. Nang makarating sa sarili kong apartment nagulat na lamang ako nang makitang bukas ang puting gate sa aking tinitirhan, at ang pinto sa loob. Lumukob ang matinding kaba sa aking dibdib. Oh, my gosh! Nakita ko rin na may ilang pulis sa labas ng gate at ilang mga kapitbahay ko na halatang naki-Marites. Pinasok ba ng mga magnanakaw ang apartment ko? Ipinarada ko sa gilid ang sariling kotse at umibis mula roon. I need to know what just happened. "Naku hija, inakyat ng tatlong magnanakaw ang apartment mo," tugon ng isang mabait na kapitbahay. Hindi nga ako nagkamali, sinasabi ko na nga ba. Muli, nakaramdam ako nang lungkot. Tiyak kong wala na roon ang ilang pera na pinakatagu-tago ko. Pero okay lang, madali lang namang kitain ang pera. Ang mahalaga, ligtas ako. Mabuti na lamang at wala ako sa loob ng mismo kong apartment ng mangyari ang naturang insedenti. Mula sa bag kinuha ko ang sariling cellphone at tinawagan si Fei. Lihim