FAZER LOGINJames POVMula nang gabing iyon sa apartment ni Lindsay, nagbago ang takbo ng buhay ko. Ang bawat araw ko na dati ay nakatali sa mga stock prices, boardroom meetings, at pakikipag-giyera sa mga kakompetensya ay napalitan ng mga simpleng bagay na may kinalaman sa kaniya.Araw-araw ko siyang sinusundo sa bago niyang trabaho. Hindi gamit ang mamahaling limousine na madalas kong sakyan noon para magpaimpress, kundi ang isang simpleng sedan upang hindi siya mapag-usapan ng mga bago niyang katrabaho. Naghihintay ako sa parking lot, may bitbit na kape o kaya ay paborito niyang tsokolate, sabik na makita ang kaniyang ngiti paglabas ng pinto ng opisina."Ang aga mo yata ngayon, James?" nakangiting bungad sa akin ni Lindsay isang hapon habang papalapit sa kotse."Ayokong maghintay ang reyna ko," sagot ko habang pinagbubuksan siya ng pinto. Sa tuwing nakikita ko ang kaniyang mukha na wala na ang bakas ng takot at pagod, pakiramdam ko ay ako ang pinakamayamang lalaki sa mundo—higit pa sa anom
Three Months Later...Lindsay POVInayos ko ang kwelyo ng aking simpleng white dress habang nakatitig sa salamin. Wala na ang mga pasa sa aking braso. Wala na ang pamamaga sa aking mga mata. Ang tanging natira na lang ay ang mas matatag na bersyon ng babaeng hinarap ang sarili niyang impiyerno tatlong buwan na ang nakalilipas.Matapos ang araw na iyon, pinili kong lumayo pansamantala. Nag-resign ako sa Vanguard at nag-focus sa pagbuo muli ng aking sarili. Si James? Hindi niya ako kinulit. Pero araw-araw, may natatanggap akong simpleng mensahe mula sa kaniya—nagbabalita ng kaniyang araw, nagtatanong kung kumain na ako, at nagpapadala ng mga bulaklak na walang kalakip na anomang kapalit. Hinayaan niya akong huminga. Ipinadama niya sa akin ang respeto na matagal kong hinanap.Narinig ko ang marahang kumatok sa pinto ng aking apartment. Nang buksan ko ito, si James ang bumungad sa akin.Hindi na siya ang malamig at mayabang na CEO na nakilala ko noon. Bagamat de-suwelas pa rin ang ka
Lindsay POV "Okay ka lang?" agad na tanong ni James, ang kaniyang boses ay puno ng panginginig at matinding pag-aalala habang hinahawakan ang magkabila kong braso. Pilit niyang sinisilip ang aking mga mata, sinusubukang basahin kung anong nangyari sa loob ng saradong silid na iyon. Tumango ako nang dahan-dahan, bagamat ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod at ang pait na nananatili sa aking sistema. "James... gusto ko muna umuwi sa apartment ko," mahina kong sabi, hindi tumitingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "Gusto ko muna mapag-isa. Please." Nakita ko ang pag-aalangan at lungkot sa mukha ni James. Alam kong gusto niya akong samahan, gusto niya akong alagaan, ngunit naramdaman niya rin ang bigat at ang pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa sa sandaling ito. Kailangan ko ng espasyo para huminga, para hugasan ang dumi ng nakaraang ilang oras, at para pag-isipan ang lahat. "Sige," tumango siya, ang kaniyang boses ay mababa at sumusuko sa aking kagustuhan. "
James POVNapatitig ako kay Lindsay. Ang kaniyang mga mata, bagamat pagod at puno ng latay ng trauma, ay may determinasyon na hindi ko inaasahan. Sa lahat ng ginawa ko sa kaniya—sa paggamit ko sa kaniya para turuan ng leksyon ang anak ko—hindi ko akalaing dito pa rin magtatapos ang lahat. Na magagawa niya pa rin akong mahalin sa kabila ng dumi ng mundong ipinalamon ko sa kaniya."Gusto mong kausapin si Jake?" tanong ko, ang boses ko ay puno ng pag-aalangan. "Lindsay, nakita mo kung anong kaya niyang gawin. Wala na siya sa tamang pag-iisip. Desperado siya. Ang pag-leak ng video na 'yon ay gawa ng isang taong handang sumama sa paglubog ng barko, basta makaganti lang.""Kailangan, James," mahina ngunit madiin niyang sagot. "Kung hindi natin ito tatapusin ngayon, habambuhay tayong hahabulin ng galit ng anak mo. At habambuhay mo ring pasan ang guilt na ikaw ang lumikha sa kaniya."Huminga ako nang malalim. Tama siya. Ako ang nagpalaki kay Jake na may paniniwalang ang kapangyarihan at p
Lindsay POVNapatigil ako. Ang mga salita ni James ay tila isang malamig na buhos ng tubig na nagpatahimik sa akin. Tiningnan ko ang kaniyang mga mata, naghahanap ng anomang bakas ng kasinungalingan, ngunit ang nakita ko lang ay ang matagal nang nakabaon na pait at sugat ng isang lalaking tinalikuran."Kaya ba ganyan si Jake sa mga babae?" mahina kong tanong, unt-unting nagdurugtong ang mga piraso ng puzzle sa isip ko. "Kaya ba galit siya sa mundo? Dahil akala niya lahat ng babae, katulad ng nanay niya?""Hindi ko siya ginawang ganiyan, Lindsay," seryosong sagot ni James, humakbang siya pabalik sa gilid ng kama ko. "Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng karangyaan para hindi niya maramdaman na kulang siya. Pero ang hindi ko alam... ang sugat na iniwan ng nanay niya, naging lason na pala sa utak niya. At ngayon, ikaw ang ginagawa niyang sandata para saktan ako, dahil alam niyang ikaw ang kahinaan ko.""Kahinaan?" Isang mapait na tawa ang kumawala sa labi ko. "Huwag mo akong patawanin,
Lindsay POV Halos hindi ko na maasinta ang aking nilalakaran habang tinatahak ko ang pribadong hallway ng top floor. Doon, sa tapat ng VIP elevator, nasalubong ko si James. Bitbit niya ang kaniyang mga natitirang gamit, pinaliligiran ng dalawang security escort. Noong una, malamig ang tingin niya sa akin—punong-puno ng poot at sama ng loob dahil sa pagtalikod ko sa kaniya sa board room. Ngunit nang tuluyan akong makalapit, biglang napako ang kaniyang paningin sa aking mukha. Nagbago ang ekspresyon niya nang mapansin ang magang-maga kong mga mata, ang mga napunit na butones ng aking blouse, at ang gulu-gulo kong ayos. For the first time... nakita ko sa mga mata ng isang James Green ang tunay na pag-aalala. "Lindsay... anong nangyari sa'yo?" bakas ang gulat sa kaniyang boses, at agad niyang binitawan ang hawak niyang briefcase. "Ano ang ginawa sa'yo ni Jake?!" Lumapit siya sa akin at natatarantang hinawakan ang aking dalawang balikat. Ang kaniyang hawak ay hindi tulad ng







